Share

Chapter 33 - assault

Author: Redink
last update Last Updated: 2025-07-01 08:20:25

Mariing kinagat ni Pearl ang ibabang labi. Kahit hindi niya nakikita si Darvis, alam niyang galit na ito. Masyado ba siyang demanding? Pero kung hindi niya ito i-remind lagi, wala siyang mapapala dahil mas matimbang pa rin sa lalaki si Psalm.

"Huwag ka nang magalit, Kuya, gusto lang kitang i-check. Worried lang ako, baka pati ikaw madamay sa bad luck na para sa amin ni baby," pagdadahilan niya.

"Don't call me for the meantime, masakit ang ulo ko."

"S-sige, pahinga ka, okay?" Gigil na piniga ni Pearl ang cellphone.

Pagkatapos magpaalam kay Darvis ay pinindot niya ang contact number ni Madam Daisy.

"Kung hindi natin aalisin sa landas si Psalm, hindi ibibigay sa iyo ni Darvis ang kwintas."

"At wala ka ring reward mula sa akin," antipatika niyang pakli.

"Nakahanap ng paraan ang kapatid mo'ng iyon para hindi mapasaiyo ang necklace. Kailangang kumilos na tayo," sulsol ng manghuhula.

"May plano ba kayo?" Sumilip ang masamang ngiti sa labi ni Pearl. "Gusto kong madurog ang babaeng iyon, g
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Mabuti nlng anjan plagi c ymir mafia ata c ymir thank you po s update
goodnovel comment avatar
Riza Monreal
Welcome to his dark side, Psalm. Mukhang bigatin talaga si Ymir at walang sinabi si Darvis. :)
goodnovel comment avatar
Mylaflor Heredero
ay mgpakamafia ata c doc
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 59 - fight

    "Mabuti at nagdesisyon ka nang umalis ng bahay n'yo. I will send Lui to you in case you need some assistance. Do nor overdo yourself, alalahanin mong buntis ka," pahayag ni Ymir at tinanguan si Amara na pumasok ng opisina niya.Kausap ng doctor sa cellphone si Psalm. Binalita sa kaniya ng babae ang pag-alis nito ng mansion kagabi. Tumutuloy ito ngayon sa Holiday Capital Hotel. May investment doon ang babae sa pagkakaalam niya. "Okay lang ako, Ymir. Maayos na kami ni Chowking dito. Nagka-problema lang ako ng kunti sa papers niya kagabi dahil naiwan ko roon sa mansion. Buti na lang pet lover ang manager. Binigyan ng consideration si Chowking.""How about your personal provisions? I can ask Lui to buy some items for you and your cat." Itinuro ni Ymir sa pinsan ang couch. "Hindi na. Lalabas ako mamaya at isasama ko si Chowking, bibili kami ng ilang gamit.""Aabangan ka lang ni Darvis at baka mapilit ka na naman ng lalaking iyon na umuwi sa bahay ninyo. Si Lui na ang papupuntahin ko at s

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 58 - leaving him

    Gabi nang nakauwi ng mansion si Psalm. Nagtaka siya at abala ang mga katulong sa paghahakot ng kung anu-ano patungo sa rose peony garden. Tumikwas ang kilay niya nang matanaw si Darvis na papalapit. Bihis na bihis. Naka-brush up ang buhok at amoy niya ang spicy na aroma ng panlalaking cologne. Ngayon lang niya hindi na-appreciate ang angas ng asawa sa kabila ng matikas nitong tindig. "Ano'ng mayroon, Darvis?" usisa niya. Bonggang ka-dramahan na naman ba ito dahil may hihingin sa kaniya ang lalaki? Sana mali siya.Ngumiti ang lalaki. "Naghanda ako ng candle dinner para sa iyo, honey. Isipin mo nang house date natin ito. Hindi na tayo nakalalabas kaya bumabawi ako kahit dito lang sa bahay. You will love the food, lahat na niluto namin ay paborito mo.""Kinabahan ako sa iyo, kung ang isang lalaki ay basta na lang babait nang walang dahilan, dalawa lang ang tendency nón, may kasalanan siya na gusto niyang mapatawad o may pabor siyang hihilingin at desperado siyang mapagbigyan. Alin sa da

