Napagdesisyunan ni Luke na umalis. Dahil sa wala na rin naman doon si Kina ay wala nang punto pang maglaro. Wala rin namang klase ngayon kaya bibisitahin niya nalang muna siguro ang kanyang kumpanya. Marami pa siyang hahabuling pagsasanay. Si Alona nalang muna ang bahalang magbantay kay Kina.
"Saan ka pupunta?" takang tanong ni Andrie. May pag-aalala sa mukha nito. "Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko. Mukha atang hindi na ako makakapaglaro. Humanap nalang kayo ng papalit sa'kin." Nagsilaglagan ang balikat nina Andrie samantalang nagsitawanan naman ang pangkat ni Oliver. "What a loser. Tumaas pa man din ng tingin ko sa'yo kanina nang binalaan kami ni Oliver sa'yo." nakaismid na sambit ng isang kakampi ni Oliver. "Martial Artist my ass," Dumura pa si Nicolo matapos sabihin iyon. Nakasabit ang mga kamay nito sa net. "Anong klase naman ng martial arts ang inaaral mo? Nagsasanay kung paano hindi ilagan ang atake ng kalaban?" pang-aasar nito. Nagsitawanan ang mga kasamahan nito maliban kay Oliver. Nagsitawanan na rin ang mga nanonood. Ang iba ay nagsimulang insultuhin at maliitin din si Luke. Hindi sila pinansin ni Luke na nagtuloy lang sa paglakad. Pero hindi pa man siya nakakalayo ay narinig niyang tinawag siya ni Oliver. "Kung hindi mo itutuloy ang laro, ibig sabihin lang ay tinatanggap mo na ang pagkatalo mo," Nahinto si Luke sa paglakad. Maging sina Nicolo ay natigilan din sa sinabing iyon ni Oliver. "Inaamin mo nang natalo kita ngayon at parehas na ang puntos natin." dagdag pa nito. Napasinghap si Luke bago humarap. "Katulad nga ng sinabi ko sa'yo ay hindi ako interesadong makipagkompetensya sa'yo. Hindi mo na kailangan pang gawin 'to. Sasayangin mo lang ang oras mo." seryoso niyang sambit. Noong naglaban sila ni Oliver ay sinabihan niya itong lubayan na si Kina sakaling matalo man niya ito. Pero heto pa rin si Oliver, pursigidong talunin siya at ipakitang mas higit itong mas magaling sa kanya. Unang araw palang nang pumasok ito sa La Fernandia ay muli na naman siya nitong hinamon at sinabihan niya lang itong hindi siya interesado sa anumang pakikipagkompetensyang imumungkahi nito. Napakuyom ang kamao ni Oliver. "Are you looking down on me? Bakit hindi mo muna patunayang mas mahusay ka sa'kin sa larong 'to? Kapag natalo mo ako ngayon ay pinapangako kong ngayon din mismong araw na ito ay aalis ako sa paaralang ito." Napaawang ang bibig ng lahat sa sinabing iyon ni Oliver. Hindi nila maintidihan kung bakit napakataas ng tingin nito kay Luke sa puntong gusto nitong makipagkompetensya sa kanya. Sino ba si Luke? Isa lang naman itong ordinaryong estudyante sa kanilang paningin na hindi kailangan pagtuunan ng atensyon. Hindi pa man banggitin na ikalawang round palang ay napuruhan na kaagad ito ng atake ni Nicolo na ibig sabihin lang ay hindi talaga ito marunong maglaro ng volleyball. "Are you out of your mind? Bakit sineseryoso mo ang lalaking 'yan? Hindi mo ba nakita kung gaano siya kalampa?" pabulong na sambit ni Nicolo kay Oliver. Natikom din naman agad ang bibig nito nang tingnan ito nang masama ni Oliver. "It's none of your business. Wala ka sa lugar upang pagsabihan ako. Just do your job at talunin natin siya." Nagkatinginan nalang sa isa't-isa ang mga kakampi ni Oliver bago nagtatakang pagmasdan si Luke. Saan mang bahagi ng katawan nito ay hindi nila makita ang hinahanap nilang kahusayan katulad ng ipinaparating sa kanila ni Oliver. Baka pinagtitripan lang sila