Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Coming Back to You, My Billionaire

Coming Back to You, My Billionaire

Hindi inaasahan ni Ailey na makikita niyang muli ang dating bilyonaryong nobyo sa bar pagkatapos ng halos tatlong taon. Pinilit niya itong iwasan dahil ayaw nitong bumalik pa ang sakit ng nakaraan at ayaw niyang malaman nito ang totoo . Umalis siya ng bansa para doon na manirahan pero tila sinusubukan siya ng tadhana. Nasa bingit ng pagkakalugi ang kanilang kompanya at isa lang ang paraan upang maisalba ito, iyon ay ang kuning investor ang kompanya ng dati niyang bilyonaryong nobyo. Pero hindi ganoon kadali ito para sa kanya dahil mukhang siya naman ang iniiwasan at pinapahirapan nito. Gusto na sana niyang sumuko subalit may trahedyang kinasangkutan ang kanyang anak at ang tanging magsasalba rito ay ang dating kasintahan. Ito na kaya ang paraan upang mapansin siya nito? o titiisin niya alang-alang sa pinakaiingatang sikreto?
Romance
194 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
His Brother's Wife

His Brother's Wife

Angelo "Ang" Rodriguez is a broken man, matapos mawala ang babaeng pinakamamahal ay tuluyan nang nagbago ang binata maliban pa sa nangyari sa pinakamamahal nitong kapatid na si Anthony ngunit isang bagay ang hindi matanggap ng binata at iyon ay ang asawa ni Anthony na si Miranda Sandoval, ang gold digger na babaeng pinakasalan ni Anthony ng nasa US pa ito at gagawin ni Ang ang lahat para mawala ang naturang babae sa buhay nila ngunit ang hindi inaasahan ni Ang ay ang mahulog ang loob sa naturang babae sa babaeng apat na beses nang kinasal.
Romance
181 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Instant Billionaire's Wife

Instant Billionaire's Wife

Nakipagsapalaran sa Maynila si Charlie para makahanap ng trabaho upang makatulong sa mga gastusin, masuportahan ang pag-aaral ng mga nakakabatang kapatid, at maibsan ang pinansyal na responsibilidad ng kanyang mga magulang. Ngunit sa kanyang paglilibot para mag-apply ng trabaho, isang puting van ang biglang huminto sa harapan niya, at agad siyang pinalibutan ng mga lalaki. May kung anong tumama sa batok niya, dahilan upang mawalan siya ng malay. Pagkagising niya, nasa loob na siya ng isang engrandeng kwarto at suot ang isang wedding gown. Ilang tao ang nasa paligid niya, abala sa pag-aayos sa kanya. Nang tanungin niya kung ano ang nangyayari, nagulantang siya sa nalaman— Ikakasal na siya!
Romance
146 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Royal Redemption (Chasing Series:02)

The Royal Redemption (Chasing Series:02)

Pipiliin ba ni Jace na yakapin ang pag-ibig na minsan niyang tinangka na takasan, o ang mga anino ng kanilang nakaraan ay maghahatid sa kanila sa pagkakahiwalay magpakailanman? At sa huli, kapag nagising si Luther, matutuklasan ba niyang si Jace ay naghihintay pa rin sa kanya, o talagang nakapag-move on na siya? Sa isang mundo ng panganib at pag-ibig, ang kanilang kapalaran ay nakabitin sa isang sinag ng pag-asa. Ano ang mangyayari sa kanilang kwento? Ang sagot ay nasa hangin, sa isang tadhana na patuloy na naglalaro.
Romance
10164 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Chasing Mafia's Heart