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 57 - patent

    Hermosa house.Walang tao sa sala nang pumasok si Darvis, bitbit ang shopping bags na naglalaman ng gatas at supplements para kay Pearl. He managed to sneak out and bought some on his way here. Kinukulit siya ng dalaga dahil paubos na huling supply na binili niya."Kuya, may balita na ba tungkol sa kaso ng parents ko?" Dinaluhong siya ni Pearl."Wala pa, hindi ko pa naasikaso. Alam mo namang loaded ako ngayon sa office.""Kailangan nilang makalabas bago pa ako manganak, ang pangit tingnan na ang grandparents ng baby natin ay kapwa priso, di ba?"Masakit ang ulo ni Darvis at madalas pinapalala pa ni Pearl pero hindi rin niya maaring balewalain ang dalaga. "Wala akong magagawa, Pearl. Nagtanong ako sa hepe at sinabi niyang masyadong mabigat ang kaso. Hindi eligible para sa piyansa.""Basta, ipangako mong makalalabas ang mga magulang ko, kung hindi..." naglakad si Pearl patungo sa terrace na nag-uugnay sa second floor. "Pearl, what are you doing?" marahas na angil ni Darvis at hinabol a

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 56 - sketch the future

    "Dinala ko nga pala ang coat mo, nakalimutan kong sabihin kanina. Narito lang sa bag," sabi ni Psalm habang nasa elevator sila pababa. Ibinigay ni Ymir sa kaniya ang coat nito noong ni-rescue siya ng lalaki mula sa kidnappers niya. Nilabhan muna niya iyon at ngayon lang niya naisauli dahil lagi niyang nakakalimutan."I can give you that as a souvenir if you want," biro ng doctor. "Ayaw kong pag-isipan ka ng masama ni Darvis kapag nakita niya iyan sa bahay namin." Ibinigay niya sa lalaki ang coat. "Nakatakda na akong umalis doon, baka isipin niyang ikaw ang dahilan."Matiim siyang tinitigan ng doctor mula sa salamin ng elevator sa harap nila."Tell me, are you really okay? Given the situations of your parents and the affair of your husband to your sister, para kang nasa gitna ng apoy. Masusunog ka kung hindi mo iingatang mabuti ang sarili mo. Dapat mo ring isipin lagi ang baby na nasa tiyan mo.""Okay lang ako, Ymir. Kung hindi ko malalagpasan ito, wala akong karapatang mangarap ng ma

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 55 - design

    Ginising si Psalm ng ingay mula sa labas ng kuwarto niya. Boses ni Lucille at ang pamilyar na malditang timbre ni Pearl ang nagtatalo. Bumalikwas siya ng bangon at nagbihis. Pati si Chowking sa tabi niya ay nag-airplane ang mga tainga. Hindi sanay ang pusa sa maingay. Sensitive ito.Ipinusod niya ng meesy bun ang buhok at lumabas ng kuwarto. Humalukipkip siya at pinanood muna ang kapatid na nakipagtulakan sa dalawang katulong para makalapit sa silid niya. Eskandalosa talaga. Ito ba ang buntis? Walang pag-iingat. "Nagpapahinga pa si Madam, Ms. Hermosa. Hindi mo siya pwedeng gambalain!""Gisingin n'yo siya! Kailangan ko siyang makausap!""Ang aga-aga pa nagkakalat ka na rito?" matapang niyang sita kay Pearl.Tarantang tumingin sa kaniya ang kapatid. Tumigas ang mukha. "Ate, wala kang konsensya! Mga magulang natin sila tapos ipinakulong mo? Walang utang na loob! Hirap na hirap sila roon sa kulungan tapos ikaw narito at masyadong komportable sa buhay mo?""May magulang bang ipapadukot an

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 54 - going home

    "Ano'ng sabi mo?" Halos bayolente ang naging reaction ni Pearl pagkatapos marinig ang sinabi ni Madam Daisy sa kabilang linya. "Nakita ko sila roon sa detention. Inaresto sila ng mga pulis dahil pinadukot nila si Psalm pero nahuli ýong kidnappers at itinuro ang parents mo na nag-utos daw." "Bruha talaga ang babaeng iyon! Mga magulang namin pinakulong niya? Walang utang na loob!""Ano'ng gagawin mo? Naaawa ako sa parents mo.""Magse-send ako ng pera sa bangko mo, Madam Daisy, ikaw na ang bahalang magpiyansa sa kanila.""Sige, kakausapin ko na rin ang abogadong tumulong sa akin."Tinapos ni Pearl ang tawag at gigil na timingin sa kawalan. "Mga walang silbi! Ang tatanda naý parang walang natutunan sa mundo. Gagawa ng plano palpak naman. Buti na lang di ako nagmana sa inyo, bagsak ang IQ." Nagmumurang kastigo niya sa mga magulang.Pinukol niya ng tanaw si Darvis na nasa terrace ng cottage at nakahiga sa folding bed habang nagpapaaraw. By lunch, muling tumawag sa kaniya si Madam Daisy a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status