Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Unfulfilled Love

The Billionaire's Unfulfilled Love

Pagmamahalang langit at lupa. Ganyan kung ilarawan ni Hershey Mae Mendoza ang pangalawa niyang pag-ibig na si Frich Yuan Lim Guerrero, pinsan ng dati niyang kasintahan na si Alex. Kabilang lamang sa ordinaryong pamilya sa probinsya ng Cavite si Hershey. Mula naman sa kilalang angkan ng mga bilyonaryo sa China ang pamilya ni Yuan kaya malaki ang pagtutol ng mga magulang nito sa pagmamahalan ng dalawa. Para sa mga magulang ni Yuan, ay dapat mayamang babae rin ang makatuluyan niya na salungat sa estado ng buhay ni Hershey, kaya naging malaking hadlang ang mga ito sa kanila. Nagsimula ang istorya nila Hershey at Yuan nang magkaroon ng pagkakataong mag-aral ang dalaga sa De La Salle University-Dasmariñas, isa sa pinakasikat na paaralan sa Pilipinas na tanging mayayaman lamang ang may kakayahang makapag-aral. Sa pag-aakala ni Hershey na si Alex na ang kanyang tunay na pag-ibig ay nakaramdam siya ng labis na kalungkutan at pagkabigo nang magkasakit ito sa puso at napili siya nitong iwan at umalis ng bansa. Nagkahiwalay sila at doon niya nakilala si Yuan, na nabigo rin sa kanyang dating pag-ibig na si Hani. Nagtagpo ang landas nila Hershey at Yuan sa hindi inaasahang pagkakataon. Naging sandalan nila ang isa’t isa at hinilom ng pagmamahalan nila ang mga puso nilang labis na nawasak. Subalit ang relasyong unti-unting nabuo ay nagdulot lamang ng napakaraming balakid. Paulit-ulit kasing pinamumukha ng kapalaran sa dalawa ang agwat ng estado nila sa buhay at ng mga taong nais manggulo sa kanilang pag-iibigan, mga trahedyang hindi inaasahan at pag-asang panandalian lang. Paano kung bumalik ang pag-ibig nila mula sa nakaraan, at handang kalabanin ang kasalukuyan? Ipaglalaban ba nila ang kanilang pagmamahalan? Patuloy pa rin kaya silang kakapit sa pag-iibigang pinagbabawal? O hahayaan nalang nilang sumaya ang isa't isa sa piling ng iba?
Romance
104.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Little Secret: Love After the Ruin

The Billionaire's Little Secret: Love After the Ruin

Limang taon ng matinding pag-ibig ang nagwakas sa pinakamapait na paraan. Iniwan ni William Ferrer si Erin sa araw mismo ng kanilang kasal—para sagipin si Menchie, ang kababata nitong nagtangkang magpakamatay. Sa puntong iyon, napagtanto ni Erin ang isang masaklap na katotohanan: hindi niya kayang tunawin ang pusong yelo ni William. Buong tatag niyang tinapos ang lahat ng koneksyon sa lalaki at nilisan ang Cebu, patungong Maynila upang magsimula ng bagong buhay. Ngunit sa isang gabing puno ng alak at pangungulila, napunta siya sa isang hindi inaasahang sitwasyon—nagising sa kama ng isang cold-hearted billionaire na kaaway pa ng kanyang kapatid na si Randell. Walang iba kundi si Blake Gener! Sa pagsikat ng araw, tahimik siyang gumapang papalayo upang makatakas sa lalaki. Ngunit bago pa man siya makalayo, hinatak siya pabalik sa kama ng lalaki. Ang tinig ni Blake, mabagal at mapanukso, ay bumulong sa kanyang tainga, habang ang mga daliri nito ay dumadampi sa sariwang marka ng kiss mark sa sariling leeg: “My Little Erin.., akala mo ba makakatakas ka matapos mo akong angkinin? Hinalikan mo ako nang ganito— kailangan mo akong panagutan.” Sa mataas na lipunan ng mga mayayaman, kilala si Blake, ang nagmamay ari ng B&G corporation, bilang isang lalaking malamig at aloof. Ngunit walang nakakaalam ng kanyang lihim—ang kanyang pagmamahal sa kapatid ng kanyang mortal na kaaway. Mula noong may mangyari sa kanila ni Erin, bumaba siya sa kanyang pedestal. Ang paghanga ay nauwi sa obsesyon. Bilyun-bilyon ang ginastos niya para bilhin ang isang buong isla para lamang sa babae. Gulat man, hindi naiwasang magtanong ni Erin sa lalaki.. “Bakit ginagawa mo ang lahat ng ito para sa akin, Blake?” “Para sayo, my Little Erin.. Handa akong magpakababa, at bilhin ang mundo, basta, mahalin mo rin ako..”
Romance
10120 viewsOngoing
Read
Add to library
An Everlasting Love (Book 1 & 2)

