공유

Chapter 5

작가: eleb_heart
last update 최신 업데이트: 2024-12-03 06:47:17

Ramdam na ramdam na ni Kath ang pamamaltos ng paa niya dahil sa kalalakad niya. Halos ilang oras na siyang naglalakad at halos padilim na rin nang mga oras na iyon. Ramdam na ramdam na rin niya ang pagkalam ng sikmura niya dahil halos kaninang umaga pa siya walang kain.

Hindi niya naman naharap na kumain kanina nang dumating siya sa bahay ng kaniyang lolo dahil mas inuna niyang hanapin ito at pumunta sa silid nito. Nagugutom na siya at wala siyang dalang pera, idagdag pa na wala din siyang alam na pupuntahan niya. Napatingala siya sa papadilim na kalangitan.

Saan siya pupunta? Saan siya matutulog? Bigla siyang napadaan sa isang establisyemento kung saan ay isang restaurant at mas lalo lamang siyang nagutom nang makita niya ang mga kumakain sa loob. Hindi niya tuloy naiwasan ang hindi mapabulong sa hangin na ang swerte- swerte nang mga tao sa loob dahil wala silang mga problema samantalang siya ay tila ba siya binagsakan ng langit at lupa dahil sa dinaranas niya.

Sa mga oras na iyon dahil sa pagkaisip niyang muli ng sitawasyon ng buhay niya ay hindi niya naiwasan na hindi na naman mag- init ang sulok ng kaniyang mga mata. Naiiyak na naman siya at pakiramdam niya ay gusto na lamang niyang sumuko sa buhay niya.

Inilibot niya ang kaniyang mga paningin sa paligi at nakita niya ang mga sasakyan na mabilis na dumadaan sa harap niya. Ano kaya kung magpasagasa na lang siya sa mga ito para matapos na ang pagdurusa niya? Para minsanan na lang ang pagdurusa na nararamdaman niya at pagtapos na yun ay magiging payapa na ang buhay niya?

Hindi na niya alam ang gagawin niya sa buhay niya ng mga oras na iyon. Nawawalan na siya ng pag- asa. Kanina pa siya naglalakad ngunit wala man lang kahit isa ang naglakas ng loob na tulungan siya. Wala man lang ni isa na lumapit sa kaniya at tinanong kung okay lang ba siya, kung bakit siya naglalakad mag- isa, wala.

Walang may pakialam sa kaniya. Walang nag- aalala sa kaniya at walang nag- iisip sa kaniya dahil sino ba sana siya para pag- aksayahan ng oras na alalahanin? Isa pa ay bakit siya naghahangad ng pag- aalala mula sa ibang tao e samantalang sarili niyang pamilya ay walang pakialam sa kaniya. Sarili niya pang kadugo ang mga iyon.

Napasinghot siya at pagkatapos ay nagpunas ng kaniyang mga luha habang naglalakad. Walang kasiguraduhan ay ipnagpatuloy niya ang kaniyang paglalakad kahit pa wala siyang partikular na destinasyon, kahit pa wala siyang alam na pupuntahan. Magbabakasakali siya na maya- maya lamang ay may handa nang tumulong sa kaniya.

Isang oras pa ang lumipas ng kaniyang paglalakad at sa mga oras na iyon ay ramdam na ramdam na talaga niya ang pinaghalong pagod, gutom at sakit ng dibdib. Medyo nanlalabo na rin ang kaniyang mga mata marahil ay dahil sa pagod at ang kaniyang mga tuhod ay pakiramdam niya ay bibigay na.

Konting- konti na lang ay matutumba na siya at nararamdaman na rin niya ang panginginig ng katawan niya. Sa parteng iyon kung saan nasaan siya ay halos wala ng dumaraan. Nasaan na nga ba siya? Hindi na rin niya alam. Hindi na siya pamilyar s alugar na iyon at lubos siyang nagpapasalamat na walang masamang loob ang lumalapit pa sa kaniya ng mga oras na iyon.

Isang paparating na ilaw ang naaninag niya. Dahil sa determinasyon para mabuhay ay unti- unti siyang naglakad patungo sa kalsada upang parahin sana ito ngunit bago pa man ito makarating sa harap niya ay bigla na lamang siyang natumba at nagdilim ang paningin niya.

—---------------

“Anong nangyari? Nabangga mo ba?” tanong ni Silvia sa driver niya.

Bigla kasi itong napatigil at halos masubsob pa siya sa unahan ng kotse at nang tanungin niya ito kung bakit ay sinab nito na may babaeng natumba. Hindi niya iyon nakita dahil abala siya sa kaniyang cellphone at chine- check ang schedule bukas ng amo niya.

