(Tamahome and Lia's Story) After being buried alive by her ex-fiance and adopted sister, Lia Reed survived miraculously and promised herself to get back on the two. While performing her duty as a doctor, she met Leon Ashton, his ex-fiance's uncle. Leon was captivated by her beauty and when his grandmother came, he suddenly grabbed her hand and introduced her as his bride-to-be! Knowing Leon, Lia decided to play along and schemed a dangerous plan. Mauuwi ba sa totoong kasal ang kanilang nilagdaang contract marriage? Mahihilom ba ng hindi inaasahang pag-ibig ang malalim na sugat ng nakaraan o mas lalo lamang silang masasaktan?
Lihat lebih banyak“Nagmamakaawa ako sa inyo, huwag niyong gawin sa akin ‘to. Ibibigay ko na ang shares ko sa company. Hahayaan ko na kayong magmahalan…huwag niyo lang akong ilibing ng buhay.” Halinhinang tinapunan ng tingin ni Lia Reed sina Owen Ashton at Kiana Reed. “Please. Kia, we're family. Owen, we've been together for five years! Let me go!”
Matapos matuklasan ni Lia ang affair ng kaniyang fiancé at adopted sister ay nagsunod-sunod na ang kamalasan sa buhay niya. Kiana did everything to kick her out of her own family. Owen told the media that she cheated on him after they lost their daughter. And now, they’re about to bury her ALIVE! “Parang awa niyo na! Pakawalan niyo na ako! Kamamatay lang ni mommy! Hindi kakayanin ni daddy kapag nawala aga—” "Oh! Really? Pinalayas ka na nga ni daddy, nasasabi mo pa rin ‘yan? Listen, I prepared something for you, my dear sister.” Kiana smiled before she got her phone. She played an audio file. "Puro na lang kamalasan ang dala ni Lia sa pamilya natin! Mamatay na sana siya!" Dahan-dahang tumulo ang mga luha ni Lia sa kaniyang mga mata. Simula nang mawala ang kaniyang anak at ina ay naramdaman niyang lumayo ang loob ng kaniyang ama sa kaniya pero hindi pa rin siya makapaniwalang sasabihin nito ang mga gano'ng salita! Pilit na ngumiti si Lia. “Hindi totoo ‘yan. Ako na lang ang natitirang pamilya ni daddy. Hindi niya sasa—” Hindi na naituloy ni Lia ang sasabihin niya nang takpan bigla ni Owen ang kaniyang bibig gamit ang duct tape. Nakaupo siya sa isang silya sa ilalim ng isang malaking puno habang pilit niyang inaalis ang mga tali sa kaniyang mga kamay at paa. “Just accept it, Lia. Hindi ka na mahal ni daddy. Hindi ka na parte ng pamilyang Reed!” Umirap si Kiana. Sinilip niya ang hukay. "Malalim na ‘yong nahukay mo, babe. P'wede mo na siyang itapon dito pero bago ‘yon, let me have some fun.” Sinabunutan niya si Lia at saka pinagsasampal hanggang sa mamula ang parehong pisngi nito. Hindi pa siya nakuntento. Sinipa niya ang isang paa nito dahilan para matumba ito mula sa upuan. Napasubsob si Lia sa lupa. Nagtamo siya ng galos sa kaniyang mukha nang mapatama iyon sa isang matulis na bato. Napadaíng siya nang sipain siya ng ilang beses ng kaniyang kapatid. “Ikaw na lang palagi ang magaling sa mga mata ni mommy! Ikaw na lang palagi ang pinapaburan at ipinagmamalaki niya! Kahit anong gawin ko, balewala sa kaniya. Alam mo bang gigil na gigil ako kay mommy? Sa sobrang gigil ko sa kaniya, nakipagsagutan ako sa kaniya. Inilabas ko lahat ng sama ng loob ko kaya nalagutan ng hininga ang pinakamamahal mong ina!” Nangingilid ang mga luha ni Kiana habang sinasabi niya iyon. Dire-diretso pa rin ang pagsipa niya kay Lia. “Babe, tama na. Sugat na ang mga braso ni Lia. Hindi ba’t ang usapan natin ay hindi natin siya sasaktan pero ililibing natin siya ng buhay? Hindi ba gano'n ang nais mo? Bakit sina—” "Mahal mo pa ba ang babaeng ‘yan?” Itinuro ni Kiana si Lia na halos wala ng malay. "Hindi na! Kung mahal ko pa