Si Maria Lagdameo ay naglalakbay sa masalimuot na mundo ng pag-ibig,pagtataksil, at pagkakanulo. Bilang matagal nang kasintahan ni Roland Espedilla, ibinuhos ni Maria ang kanyang puso at kaluluwa para sa kanyang nobyo naniniwalang ang kanilang pagmamahalan ay totoo . Ngunit sa likod ng ngiti at pangako, nagtatago ang madilim na katotohanan: ginagamit lamang siya ni Roland para sa kanyang bisyo at mga kapritso. Noong naharap si Roland sa matinding problema sa pera at nagiit sa malaking pagkakautang, nagdesisyon siyang ipagbili si Maria sa isang may-ari ng bar, na tila isang masamang bangungot na walang katapusang pagsubok. Inaasahan ni Maria ang isang romantikong date at pagpakilala sa mga kaibigan ni Roland, ngunit ang tunay na layunin ng gabing iyon ay magpapabagsak sa kanyang mundo at kasabwat pa ang matalik na kaibigan na si Rowena at kalaguyo ni Roland na 'di niya inaasahang magagawa ito sa kanya. Nang biglang magbago ng takbo ng mga pangyayari, natagpuan ni Maria ang sarili sa isang sitwasyon ng panganib at pagsisisi, na nagdudulot ng isang gabing tutukuyin ang kanyang kapalaran at pagkakaroon ng isang One-night-stand sa isang napakagwapong estranghero na 'di niya inaakala ay isang CEO ng naglalakihang RTW Chain ng bansa at inaakala siyang isang bayarang babae. Sa kanyang pagbabalik sa Cebu, upang makalimot sa madilim na nakaraan at bagong panimula ay natuklasan niyang buntis siya at bunga ng isang gabi ng isang estranghero-isang bagong simula sa gitna ng pagkawasak. Ngunit ang kanyang kwento ay hindi dito nagtatapos. Sa muling pagkikita nila Kean Ambrosio, ang makapangyarihang CEO ng Klean RTW at ama ng kanyang dinadala, nag-uumpisa ang paglalakbay sa pangalawang pagkakataon ng pag-ibig ni Maria. Paano niya haharapin ang kanyang nakaraan at ang mga alaala ng sakit na dulot ni Roland at Rowena? Makakaya bang magmahal at magtiwala ulit ni Maria sa katauhan ni Kean?
View MoreSi Maria Lagdameo ay isang tahimik at simpleng dalaga, lumaki sa pangangalaga ng mga madre sa isang ampunan sa Cebu. Natagpuan siya sa isang basket sa labas ng simbahan noong siya’y sanggol pa lamang, walang kasama at walang anumang pagkakakilanlan. Si Sister Teresa, ang madre na kumupkop sa kanya, ang naging ina at gabay niya sa buhay. Pinalaki siya ng mga madre na may malasakit at pagmamahal, at bagaman wala siyang kaalaman tungkol sa kanyang tunay na mga magulang, hindi kailanman naramdaman ni Maria na kulang siya sa pamilya.
Nang siya’y labindalawang taong gulang, isang malaking pagbabago ang dumating sa kanyang buhay. Kinailangang lumipat sila ni Sister Teresa sa Maynila dahil sa mas magandang oportunidad sa edukasyon ni Maria. Doon siya nakapag-aral sa isang prestihiyosong paaralan, kung saan nagsimula ang lahat.
Sa unang araw niya sa sekondarya, halos hindi alam ni Maria kung saan siya magsisimula. Bagong mukha, bagong lugar—ang tanging kilala lang niya ay si Sister Teresa. Habang naglalakad siya papasok sa silid-aralan, bigla siyang natigilan nang marinig ang isang pamilyar na pangalan.
“Roland Espedilla, ipasa mo na ang attendance!” sigaw ng guro. Napatingin siya sa harapan, kung saan isang binata na may maamong mukha ang tumayo at naglakad papunta sa harap ng klase. Si Roland Espedilla ay isa sa mga kilalang estudyante sa kanilang eskuwelahan—matalino, gwapo, mayaman at nag-iisang tagapagmana ng Espedilla Estates- isang tanyag na kumpanya ng real estates sa Pilipinas, magaling sa sports, at mabait. Sa unang tingin pa lamang, hindi na mapigilan ni Maria na humanga sa kanya.
“Ah, sige po, Ma’am,” sabi ni Roland habang iniaabot ang papel. Nang dumaan siya malapit kay Maria, nagtagpo ang kanilang mga mata. Ngumiti si Roland, at nahuli ni Maria ang kanyang sarili na biglang napangiti rin.