Agad niyang isinilid sa kaniyang bag ang kaniyang cellphone at pagkatapos ay nakipag- unahan na bumaba rito. Napatakip siya sa kaniyang bibig nang makita ang isang babae na nakahandusay sa kalsada at walang malay.

“Buhatin mo siya! Kailangan natin siyang dalhin sa ospital!” naghihisteryang saad niya sa kaniyang driver.

Agad naman itong sumunod sa kaniya at pagkatapos ay tinulungan ito na maipasok sa loob ng kotse.

“Diyos ko po! Anong ginawa mo sa kaniya?” nag- aalalang tanong niya sa kaniyang driver habang nakatitig sa babae.

Wala itong malay. Kabang- kaba siya. Baka mamaya ay nakapatay na pala ang driver niya at makasuhan sila. Napahaplos siya sa mukha ng babae at napadalangin na sana ay okay lang ito at wala sanang masamang nangyari rito. Kahit papano ay ayaw niyang makulong.

Patingin- tingin siya sa daan at sa babaeng katabi niya. Baka mamaya ay may injury na pala ito sa ulo.

“Bilisan mo. kailangan natin siyang madala kaagad sa ospital.” nag- aalalang saad niya sa kaniyang driver at pagkatapos ay nanginginig ang mga kamay na muling dinukot ang cellphone sa kaniyang bag.

Kailangan niyang tawagan ang kaniyang madam para sabihin ang nangyari.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 85

    MAHIMBING na ang tulog ni Kath nang tumunog ang kanyang cellphone. Hirap pa siyang dumilat ng mga oras na iyon at dali-daling sinagot ang tawag kahit na hindi pa gaanong nakamulat ang kanyang mga mata. Ni hindi na din niya pinagkaabalahan pang tingnan kung sino ang tumatawag at bigla na lang niyang sinagot ito.“Ma’am Kath…” nanginginig ang tinig nito at halatang kinakabahan. Akala niya ay ang kanyang ina ang tumatawag kaya niya sinagot ito.“Hmm…” nakapikit niyang sagot dito dahil antok na antok pa talaga siya. Nakahiga pa nga siya sa kama ng mga oras na iyon dahil pakiramdam niya ay katutulog niya pa lang.“Ma’am Kath nasusunog mo ang warehouse!” natatarantang sabi nito at nang marinig niya ito ay para bang bigla na lang nawala ang antok niya. Napabangon din siya ng wala sa oras.“Anong sabi mo?!” gulantang na tanong niya. Nag-umpisa na ring kumabog ng husto ang dibdib niya.“Hi-hindi ko po alam ma’am Kath kung paano nagsimula ang sunog…” halos maiyak na ito sa pagbabalita.Hindi na

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 84

    MAGHAPON lang na nagkulong si Kath. may mga inasikaso at binasa siyang mga papeles sa kanyang silid. Halos mag-aalas singko na nang hapon nang makarinig siya ng pagkatok sa pinto ng kanyang silid. “Pasok.” sabi niya dahil wala siyang balak na lumabas.Bumukas ang pinto at sumilip si Nina doon. “May kailangan ka ba?” tanong niya rito kaagad habang nakataas ang kanyang kilay.“Ah, wala naman po ma’am Kath kaya lang ay may bisita kayo.” sabi nito.Mas kumunot pa naman ang kanyang noo nang marinig niya ang sinabi nito. Bisita? Sino naman sana ang bibisita sa kaniya e wala naman siyang kaibigan sa ngayon? Puno man ng pagtataka ay tumango na lang siya rito. “Sige susunod na ako.” sagot niya pagkatapos ay iniligpit na muna ang mga papeles na binabasa niya bago nagbihis ng damit. Naka kaswal lang kasi siyang pambahay at masyado iyong simple, nakakahiya naman sa bisita niya kung sino man iyon.Lumabas siya ng kanyang silid at pagkatapos ay naglakad patungo sa hagdan at pagbaba niya ay kaagad n