siya, bakit ko pa hinukay ang magiging libingan niya? Kumalma ka. Tama na. Kailangan na nating madaliin ito,” ani Owen. Mabilis na binuhat ni Owen si Lia habang nagwawala ito. Pinipilit pa rin nitong sumigaw kahit may takip na ang bibig nito. “Lia, save your energy. Kahit anong sigaw mo, walang makakarinig at tutulong sa'yo rito,” bulong niya sa likod ng tainga ng kaniyang fiancee sabay tawa nang malakas. ‘Mga demonyo kayo! Sagad na sa buto ang kawalang hiyaan niyo! Oras na makaligtas ako rito, pagbabayarin ko kayo! Pagbabayaran niyo ang lahat ng ginawa niyo sa akin at kay mommy!’ piping sigaw ni Lia bago pa man lumapat ang buong katawan niya sa lupa. Masyadong malakas ang pagkakahagis sa kaniya ni Owen kaya nawalan siya ng malay. “Sige na! Tabunan mo na siya para matapos na." Lumakad si Kiana patungo sa isang upuan. Kumuha siya ng yosi at sinindihan iyon. “Sa wakas, masosolo ko na rin ang yaman ng mga Reed. Madali nang iligpit si daddy dahil nasimulan ko na ang paglason sa kaniya." Pilit na iminulat ni Lia ang kaniyang mga mata. ‘Kailangan kong mailigtas si daddy! Kailangan kong mabuhay!’ Tumingin si Kiana kay Owen na ngayon ay abala na sa pagtatabon ng lupa sa halos wala nang malay na si Lia. Hinithit niya ang sigarilyo. “Wala ng magiging hadlang sa pagmamahalan namin ni Owen. Rest in peace, my dear sister.” Makalipas ang ilang minuto ay natapos din si Owen sa pagtatabon kay Lia. Umupo siya sa tabi ni Kiana at naki-hithit ng sigarilyo rito. “Now, she's with tita and our daughter. She will be happy. She should thank us for doing her a favor.” Kiana smirked and stood up. "That bítch doesn't know how to be thankful.” She suddenly kissed Owen. Ayaw pa sanang tumigil ni Owen sa paghalik kay Kiana pero si Kiana na mismo ang kusang lumayo sa kaniya. Kinuha nito sa kaniyang kamay ang sigarilyo at itinapon iyon sa may damuhan. “If you want to have more, then we should go," pilya at malanding sambit ni Kiana. Agad namang ipinulupot ni Owen ang kaniyang mga kamay sa bewang ni Kiana na para bang wala silang ginawang kasalanan. Nilisan nila ang gubat nang nakangiti at nagdidiwang. Hirap na hirap nang huminga si Lia. Wala na siyang nagawa kung hindi ang manalangin. Pumatak ang kaniyang huling luha habang pikit ang kaniyang mga mata. "Tama, wala na sila. Nakaalis na ang kanilang sasakyan," ani Jackson sabay supla ng bubblegum sa lupa. Mabilis na tumakbo si Leon sa pinaglibingan kay Lia. "Let's save her! Hindi siya p'wedeng mamatay!” “ Tamahome este Leon, kukuhanin ko na ba ang hidden camera?” tanong ni Jacob habang sumusupsóp ng lollipop. "Nako, Hakob, itinatanong pa ba 'yan? Malamang! Isa pa, huwag na nating tawaging Tamahome si Tama dahil Leon naman pala ang totoo niyang pangalan. Leon Ashton, ang tagapagmana ng Ashton Ventures! Akalain mong nagresign sa pagiging pulis para maging negosyante tulad nating mga Gra–" "Jett, puro ka daldal. Mamaya ay tatawag na sa atin ang ating mga asawa kaya kailangan na nating kumilos para iligtas si Miss Reed," ani Jackson habang pingot niya ang tainga ni Jett habang naglalakad palapit sa pinaglibingan kay Lia. "Hold on, Lia. I'm going to save you. Iniligtas mo nang araw na ‘yon ang buhay ko kaya ako naman ang magliligtas sa’yo ngayon," bulong ni Leon habang naghuhukay kasama ang kaniyang mga kaibigan --ang magkakapatid na Gray. "Wala na rito ang camera!” sigaw ni Jacob sabay takbo palapit sa kaniyang mga kasamahan. "Fúck! That kid! Hayaan niyo na! Tumulong na kayo rito! We need to save her ASAP!” buong lakas na sigaw ni Leon. Matapos ang mabilisang paghuhukay ay nakita rin sa wakas ni Leon ang doktor na nagsalba sa buhay niya