An Everlasting Love (Book 1 & 2)

Babz07aziole
"Sa larangan ng pag-ibig ano ang makakaya mong isakripisyo para sa kapakanan ng iyong minamahal?" Si Armina Deo Gracia at Xander Luis Montenegro, pinagtagpo sa maling panahon. Nagkaroon man ng kanya-kanyang pamilya ay nanatili ang pag-ibig nila sa isa’t isa. Hanggang dulo... Si Katherine Salcedo at Ivan Sammuel Stevenson, apo ng yumaong Armina at Xander Luis. Pinagtagpo at kusa nilang nasumpungan ang pag-ibig sa bawat isa kahit na magkaiba ang estado nila sa pamumuhay at marami ang humahadlang. Magiging katulad din ba ng kanilang namayapang abuela at abuelo ang kanilang pag-iibigan? Sa panahong malupit ang kapalaran, magkakaroon ba ng pag-asa ang kanilang pag-iibigan? Kaya bang mapanindigan ang wagas na pagmamahal kung ang alaala nila’y maaaring mahadlangan ng kanilang pagitan sa nakaraan?
YA/TEEN
5.9K viewsCompleted
Read
Add to library
My Assistant, My Secret Husband

My Assistant, My Secret Husband

Only child si Honey Jane  De Guzman. Kaya di nakapagtataka na lahat ng gusto niya ay makakakuha ng di na kailangang magbanat ng buto. Spoiled sa magulang at higit sa lahat ay napaka-care free niyang babae.  Ngunit paano kung isang araw bigla na lang siyang mawawalan ng magulang dahil sa isang aksidente na siyang sanhi ng pagpanaw ng mga ito?  At paano kung malaman niya na inihahabilin siya ng kanyang ama sa executive assistant nito na sobrang seryuso, expressionless, nonchalant na si Zacharias Joey Macapagal? At ang mas masaklap pa ay kailangan niya itong pakasalan upang makuha ang mana at ang pagiging CEO niya sa kumpanya? Makakatagal kaya ang isang makulit na si Honey Jane  sa isang introvert na si Zacharias? 
Romance
616 viewsOngoing
Read
Add to library
Mister Billionaire's Sunshine

Mister Billionaire's Sunshine

Si Lirah Sarmiento, isang haciendera at masunuring anak. Wala siyang ibang ginawa kundi sundin ang mga inuutos ng mga magulang at kapatid para lang makuha ang inaasam na pagmamahal ng mga ito. Kahit na ang magpakasal sa isang lalakeng hindi naman niya kilala para lamang mailigtas ang kanilang kompanya.. Si Matias Gomez, ang panganay na anak ng mga Gomez. Isang bilyonaryong bigo sa pag-ibig. Lumaki siyang may galit sa mga magulang dahil gusto ng mga itong maging perpekto siya bilang tagapagmana ng kanilang mga ari-arian. Kahit na pati sa magiging asawa niya. Dalawang tao na may magkaibang katauhan. Parehas na pinagkaitan ng pagmamahal. Magawa kaya nilang mahanap ang pag-ibig na kanilang inaasam sa piling ng isa’t isa?
Romance
910.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Marry Him At The Age Of Eighteen

