Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love or Die

Love or Die

Danixxie_
Love is something that everyone wanted.It makes someone special, loved, and happy.Sobrang sarap sa pakiramdam ng salitang LOVE, yung feeling na lagi ka daw nasa ulap kapag in love ka.But what if I told you that Hannah Kim, a 21 years old girl destined to choose either she love or someone special to her will die.Kung ikaw si Hannah, anong pipiliin mo? Love or....Die?? Love or Die Written By: Daniexxie_
Romance
752 viewsOngoing
Read
Add to library
THE BILLIONAIRE SWEET NANNY

THE BILLIONAIRE SWEET NANNY

Isabela? Caroline? Patricia? Vivian? Nakasubsob si Enrique sa gitna ng puting satin sheet at tinitigan ang blonde na may umaagos na buhok na natutulog sa tabi niya, pero wala siyang ideya kung sino ang babaeng iyon... Na para sa kanya ay normal lang, dahil tuwing gabi ay iba ang babae. nakahiga sa kanyang kama. Si Enrique ay isang batang bilyonaryong CEO na palaging nasa kanyang mga kamay ang lahat ng gusto niya... Mga mansyon, magagarang sasakyan at maging ang mga babae. Ang malamig, sarado at ganap na brutis na lalaki ay namumuhay sa isang madilim at mapanglaw na buhay na sarado sa sarili niyang mundo, ang hindi niya inaasahan ay ang isang matamis na yaya na may magandang kalooban at mapang-akit na ngiti ay magpapabaligtad sa kanyang buong mundo.
Romance
854 viewsOngoing
Read
Add to library
My CEO Best Friend is My Baby Daddy?!

My CEO Best Friend is My Baby Daddy?!

Eyah
Hindi akalain ni Serena na ang simpleng pagtanggi niya na sapilitang maikasal sa kuya ng kanyang best friend ang magiging daan pala para maungkat ang isang rebelasyon tungkol sa pagkatao niya. Iyon din ang naging simula ng isang napakalaking pagbabago sa buhay niya. Mula sa pagiging tagapagmana ng mga Choi ay natagpuan niya na lang ang sarili niya na nasa isang napakahirap na kalagayan. Mula sa naglalakihan at mga bonggang runway platform na nilalakaran niya suot ang iba't-ibang designer items ay naroon siya ngayon sa isang maliit na entabladong nasa gitna ng madilim na club— sumasayaw ng malaswang sayaw habang suot ang maliliit na piraso ng tela na kaunti na lang ay maglalantad na sa kaluluwa niya. Mula sa tingin ng paghanga at sigaw ng admirasyon mula sa mga umiidolo sa kanya ay nauwi siya sa pagsalo ng mga malalagkit na tingin at mahahalay na salita mula sa mga lalaking hindi niya kilala na pawang mga hayok sa laman. Ang magandang katawan na dati niyang iniingat-ingatan, ngayon ay naging parausan na lang ng kung sino man ang may kakayahang magluwal ng pinakamalaking halaga para sa isang gabing impiyerno sa loob ng VIP room ng club. Paanong ang simpleng paghahangad ng kabutihan niya para sa sarili ay naging sanhi ng pagbaliktad ng mundo niya at pagkawala sa kanya ng mga taong mahalaga sa buhay niya? Ngunit sa kabila ng hirap at walang katiyakan ay pinili niya pa ring mabuhay. Kahit alang-alang na lang sa isisilang niyang anak sa lalaking nakasama niya sa isang gabing impiyerno na iyon. Sa lalaking hindi niya man lang nakikilala...
Romance
10838 viewsOngoing
Read
Add to library
Married to the Mafia

Married to the Mafia

shaneangelic
Loreiz was moving on from the man she really liked. Pero habang nasa stage siya ng moving on, may balitang dumating. Bigla ay ikakasal na siya sa lalaking binabalak niyang kalimutan. She grabbed that chance to make him finally hers, kinalimutan na niya ang pag-mu-move on. Now, she will do anything for him to love her. Pero habang magkasama sila sa iisang bahay, he was suddenly full of surprises. Maraming katangian at sikreto ang lalaki na nalaman niya. One was Maxeruz being territorial. He didn't like anyone else to touch his property. At kapag may nagbalak na gawin iyon, siguradong dadanak ang dugo. That's when Loreiz realized that she was married to a no ordinary man, but to a mafia. Her heart was in danger, as well as her life.
Romance
829 viewsOngoing
Read
Add to library
Christmas Affair ng Asawa Ko

