Bilyonaryong Kapitan (SPG)
Laking probinsya si Lylia, isang simpleng dalagang maagang naulila sa mga magulang, at naiwan kasama ang kapatid niyang may malubhang karamdaman. Life was never easy for her. Bata pa lang, natutunan na niyang tumayo sa sariling paa. Dahil sa kahirapan, kinailangan niyang dumiskarte araw-araw para sa kapatid at sa kanilang pangkabuhayan. Kaya kahit maliit lang ang puhunan, pinilit niyang magpatayo ng karinderya malapit sa sabungan, umaasang doon sila babangon.
Pero isang araw, gumuho ang mundo niya nang madiskubre niyang si Raze, ang kapitan ng barangay, ang pinagkakautangan pala ng mga yumaong magulang niya. At sa desperasyon, tinanggap niya ang alok nitong deal, isang kasunduan na magpapabago sa buong buhay niya.
Ang kondisyon? Kailangan niyang pakasalan si Raze bilang kabayaran sa kalahati ng utang nila. Kapalit nito, hindi na ipapa-demolish ng kapitan ang kanilang bahay at karinderya, ang tanging pinagkukunan nila ng kabuhayan.
Pero lingid sa kaalaman ng lahat, may isa pang bahagi ng kasunduan, bukod sa pagiging asawa, maninilbihan din si Lylia bilang kasambahay sa bahay ni Raze, hanggang sa mabayaran niya ang natitirang utang.
Samantala, kilalang kuripot at istriktong kapitan sa Barangay Abueña si Raze. He’s a man of rules, walang proyekto ang maaprubahan nang hindi dumadaan sa kanya. But unknown to everyone, he’s actually a secret billionaire, the owner of several airlines, hotels, and luxury resorts in the country that only cater to those with royal blood.
At nang bumalik siya sa bayan, sa sabungan niya unang nasilayan ang babaeng dati’y sa larawan lang niya nakikita, si Lylia, ang anak ng mga may utang sa kanya. Doon nabuo ang kanyang mapanganib na plano, gawing asawa ang babae, kahit sa simula’y parte lang ito ng kanyang laro.
Posible kayang mauwi sa totohanan ang kanilang kasal, o isa sa kanila ang tuluyang madudurôg at uuwing luhaan?