ni Oliver? Saglit na nag-isip si Luke habang mariing pinagmamasdan si Oliver. Napakamot siya sa kanyang ilong bago muling bumalik sa court. Kung si Oliver na rin mismo ang nangakong aalis ito kapag natalo niya ito ay bakit pa siya tatanggi? Tahimik na sinundan nila ng tingin si Luke. Ang iba sa kanila ay iniisip kung gaano katanga si Luke upang bumalik sa court. Hindi pa ba ito nadala sa ginawa sa kanya ni Nicolo? Kabaliktaran naman niyon ang naging reaksyon ni Andrie. Sa mata niya ay si Luke ang tagapagligtas na hiniling niya mula sa langit. Kahit napuruhan ito ni Nicolo ay hindi iyon alintana sa kanya. Sa kanyang mata ay si Luke pa rin ang pinakamahusay sa lahat. "Luke! Luke! Our savior! Salamat sa muling pagbabalik!" Sinalubong ni Andrie ng yakap si Luke pero mabilis iyong iniwasan ni Luke. Napapatanong nalang ang ilan sa mga nanonood kung bakit pati si Andrie ay napakataas din ng tingin kay Luke. Dalawang young masters na nagmula sa mga makapangyarihang pamilya, parehas na tinuturing si Luke sa hindi abot ng kanilang kaalaman. Sino o ano ba si Luke sa kanilang paningin? Napangisi si Oliver. Nagawa niyang kumbinsihin si Luke. Ngayon ay ipapatikim niya rito ang galing niya sa paglalaro ng volleyball. Walang kaide-ideya si Luke kung gaano siya kagaling. Higit pa man sa mga varsity players na kakampi niya ang kanyang galing kaya imposible para sa pangkat nina Luke ang manalo. Idagdag pang nakita niyang mukhang hindi gaano kagaling si Luke base sa nakita niyang laro nito kanina kahit na palabas lang nito ang ginawa nitong pagtanggap sa atake ni Nicolo. Siguro ay kaya lang iyon ginawa ni Luke ay upang magkaroon ng dahilan na tumakas sa kanyang pagkatalo. Alam ni Luke na wala siyang tsansang manalo laban sa kanya kaya gumawa nalang ito ng paraan upang umalis. 'Tingin mo ba ay hahayaan nalang kitang tumakas? Ngayon ay ako naman ang gugulpi sa'yo.' nakaismid sa wika ni Oliver sa kanyang isip. "Sigurado ka bang kaya mong maglaro?" paniniguro ni Novelito. Ang tingin nito ay parang pinag-aaralan ang mukha ni Luke. Bahagyang ngumiti si Luke at tumango. "Yes Sir." Muling bumalik sa normal ang lahat. Sa signal ni Novelito ay muling nagbalik sa pwesto ang referee. Nagsibalik na rin sa kani-kanilang pwesto ang mga manlalaro. Ang ilan sa kanila ay diretsahang nakatingin pa kay Luke. Hindi naman naintimida si Luke sa tingin nilang iyon. Ang nasa isip niya lang ngayon ay talunin si Oliver nang matapos na ang pangungulit nito.Bumukas ang pintuan ng conference room at pumasok mula roon sina Duncan kasunod ang magkapatid. Kasabay ng pagtahimik ng mga tao roong ipinapakita lang sa pamamagitan ng hologram, sabay-sabay na napatingin ang mga ito sa magkapatid.Makikita sa paraan ng tingin na ginagawa ng mga ito ang pagkakaiba-iba ng iniisip ng mga ito ngayon."I thought they were abducted?" biglang wika ng isa sa mga ito. Roy Wilbur ang pangalan nito.Walang imik na napalingon dito ang ibang konsehal, dahilan para mamayani ang saglit na awkward na katahimikan."What?" taas balikat na tanong nito, tila nagmamaang-maangan pa sa halata namang dahilan kung bakit nila ito pinagtitinginan."Mr. Wilbur, si Mr. Chairman na mismo ang kumumpirma na totoong dinukot nga sila." wika ng isang ginang, mahahalata ang pagkadismaya sa tono ng boses nito.Evelyn Roosevelt naman ang pangalan nito. Ang bukod tanging babae sa organisasyon.Iginala nito ang paningin nito sa ibang miyembro na para bang iniisa-isang tingnan ang mga ito.