Christmas Affair ng Asawa Ko

Nilagyan ng mga gamot na pampatulog ng asawa ko ang formula ng aming anak para makatakas siya para makipag-Christmad date sa assistant niya. Habang takot na takot akong isinugod ang aking nilalagnat na anak sa ospital, hindi ko inaasahang makita ang asawa ko na karga ang kanyang assistant sa itaas. "Napilipit ni Peyton yung paa niya, kaya andito ako pata tulungan siya ipasuri ‘to!" Kahit na ang aming anak ay nasa operating room na nakikipaglaban para sa kanyang buhay, hindi siya gaanong tumingin sa kanyang direksyon. Hinigpitan ko ang hawak ko sa sampung milyong dolyar na napanalunan sa lottery ticket sa aking bulsa. Oras na para tapusin ang pitong taong pagsasama na ‘to.
Read
Add to library
Beyond the Naked Eyes

Beyond the Naked Eyes

Avid novela
Chloe Reyes has been sheltered all her life, lumaking nag iisang tagapagmana sa lahat nang ari-arian ng kanyang Ama. Despite all that, ang tangi niyang hiling ay maging buo ang kanyang pamilya and so when her Dad re-marry her Mother's best friend she welcomes her with open arms until she realizes that there's more to it than meets the eye. She found herself struggling to survive as death came knocking at her doorstep. At sa unang pagkakataon, Chloe has no choice but to protect herself even though it means living a pretend life with none other than the notorious business tycoon Luke Ramirez. Luke has all that money can offer. Nasa kanya na ang lahat except for the love and respect from his wife, Ruby Ramirez. He can't seem to make her happy and despite the knowledge that the marriage is doomed, he vows to keep his family whole for the sake of his daughter Zoie, even though he despises every fiber of Ruby's being. Dalawang nilalang na pinagtagpo ng trahedya coated with mystery, deceit and betrayal. Will they ever find solace with one another or will their lies continue to haunt them forever?
Romance
871 viewsOngoing
Read
Add to library
A Night with the Billionaire

A Night with the Billionaire

RURI
Nagsimulang gumulo at manganib ang buhay ni Lilliane nang sapilitan siyang i-arrange marriage ng kanyang pamilya sa isang 68 taong gulang na media magnate na si Arnulfo Fuentes upang maisalba lamang ang kanilang kumpanya mula sa nalalapit nitong pagbagsak. Dahil sa desperasyon, at hindi niya maatim na ito ang makikinabang sa kanyang batang katawan, nagdesisyon siyang ibigay ang kanyang puri sa isang mas batang lalaki. Ngunit ang konsekwensya nang gabing iyon ay higit pa sa inaasahan ni Lilliane. Sa takot kay Mr. Fuentes at sa kalalabasan ng lahat, sumira siya sa kasunduan. Tinaguan at tinakbuhan niya ang kanyang malupit na pamilya at maging ang mapangangasawa. At hindi titigil ang mga ito sa paghahanap sa kanya lalo na si Fuentes hangga't hindi nito nakukuha ang 'kanya'. Subalit hindi lamang ang kanyang pamilya at si Mr. Fuentes ang naghahanap sa kanya kundi maging ang guwapong estranghero na pinag-alayan niya ng kanyang pagkababae matapos nitong mabasa ang article tungkol sa pagpapakasal niya sa kilalang media magnate. Mas higit pa itong nagkainteres kay Lilliane dahil sa talino, tapang at husay nitong magtago at tumakbo mula sa mga humahabol dito. Habang patuloy na bumabagsak ang negosyo ng kanyang pamilya ay mas lalong nagiging determinado rin sila Mathilda na mahanap siya upang maituloy ang kasunduan na pilit tinatakasan ni Lilliane. Ngunit hindi makapapayag si Lilliane lalo na at nakataya ang lahat sa kanya—kalayaan, ang kanyang kinabukasan, at ang batang nasa kanyang sinapupunan—kailangan niyang lumaban at protektahan ang mga bagay na mahalaga sa kanya. Sa isang mundo na kung saan ang kapangyarihan, pera, kasakiman, at pagtataksil ang namamayani, makakaya bang lampasan ni Lilliane ang mga taong nais siyang kontrolin para sa mga pansariling interes, o mahuhulog siya sa mga kamay ng mga taong sinusubukan niyang takasan o sa taong ama ng ipinagbubuntis niya?
Romance
10973 viewsOngoing
Read
Add to library
The Stranger who Loves my Twin Sister

