Share

Chapter 4 - Parents

Author: Redink
last update Last Updated: 2025-06-13 03:38:19

Noon pa man ay nakagawian na ni Pearl na agawin ang mga gamit ni Psalm, lalo na kung paborito niya. 

Dama rin niyang mas mahal ng mga magulang niya si Pearl. Madalas itong nakikipagpaligsahan sa kaniya kahit sa mga manliligaw niya. Ngayon, hindi lang simpleng damit o lipstick ang inaagaw nito. Pero hindi pa rin niya masabi sa mga magulang.

Likas siyang tahimik kaya kahit noon ay lagi siyang inaakusahan ni Pearl sa mga kasalanang hindi niya ginawa, naging masama siya sa mga mata ng kanilang parents.

"Mas matanda ka, dapat ikaw ang umunawa sa kapatid mo!" 

Lumala ang trauma niya dahil sa obvious na favoritism ng mga magulang. Kahit naman din magsalita siya, bibihira na paniniwalaan siya ng mga ito. 

Lumaki siyang inaabuso at noong nasa kolehiyo na ay nagpasya siyang umalis sa kaniyang pamilya. Doon niya nakilala si Darvis. Buo ang tiwala niya noon na walang makakaagaw sa lalaki mula sa kaniya. Pero nagkamali siya. Nakuha pa rin ito ni Pearl nang walang kahirap-hirap.

Nakagagalit isipin na nagmahal siya ng maling tao. Hindi naman siya humingi ng sobra-sobra. Katapatan lang. 

Kinuha niya ang cellphone at nag-secure ng screenshots sa chats ni Pearl sa kaniya. Aalis siya at iiwan niya si Darvis pero hindi niya patatahimikin ang dalawa. Kailangang magbayad ng mga ito. Sisirain niya ang lahat at titiyakin niyang mawawalan ng kuwenta ang dalawa.

***

Nagmamadaling pumasok ng bahay si Darvis. Inagahan niya ang uwi. Pagkapasok pa lang ng sala ay natanaw niya agad si Psalm na natutulog sa couch. Nakatagilid ito at nasa tiyan ang isang kamay na wari ba ay may pinoprotektahan. Mugto ang mga mata nito. 

Nakaramdam ng pagsisisi si Darvis. Pero hindi rin niya maaring balewalain si Pearl. Kahapon ipinasa sa kaniya ng babae ang pregnancy test result at ang prenatal check-up form. Umiyak pa habang nag-uusap sila sa phone.

Tatlong taon na rin silang kasal ni Psalm at wala pa ring anak. Kailangan niya ng tagapagmana kaya hindi na rin siguro masamang nabuntis si Peal.

Sabagay, kung ang asawa niya ang mabuntis, baka hindi niya maatim na makitang nasisira ang katawan nito. Ayos na 'yong si Pearl ang manganak. Pwede naman niyang iuwi ang bata rito sa bahay nila under adoption process after two or three years at si Psalm ang mag-aalaga.

Hindi niya maikakailang masaya siya at sa wakas magiging tatay na siya. Minsan pa niyang naisip na nawalan ng silbi sa kaniya si Psalm. Ang tatlong taon nila bilang mag-asawa ay hindi kasing-ningas at kasing-memorable sa tatlong buwan na nakasama niya si Pearl tapos binigyan pa siya ng anak.

Pero inalis niya agad sa isipan iyon dahil mahal niya ang asawa. 

Ngayon habang pinagmamasdan niya si Psalm at ang stress nitong anyo kahit tulog, may bahagi ng puso niyang kumikirot. Tatanggapin niya kung magalit ito mamaya pagkagising. 

Umuklo siya at pinangko si Psalm para dalhin sa kuwarto. Pero hindi pa man din siya nakahakbang ay nagising ang asawa niya.

"Nagising ba kita, hon?" malumanay na tanong ni Darvis. 

Kumunot ang noo niya nang mabasa ang pagtutol sa mga mata ni Psalm matapos siya nitong titigan. Disgusto ba 'yong nababasa niya sa hapo na mga mata ng asawa?

"Okay ka lang ba? Gusto mong tawagin ko ang family doctor?"

"Hindi, okay lang ako. Pagod lang." Umiwas ito ng tingin. "Pwede mo ba akong ibaba?"

"Pasensya ka na kung naghintay ka sa akin. End of the year na, kailangan kong subaybayan ang inventory of stocks ng kompanya. Alam mo 'yon, di ba?"

"Okay," malamig na tango ni Psalm. Tila ba walang interes na marinig ang kaniyang paliwanag.

"I am so sorry, honey. Pwede mo akong sampalin o kahit ano ang gusto mong gawin dahil sinira ko ang pangako ko at hindi kita nasamahan sa anniversary natin."

"Ibaba mo na lang ako, ayos lang. Naintindihan kita."

Nilapag niya ang asawa. "By the way, may gift ako para sa iyo." Kukunin na sana niya sa loob ng bulsa ang regalo nang mag-ring ang cellphone niya. 

Sinipat niya iyon at kabadong tumingin kay Psalm. Pakiramdam niya ay nakahalata na itong may ginawa siyang kababalaghan.

"Ano? Bakit hindi mo replayan iyang nag-chat sa iyo? Kailangan ko pa bang tumalikod?" sarcastic nitong pahayag.

Umiling si Darvis. "Here, ito ang gift ko para sa iyo." Binigay niya sa asawa ang kaheta. "May emergency sa opisina, kailangan kong bumalik doon," aniyang binirahan ng alis.

Deretso siya sa sasakyan na naghihintay at doon binasa ang chat ni Pearl.

"Kapal talaga ng mukha, kailan pa siya naging ganito kahusay magsinungaling?" Himutok ni Psalm nang maglaho sa paningin niya ang lalaki.

Ang panic na nakikita niya sa mga mata ni Darvis, malamang ay para iyon sa kapatid niya. May nangyari siguro. 

Nag-vibrate ang cellphone niyang nasa mesita. Si Pearl ang nag-chat. Pagkatapos ng asawa niya, siya naman ang dedemonyohin ng bruhang iyon!

Pearl: Ang sakit ng tiyan ko! Hindi ka naman magagalit kung sasamahan ako ni Kuya, di ba, Ate?

Mariing kinagat ni Psalm ang ibabang labi.

Pearl: Nga pala, binilhan ako ng singsing ni Kuya, ano kayang ibig sabihin non? Tingin ko gusto ka na niyang iwan.

Nagpasa ito ng photo ng singsing.

Pearl: Ganda ng ring no? I love it!

Ano pa ba ang bago? 

Kinuha ni Psalm ang kaheta at binuksan. Kaparehas na singsing ang laman niyon. Talipandas talaga ang lalaking iyon. Parehong singsing ang ibinigay sa asawa at kabit?

Ibinalik ni Psalm ang singsing sa kaheta at ibinalibag iyon. 

"How cheap!"

Saglit niyang ipinikit ang mga mata para aluhin ang sarili. Hindi makabubuti sa kaniya at sa baby niya ang magpatalo sa galit. Makagaganti rin siya, makikita ng dalawang iyon.

Huminga siya ng malalim at sinagot ang chat ni Pearl.

Psalm: Masarap ba kainin ang basurang itinapon ko? Ano'ng lasa niya?

Ibinaba niya ang cellphone at hindi na pinansin pa kung may reply ang kapatid niya o wala. Nagtungo siya sa kuwarto at nag-halfbath. Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay umalis siya, pumunta ng hospital.

Nasa corridor siya sa ground floor nang marinig ang pamilyar na boses.

"Darvis, buntis si Pearl! Bakit hindi mo hiwalayan si Psalm? Mag-file ka na ng annulment at pakasalan mo si Pearl. Hahayaan mo bang magdusa ang anak mo?"

Nag-ugat sa sahig si Psalm. Ang kaniyang ama ang nagsasalita habang kausap nito sa cellphone si Darvis. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 38 - power

    Na-realize ni Psalm na hindi lang siya ang mapeperwesyo kung hindi niya haharapin ang media kahit pa wala naman siyang dapat ipaliwanag. Nakakatakot kung ang social media na ang lalason sa utak ng mga tao, maski walang katibayan madidiin siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Tatlong araw na mula nang pumutok ang issue at halos mag-camping na sa labas ng mansion ang taga-media. Kada katulong na lumabas ay hinaharang at tinatanong. "Lalabas ako, Lucille, kakausapin ko ang press. Dito lang kayo," bilin niya sa kasambahay matapos ibigay dito si Chowking."Mag-iingat po kayo, Madam," worried na pahabol ng katulong.Pagtawid pa lamang niya sa pulta-mayor ay sinalubong siya ng kislap ng mga camera na wari ay kidlat sa gitna ng bagyo. Takbuhan ang mga reporter mula sa iba't ibang broadcasting network at nag-uunahan sa pag-umang ng microphone sa kaniya. "Ano po ang masasabi ninyo tungkol sa paratang na rape at frustrated murder?""May katotohanan ba lahat ng sinabi ni Madam Daisy?""T

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 37 - innocent

    Hinatid lang ni Darvis pauwi ang asawa. Balak niyang pumunta sana ng opisina pero natanggap niya ang tawag ni Pearl. Bakas sa tono ng dalaga ang stress. Naintindihan niya kung naapektuhan ito sa sinapit ng anak ni Madam Daisy, kaibigan nito ang biktima. Pero hindi niya mapilit ang sarili na ibigay ang buong simpatiya kung si Psalm naman ang malalagay sa alanganin. Kilala niya ang asawa. Marahil ay hindi siya gaanong pamilyar sa mga ganap noong kabataan pero sa loob ng pagsasama nila, kabisado niya ang puso nito. Likas itong may mabuting kalooban. Ang kabaitan nito ay walang sinusunod na pamantayan. Kumbinsido siya na inosente ito at napagbintangan lang sa kasalanang wala naman itong ideya. "Nandito ka na rin!" Sumalubong sa kaniya si Pearl pagpasok niya ng sala. Umiiyak na yumakap sa kaniya ang dalaga. "Takot na takot ako, Kuya. Di ko akalaing kayang gawin iyon ni Ate sa kapwa babae. Pinagahasa niya talaga si Sheena!" sumbong nito. Naiiritang itinulak niya ito palayo. "Tama na n

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 36 - video

    Umiling si Darvis. Walang sinabi pero halatang hindi kontento sa narinig. Hinawakan nito sa kamay si Psalm at muli nilang nilapitan ang mga pulis."Sasama ako sa police station, kung pwede 'wag nýo na siyang i-handcuffs," anito sa dalawang pulis."Copy that, Mr. Florencio. Anyway, hindi pa naman natin napatutunayan kung may katotohanan ang bintang sa kaniya. She is innocent unless proven guilty."Hindi man lang siya makapagbihis. Nanlalagkit na siya. Dapat pala tinanggap na lang niya ýong damit na binigay ni Ymir bago siya nito ihatid pauwi kanina. "Lucille!" tawag ni Psalm sa kasambahay."Madam?" Lumapit si Lucille, nasa mukha ang hinagpis at pag-aalala. Naglabasan din ang ibang mga katulong. Kahit papaano naramdaman niya nasa kaniya ang simpatiya ng mga ito. Sa haba ng panahong nanilbihan sa mansion ang mga kasambahay, kabisado na siya ng mga ito. Wala siyang naging kaaway, maliban lang siguro kay Pearl na kung titingnan naman mula sa point of view ng society ay normal away lang ma

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 35 - arrest

    Napuyat sa kahihintay ng balita si Pearl kung tagumpay ba o hindi ang plano nila ni Madam Daisy. Pero sa halip na magalit pagkat hindi pa rin nagparamdam ang manghuhula'y kalmado at masaya ang dalaga dahil buong magdamag niyang kasama si Darvis. Kaaalis lang ng lalaki. Busog na naman siya sa mainit na tagpo nila. Kapag si Darvis talaga, hindi siya nabibitin. Kontento siya lagi dahil napaka-aktibo nito sa kama.Nakangiting binalingan niya ang cellphone at muling tinawagan si Madam Daisy. Halos naka-sampung missed calls na siya. "Pearl! Nasaan ka?" Boses na may kasamang panaghoy ang tumawid mula sa pintuan. Kasunod ang manghuhula na umiiyak at hindi niya maipinta ang hitsura dahil sa dungis."Madam, ano'ng nangyari?""Si Sheena, nasa hospital at nag-aagaw-buhay! Ginahasa siya ng gang at sinaksak. Nakita siya ng mga pulis kanina sa tapunan ng basura. Tulungan mo ako, Pearl, baka mamatay ang anak ko!" Nanginginig ang mga kamay at abot-abot ang pag-agos ng mga luha ng babae.Hindi nakahuma

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 34 - karma

    Maingat na ibinaba ni Ymir sa kama si Psalm at muling sinuri ang mga sugat sa tuhod ng babae. Unti-unti nang namaga ang paligid ng galos. Nagtagis siya ng mga bagang at umakyat ang paningin sa tiyan nito. "May iba pa bang masakit bukod sa mga galos mo? Ang tiyan mo?" tanong niyang tumayo at kinuha ang medical bag na nasa couch. Narito sila sa Quantum. Satellite clinic niya sa labas ng main house estate ng Venatici. Heavily guarded of moving personnel and electronic security. Dito ang pinakamalapit mula sa location ng exhibit kanina kaya rito na niya itinakbo si Psalm imbis na sa hospital."Bakit dito mo ako dinala, Ymir?" tanong ni Psalm na nalukot ang mukha nang hawiin niya paangat ang suot nitong bestida."Saan mo gusto? Sa hotel?" pabiro niyang pakli. He had a quick glimpse of her pink cloth underneath and it stirs a hell of electric friction in his groin. Fortunately, his self-control took charge rapidly, reminding him that this woman is not someone that he can deliberately tou

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 33 - assault

    Mariing kinagat ni Pearl ang ibabang labi. Kahit hindi niya nakikita si Darvis, alam niyang galit na ito. Masyado ba siyang demanding? Pero kung hindi niya ito i-remind lagi, wala siyang mapapala dahil mas matimbang pa rin sa lalaki si Psalm. "Huwag ka nang magalit, Kuya, gusto lang kitang i-check. Worried lang ako, baka pati ikaw madamay sa bad luck na para sa amin ni baby," pagdadahilan niya."Don't call me for the meantime, masakit ang ulo ko.""S-sige, pahinga ka, okay?" Gigil na piniga ni Pearl ang cellphone. Pagkatapos magpaalam kay Darvis ay pinindot niya ang contact number ni Madam Daisy. "Kung hindi natin aalisin sa landas si Psalm, hindi ibibigay sa iyo ni Darvis ang kwintas.""At wala ka ring reward mula sa akin," antipatika niyang pakli."Nakahanap ng paraan ang kapatid mo'ng iyon para hindi mapasaiyo ang necklace. Kailangang kumilos na tayo," sulsol ng manghuhula. "May plano ba kayo?" Sumilip ang masamang ngiti sa labi ni Pearl. "Gusto kong madurog ang babaeng iyon, g

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status