noon. Dali-dali niya itong binuhat at inihiga sa may damuhan. Pinulsuhan niya ito at agad tsinek ang paghinga nito. Nang hindi niya ito maramdaman ay mabilis niyang pinump ang dibdib nito. “L-Lia, gu-gumising ka…” aniya sa nag-aalalang boses. Sinunggaban niya ang labi nito para subukang bigyan ito ng oksihina. “Lia, wake up!” Inawat ni Jackson ang kaniyang kaibigan sa ginagawa nito. “Leon, isakay na natin siya sa sasakyan. Jacob already called the hospital where she works. They’re now waiting for her arrival.” Tiningnan niya si Jett. “Get her. May oxygen tank sa sasakyan ni Hakob.” Agad na tumalima si Jett sa sinabi ng kaniyang kuya. Kinuha nito si Lia kaya’t naiwang tulala habang nakaupo si Leon sa may damuhan. Kuyom na kuyom ang mga kamao nito. “I let you have her, Owen dahil buong akala ko ay mas mapapabuti at mas sasaya siya sa piling mo. You proved me wrong. Magsimula ka nang magdasal na sana ay mabuhay pa si Lia dahil kung hindi, you and your mistress will take the fall. Either way, you’re going to pay for this. Your long lost uncle will help your ex-fiancee to get her revenge,” nagngingitngit na sambit ni Leon sabay suntok nang sunod-sunod ng napakalakas sa lupa.Nang makarinig nang pagsara ng pinto ay nakahinga na lalo nang maluwag si Owen. Ilang minuto siyang nakasiksik sa mga damit na nakasabit sa clothing rack. Tagaktak ang pawis niya at bumaba na rin ang init na nararamdaman niya, dahil bumaba na rin ang epekto ng alak. Biglang tumunog muli ang pinto kaya dali-daling bumalik si Owen sa pagtatago sa secret closet. Palapit nang palapit ang mga yabag kaya kabadong-kabado na uli siya. HAlos hindi na siya huminga dahil natatakot siyang marinig ng paparating ang bawat paghinga niya. “Lumabas ka na riyan.”“Kuya Jake?" bulong ni Owen at saka dali-daling lumabas kung saan siya nakatago. Habol na habol niya ang kaniyang hininga nang makaalis siya sa walk-in closet.“Thanks God!” bulalas ni Owen. “Salamat, Kuya Jake. I thought you are Uncle Leon. Akala ko mamamatay na ako! Mabuti na lang at ikaw pala ang pumasok.”Naka-crossed arms na pinagmasdan ni Jake ang kapatid. Well, gusto niyang magkagulo sina Owen at Uncle Leon niya pero hindi sa ngayon
Pagbukas ni Leon ng mirror door ng cabinet ay agad niyang inisa-isang tingnan ang mga damit na naroroon.Nagmulat ng mga mata si Owen. Kitang-kita niya ang kabuuan ng kaniyang tiyuhin habang hinahawi nito ang mga damit sa kaniyang harapan. Hindi siya kumukurap sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya.“No one's here," Leon murmured while staring at himself at the mirror. Halos glass at mirror ang medium na ginamit para sa walk-in closet ng silid na kinaroroonan nila. Nakatapat siya sa mismong kinatatayuan ng pamangkin niya pero hindi niya makita dahil kailangan pa niyang hawiin ang isa pang glass and mirror closet na nakapaloob sa cabinet.Halos manlambot ang mga tuhod ni Owen sa sobrang takot. Kinakabahan pa rin siya sa pagkakataong iyon. Baka mamaya ay bigla na lamang buksan ng kaniyang tiyuhin ang secret closet.“I guess, I'm just tired.” Sa huling pagkakataon ay sinulyapang muli ni Leon ang loob ng cabinet at saka iyon isinara. Nagpasya siyang bumalik na sa kuwarto.Kumunot ang no
“Leon’s acting weird. May problema kaya? Kailangan kong magmadali. Baka kailanganin niya ang tulong ko.”Nagmadaling nagbihis si Lia para makabalik agad siya. Pagbalik niya ay wala na sa kwarto si Leon. Napalingon siya sa may walk-in closet. “Naroon na siguro siya. Baka nagbibihis na."Luminga-linga si Lia. Kumunot ang noo niya nang mapansin niyang nagbago ang p'westo ng bath towel na nakasampay kanina sa may mini closet na katabi lang ng banyo.“Bago ako pumasok kanina, naka hanger ang bath towel na ‘yon. Bakit?”Nanlaki ang mga mata ni Lia. Iniikot niyang muli ang kaniyang mga mata. Napansin niyang wala sa ayos ang hinubad niyang tsinelas kanina noong lumabas siya ng banyo bago pa man dumating si Leon.“Posible kayang may ibang tao rito kanina noong umihi ako sa banyo?"Biglang kinabahan si Lia. Habang namimili siya kanina ng swimwear ay naalala niyang parang may anino ng tao sa may kama. Hindi niya lamang iyon pinansin kanina dahil akala niya ay namalik-mata lamang siya. Nakabukas
Ramdam ni Owen ang lakas ng tibok ng puso niya dahil sa kaba. Tila tinakasan siya ng epekto ng alak sa katawan niya at ng init nq nararamdaman niya kanina. Ngunit hindi rin niya maitago ang inis sa tiyuhin. Masyadong malakas ang pang amoy at pandama nito!‘Hindi kaya alam ni uncle na sinundan ko kanina si Ria? Pero, imposible. Eh ‘di sana ay kanina pa niya akong nahuli at nakita. Wala man lang akong nakitang kakaiba sa dalawang ‘to. This is so damn frustrating,’ inis na sambit ni Owen sa kaniyang isipan.Halos hindi na rin makahinga si Owen sa dami ng damit na nakapalibot sa kaniya. Kahit pa wala siyang damit pang itaas ay pawis na pawis na siya dahil sa init sa loob. Kasabay rin noon ang pagiging kabado niya dahil kamuntikan na siyang mahuli ng tiyuhin niya.“Fuck! Napaka-wrong timing talaga ni Uncle Leon! Mahahawakan ko na sana ang balat ng asawa niya. Ilang sentimetro na lang ang layo eh napurnada pa!” gigil na gigil na bulong ni Owen. Ang pagkakataong maramdaman ang balat ng babae
Madilim ang paligid ng silid kaya mas nakaramdam pa lalo ng excitement si Owen. Naiimagine na niya na mahahalikan niya ang asawa ng tiyuhin niya. Napalingon siya sa may pinto nang makarinig nang kaluskos. Pumuwesto siya sa gilid kung saan mas madilim at hindi siya kita.Bumukas ang pinto at lumabas si Lia na nakasuot lang ng roba at walang kamalay-malay sa mga matang nakamasid sa kaniya sa gilid. Palakad-lakad siya. Nag-iisip kung bagay ba sa kaniya ang dinala niyang swimsuit kanina sa banyo. Pinili niya lang iyon kanina sa mga magagandang swimwear na nakalatag sa ibabaw ng kama. Dahil nagmamadali siya kanina, nais niya munang tingnan kung tamang disenyo ba ang napili niya. Lahat naman ng mga swimsuit na iyon ay tailored lang para sa kaniya. Pinahanda iyong lahat ni Donya Rehina sa mga kasambahay nito at lahat naman ng iyon ay pasok sa panlasa niya kaya nahihirapan siyang mamili.Habang nag-iisip si Ria kung ano ang susuotin niya, si Owen naman ay hindi mapakali. Nagdadalawang isip k
‘Ano na kaya ang ginagawa ni Leon? Tungkol saan kaya ang pag-uusapan nila ni Kuya Rolly? Tungkol kaya sa company?’ Napailing si Lia sa iniisip. “Baka magbago na naman ang mood ni Leon kapag natagalan ang pagbalik ko sa baba. Daig pa naman niya ako sa pagiging moody,” bulong niya.Nang makarating si Lia sa silid nila ni Leon ay dali-dali siyang naglakad papasok nang maramdaman niyang naiihi na siya. Nakalimutan na niyang isara ang pinto dahil dumiretso agad siya sa banyo para umihi pero kinuha niya muna ang swimsuit na nakahanda na sa may kama bago tuluyang pumunta sa banyo. It was designed only for her. Walang ibang p'wedeng magsuot noon kung hindi siya dahil ipinasadya pa iyon ni Donya Rehina para sa kaniyang sukat.Habang si Ria ay nasa banyo, pumasok naman nang dahan-dahan si Owen sa silid. Maingat niyang isinara ang pinto. Sa bawat hakbang niya ay pinagpapawisan siya sa kaba. Hindi man niya nakuha si Lia noon ay sa kamukha naman niya nito maisasakatuparan ang lahat ng nais niyang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen