Dumulas ito sa maputik na kalsada, gumulong hanggang sa nahulog sa bangin na mahigit isandaang metro ang lalim.Walang nakapaghanda.Sa isang iglap lang, lahat ay napasigaw sa takot.Pagbagsak ng bus sa dagat, saglit na nawala sa ulirat ang mga pasahero.Idinilat ni Selena ang mga mata niya at nakitang mabilis na pumasok ang tubig sa loob ng bus dahilan para bumilis ang paglubog nito.Umikot ang paningin niya, hinahanap si Tyler pero hindi niya makita ang lalaki.Nasaan na si Tyler?!Habang nag-iisip ay unti-unti siyang naghanap ng lulusutan. Lumubog siya sa tubig, pinigil ang paghinga. Lumangoy siya sa bintana at lumusot. Nang makalabas ng bus ay nagmadali siyang lumangoy paakyat, wala na siyang naiisip kundi ang makaligtas.Nang makaahon sa tubig ay huminga agad siya at lumanghap ng hangin. Pagod at hingal na hingal. Tumingin siya sa paligid at isa-isang umahon ang ibang pasaherong nakaligtas.Hinanap niya si Tyler at nakita niyang hinahanap rin siya ng lalaki.“Tyler! Nandito ako!”
“’Yan nga ang hindi namin alam. Pati si Mr. Gardner, wala raw ideya kung saan siya pupunta,” sagot ni Tyler habang nakasandal sa upuan.Bahagyang kumunot ang noo ni Axel habang nakatanaw sa labas ng bintana ng kotse. “Sinabi ba niya kay Lucas kung bakit siya aalis?”“Hindi. Basta nagpaalam lang siya kay Mr. Gardner na aalis. Nagbilin lang na alagaan si Silas habang wala si Mrs. Strathmore.”Saglit na napaisip si Axel bago muling nagsalita, malamig ang boses. “Sundan niyo siya. I-update niyo agad ako kung may nangyari—”Ngunit hindi na narinig ni Tyler ang iba pang sinabi ni Axel sa kabilang-linya dahil may kakaiba silang napansin ni Barry na parang may mali sa takbo ng bus na sinasakyan ni Selena.Mas mahigpit ang hawak ni Barry sa manibela, unti-unting lumapit at pumwesto sa tabi ng bus. Nakita nilang nagkakagulo sa loob base sa ekspresyon ng mukha ng mga pasahero sa loob. Kahit silang dalawa ay nagpa-panic na rin.“Barry…” mahina pero puno ng kaba ang boses ni Tyler.Hindi na sumago
Alam niyang kapag sumalungat siya kay Abigail, mas lalo lamang lalala ang hidwaan nilang dalawa.Napabuntong-hininga si Lucas. “May punto ka riyan, Mrs. Strathmore. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit pumayag si Mr. Strathmore.”Kahit siya ay hindi rin maintindihan kung bakit. Ano ba talaga ang iniisip ni Axel?“Nga pala, Mr. Gardner… aalis ako ngayon. Mga ilang araw akong mawawala. Ikaw na muna ang bahala kay Silas habang wala ako,” aniya habang tumatayo mula sa sofa. Aakyat na sana siya pabalik sa kwarto nila ni Axel.Nagulat si Lucas. “Aalis? Saan naman kayo pupunta, Mrs. Strathmore? Ilang araw na lang ay uuwi na rin si Mr. Strathmore. Ano’ng sasabihin ko sa kanya kapag nalaman niyang wala kayo rito sa mansyon?”Napilitan siyang ngumiti kahit pilit. “Huwag kang mag-alala. Babalik din naman ako agad. May kailangan lang talaga akong asikasuhin. Okay?”Umakyat siya pabalik sa kwarto at nagsimulang mag-impake ng ilang damit at gamit na kakailanganin. Kinuha rin niya ang
Hindi niya malilimutan kung paano ito umalis na dala ang natitirang pera para itaya sa casino. Iniwan silang gutom, umiiyak, at kawawa habang si Ricardo ay nagpapakasaya sa casino.Namula ang mukha ni Selena sa inis, at nanginig ang buong katawan niya. Pinilit niyang kumalma kahit nangingibabaw sa kanya ang matinding galit.Tahimik sa kabilang linya si Ricardo hanggang sa marinig niyang muli ang tinig ng ama, ngayon ay mahina at sinusubukang magmakaawa.“Anak… alam kong marami akong kasalanan sa ’yo. Pero ama mo pa rin ako. At obligasyon mong tulungan ang magulang mo kahit anong mangyari…”Napapikit si Selena at mariing huminga. “Ilang beses mo na akong ginamitan ng linyang ’yan, dad. Ilang beses ko ring pinilit ang sarili kong maniwala, dahil gusto kong mapansin ninyo ni Tita Nadine. Pero ngayon, tama na. Hindi na ako kagaya ng dati na nagtatanga-tangahan.”Lumalim ang tinig niya, may puwersa ng tuluyang pagputol. “Ito na ang huling beses na mag-uusap tayo. Wala na akong pakialam kun
Mabilis niyang inilayo ang cellphone mula sa tainga. Halos mapangiwi siya sa lakas ng sigaw nito.“Sabihin mo na lang kung bakit ka napatawag,” prangkang sagot niya, walang pasensya sa tono. Wala naman siyang inaasahang magandang sasabihin mula rito.Sa kabilang linya, ang dating mayabang at mapang-abusong si Ricardo ay halos hindi na makapagsalita. Mahina ang boses, garalgal, at parang nauubusan ng hininga. Ilang araw na siyang pinahihirapan ng mga tauhan ni Nigel Giordano ilang araw matapos dukutin at saktan ng mga ito si Selena, kapalit ng utang na ginamit ni Ricardo upang isugal kaya nagawa niyang isinakripisyo si Selena para gawing pambayad utang.Sa una’y nagdiwang pa sina Ricardo, Nadine, at Nessa. Kumain sila sa labas sa mamahaling restaurant, nag-shopping ng bagong damit, nagtawanan at nagkunwaring wala lang ang ginawang kasalanan.Ngunit ilang araw lamang ang lumipas, dumating si Nigel kasama ang kanyang armadong tauhan. Walang habas na sinunggaban sina Ricardo, Nessa at Nad
Nang tuluyang kumalma ang kanyang dibdib, pinatay niya ang TV at dahan-dahang tumayo. Tahimik siyang umakyat sa kwarto nilang mag-asawa. Sa bawat hakbang ay tila ba may kabigatan sa kanyang puso.Pagdating sa kwarto, lumapit siya sa kama upang mahiga. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalapat sa kama, aksidente niyang nasipa ang isang bagay sa ilalim. Kumalabog ito nang bahagya kaya’t agad siyang yumuko para tingnan.Isang kahon ang nandoon, ang kahong naglalaman ng mga gamit na dinala niya mula sa lumang bahay ng kanyang pamilya.Mabigat ang dibdib habang inilalapag niya ito sa kama. Isa-isa niyang binuksan ang laman nito, at agad niyang nakita ang isang antigong hand-crank music box, isang alaala mula sa kanyang yumaong ina.Hinawakan niya ito nang marahan, para bang natatakot siyang masira ito. Pinaikot niya ang wooden crank, at agad namang bumalot sa buong silid ang malamig ngunit nakakaaliw na melodiya.Isang pamilyar na tugtog.Isang himig na tila muling bumuhay sa mga alaala n