Chasing Mafia's Heart

Si Enzo Valderrama ay isang lalaking malupit at malamig pa sa yelo sa pakikitungo sa mga babae. Para sa kanya hadlang ang magkaroon ng seryosong pakikipagrelasyon. Isa siyang mafia na nagpapatakbo ng isang training camp para sa mga assassins niya na pinaparentahan niya sa mga mayayamang tao sa bansa. Ito ay isang sekretong pasilidad lamang kaya lahat ng nakakatuklas sa aktibidad nila ay pinapapatay niya ganoon siya kalupit. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay makikilala niya si Taira Monde, isang hostess na nagtatrabaho sa Pentagon Club para kay Chard Buenavista. Ang Pentagon ay isang lugar kung saan nagaganap ang lahat ng mga illegal na gawain sa buong bansa. Napag-alaman niyang may malaking utang ang ama ni Taira kay Chard kaya napilitan itong magtrabaho doon. May umusbong na hindi maipaliwanag na pakiramdam si Enzo para sa dalaga kaya lagi siyang nasa Pentagon para i-table ito at minsan naman ay inilalabas niya ito sa club. Lahat ng nakakaalam ng madilim na aktibidad ng Pentagon ay dinidispatsa ni Chard. Nang isang araw ay nakita mismo ng mga mata ni Taira ang ginagawa ng grupo ni Chard ay nakaramdam siya ng takot. Wala siyang ibang maisip na paraan kung hindi ang magtiwala kay Enzo at sabihin dito ang lahat ng nalalaman kahit na hindi niya alam kung magiging kakampi niya ba ito. Binili siya ni Enzo kay Chard sa malaking halaga higit pa sa pagkakautang ng kaniyang ama at nagsimula siyang pumasok sa training camp at nagsanay bilang isang babaeng assassin. Nagsanay siya hanggang sa naging magaling siya sa larangan nito at mabigyan siya ni Enzo ng kliyente. Pero isang araw ay mismong si Enzo Valderrama na kailangan niyang patayin para sa isang espesyal na kliyente katumbas ng malaking halaga. Makakaya ba niyang patayin ang taong nagligtas sa kanya at itinitibok na ng puso niya?
Romance
191 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Whispering Love of a Lily

The Whispering Love of a Lily

Ani pa ng mga taong nakapalibot kay Sereia Lilou Rebeiro, siya na ang pinaka - maamong babae na umaaligid kay Adriel Latimer. Animo’y para siya isang aso na panay sunod ng sunod sa kanyang amo kung saan ito magpunta. Bakit nga ba? Isang araw, nang mag - check - in sa isang mamahaling motel si Adreil ay sinundan niya ito. Hindi siya nag - aalinlangan na kumatok sa pinto na inupahan nito. Mas gusto pa niyang sundin ang kanyang kagustuhan, at ang rason kung bakit siya sumunod? Para lang bigyan ito ng payong dahil sa masamang panahon. Nakatikim siya ng bulyaw dahil lang doon. Sinabihan pa siya ng walang hiya pero wala siyang pakialam. Mas importante sa kanya ang makitang nasa magandang kalagayan ang iniingatan niyang babaero ng campus. Sa kabila ng masama nitong reputasyon sa mga babae, naging bingi at bulag siya. Mas gustuhin pa niya na makasama ito kaysa makinig sa mga haka - haka ng mga tao. Pinadaan lang niya sa kabilang tainga ang naririnig niyang tsismisan, kahit na minsan ay parang may isang palaso na nakatarak sa kanyang puso. Hanggang sa isang gabi, isang katotohanan ang siyang kumakatok sa isipan ni Sereia. Nahinuha na lang niya na ang lalaking inaantay niya ng tatlong taon ay nagbago. Hindi na ito katulad ng dati, na parati siyang inaalo - alo at sinasamahan. Dala ng reyalisasyon, tinalikuran niya ito ng walang pasabi. Imbes na tatahimik na ang buhay niya ay kinukutya pa siya ng mga tao. Ani pa nila'y nagpapakipot lang daw siya. Isa na roon si Adriel. Tingin niya ay gusto lang ni Sereia na suyuin niya ito para bumalik siya sa kandungan nito. Pero napawi ang agam - agam ni Adriel noong isang araw, aksidenteng nahulog ang pitaka ni Sereia. Bumungad sa kanya ang isang litrato ng lalaking minsan na niyang iniiwasan.
Romance
10188 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Desperate Deal with Sandro Escalera

The Desperate Deal with Sandro Escalera

Habang tinatakbuhan ang nobyong nagtaksil sa kaniya, aksidenteng nakabangga si Claire ng isang bilyonaryo. Imbes na bulyawan o itaboy, inalok siya nito ng kasal. Kapalit ng pera para sa pampaopera ng kapatid, pumayag ang dalaga. Kahit malamig at walang interes sa kaniya ang asawa, ginawa pa rin ni Claire ang lahat para mapagsilbihan si Sandro. Pero ano ang mangyayari kung pati siya'y mapagod na rin sa relasyon nila? Magagawa kaya ni Claire na bitawan si Sandro at ipaubaya na lang sa babaeng nilalaman talaga ng puso nito? Naitali sila hindi dahil sa pag-ibig, pero ngayong ang isa sa kanila ay napamahal na, ano kayang mangyayari sa kanilang malamig na pagsasama—at sa batang nasa sinapupunan ni Claire?
Romance
10148 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE

MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE

Sa halos walong taong pagsasama ni Henry at Estelle ay walang pag-ibig na nabuo sa pagitan nila dahil isa lamang iyong kasunduan, ngunit sa kabila nito ay minahal niya si Henry kahit na kinamumuhian siya nito at hindi itrinato bilang asawa. Ginawa niya ang lahat ng utos ng lolo ni Henry lalo na ang suhestiyon nito na pasukin niya ito sa sarili nitong silid at sa isang beses na iyon ay nabuo ang nag-iisang anak niya na si Mia. Ngunit talagang mapaglaro ang tadhana dahil sa dami ng tao na magkakaroon ng karamdaman ay ang anak niya pa talaga. Dahil sa pasirang relasyon at nasa kalagitnaan ng paghihiwalay, hiniling niya kay Henry na magpakaama kay Mia sa loob ng isang buwan. Ayaw man nito ay pumayag din ito sa wakas sa ngalan ng pagiging madali niya sa pagpirma ng kanilang kasunduan para mapakasalan na ang kaniyang unang pag-ibig na si Gwen. Kaya lang ay namatay ang anak niya ng dahil kay Henry. Nang malaman nito ang totoo tungkol sa sakit ng anak niya ay pilit itong nagmamakaawa na patawarin niya ngunit paano niya iyon gagawin kung sa tuwing makikita niya ang mukha nito ay maaalala niya ang sinapit ni Mia. Mapalambot pa kayang muli ni Henry ang naging bato nang puso ni Estelle?
Romance
160 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
UNLIKELY FATE

UNLIKELY FATE

"Once you touch me, you're mine!" Yan ang mariin kong sinabi sa fiancé ng stepsister ko. Ako si Grace Cutanda, 25 years old — isang babaeng walang pakialam sa mga taong nasasaktan ko. Mas pinili kong maging matigas at walang puso dahil 'yan ang nagligtas sa akin mula sa mga mapanlinlang na tao. Nagbago ang lahat nang magpakasal ang aking dad sa isang oportunistang babae. Sa isang iglap, ang tahimik naming buhay ay napuno ng kasinungalingan at pagkukunwari. Kasama niya ang anak niyang tila perpektong babae sa mata ng lahat — si Bianca. Pero alam ko ang totoo. Sa likod ng kanyang mala-anghel na mukha ay isang babaeng sanay mang-agaw at manira. Hindi siya nagdalawang-isip na ipakita kung paano siya paborito ng lahat, habang ako ang laging nasa tabi, tila isang anino. At ngayon, ang fiancé niyang si Andrew — isang successful na businessman na may mapanuksong titig at nakakapanghinang presensya — ay parang isang gantimpala na ipinagyayabang niya. Pero sa tuwing nagtatama ang mga mata namin ni Andrew, para bang may lihim na pagnanasa at pagtataksil na bumabalot sa pagitan namin. Alam kong mali. Pero bakit tila ako ang mas nanaisin niyang piliin? At sa huling pagkakataon, binalaan ko siya. "Once you touch me, you're mine." Ngunit handa ba akong akuin ang mga magiging konsekwensya ng mga salitang binitiwan ko?
Romance
10151 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
I MARRIED MY FIANCE'S DAD

I MARRIED MY FIANCE'S DAD

So... Lagi siyang nandito sa lugar na to? Since when... Kailan pa nila ako niloloko? As they turned to leave, I struggled, screamed, but they didn't look back. "Tulong!" "Jackson, Pakiusap lumingon ka. Nandito ako!" My eyes cried out for help, even in my helplessness, but no one turned around. Betrayed and abandoned, I'm paralyzed by the impossible choice of what to prioritize. "I'm so helpless." Therra Mina Miller thought she had finally found the love she always wanted. But her seemingly perfect life with Jackson Park, the heir to Astine Corporation, was nothing more than a cruel illusion created by her greedy family. Their dream wedding was just a way to further their own selfish desires. Ang pagtataksil ng kanyang stepsister na si Nicole Smith kay Jackson, at ang lihim na relasyon nito sa kanyang fiancé, ay nagdulot kay Mina ng matinding sakit at pagkadismaya. Sa gitna ng kanyang paghihirap, isang lihim na relasyon ang umusbong sa pagitan nina Mina at Matthias Park, ang foster father ni Jackson. Their relationship became her strength, driving her to stand on her own and break free from her family’s control. She swore to succeed on her own terms, refusing to let her family’s power shape her future. Her success became the ultimate sweet revenge, exposing Nicole’s lies and taking back her life. Pero paano kung ang inaakala niyang katapusan ng kanyang paghihirap mula sa pang-aabuso ng mga nasa paligid niya ay simula pa lang—the beginning of a truth about herself she never knew? Mananatili ba siyang kalmado, o maghihiganti sa mga taong dapat managot?
Romance
148 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
373839404142
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status