Streaming Secrets of Mr. Labrador

Streaming Secrets of Mr. Labrador

last update최신 업데이트 : 2025-07-01
에:  LICAVERSE방금 업데이트되었습니다.
언어: Filipino
goodnovel18goodnovel
평가가 충분하지 않습니다.
69챕터
236조회수
읽기
서재에 추가

공유:  

보고서
개요
목록
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.

"Hinire kita bilang streamer Alana! Hindi kasama duon ang paluhurin mo ako iyong harapan upang magmakaawang tanggapin mo ako pabalilk!" Lumaki si Alana Demetria sa isang mayaman na pamilya ng mga Buenaventura. Ngunit isang araw ay gumising na lang siya na isang condominium na lang ang tanging natitirang pamana sa kanya. Walang cards, cash at car na mga main essentials niya sa buhay. Buong akala niya ay makakahingi siya ng tulong sa nobyo ngunit ipinagtulakan at ipinagpalit siya nito. Nang malaman na wala ng kahit anong ari-arian ang mga Buenaventura. Idagdag pa na walang tumatanggap sa kanya bilang receptionist dahil mababa lang ang natapos niya. Nagbakasali siyang maging isang live streamer sa isang kilalang app. Unang araw pa lang niya ay naging mahirap na ang mga pagsubok sa pagiging baguhang live streamer. Pero may iilan sa kanyang mga supporter na labis siyang sinusuportahan. Ngunit akala ni Alana ay hanggang sa likod na lang siya ng cellphone mapapanuod ng kanyang mga supporter. Pero unang araw pa lang niya ay may nakapansin na agad sa angking kagandahan ni Alana. Anong mangyayari sa buhay ni Alana na akala niya ay walang patutunguhan? Ito na ba ang simula ng career niya gamit ang taglay na kagandahan? O ito ang simula ng karagdagang hirap na tatahakin niya sa kanyang buhay?

더 보기

1화

KABANATA 1

KABANATA 1

UNANG LIVE BROADCAST

Lumaki si Alana Demetria sa isang mayaman na pamilya ng mga Buenaventura. Ngunit isang araw ay gumising na lang siya na isang condominium na lang ang tanging natitirang pamana sa kanya. Walang cards, cash at car na mga main essentials niya sa buhay. 

Buong akala niya ay makakahingi siya ng tulong sa nobyo ngunit ipinagtulakan at ipinagpalit siya nito. Nang malaman na wala ng kahit anong ari-arian ang mga Buenaventura.

Noong nasa kolehiyo siya, siya ang kinikilalang campus belle—maganda, elegante, at hinahangaan ng mga kapwa estudyante. Madalas siyang kinukulit ng kanyang roommate na sumubok mag-livestream gamit ang kanyang mukha.

"Alana, kahit hindi ka magsalita, siguradong dadagsain ka ng mga lalaki na handang magbigay ng tip! Sobrang ganda mo, parang diwata!"

Ngunit noon, tinawanan lang niya ang ideyang iyon. Hindi siya kailanman naghangad ng atensyon—hindi siya ang tipo ng babaeng gustong mapansin.

Pero ngayon…

Wala siyang pera. Ni pangkain bukas, wala siyang pambili.

Ano ang halaga ng dignidad kung gutom ka naman?

Humugot siya ng malalim na hininga, kinuha ang kanyang cellphone, at mabilis na dinownload ang pinakasikat na live streaming app—BigoLive.

Habang naghihintay na ma-d******d ang app ay nanumbalik sa kanya ang nangyari sa interview niya kanina.

Simula ng makita ni Alana ang pangloloko ng dating nobyo ay umalis siya sa poder nito at nagsimulang humanap ng trabaho. Kaya ngayon ay nasa interview stage na siya bilang receptionist ng isang kilalang kumpanya sa Manila.

“Ang kapal ng mukha mong mag-apply sa ganito kagandang kumpanya kahit napakababa ng pinag-aralan mo! Maghanap ka na lang ng mayaman at matanda uugod-ugod na bubuhay sa ‘yo!” 

Maingat na inihanda ni Alana ang kanyang resume para sa interview, ngunit walang pakundangang nilamukos ito at itinapon lang ito sa basurahan.

Namula ang kanyang maliit na mukha. Napaupo siya nang alanganin sa upuan at walang nagawa kundi laruin ang kanyang mga daliri dala ng kahihiyan.

"Wala ka bang balak na umalis? Mahalaga ang oras namin dito. Pwede ba, huwag mong sayangin ang oras ng susunod na aplikante?"

Malamig ang tingin sa kanya ng interviewer, waring may di-maipaliwanag na galit laban sa kanya.

"P-Pasensya na po."