Mula noon, nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. Madalas silang magkasabay kumain sa canteen, nagtutulungan sa mga group projects, at nag-uusap tungkol sa mga pangarap nila sa buhay. Sa paglipas ng mga buwan, hindi na lang basta pagkakaibigan ang naramdaman ni Maria. Nahulog ang kanyang loob kay Roland, at hindi nagtagal, nalaman din ni Roland ang nararamdaman niya para kay Maria.
Isang gabi, habang naglalakad sila pauwi galing sa isang school-event, hindi na nakatiis si Roland.
"Maria, may gusto akong sabihin sa'yo," seryosong simula ni Roland, tumigil siya sa paglalakad at hinarap si Maria.
"Roland? Ano 'yon?" tanong ni Maria, biglang kinakabahan ngunit may halong excitement.
"Matagal na tayong magkaibigan, pero… alam mo ba, gusto kita." Diretsahang pag-amin ni Roland, habang titig na titig sa mga mata ni Maria.
Natigilan si Maria, hindi makapaniwala sa naririnig. Matagal na niyang pinapangarap ang sandaling ito, ngunit ngayon na nandito na, tila hindi siya makapagsalita.
"Mahal din kita," mahina ngunit malinaw na tugon ni Maria.
Ngumiti si Roland, at mula sa gabing iyon, naging opisyal na silang magkasintahan. Sila’y naging inseparable—lagi silang magkasama, sa bawat sulok ng eskuwela, sa bawat proyekto, sa bawat pagkakataong pwede silang magkasama.
Ngunit hindi laging madali ang lahat. Sa ikalawang taon ng kanilang sekondarya, dumating si Rowena, isang bagong estudyante na mabilis na nakilala sa kanilang paaralan. Maganda, matalino, at palakaibigan si Rowena, kaya hindi na kataka-takang marami agad ang nagkakagusto sa kanya, kasama na dito si Maria. Naging magkaibigan sila ni Rowena, at tila walang problema sa pagitan nilang tatlo.
“Ang swerte mo naman kay Roland, Maria,” sabi ni Rowena minsang magkasama sila sa canteen. “Ang bait niya, at napaka-sweet pa. Sana all.”
Natawa si Maria. “Oo nga, mabait talaga si Roland. Wala akong masabi.”
Ngunit sa kabila ng mga papuri at pagiging mabait ni Rowena, unti-unti, napansin ni Maria na may kakaiba sa kilos ng kaibigan. Palagi na itong nagpapakita ng sobra-sobrang atensyon kay Roland, kahit na walang dahilan. Madalas silang magkasama sa mga projects, kahit hindi sila dapat magkatulungan. Nagdudulot ito ng selos kay Maria, ngunit sinisikap niyang itago ang kanyang nararamdaman dahil nagtitiwala siya kay Roland at sa pagkakaibigan nila ni Rowena.
Ang sikat ng araw ay mas maliwanag kaysa karaniwan nang umagang iyon, ngunit para kay Maria, tila may mabigat na ulap na bumabalot sa kanyang damdamin. Hindi ito dahil sa init ng araw o sa dami ng gawain sa eskwela, kundi dahil sa isang bagay na matagal na niyang pinipilit hindi pansinin—ang unti-unting pagbabago sa pagkilos ng kanyang matalik na kaibigang si Rowena.
Simula pa lang ng pasukan, hindi na lingid kay Maria ang kakaibang atensyon na ibinibigay ni Rowena kay Roland, ang kanyang nobyo. Dati, masaya silang tatlong magkakasama, ngunit ngayon, parang may distansyang namamagitan sa kanila. Isang bagay na pilit niyang binabalewala ngunit lalong nagiging malinaw habang lumilipas ang mga araw.
Isang araw, habang pauwi silang tatlo mula sa eskwela, hindi maiwasang mapansin ni Maria ang madalas na paglapit ni Rowena kay Roland. Sa tuwing may proyekto o group activity, tila hindi maiiwasan na sila ang magkatandem. Kahit hindi naman sila assigned na magkasama, parang natural na nagtatagpo ang kanilang landas.
"Maria, okay lang ba sa'yo kung kami ni Roland ang magpresent bukas?" tanong ni Rowena, nakangiti habang hawak ang mga papel ng kanilang project.
"Huh? Bakit? Hindi ba't ako ang nakatoka doon?" sagot ni Maria, pilit na pinapanatiling kalmado ang kanyang boses.
