Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Pakawalan mo ako, Mr. Hill
Pakawalan mo ako, Mr. Hill
[Aksidenteng nakipaglandian sa isang maalamat na kilalang tao, desperado siyang humingi ng tulong sa internet.] Matapos pagtaksilan ng hayop at ng kanyang ate, si Catherine ay sinumpa na maging tita ng walang hiyang couple! Dahil dito, nagkaroon siya ng interes sa tito ng kanyang ex-boyfriend. Huli na ng malaman niya na na ito ay mas mayaman at mas gwapo kaysa sa kanyang ex-boyfriend. Simula noon, siya ay naging romantikong asawa sa tito ng kanyang ex-boyfriend at laging nakipaglandian sa kanya. Kahit na ang lalaki ay hindi siya pinapansin, wala siyang pakialam hanggat magawa niyang mapanatili ang kanyang pagkatao bilang tita ng kanyang ex-boyfriend. Isang araw, biglang napagtanto ni Catherine na nakikipaglandian siya sa maling tao! Ang lalaking kanyang nilalandi ay hindi tito ng kanyang hayop na iyon! Nabaliw si Catherine. “Ayoko na. Gusto ko na ng divorce!” Si Shaun ay wala ng masabi. Ang iresponsable niyang babae! Kung gusto niya na kumuha ng divorce, kung gayon mangarap na lang siya!
9.5692.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
KUNG AKO AY IIBIGIN MO
KUNG AKO AY IIBIGIN MO
Dalagita pa lamang ang maganda at matalinong si Helena Montenegro nang maulila siya sa mga magulang. Ganoon pa man, hindi siya pinabayaan ng abuela niya na si Doña Amanda. Itinaguyod siya nito ng buong pagmamahal. Itinuro nito sa kan'ya ang lahat ng aspeto sa buhay kaya naman naging matagumpay si Helena sa halos lahat ng larangan. Isa lang ang hindi niya nagawang pagtagumpayan. Ang usapin ng kan'yang puso, na nalinlang ng lalaking pinagtiwalaan niya. Iniwan siya nitong nagdadalangtao. Pero hindi papayag si Helena na malugmok siya sa kabiguan lalo at magiging dahilan iyon ng kamatayan ng lola niya. Humanap siya ng lalaking mananagot sa kalagayan niya. Kahit bayaran niya ito ng malaking halaga. At iyon ay si Markus Angeles. Isa sa kan'yang ordinaryong empleyado lamang. Si Markus na tinanggap ang alok ni Helena hindi dahil nasilaw siya sa kaginhawahang inalok nito kun'di dahil sa dahilang matagal niya nang minamahal ang babaeng amo. Nagsama sila sa iisang bubong. Hanggang isang araw, natuklasan ni Helena na umiibig na rin pala siya kay Markus lalo at natuklasan niya na hindi siya nagkamali ng pagpili rito. Ngunit hindi nila iyon mabibigyan ng katuparan. May bumalik at dumating na hadlang. Pilit na hahadlang sa kaligayahan nila ang unang pag-ibig ni Helena. At may nakahanda ring sumilo sa puso ni Markus. Sa huli, mananaig ang pag-ibig nila sa bawat isa. At iyon ang magsisilbi nilang kalasag laban sa mga hadlang na pilit pinaglalayo ang kanilang mga puso.
104.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang
Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang
Si Alexandria Saavedra— Maangas. Basagulera. Walang trabaho. May bisyo. Matigas pa sa adobe ang puso. Higit sa lahat, galit sa mundo. Lalo na sa sariling amang ginamit lamang siya para sa pansariling pangangailangan... Hanggang ang magulo niyang mundo ay binulabog ni Heiz Mikael. Isang binatang basta na lamang sumusulpot sa t'wing nasa panganib ang kanyang buhay. Sa pagdating ni Heinz sa kanyang buhay, 'di inaasahan ni Alexandria na pati na ang nananahimik niyang puso ay ginulo ng binatang ito. . . Sa unang pagkakataon, ang pusong niyang kasintigas ng adobe ay napalambot nito. Subalit isang araw, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya ang totoong dahilan nang biglang pagsulpot nito sa kaniyang buhay...
