The CEO's Discarded Wife
Sa loob ng walong taon, buong pusong ginampanan ni Isabelle Reyes-Trinidad ang pagiging isang perpektong ina at asawa. Tahimik siyang sumuporta kay Lucas—sa kanyang negosyo, sa kanyang reputasyon, at sa kanyang ambisyon. Nanahimik siya sa likod ng camera, sa mga board meeting na hindi siya inanyayahan, at sa mga sandaling kailangan niya ng karamay pero wala ni isang halik o salitang ginhawa ang kanyang nakuha.
Ang mas masakit? Wala siyang lugar sa sariling tahanan.
Hindi lang si Lucas ang may paboritong kasama.
"Mas gusto ko si Tita Karina kaysa kay Mommy!"—sambit ng anak nilang si Marcus habang nakangiti si Lucas, tila sang-ayon.
Ginawa na ni Isabelle ang lahat para mapanatiling buo ang kanilang pamilya. Pero imbes na pagmamahal at respeto, ang gantimpala niya’y pagtataksil at pangungutya. Habang binubura siya mula sa buhay ng asawa’t anak, si Karina Sison—ang ex ng kanyang asawa—ang inilalagay sa pedestal. Ginawang presidente. Ginawang reyna.
Hanggang sa dumating ang gabing iyon.
Ang gabing tuluyan siyang nagising sa katotohanan—na minsan, kahit gaano mo kamahal, hindi mo na kayang manatili sa isang lugar na matagal ka nang hindi pinipiling mahalin pabalik.
Pagod na siyang umasa.
Pagod na siyang maging tanong sa pamilyang matagal nang may sagot—at hindi siya iyon.
Kaya handa na siyang magpalaya.
Handa na siyang iwan ang tahanang dati niyang ipinaglaban, sa piling ng mga taong mas masaya nang wala siya.
Ngunit nang sa wakas ay iniabot na niya ang divorce papers sa kanyang asawa…
Hindi galit ang sumalubong sa kanya. Hindi rin pakiusap.
Kundi isang malamig na titig lang. Isang mapanganib na ngiti.
At ang mga salitang…
“You’re not going anywhere, Isabelle.”