Napayakap ako sa sarili ko nang dumampi sa akin ang malamig na hangin. Nandito ako sa labas dahil naisipan kong maglakad-lakad muna dahil hindi ako makatulog. 8:30 na ng gabi pero ito ako at nasa labas pa rin. Marami lang seguro akong iniisip kaya gising parin ang takbo diwa ko. Hindi ko pa rin talaga maalis sa isipan ko 'yong sinabi ni Ken sa akin kaninang umaga.[ FLASHBACK ] Hindi ko na namalayan na nakakuyom na pala ang kama-o ko habang nakatitig kina Rachelle at Francis na nagtatawanan sa Hardin ng tinutuluyan naming bahay. Kaninang umaga lang sya dumating dito para bumisita raw. Pero ewan ko ba at kumukulo ang dugo ko. Nandito ako ngayon sa harapan ng bintana habang nakasilip sa kanilang dalawa.Bumalik na lang ako sa realidad nang may humawak ng nakakuyom kong kamay. Paglingon ko bumungad sa akin ang nakangiti ngunit may bahid ng lungkot na si ken. "I think...you should tell him," ani nito. Ka agad kong binawi ang kamay ko rito at tumingin sa ibang deriksyon. "Pinagsasabi mo?
"Grabe naman 'yong ginawa ng taong 'yon dito. Ang laki ng sira.""Malaki-laki 'tong kawalan sa kompanya.""Sana mahuli na 'yong taong 'yon."Naririnig kong mga komento ng mga kasamahan ko habang naglalakad kami papunta sa sunog na factory. Marami ng tao doon na humahakot ng malalaking bakal galing saa loob ng sirang bahagi ng factory. Hindi ko maiwasang magulat nang makita ko ng buo ang sunog na bahagi ng factory. Sobrang laki noon at halos kinain na ang kalahati ng building. Hayop pa sa hayop ang gumawa nito. Napakuyom ako ng kama-o sa iisang taong pumasok sa isipan ko. Hindi ko lang alam kung bakit aabot sila sa ganito kalalalang gawain. Tsk. Sa laki ng sira nito ay alam kong panigurado itong may malaking epekto sa mga nagtratrabaho rito. "Doon tayo, Ms. Gianna." Sinamahan kami ng isa sa mga tauhan rito, sa office ni Mr. Leron. Pagkarating naman doon ay naabutan namin si Mr. Leron na may hawak na ipad. Binati namin ito saka kami naupo sa sofa.Ka agad itong lumapit sa akin sabay a
Maaga akong nagising dahil pupuntahan namin 'yong factory ngayong araw. Naisipan kong bumaba muna upang magtimpla ng kape dahil madilim pa naman sa labas. Nasa hagdan na ako pababa nang makasalubong ko si Jen, sya 'yong anak ni Aling Remy. Ka agad itong lumapit sa akin na may dala pang basket ng labahin. "Good morning po ate Gianna. Ang aga nyo naman yatang gumising 5:30 palang po ng imaga ah," ani nito sa akin. ",Kailangan eh. Pwede mo bang ituro kung saan 'yong kusina dito?" toanong ko. Ibinaba nya ang dala sa gilid. "Magkakape po ba kayo? Ako na po magtitimpla," ani nito. "Tara po." Sumunod ako dito nang maglakad sya paalis.Nakarating kami sa kusina at namangha ka agad ako sa desinyo nito. May kalakihan ito at maraming malalaking painting sa paligid. Ang ganda. Dumeristo si Jen sa kabilang bahagi para mag-init ng tubig, ako naman ay nilibot ng tingin ang paligid. Lumapit ako sa isang painting na kasing laki yata ng bintana dito. "Ang ganda noh ate?," pagsasalita ni Jen habang k
"Kailangan ko ng tatlong tao mula sa grupo nyo na sasama sa akin sa Cebu," panimula ko. Inilibot ko ang paningin sa kanilang lahat. "Vanesya, migo, at Maggy. Kayo ang sasama sa amin bukas ok?" tawag ko sa mga pangalan nila. "Limang araw tayo roon kaya magdala kayo ng kailanganin nyo. Bukas tayo aalis. 'Yon lang, pwede na kayong bumalik sa trabaho," Huling anunsyo ko bago sila tinalikuran. Bukas ay pupunta kami ng Cebu upang tumulong umasikaso sa malaking problema na ng mga tauhan ngayon doon. Pumili ako ng tatlong employee para samahan ako at tulungan sa maaring gawin ko roon. Bukas na ang alis namin kaya nang mag-uwian na ay sumunod na rin ako upang makapagimpake."Alam mo bang gustong-gusto kitang pigilan, Gianna. Pero wala akong magagawa eh trabaho mo 'yaan," Sarkastikong komento ni Gael. "Ano kaba. Ok lang 'yon limang araw lang naman tsaka hindi naman sya sasama do'n," aniko. Kahit hindi ko sabihin ay na gets nya ka agad kung sino ang tinutukoy ko. Huminga ito nang malalim. "Ok
Kinaumagahan maaga akong pumasok dala-dala ko parin sa bag ang brown envelope na ibinigay ni Nayumi sa akin kahapon. Hindi ko pa ito binubuksan hanggang ngayon. Pero inaagaw ako ng kuryusidad ko kaya kinuha ko ito sa bag at bubuksan na sana nang may pumasok sa office kaya madali ko itong ipinatong sa table ko saka pinatungan ng ballpen. Binalingan ko naman ang taong pumasok."Ms. Akeshia? Anong ginagawa mo rito? May kailangan kaba?" tanong ko saka tumayo at tinulungan itong makaupo sa sofa. Malaki na kasi ang tyan nito at nahihirapan na syang maglakad mag-isa.Ngumiti ito sa akin. "Thank you," aniya saka ipinatong ang dalang maliit na shoulder bag sa tabi nito. "By the way where is, L? Nagpunta ako rito for him," tanong nito. "Hindi pa sya dumadating. Gusto nyo ba ng pagkain habang naghihintay?" tanong ko rito. "No need. Just please call him for me I have an important matter to discuss with him," sagot naman ito. Naga-alangan akong tumango. Lumapit ako sa table ko saka napatingin sa
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko. Nagpalinga-linga ito sa paligid saka ako hinila papasok sa loob. Umupo kami sa isang bakanteng mesa sa pinakadulo. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko may pinagtataguan kami. "May problema ba?" tanong ko ulit. Tumingin naman ito sa akin nang matagal na hindi manlang kumukurap. Naging dahilan iyon upang makaramdam ako ng pagtindig ng mga balahibo ko. "Anong kailangan mo sa akin?" Pangatlo ko nang tanong pero hindi parin ito sumasagot. Umiwas ito ng tingin saka nagkukotkot sa daliri nya. Ang weird nya. Akmang tatayo na sana ako nang pigilan nya ako ng isang kamay. "Bitawan mo ako," Banta ko rito pero hindi nya ginawa. "Alam mo kung tungkol lang ito sa tatay mo wala tayong dapat pagusapan--," Pinutol nito ang sasabihin ko."Look, Gianna. May aaminin ako sa'yo. Just please listen to me muna," aniya. Dahan-dahan ko namang binawi ang kamay ko saka umayos ng tayo. "Bilisan mo lang," aniko. May lumapit na waiter at binigyan kami ng tubig at menu p