1020.7K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Binili Ako ng CEO
Binili Ako ng CEO
BINILI AKO NG CEO (BOOK 1)- COMPLETED PAG-AARI AKO NG CEO (BOOK 2)- COMPLETED ASAWA AKONG CEO (BOOK 3)- COMPLETED 'Once you sign the paper, you are already bound by him. There’s no escape, only death. ’ Online purchasing ay madali lang gawin. Add to cart and place the order. Lorelay Sugala ay isang anak na kailangang humanap ng kalahating milyon pampa-opera sa kapatid niya. Sa bayan nila ay may isang lalaking tinatawag ng lahat na ‘madman’. Ayon dito, isa itong baliw na matanda na nakatira sa malaking bahay sa kanilang lugar. Ang sinasabi nilang "madman" ay naghahanap ng mapapangasawa na sasamahan siya sa buhay. Maraming nag apply dahil sa malaking pera na kapalit. Isa na doon si Lorelay. Sa daan-daang babae na nag-apply, siya ang napiling e purchase ng madman na kilala sa tawag na Ho Shein o Mr. Shein. Nang malaman ni Lorelay na siya ang napili ni Mr. Shein na pakasalan ay pumayag agad ito na ikasal sila ng alkalde ng kanilang lugar sa lalong madaling panahon. Ang hindi niya alam, ang taong madman na sinasabi ng bayan ay isa palang mayamang binatilyo na nagtataglay ng angking kagwapuhan ngunit may madilim na nakaraan. Online purchasing ay madali lang gawin. Add to cart and place the order. But was everything just a coincidence? Or was it meant to entice her into a trap?
10147.9K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Kahit Ayaw Mo Na
Kahit Ayaw Mo Na
“Ayokong makiusap sa ‘yo na mahalin mo uli ako, kahit hindi na ay ayos lang. Mamahalin pa rin kita kahit ayaw mo na.” Walang pag-aalinlangang hiniwalayan ni Lilah Daza ang kanyang dalawang taon nang kasintahan na si Alester Hernandez dahil sa pag-aakalang hindi niya ito mahal. Pakiramdam din kasi niya ay pinapaasa lang niya ito sa wala. Pero isang araw, aksidente niyang nakita si Alester na may kasamang ibang babae. Sa kanyang tingin ay nagkakamabutihan na ang mga ito. At hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit siya nasasaktan gayong wala naman na silang ugnayan pa ng lalaki. Huli na nang mapagtanto niya kung ano ang tunay na nararamdaman—na mahal niya si Alester at nagsisisi siya kung bakit pinakawalan niya ito nang gano’n-gano’n lang. Ano ang gagawin niya para maibalik sa kanyang piling ang lalaking minsan niyang nasaktan nang sobra? Meron pa nga bang pagkakataon na maiparamdam niya kay Alester ang kanyang tunay na nararamdaman para dito? O mananatili na lang itong masakit na aalala na habang-buhay niyang pagsisisihan?
1037.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Asawa Ako ng CEO
Asawa Ako ng CEO
WHAT IF? You seduced the wrong person. What do you think will happen next? Zeym wants Sico to stop pursuing her, so she hired Rachelle Remadavia to seduce Sico so that he won't bother her anymore; she loves someone else, and that is Lyrico "Rico" Shein. In exchange for a million, Rachelle agreed to seduce Sico but in an unexpected turn of events, Rachelle ended up seducing Sico's twin brother, whom Zeym was in love with. Magkakaroon ba ng pag-ibig sa pagitan ni Rachelle at Rico? O magugulo lang ang buhay nila dahil kay Zeym?