Marry Him At The Age Of Eighteen

Hindi naisip ni Charlotte na sa edad na labing-walo ay magkakaroon agad siya ng asawa— lalo na sa kaibigan ng kanyang kapatid, ang seryoso at mapalinlang na si Elijah. Sa isang gabi na puno ng tensyon at luha, nauwi ang lahat sa kasal. Matatali si Charlotte sa lalaking hindi pa niya lubos na kilala kahit pa kaibigan ito ng kanyang kuya. Sa pagsasama ng dalawa maraming lihim si Elijah na mabubunyag, at maging si Charlotte dahil may nabuo sa kanyang sinapupunan. Ngunit ang lahat ay hindi matatahimik dahil sa isang babae na handang gawin ang lahat para lang sa pagmamahal ni Elijah. Magkaroon kaya ng pagbabago habang nagsasama sila, o mauuwi ang lahat sa trahedyang hindi inaasahan ng lahat?
Romance
1035.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Possessive Prince

The Possessive Prince

Ako si Skyler Dela Rio ang nag-iisang slave ni Prince Alexander Monte Verde Matalik kaming magkaibigan simula pagkabata dahil ako ay isa ring prinsipe noon na anak ng hari at reyna ng Kaharian ng Dela Rio ngunit nagbago ang takbo ng lahat simula noong mamatay ang aking mga magulang. Kinupkop ako sa kaharian ng Monte Verde at nagtrabaho bilang slave ng prinsipe Magkaibigan kami ngunit hindi niya alam na higit pa sa kaibigan ang nararamdaman ko para sa kaniya Paano kaya kapag nalaman niya ang tungkol sa nararamdaman ko para sa kaniya? Susuklian niya ba itong pagmamahal ko sa kaniya o ipagtatabuyan niya ako sa kaharian? Basahin kung ano ang magiging takbo ng aming storya!
LGBTQ+
912.4K viewsCompleted
Read
Add to library
exclusively Yours

exclusively Yours

Hindi akalain ni Alexa Perez na makakaranas siya ng pagtataksil mula sa dalawang tao na malapit sa kanyang puso. Ikakasal na siya at ang nobyo niya nang madiskubre niyang may lihim itong relasyon sa kanyang matalik at nagiisang kaibigan. Dahil sa sakit na dulot ng pagtatasil ng nobyo ay naisipan niyang maghiganti rito. Nangahas siya na akitin at ialok ang kanyang sarili sa isang gwapo at batang tiyuhin ng kanyang nobyo. Hindi pinagsisihan ni Alexa ang nagawa niya, kahit na ang lalaki na binigyan niya ng kanyang kapurihan ay bigla siyang iniwasan. Sa araw mismo ng kanyang kasal ay hindi lumitaw si Alexa, bigla na lang siyang naglaho dala-dala ang isang munting bagay na siyang magbabago ng buong buhay niya.
Romance
9.94.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Su Ultima Vida (His Last Life)

Su Ultima Vida (His Last Life)

Poetress
Dalawang taong pinagtagpo muli sa panahon kung saan sila unang nagkita at nagkahiwalay ng may hindi natupad na pangako. Mauulit kayang muli ang mapait na katapusan ng kanilang kuwento o ito na ang tamang oras upang tuparin ng tadhana ang huling kahilingan ng kanilang pag-ibig?
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Pangarap na Kasama Ka

Pangarap na Kasama Ka

Remelia Alvarez, isang babaeng malaki ang pangarap sa buhay kaya ginawa niya ang lahat para lang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho. Kahit na anumang paghihirap at pagsubok aang dumating sa buhay niya, hindi siya nawalan ng lakas ng loob para maabot ang pangarap niya.
Romance
5.53.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4445464748
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status