"Ah, oo nga pala. Pasensya na, nakalimutan ko," mabilis na sagot ni Rowena, ngunit halata sa kanyang mukha ang bahagyang pagkagulat. "Akala ko lang kasi mas madali kung kami na ni Roland ang maghahandle since... well, nag-uusap na rin kami about it kanina."
Napatingin si Maria kay Roland, na tila walang nararamdamang kakaiba sa sitwasyon. Nakangiti lamang ito at tumango.
"Oo nga, babe. Sobrang hassle kasi yung ibang part ng project, kaya naisip ko, kami na lang ni Rowena ang mag-aayos para hindi ka na mag-alala."
Bagaman may konting kirot na bumara sa kanyang lalamunan, sinikap ni Maria na ngumiti. "Sige, kayo na ang bahala."
Sa pagkakataong iyon, isang maliit na halakhak ang lumabas sa bibig ni Rowena. "Thank you, Maria! Talaga namang maaasahan ka."
Ngunit sa kaloob-looban ni Maria, unti-unti siyang nilalamon ng pagdududa. Bakit tila mas madalas na magkasama ang dalawa? Bakit parang masyadong komportable si Rowena kay Roland?
Hindi nagtagal, nagkaroon ng mga pagkakataon na si Maria ay nakikitang nag-aabang sa eskwela. Minsan, paglabas niya ng silid-aralan, makikita niyang magkasama sina Rowena at Roland, nag-uusap at nagtatawanan. May mga araw na tila mas mahaba pa ang oras ng kanilang dalawa kaysa sa oras na naigugugol ni Maria kasama si Roland.
"Uy, si Rowena at Roland na naman, ah," birong sabi ni Jessa, isa sa mga kaibigan ni Maria. "Grabe, magbest friends ba talaga yan?"
Ngumiti si Maria, pilit na iniisantabi ang mga salita ng kaibigan. "Oo nga, ang weird lang minsan. Pero mabait naman si Rowena, alam kong wala siyang masamang intensyon."
Ngunit hindi niya kayang lokohin ang sarili. Alam niyang may mali. Alam niyang may isang bagay na nagbabago, at iyon ay ang paraan ng pagtingin ni Rowena kay Roland. Madalas niyang nahuhuling tumitingin si Rowena kay Roland—hindi lamang bilang kaibigan, kundi mayroong malalim na damdaming nakatago sa likod ng mga mata nito.
Inilagay niya ang isang binti pataas nang bahagya at pinanood habang sinasalsal niya ang sarili bago muling pumasok na may kasamang halik. Gusto niya ang bigat ng katawan niya sa kanyang puwit at balakang."Ah putang ina, ang sarap ng titi mo." Napamura siya nang malakas. "Huwag." "Huwag tumigil."Sumisid siya nang mas malalim. "Oh, baby." Wala akong balak na gawin iyon. Ang puki na ito ay bagay na bagay sa akin.Ngumiti siya, at ipinatong niya ang kanyang noo sa kanya. Bumangon siyang muli, hinawakan ang kanyang malambot na hita habang lalo pa siyang umuusad. Ang kanyang dibdib ay namula. Ang kanyang noo ay basang-basa."Ramdam mo ba 'yan?" Ramdam mo ba kung gaano kalakas ang pagnanasa ng puki na ito sa titi ko?"Ramdam mo ba kung gaano kalakas ang pagnanasa ng putaing ito sa titi ko?"Mabilis ang takbo ng isip niya. Maging regular na ba ito ngayon? Inilapat niya ang isang kamay sa kanyang matikas na dibdib, sabik na magmakaawa para dito. Bumilis ang kanyang paghinga kasabay ng bilis
Hindi pa naglaan ng kahit isang sandali upang suriin siya, lumapit siya at agad na nagsimula nang magpakasawa. Ang kanyang mainit na dila ay humihila sa kanyang mga kulungan, ang kawalan ng saplot ng kanyang puki ay lalong naging sensitibo. Umarko siya laban sa kama. Ang kumot ay kumislot sa kanyang mga daliri habang siya'y humahawak para sa suporta. Ang kanyang katawan ay parang may kuryente, parang anumang sandali ay lilipad siya sa hangin. Ang pagkakahawak niya sa kanyang mga hita ay halos masakit, at gustung-gusto niya ito. Ang tanawin ng malambot na mga pasa na naiwan doon ay nagbigay ng kilig sa kanya.Hindi kailanman binitiwan ang kontak, muling inilipat niya ang kanyang sarili. Mabilis niyang inalis ang kanyang brief. Bawat pulgada ng kanyang katawan ay sumisigaw na hindi siya makapagpigil sa kanya. Ang kanyang ari ay walang duda na namumula at labis na matigas. Ang larawang iyon ay nagpasmile sa kanya.Ang kanyang mga balakang ay umusad pasulong, halos parang naglalabas-masok
