LOVE RETURNS WHEN SEPARATED
Sa loob ng tatlong taong pagsasama ay tunay na pagmamahal ang ipinaramdam ni Agatha Dela Cruz-Ibañez sa asawa niyang si Daniel Ibañez. They were childhood friends kaya nang sinabi ng mga magulang nila na sila ay magpapakasal ay hindi siya tumutol doon. Bagkus ay tinanggap niya iyon ng buong puso dahil umaasa siya na mamahalin din siya ng kaniyang kaibigan.
Nawasak ang ilusyon niya nang direktang sinabi sa kaniya ni Daniel na wala siyang maaasahan dahil may iba nang nagmamay-ari sa puso nito. Ang mas masakit ay gagamitin ni Daniel ang arranged marriage nila upang pagselosin ang first love nito.
Agatha tried everything to make him fall for her. She became the best housewife for him by giving up her booming career. She stayed by his side kahit na ilang beses pa siya nitong ipagtabuyan.
“Hinding-hindi ako papayag na magkaanak tayong dalawa. You are free to choose kung anong uri ng abort10n ang gagawin mo. Ang mahalaga lang sa akin ay hindi iyan mabubuhay upang tawagin akong ama,” iyon ang katagang binitawan ni Daniel noong nalaman nito na sinabi niya na siya ay buntis.
Labis na nasaktan si Agatha sa sinabi ni Daniel. Sapat na iyon para tuluyan niyang bitawan ang kasal na siya lang ang may gusto.
Isang mapait na ngiti ang ibinigay niya sa asawa, “Kung ayaw mo sa bata ay wala na akong magagawa. Tapos na ako sa responsibilidad ko sa iyo bilang iyong asawa,” sabi niya bago pa man niya hinubad ang wedding ring na matagal din niyang iningatan.