The Stranger who Loves my Twin Sister

Sa mundo ng karahasan, matagpuan pa kaya ang tunay na pagmamahal? *** Simula pagkabata, naranasan ni Gaia ang pangungutya at pang-aalipusta dahil sa kakaibang marka na tinataglay niya. Itinuturing siyang salot na dapat layuan at iwasan. Lumayo siya sa karamihan at namuhay mag-isa, ngunit umaasa pa rin siyang magbabago ang takbo ng buhay niya. Isang araw, napili si Gaia bilang premier guard sa doom’s gate–ang pinaka-delikadong lugar sa buong kaharian. Akala niya’y simula na iyon nang pagbabagong gusto niya, pero paraan lamang pala iyon para mawala siya. Iba’t-ibang panganib ang hinarap ni Gaia, hanggang mawalan siya ng tiwala sa mga taong nasa paligid niya, ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Aurus La Mier–ang estrangherong nagmamahal sa kakambal niya. Tutulungan siya nito, pero hindi para sa kaniya kundi sa kapatid niya. Paano haharapin ni Gaia ang mga bagong pagsubok sa pagdating ni Aurus? Mapigilan niya kaya ang puso na huwag umibig sa binata?
Romance
10860 viewsOngoing
Read
Add to library
Great Revenge of the Lady CEO

Great Revenge of the Lady CEO

Si Tiffany Chua ay lumaki sa hirap at laging napapabayaan ng kaniyang ama at lola dahil sa dugong Chinese na nagtatangi sa kaniya mula sa kanilang paboritong anak, ang kapatid niyang si Ronald. Sa kanyang pagsisikap na mabuhay at umasenso, natanggap siya bilang sekretarya ni Lincon, isang istrikto, malamig, at walang pakialam na boss na may lihim na pagkatao sa likod ng kaniyang matigas na anyo. Isang araw, inalok siya ni Lincon na magpanggap bilang asawa niya para sa isang personal na dahilan, at dahil sa kawalan ng pagpipilian, tinanggap niya ang alok. Ngunit hindi naging madali para kay Tiffany ang mapabilang sa mundong ginagalawan ng kaniyang boss, lalo na nang bumalik ang dati nitong nobya, si Jillian, na nagbigay ng hamon sa kanilang kasunduan. Sa kabila ng mga pagdurusa, nagawa pa ring ibuhos ni Tiffany ang buong pagmamahal kay Lincon, kahit alam niyang may ibang laman ang puso nito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nalaman ni Lincon na nagdadalang-tao si Tiffany sa anak nila. Sa isang trahedyang nagdulot ng panganib sa buhay ni Tiffany, napilitang ipanganak ang kanilang anak via C-section habang siya ay nasa coma. Kasabay ng pagsilang ng kanilang anak, susubukin ng kapalaran ang hangganan ng pagmamahal at pagsasakripisyo ni Tiffany, pati na rin ang mga damdaming pilit ikinukubli ni Lincon. Pipiliin ba niya ang muling nagtangkang magbalik na si Jillian, o ang babaeng nag-alay ng lahat para sa kaniya—si Tiffany?
Romance
868 viewsOngoing
Read
Add to library
Not a One-Night Stand

Not a One-Night Stand

Matapos malaman ni Mallory Natividad na ang kapatid at boyfriend niya ay may relasyon at suportado pa ito ng mga magulang niya ay naisipan niyang pumunta sa isang bar sa pag-asang makakalimutan niya ang nakita at ilabas lahat ng sakit na nararamdaman niya. Pero nagkakamali siya dahil kahit ilang baso na ang nainom niya ay hindi pa rin siya nakakalimot. Naglasing siya nang naglasing hanggang sa may lumapit sa kaniya na lalaki. Sa sobrang kalasingan niya ay hindi na siya umangal nang inaya siya nito papunta sa kung saan. May ideya na siya sa kung anong mangyayari sa kanilang dalawa pero sa halip na matakot siya ay para bang gusto niya rin ito. Ang gabi nila ay parehong nagtapos sa isang mainit at masarap nang magkasama sa iisang kama. Kinabukasan, nang makita niya ang lalaking nakasiping niya ay hindi siya makapaniwala nang nakilala niya ito. Ito ay si Cargorios Mertimor, kilala bilang isa sa pinakabata at pinakamayaman sa buong mundo— at higit sa lahat ay kilala bilang isang womanizer. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kaya dali-dali na lang siyang umalis nang hindi nagigising ang lalaki. Ilang linggo lang ang nakalipas ay hindi niya inaasahan na magbubunga pala ang nangyari sa kanila at mas lalong hindi niya aakalain na magtatapong muli ang landas nila. Inaakala niyang magiging maayos lang ang lahat nang sumama siya kay Cargorios, pero hindi niya aakalain na ito na pala ang simula ng pagkagulo ng buhay niya. Hindi niya inaasahan ang natuklasan niyang plano ni Cargorios na nagpawasak sa kaniyang puso. Dahil doon ay kailangan niyang mamili. Pipiliin niya ba ang sarili niyang kasiyahan, o ang kapakanan ng kaniyang anak na nasa kaniyang sinapupunan?
Romance
899 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3435363738
...
42
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status