Pagkatapos ng kasal, dinala ni Kean si Maria sa isang malapit na resort na puno ng tahimik na kagandahan. Ang villa na kanilang tinuluyan ay may malalaking bintana na tanaw ang dagat, at ang paligid ay napapaligiran ng mga rosas at kandila, na tila nagbigay ng mahiwagang liwanag sa buong lugar.Pagkapasok nila sa loob, mahigpit na niyakap ni Kean si Maria mula sa likuran. “Sa wakas, mahal. Ikaw na ang asawa ko,” bulong niya habang nararamdaman ni Maria ang init ng kanyang mga bisig.Napangiti si Maria, ngunit bago pa siya makapagsalita, biglang inikot siya ni Kean paharap at mabilis siyang hinalikan. Mapusok at puno ng pagmamahal ang halik na iyon, na para bang lahat ng sakit at pagsubok na pinagdaanan nila ay natunaw sa init ng kanilang pag-iisa.“Kean,” mahina niyang sambit nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Ang kanyang mga mata ay naglalaman ng halo-halong emosyon—pagmamahal, pagkasabik, at kaunting kaba.“Mahal, simula ngayon, wala nang hahadlang sa atin. Walang ibang mahalaga
“Mga minamahal kong kaibigan at pamilya,” simula ng pari. “Narito tayo ngayon upang saksihan ang pagtali ng dalawang pusong nagmamahalan. Ang araw na ito ay hindi lamang tungkol sa kanila, kundi tungkol sa pagmamahal na nagbubuklod sa ating lahat.”Nang dumating na ang bahagi ng kasal kung saan tinanong ng pari kung may sinuman bang tututol, tila huminto ang oras. Si Maria ay tumingin kay Kean, ang kanyang mga mata puno ng pag-asa. Si Kean naman ay tumitig kay Maria na tila sinasabi, Ako ang lalaking magmamahal sa'yo habang buhay.Tahimik ang lahat."Kung wala," muling sabi ng pari, "ating ipagpatuloy ang seremonya."May narinig na mababang buntong-hininga mula sa mga bisita, lalo na kay Donya Loida na tumayo sa likuran, hawak ang kamay ni Harry. Nagpahid siya ng luha, masayang nakangiti sa eksenang nasa harap niya.“Kean, maaari mo nang sabihin ang iyong panata,” ani ng pari.Huminga ng malalim si Kean, hawak ang kamay ni Maria na bahagyang nanginginig. Tumingin siya sa kanyang magig
Pagkatapos ng ilang saglit, biglang lumuhod si Kean sa harapan niya, may hawak na maliit na kahon. Sa loob nito, isang kumikislap na singsing na tila simbolo ng lahat ng pagmamahal at pangako niya para kay Maria."My heart always belongs to you from the first day I saw you until today, mahal kong Maria," sabi ni Kean, puno ng emosyon ang boses. "Will you spend the rest of my life with me, until our hair turns white? Will you marry me, my love Maria?"Natulala si Maria, hawak-hawak pa rin ang mga rosas habang tumulo ang kanyang luha. Hindi niya inakala ang ganitong surpresa. Ang buong paligid, ang musika, at ang mga bulaklak—lahat ay perpektong naglalarawan ng pagmamahal ni Kean para sa kanya."Kean..." sagot ni Maria habang pinupunasan ang luha. "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Napakaganda ng lahat ng ito. Hindi ko inaasahan, pero... oo! Oo, Kean, papakasalan kita muli!"Nagpalakpakan ang lahat nang lumabas ang kanilang mga pamilya mula sa taguan. Si Harry, ang kanilang anak, a