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 83

    NAPAHILOT si Kath sa kanyang noo. Kagigising niya lang pero ramdam na ramdam na niya ang pananakit ng ulo niya. Paano ba naman, tinawagan siya ng kanyang ina kagabi at sinabi na uuwi sila ng bansa dahil na rin sa pakiusap ni Noah. gusto daw di umano nito na makasama ang mga anak niya kaya pumayag naman daw ito kaagad. Sa totoo lang ay bahagya pa ngang sumama ang loob niya dahil bakit ito pumayag kaagad nang hindi man lang sumasangguni sa kaniya kung papayag ba siya o hindi, pero sa huli ay umoo na lang din siya dahil ano pa nga ba naman ang magagawa niya? Wala na, lalo pa at nag-umpisa na silang mag-impake.Idagdag pa nang kausapin niya ang mga anak niya ay halata sa mga mukha ng mga ito ang labis na kasiyahan at sino ba naman siya para ipagkait ang sayang iyon sa mga anak niya hindi ba? Wala din naman siyang ibang gusto kundi ang maging masaya ang mga anak niya kaya nga lang ay paano ang magiging sitwasyon nila ni Noah? Palagi na naman silang magkikita, paano kung sugurin na naman si

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 82

    KANINA pa magkaharap sina Noah at Viviane, nagkakape ngunit wala ni isa sa kanila ang may gustong magsalita. Napakaraming gustong sabihin dito ni Viviane ngunit pinipigil niya ang sarili niya. Sa unang pagkakataon ay tuluyan na niyang nakaharap sa wakas ang lalaking ama ng mga apo niya. Ang lalaking dahilan kung bakit labis na naghirap si Kath.Galit siya rito, oo. Sino ba naman sana ang ina na hindi magagalit sa taong nanakit sa anak niya hindi ba?Isang mahabang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Noah bago niya ibinuka ang kanyang bibig. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung saan siya magsisimula at kung ano ba ang dapat niyang sabihin sa ina ni Kath. tumikhim siya. “Sa-salamat po at pinayagan niyo akong makita ang mga anak ko.” umpisa niya.Nakita niyang nag-angat ito ng tingin at tumingin sa kaniya kasabay ng pagtaas ng sulok ng labi nito. Ang mga mata nito ay puno ng panunuya habang nakatingin sa kaniya. “Sa tingin mo ba ay gusto ko na makita mo ang mga anak mo?” magaspang

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 81

    ABALA sa binabasa niya si Kath nang bumukas ang kanyang pinto. Sinulyapan niya ito sandali at tinguan si Shaira na kapapasok lang. “Okay na po yung pag-iinstall ng cctv Miss Kath.” sabi nito sa kaniya. Kahit papano naman ay gumaan na ang pakiramdam niya dahil dito. “Mabuti naman kung ganun.” maikling sagot niya. Kung sana lang kasi ay noon niya pa nalaman na wala palang cctv doon. Napabuntong hininga na lang siya.Ilang sandali pa ay naramdaman niya na para bang nakatingin sa kaniya si Shaira kaya dali-dali siyang nag-angat ng ulo at tama ng ang hinala niya dahil nakatingin nga talaga ito sa kaniya. Napataas tuloy bigla ang kanyang kilay. “May problema ba?” tanong niya kaagad dito.Natigilan naman ito sandali at pagkatapos ay napuno ng pag-aalinlangan ang mukha nito kung magsasalita ba ito o hindi. “Ah, ano po kasi…” sabi nito.Sumandal siya sa kanyang kinauupuan. “Ano nga? Sabihin mo na.” giit niya.Napahugot ito ng isang malalim na buntong hininga bago nagsalita. “Nabalitaan ko po

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 80

    HALOS padabog na binuksan ni Jessy ang pinto ng silid ni MElinda at hindi niya napigilang mapalingon dito sa labis na inis. “Ano bang problema mo huh? Wala ka bang kamay para kumatok?” inis na tanong niya rito. Dali-dali namang tumayo ang kanyang asawa mula sa kanyang tabi.Nasa umpisa na sila ng maganda sanang pangyayari ngunit napakagaling nitong tumayming at iyon ang kinaiinis niya. Agad niyang sinampot ang baso niyang nasa harapan niya may lamang alak at uminom. Hindi naman maipinta ang mukha ni Jessy at mukhang diring-diri sa naabutan.“Kadiri. Katatanda niyo na.” nandidiring bulalas nito at pagkatapos ay umupo sa may kama.Awtomatikong tumaas ang kilay niya. Ano namang nakakadiri sa pagtatalik? Isa pa, mag-asawa sila, anong mali doon? Porque ba matanda na sila ay hindi na pwede? Sino namang nagsabi na hindi na pwede? Wala namang batas na nagbabawal sa pagtatalik ng mga may edad na.“Ano bang ipinunta mo rito huh? Kung maggaganyan ka lang dito Jessy ay mas mainam na lumabas ka na

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status