Twisted Fate with the Disguised Billionaire
Siguro, gusto talaga ng Diyos na isang bagsakan na lang ang lahat para sa akin, para sa atin.
Inumpisahan kong sabihin sa kanya ang tungkol sa promotion namin ni Benedict. Kung paano nagbago ang pakikitungo sa akin ng lalaki simula nang malaman niyang magkalaban kami sa promotion. Hanggang sa parang ice cream na natunaw, nag-aya siyang mag-date. Paano ako pinainom at paggising ko, nandoon ako sa isang hotel, masakit ang katawan at pagkababae. Ilang buwan ang lumipas nang malaman kong buntis ako at sinisisi akong niloko. Inaway at pinahiya ako sa mga katrabaho namin, mga litrato na wala namang isyu pero nilagyan niya ng isyu, na iba’t ibang lalaki ang kasama ko. Hanggang sa natanggalan na ako
Bab Populer