Kinabukasan, nagising si Kean nang may isang malinaw na layunin sa isip—ang ituloy ang kanyang plano para kay Maria. Hindi na siya makapagpigil. Ang kasal na matagal na nilang pinangarap, ngunit hindi natuloy, ay magaganap na rin. Puno ng determinasyon, nagpunta siya sa isang wedding couture shop upang magpagawa ng bagong gown para kay Maria.Habang tinitingnan ang dating wedding gown ni Maria, nagulat si Kean na pareho pa rin ang sukat nito sa katawan ni Maria. Napansin niya ang bawat detalye—ang disenyo, ang tela, at ang mga alaalang nakatago sa bawat tahi. Ang mga sandaling iyon ay nagpabalik sa kanya sa araw ng kanilang unang kasal—isang kasal na puno ng pagmamahal, ngunit naputol dahil sa mga pagsubok."Si Maria, hindi mo na kayang ipagpaliban pa," bulong ni Kean sa sarili. Agad siyang pumunta sa wedding planner at ipinakita ang mga detalye ng plano. Lahat ay handa na. Tanging ang singsing na lang ang hinihintay. Kaya't nakipagkuntabahan siya kay Eric, kapatid ni Maria, upang ala
Pagkauwi nina Maria sa bahay ng Esperanza sa Cebu, hindi niya inaasahan ang biglaang pagdating ng kanyang ina, si Rosemarie Esperanza, mula Manila. Halata ang pagod sa mukha ni Rosemarie, ngunit ang kagalakan sa kanyang mga mata nang makita ang anak ay hindi maikakaila. Tumakbong sumalubong si Harry, ang apo niya, at mahigpit na yumakap sa kanya.“Lola Rosemarie!” malakas na sigaw ni Harry habang yakap-yakap ang matanda. “Alam mo ba, gumaling na si Daddy Kean! Wala na siyang coma!”Napaluha si Rosemarie sa narinig. “Talaga ba, Harry? Ang saya-saya ko naman. Ibig sabihin, masaya na ulit ang pamilya ninyo,” ani Rosemarie habang pinupunasan ang kanyang mga luha at hinahalikan ang noo ng apo.Tahimik na nakatayo si Maria sa tabi, pinagmamasdan ang yakapan ng mag-lola. Nagpaumanhin siya sa ina. “Ma, pasensya na. Akala ko po magtatagal pa kayo sa Manila kaya hindi ko na kayo inantay. Napagdesisyunan ko rin po na pauwiin muna si Harry dito habang nasa ospital pa si Kean.”Ngumiti si Rosemari
Habang naglalakad sila patungo sa pintuan ng kwarto dahil wala masyadong signal sa loob, ngumiti si Maria at tinawagan ang kapatid sa telepono. "Eric, nandiyan ka ba? Pumunta ka na rito sa hospital at ipakilala kita kay Kean. Kailangan niyang malaman na wala siyang karibal sa puso ko," sabi ni Maria, ang tinig ay puno ng pagmamahal at kasiyahan.Ang sagot mula sa kabilang linya ay mabilis at masigla. “Oo, Ate! Nandiyan na ako. Andito na ako sa hospital at aakyat na. Magkita tayo diyan.”Habang hinihintay ang pagdating ni Eric, si Kean ay patuloy na nag-iisip. Minsan, ang pagmamahal ay hindi agad-agad nakikita, pero si Maria… siya ang lahat para sa akin. Ang hirap man tanggapin, kailangan kong magtiwala.Ilang sandali pa, dumating na si Eric. May dalang ngiti sa labi at kasabay nito ang kagalakan na halata sa kanyang mga mata. Hindi alintana ang lahat ng mga hirap na naranasan ni Maria at Kean. Ang bawat hakbang ng buhay nila ay nagiging mas magaan nang magsama-sama ang mga piraso ng
Sa isang silid ng ospital, ang mga mata ni Kean ay puno ng kaligayahan at pasasalamat. Matapos ang matagal na panahon ng paghihirap, ang kanyang mga magulang, si Donya Loida, at ang pinakamahalaga sa lahat—si Maria at Harry—ay nakatayo sa kanyang paligid. Tuwang-tuwa siya nang marinig ang balita mula kay Dr. Velasco.“Kean, magandang balita. Puwede ka nang umuwi. Ang mga resulta ng mga tests ay maayos na. Patuloy na ang iyong paggaling,” ani ni Dr. Velasco, ang doktor na nag-alaga sa kanya mula nang magkamali ang lahat.Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Kean. “Salamat, Doc. Salamat sa lahat ng inyong tulong,” sambit ni Kean habang tinatangkang magtaas ng katawan. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata, hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa pasasalamat sa Diyos at sa lahat ng mga tao sa kanyang buhay na naging saksi sa kanyang laban.Si Donya Loida, na hindi nakapagpigil sa saya, ay agad niyakap si Kean. “Salamat sa Diyos, Kean, apo! Hindi ko na kayang maghintay na makauwi ka na.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments