/ Romance / MY SECRETARY HATES ME? / Chapter 2: Hello, Again

공유

Chapter 2: Hello, Again

작가: Miss R
last update 최신 업데이트: 2025-05-31 15:35:38

"Gianna! Gianna! Hoy babae gising!" Nangunot ang noo ko nang magising ako dahil sa malakas na katok sa pintuan ng kwarto ko. "Hoy!" sigaw ng pinsan ko galing sa kabilang banda. Napapadyak ako sa inis at agad na binato ng unan ang pinto kahit nakasara naman ito. Kaaga-aga kasi nambubulabog sya.

"Ano ba Gianna?" naiinis na ang tuno nito kaya wala akong nagawa kundi ang bumangon at pagbuksan ito. Bagot na mukha ang bungad ko sa kanya.

"Kailangan mo?" tanong ko. Hindi ako nito pinansin at pumasok na lang sa loob. Naupo ito sa maliit na sofa na malapit sa kama ko. "Hingian mo nga ako ng kape sa baba," utos nito sa akin.

"Wala kang kamay?" inis kong tanong. Naglakad ako papunta sa may salamin at sinuklay pagkatapos pinungos ang mahaba kong buhok. "Sungit. Segi ka may good news pa naman ako sa 'yo," nakangisi nitong sabi. Tiningnan ko sya nang nagtatanong gamit ang repleksyon sa salamin. "Ano?" tanong ko.

"Kape ko muna?" Naglahad ito ng kamay sa harapan ko. "Pagbaba natin titimplahan kita," sagot ko na lang. Hindi pa kasi nagkape sa bahay nila eh dito pa manghihingi. Tsk.

"Sabi mo yan ah"

"Oo nga. Ano ba 'yon?" naiinis ko na na mang tanong. "Good news, tanggap kana," ani nito. Napaharap naman ako sa kanya nang mabilis. "Ang sinasabi mo ba ay 'yong sa Golden Scenery?" pagklaklaro ko. "Eh ano pa ba," sagot nito. Halos lumuwa ako sa nalaman. Kaagad ko itong tinabihan na may hanggang langit na ngiti.

"As in? Hindi joke?" tanong ko pa. "Mukhang 'to?" turo nya sa sarili. "Nagjo-joke?" dugtong nito sabay irap. "Oh my ghad!" Napatili ako sa sinabi nya. So, may trabaho na ako? Oh my ghad! Sobrang saya ko na halos pigain ko na sya sa pagkakayakap.

"Next day na ang start mo ha," saad ng pinsan ko nang makababa na kami. "Segi," sagot ko. Sumalubong kaagad sa akin ang mga kasama ko dito sa apartment na inuupahan namin.

"Oy Gian-girl kakain na!" bungad ni Jasmin sa amin, sya 'yong pinakamatanda sa lahat ng naguupa dito. Apat kami dito at puro mga babae. Katunayan lahat ng naguupa dito ay mga estudyante maliban sa akin.

Dumeritso kami ng pinsan kong si Gael sa kusina. Doon bumungad sa amin ang agahan.

"Andito ka na naman, Babae?," biro ni Cattleya kay Gael na tinarayan lang ito. Nang magsidatingan na ang lahat kasama na rin ang may ari ng apartment namin nagumpisa na kaming kumain.

Matapos kumain sinamahan ko si Gael sa sakayan ng jeep, uuwi na raw kasi sya dahil busog na. Ganyan naman talaga lagi 'yan, pupuntahan lang sa apartment kung may kailangan.

Nang makasakay ito saka ako umuwi. Medyo malayo ang apartment namin sa sakayan kaya malayo rin ang nilakad ko. Napamura nalang ako bigla nang kumulog at naghahamon na naman ang ulan.

"Wag muna malayo pa ako," sabi ko at inumpisahan ang pagtakbo. Sa pagkakamadali ko may nabangga ako at pareho kaming natumba sa daan.

"Sorry--" Naputol ang sasabihin ko nang makilala ko kung sino ito. Kung siniswerte ka nga naman oh. Kaagad akong tumayo at hinarap ito. Napataas ang kilay ko at napakunot ng malalim ang noo. Ito naman ay nagpapagpag ng pantalon saka tumingin sa akin na parang ngayon lang kami nagkita.

"Ha!" singhal ko. "Small world nga naman. Seguro naman at natatandaan mo ang pagmumukhang 'to?" Turo ko sa sarili. "Sorry?" English pa ang tanong nito. Hambog! "Sorry?" panggagaya ko sa kanya. Naasiwa ako sa pagmumukha nya. "Ah so matapos mo akong pagnakawan at bastusin sa jeep, biglang hindi mo na ako matandaan?" inis kong saad. Pero ang walang hiya hindi man lang ako pinansin sa halip ay busy ito kakatingin sa cellphone nya.

"Look, i don't know what you are talking about but...I have to go," Akmang aalis ito nang pihitin ko ang braso nya pabalik sa kinatatayuan nya pero hinugot nya pabalik ang kanyang braso. "Ay sandali...aba! Ibalik mo 'yong wallet ko na ninakaw mo!" sabi ko. "What wallet?" maang-maangan nitong tanong. Aba! Sumusubra na'to ah.

"Yung wallet ko sabi na ninakaw mo sa jeep no'ng isang araw!" Nainis na ako.

"Ok fine, babayaran ko nalang. Magkano ba ang laman ng wallet mo?" Halatang nagmamadali ito sa tuno ng boses nya. Bigla akong napakamot ng ulo. "A-ah..." nagalangan pa ako sa sasabihin. "what?" nainis na ito sa tagal kong magsalita. "Sengkwenta p-pesos," ani ko. Napahugot ito ng hininga sa pagkakadismaya. "Just fifty pesos?" hindi makapaniwala nitong tanong.

"Aba! Pamasahe ko kaya 'yon papunta sa trabaho ko sa na sinira mo! Alam mo bang naglakad--" Naputol ang sasabihin ko nang ilahad nito sa harapan ko ang tumatagingting na 1,000 pesos. Langya! Ipinamimigay nya lang ang ganito kalaking pera? Hindi makapaniwalang napaangat ang tingin ko sa kanya.

"Take it," ani nito pero nang hindi ko tanggapin binitawan nya bigla kaya biglang nalaglag ito sa semento at bigla itong nawala sa paningin ko. Pakiramdam ko naapakan ang ego ko kaya mas lalo akong nainis.

" Kapal," singhal ko. Pero kalaunan ay kinuha ko na rin ang pera pagkatapos nyang umalis. Aba, sayang naman 'yong isang libo.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • MY SECRETARY HATES ME?   Chapter 52: As if we're ok

    Ala una na ng hapon nang mapatingin ako sa oras sa cellphone ko. Pinatay ko ito at ibinalik ang atensyon sa ginagawa ko nang biglang maramdaman ang yakap ng kung sino sa aking likuran. Hindi na ako nagulat dahil nalaman ko ka agad kung sino ito. Amoy pa lang ng hininga nya sa balikat ko ay kilala ko na ka agad."Alis nga," sita ko rito pero dumaing lang sya, sinasabing ayaw nitong sundin ang sinabi ko. "Baka may pumasok bigla. 'Diba sinabi ko naman sa'yo--""Fine. Fine." Umalis ito sa pagkakayakap sa akin saka dahan-dahan at papilay-pilay na bumalik sa kama nya. Nandito na kami sa Manila at sa bagong hospital dito. Mag-iisang linggo na syang nananatili rito pero hindi pa sya pwedeng lumabas dahil inuubserbahan pa raw ng doctor ang kalagayan nya. Pero ito sya at kung saan-saan na pumunta kahit na ilang beses na syang sabihan ng doctor na 'wag syang galaw nang galaw."I'm hungry," reklamo nito na parang bata. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti pero itinago ko.Oo. Ok na kami. Sabihin ny

  • MY SECRETARY HATES ME?   Chapter 51: Stay

    Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Ka agad akong bumangon at takang inilibot ang paligid. Puro puti lang ang nakikita ko. Ngunit ka agad ko namang nahulaan kung na saan ako nang makita ang mga aparato sa gilid ng mesa. Nasa hospital ako. Teka. Bakit ako nandito? Gano'n na lang bumalik ang kaba ko nang maalala ang nangyari kay Francis. Umalis ako ng kama at akmang hahakbang nang matumba ako. Nagtaka ako kung bakit tila ang tamlay ng mga buto at kalamnan ko. "Ate, ayos ka lang?" Biglang iniluwa ng pintuan si Jen na may dala-dala pang plastic. Ka agad nya akong tinulungang tumayo at inupo sa kama. "Hindi pa seguro nakaka-recover ang katawan mo ate 'wag mo sanang pwersahen," ani nito saka tinalikuran ako. Maya-maya pa ay binuksan nito ang dalang plastic. Laman nito ay paper bag na may lamang kung ano at maliit na pinggan at kutsara. "Kumain ka muna, ate. Mainit-init pa'to." Inilagay nya ang laman ng paper bag sa pinggan na dala nito. Kanin pala ito at pakbet. Saka ibinigay sa aki

  • MY SECRETARY HATES ME?   Chapter 50: Say it

    Napayakap ako sa sarili ko nang dumampi sa akin ang malamig na hangin. Nandito ako sa labas dahil naisipan kong maglakad-lakad muna dahil hindi ako makatulog. 8:30 na ng gabi pero ito ako at nasa labas pa rin. Marami lang seguro akong iniisip kaya gising parin ang takbo diwa ko. Hindi ko pa rin talaga maalis sa isipan ko 'yong sinabi ni Ken sa akin kaninang umaga.[ FLASHBACK ] Hindi ko na namalayan na nakakuyom na pala ang kama-o ko habang nakatitig kina Rachelle at Francis na nagtatawanan sa Hardin ng tinutuluyan naming bahay. Kaninang umaga lang sya dumating dito para bumisita raw. Pero ewan ko ba at kumukulo ang dugo ko. Nandito ako ngayon sa harapan ng bintana habang nakasilip sa kanilang dalawa.Bumalik na lang ako sa realidad nang may humawak ng nakakuyom kong kamay. Paglingon ko bumungad sa akin ang nakangiti ngunit may bahid ng lungkot na si ken. "I think...you should tell him," ani nito. Ka agad kong binawi ang kamay ko rito at tumingin sa ibang deriksyon. "Pinagsasabi mo?

  • MY SECRETARY HATES ME?   Chapter 49: Men's

    "Grabe naman 'yong ginawa ng taong 'yon dito. Ang laki ng sira.""Malaki-laki 'tong kawalan sa kompanya.""Sana mahuli na 'yong taong 'yon."Naririnig kong mga komento ng mga kasamahan ko habang naglalakad kami papunta sa sunog na factory. Marami ng tao doon na humahakot ng malalaking bakal galing saa loob ng sirang bahagi ng factory. Hindi ko maiwasang magulat nang makita ko ng buo ang sunog na bahagi ng factory. Sobrang laki noon at halos kinain na ang kalahati ng building. Hayop pa sa hayop ang gumawa nito. Napakuyom ako ng kama-o sa iisang taong pumasok sa isipan ko. Hindi ko lang alam kung bakit aabot sila sa ganito kalalalang gawain. Tsk. Sa laki ng sira nito ay alam kong panigurado itong may malaking epekto sa mga nagtratrabaho rito. "Doon tayo, Ms. Gianna." Sinamahan kami ng isa sa mga tauhan rito, sa office ni Mr. Leron. Pagkarating naman doon ay naabutan namin si Mr. Leron na may hawak na ipad. Binati namin ito saka kami naupo sa sofa.Ka agad itong lumapit sa akin sabay a

  • MY SECRETARY HATES ME?   Chapter 48: First Day

    Maaga akong nagising dahil pupuntahan namin 'yong factory ngayong araw. Naisipan kong bumaba muna upang magtimpla ng kape dahil madilim pa naman sa labas. Nasa hagdan na ako pababa nang makasalubong ko si Jen, sya 'yong anak ni Aling Remy. Ka agad itong lumapit sa akin na may dala pang basket ng labahin. "Good morning po ate Gianna. Ang aga nyo naman yatang gumising 5:30 palang po ng imaga ah," ani nito sa akin. ",Kailangan eh. Pwede mo bang ituro kung saan 'yong kusina dito?" toanong ko. Ibinaba nya ang dala sa gilid. "Magkakape po ba kayo? Ako na po magtitimpla," ani nito. "Tara po." Sumunod ako dito nang maglakad sya paalis.Nakarating kami sa kusina at namangha ka agad ako sa desinyo nito. May kalakihan ito at maraming malalaking painting sa paligid. Ang ganda. Dumeristo si Jen sa kabilang bahagi para mag-init ng tubig, ako naman ay nilibot ng tingin ang paligid. Lumapit ako sa isang painting na kasing laki yata ng bintana dito. "Ang ganda noh ate?," pagsasalita ni Jen habang k

  • MY SECRETARY HATES ME?   Chapter 47: Cebu

    "Kailangan ko ng tatlong tao mula sa grupo nyo na sasama sa akin sa Cebu," panimula ko. Inilibot ko ang paningin sa kanilang lahat. "Vanesya, migo, at Maggy. Kayo ang sasama sa amin bukas ok?" tawag ko sa mga pangalan nila. "Limang araw tayo roon kaya magdala kayo ng kailanganin nyo. Bukas tayo aalis. 'Yon lang, pwede na kayong bumalik sa trabaho," Huling anunsyo ko bago sila tinalikuran. Bukas ay pupunta kami ng Cebu upang tumulong umasikaso sa malaking problema na ng mga tauhan ngayon doon. Pumili ako ng tatlong employee para samahan ako at tulungan sa maaring gawin ko roon. Bukas na ang alis namin kaya nang mag-uwian na ay sumunod na rin ako upang makapagimpake."Alam mo bang gustong-gusto kitang pigilan, Gianna. Pero wala akong magagawa eh trabaho mo 'yaan," Sarkastikong komento ni Gael. "Ano kaba. Ok lang 'yon limang araw lang naman tsaka hindi naman sya sasama do'n," aniko. Kahit hindi ko sabihin ay na gets nya ka agad kung sino ang tinutukoy ko. Huminga ito nang malalim. "Ok

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status