Pagkarating sa Green Palace, sinalubong sila ng mga security personnel. Partikular na ginabayan ng mga ito ang magkapatid.Nandoon din si Duncan, magkasalikop ang mga kamay sa likod na naghinhintay. Mahahalata sa kulubot ng mukha nito ang pagod na itinatago lang nito sa bahagyang pagngiti habang nakasunod ang tingin sa magkapatid. Pero agad na naglaho iyon nang dumako ang tingin nito kay Luke na kakababa lang ng sasakyan.Kasama sina Leon ay lumapit si Luke rito at magalang na binati ito. Hindi agad ito umimik. Base sa ekspresyon ng mukha nito ay hindi ito masayang makita si Luke roon.Batid din naman ni Luke ang dahilan niyon."Pasensya na po 'lo kung... nanghimasok man ako. Pero hindi ako pwedeng basta nalang maupo." paliwanag niya, pero tinugon lang iyon ni Duncan ng pagsalubong ng kilay.Noong huli nilang pag-uusap, pagkatapos mismo ng araw ng hukom, hinabilinan na siya ni Duncan na huwag nang makisali pa sa labang ito ng kanilang pamilya. Masama ang loob nito sa naging desisyon n
Matapos na maisalba ang magkapatid na Doe, inihatid ito nina Leon sa Green Palace kung saan naghihintay ngayon sina Duncan at buong miyembro ng DCIG. Hindi naging madali ang operasyon, pero salamat kay Luke. Kung hindi dahil sa kakayahan niyang hindi saklaw kahit na mismo ng kalawakan ay hindi magiging madulas ang lahat."Excuse me? Hindi mo ba alam kung gaano ako nagtiis sa amoy ng lalaking iyon?" Mataray na sambit ni Joanna kay Warren.Nasa loob ang mga ito ng sasakyan at nagbabangayan na naman.Binalingan ni Joanna ng masamang tingin si Dylan. "Ni wala ka man lang sinabi na ubod pala ng pangit ang Jovert na 'yon. Hmph!" inis na sambit nito."Aba'y malay ko ba? Nakasuot sila ng bonet eh." natatawang pagrarason ni Dylan. "Saka kahit nakita ko man ay hindi ko pa rin sasabihin sa'yo ang tungkol do'n." pang-aasar nito. Parehas na tumawa ito at si Warren saka nag-apir pa ang mga ito."It was Mr. Cruise who did all the part so stop spouting nonsense," wika ni Warren sa mapang-uyam na tono
Paglabas ng pinto ng magkapatid ay nadatnan nilang wala na roon sina Leon. Talagang iniwanan sila ng mga ito?"Where did they go?" kinakabahang tanong ni Ashley."Let's hurry up," saad lamang ni James. Paniguradong hindi na talaga sila bubuhayin ng mga kidnapper sakaling maabutan sila ng mga ito.Tinakbo nila ang kahabaan ng pasilyo. Pero bago pa man nila marating ang pinto ay bumukas na iyon at pumasok roon ang mga armadong kalalakihan. "Ayon sila!"Walang pagdadalawang isip na pinaulanan sila ng mga ito ng bala ng baril. Mabilis na nagkubli ang magkapatid sa malaking haligi sa kanilang gilid.Nang makitang lumabas naman ng pinto ng fire exit ang mga kalalakihang humahabol sa kanila kanina ay parehas na nanlaki ang mata nila at lumipat sa kalapit na haligi, kung saan iyon na ang pinakakagilid ng pasilyo.Wala na silang ibang mapupuntahan.Parehas na napayuko ang magkapatid nang paputukan sila ng mga ito ng baril. Nagkabitak-bitak ang haligi.Napatakip nalang sa magkabilang tainga si
"May nakakatawa ba sa sinabi namin?" may pagkadiskumpyado sa tonong tanong ng lalaking nagngangalang James habang nakataas ang isang kilay.Nginitian ito ni Luke sa pamamagitan ng kanyang mata. "Mukhang kayo ang hindi nakakaunawa ng nangyayari sa inyo ngayon. Sarili n'yong niluto pero hindi n'yo alam kung ano ang mga sangkap at kung anong mga rekado."Ipinagsalikop niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod saka marahang lumapit sa magkapatid. Bahagyang nakaramdam ng pagkailang ang mga ito sa paraan ng ginagawa niyang pagtitig kaya nag-iwas ang mga ito ng tingin."Gustong-gusto kong ipaunawa sa inyo kung bakit may kinalaman dito si Jason Zheng, pero may kailangan akong unahin kaysa pagpapaliwanag sa inyo," kampanteng wika niya, ang tinutukoy niya ay ang mga papalapit na kalalakihan. Hinarap niya si Leon. "Sundan n'yo lang ako." utos niya rito."On it, Mr. Cruise.""W-wait, what are you going to do? Napakarami nila." May pag-alala sa boses na wika ni James. "Fighting them head-on will
Sa security room ng gusali, nagkukumpulan sa isang monitor ang tatlong nagbabantay roon kung saan ang kaganapan ay ang nangyayari ngayon sa tapat ng gate. Hindi nila napansin ang pagbabago ng anggulo ng CCTV sa pasilyo kung nasaan ngayon sina Luke.Matapos sungkitin ni Warren ang CCTV at baguhin ang pagkakatutok niyon ay hinudyatan nito sina Luke sa pamamagitan ng pag-thumbs-up.Dali-dali nilang tinahak ang pasilyo at nagtungo ng fire exit. Kahit na nagmamadali ay napaka-ingat ng ginagawa nilang paghakbang sa hagdan.Bumagal ng paghakbang si Luke nang marinig niya ang bulungan sa ilalim ng hagdan. Sa kanyang hudyat ay nagsihinto sila sa paghakbang. "May tao." wika niya.Kumunot pare-parehas ang noo nina Leon sabay dungaw sa ibaba ng hagdan. Wala naman silang makita at wala rin silang naririnig. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila si Luke nang umuna na itong pumasok sa pintong dinaanan nila upang magtago roon saglit. Isa iyong maliit na storage room kaya nagsiksikan sila sa loob.Maya-m