9.949.6K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Nabuntis Ako ng Bilyonaryo
Nabuntis Ako ng Bilyonaryo
Si Tallulah 'Tali' Lopez, gagawin niya ang lahat para lang makuha at mapaibig ang isang gwapo at masungit na si Gael Ramirez, ang lalaking mahal niya at hindi niya kayang mawala. Desperada na siyang makuha ang binata kaya naman ibinigay niya ang sarili niya rito nang gabing lasing ito para tuluyan itong matali sa kaniya ng habang buhay. Dahil nagbunga ang gabing iyon, wala nang nagawa pa si Gael kung 'di ang pakasalan siya ngunit nang malapit na ang kanilang kasal, bigla na lang naglahong parang bula ang binata at hindi na bumalik. Walong taon ang nakalipas, bumalik si Gael Ramirez na dala ang galit at poot sa kaniya. Bumalik ito bilang isang bulag na bilyonaryo at naging personal caregiver siya ng binata. Babalik pa kaya ang dating pagmamahal ni Tali sa binata gayong ikakasal na siya sa kaibigan nitong si Kendric? Muli pa kaya itong makakakita at matatanggap pa ba siya nito gayong siya ang dahilan kung bakit ito nabulag?
1048.2K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Pag-aari Ako ng CEO
Pag-aari Ako ng CEO
BINILI AKO NG CEO (BOOK 1)- COMPLETED PAG-AARI AKO NG CEO (BOOK 2)- COMPLETED ASAWA AKONG CEO (BOOK 3)- COMPLETED WARNING!! "Once you sign the paper, you are already bound by him. There's no escape only death." After Lorelay learned the truth, she decided to leave Mr. Shein without letting him know the babies on her womb. Nabuo ang galit sa puso niya pagkatapos niyang malaman ang kaugnayan ng asawa niya sa pumatay sa kaniyang itay noon. So she needs time to heal and needs time to reflect. After she spent her last night with her husband, she decided to leave without leaving any traces behind. Because of her disappearance, maraming pagsubok ang dumaan sa kanila. Many third parties involve na naging daan kung bakit napagdesisyunan ni Lorelay na huwag ng bumalik sa asawa. After 5 years, Lorelay is back. With the lawyer in front, she signed the contract stating that she'll be Mr. Shein's assistant kapalit ang isang milyon. Lorelay knew that the contract is not on her favor. She knew what will gonna happened to her while staring at Mr. Shein's cold eyes. Gone with the loving husband. Gone with the caring husband. All she can see now is the ruthless, and cold-hearted CEO. 'Para sa mga anak ko at kay auntie Lorena, lahat ay gagawin ko.' Ang sinasabi ni Lorelay sa isipan niya habang tinatahak ang daan papunta sa asawa niyang minsan na niyang nilayasan. She’s back in his husband’s embrace, knowing that she’ll taste his wrath for leaving him 5 years ago.
9.891.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Binihag Ako ng CEO
Binihag Ako ng CEO
"I've loved you, but I'm sorry I fell out of love." Sico loved Zeym for a long time. He wanted to make a family with her, but Zeym is incapable of bearing a child. That's why they decided to go into surrogacy, and Sico chose Elizabeth Revajane to be their surrogate mother, who loved him secretly. Ngunit matapos ipanganak ni Eli ang anak ni Sico, hindi niya gustong ibigay ang bata dito kaya tumakas siya at hinahanap siya ni Sico. Gusto niyang makuha ang bata to make Zeym happy but in an unexpected turn of events, Sico has fallen for her. Will he still take his child from Eli and go back to Zeym? Or will he choose to stay and start a new family with Eli?
7.620.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Wag mo akong mahalin
Wag mo akong mahalin
gagawin lahat ni scarleth para kanyang ina na may taning na ang buhay. Naging bayaran at nakuhang ibinta ang dangal para hahaba ang buhay ng ina. Nabuntis pero agad din binawi sa kanya dahil sa pagtangka ni Rain gahasain siya. Naging kabit ni Lucas. Dahil sa inggit namuo ang plano ni Rain kunin ang lahat ng meron kay Lucas. Hanggang lumabas ang tunay na pagkatao ni Scarleth para ipagtanggol ang pangalawang anak nila ni Lucas na ngayon ay hawak ni Rain. Hindi iniisip kong gaano kalaki ang sendikatong binabangga niya. Basta para kay Scarleth pagbabayarin ang may sala sa batas lalo na sa kanyang pamilya.
1.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
123456
...
13
DMCA.com Protection Status