Agad na tumayo si Alana, ibinaba ang kanyang ulo, at dali-daling lumabas ng silid kung saan ginanap ang interview.

Pagkaalis niya, nagtanong nang may pagtataka ang isa pang tagapamahala ng interview: "Ang ganda pa naman ng babaeng iyon. Receptionist lang naman ang ina-applyan niya. Bakit ang sungit mo sa kanya?"

Sinulyapan siya ng tingin nang babaeng nag-interview at sinabing may pang-aalipustang tono, "Tsk, hindi siya natanggap dahil masyado siyang maganda. Maraming babaeng ganyan—nag-aapply bilang receptionist hindi para magtrabaho, kundi para makahanap ng boss o kliyenteng pwedeng pagkakitaan gamit ang kanilang itsura- at katawan."

Nagmuni-muni pa siya habang nasa tapat kumpanyang tinitingala niya. Ngayong mag-isa siya sa Manila ay wala siyang matakbuhan.

“Miss, alis diyan!”

Hindi pa man nakakalingon sa lalaking sumigaw ay naramdaman ni Alana na may tumulak sa likod niya kaya napapikit na lang siya at tinanggap na puro kamalasan ang araw niya.

“Mag-ingat ka nga miss,” madiing saad ng lalaking hawak siya sa kanyang bewang upang hindi tuluyang masubsob sa sahig.

Mabilis akong tumayo dahil nakakahiya naman sa kanya, “A-ah salamat po,” saad ko pero tumango lang ito.

“Hindi ‘to lugar para magmukmok ka, umuwi ka sa inyo kung gusto mong tumulala. Istorbo!”

Natulala tuloy ulit ako sa likod ni kuya na naglalakad na palayo. Naalala ko ang kulay tsokolate niyang mata na sobrang ganda pero nakakatakot, ang kilay niyang makapal at mas naattract ako sa nunal niya sa gilid ng noo.

Ang pogi mo na sana masungit ka lang!

Aalis na sana siya sa tapat ng kumpanyang pinagaplayan niya ng makita ang business card na nasa sahig. Z.L lang ang initial duon pero Stratos Auto ang name ng company, hindi niya alam kung sa lalaking masungit ba iyon. Ipinagsawalang bahala na lang niya iyon at naglakad na pauwi ng bahay niya. 

Pagkatapos niyang makapag-register at gumawa ng cute at nakakatawang username- Lugaw with Egg. Napili niya ang username na iyon dahil mas na-appreciate niya ang mumurahin at madaling gawin na pagkain lalo ngayong kapos siya. 

Inayos niya ang buhok at naglagay ng filter, na-satisfy lang siya ng makitang mas naging pointed ang kanyang chin, mas lumaki ang hugis almond na mata at mas pumuti siya dahil sa filter.

Perfect!

Maingat niyang in-adjust ang kanyang cellphone at tumitig sa camera. Malamig ang kanyang mga daliri, ngunit pilit niyang pinakalma ang sarili.

Bilang isang baguhang streamer, unti-unting may pumasok na mga manonood sa kanyang live room. Karamihan sa kanila ay may generic na usernames.

 [User entered the live broadcast room]

[simplyrose entered the live broadcast room]

[leniforthewin entered the live broadcast room]

Bahagyang nagliwanag ang kanyang mga mata. May nanonood sa kanya!

“Hell-” 

Ngunit bago pa man niya matapos ang sasabihin at batiin ang kanyang mga viewers, nakita niyang biglang bumaba ang bilang mula 5… naging 3… hanggang sa 1 na lang ang natira.

Napabuntong-hininga siya.

Hindi siya nagulat. Alam naman niyang hindi madali ang pagpasok sa mundo ng live streaming—isang industriya kung saan libu-libo ang lumalaban para mapansin.

Napatingin siya sa screen, tinutuklap-tuklap ang kanyang kuko habang iniisip kung anong trabaho ang dapat niyang hanapin bukas…

At saka biglang…

[Sexy Cockroach entered the live broadcast room]

[Sexy Cockroach: Pasensya na, pero magtatanong lang—nagme-meditate ka ba?]

Napasinghap si Alana. Ang kanyang unang viewer na nag-comment.

At ang una niyang pagsubok sa mundo ng live streaming…

Nakaharap sa camera at sa halos walang laman na chatroom, pakiramdam ni Alana ay para lang siyang nakikipag-usap sa sarili niya.

Tahimik ang paligid. Wala ni isang boses ang sumagot.

Hanggang sa biglang lumitaw ang isang komento sa screen.

 [Sexy Cockroach: May talent ba ang host? Baka may kaya kang ipakita sa amin?]

Napa-blink si Alana, saglit na nag-isip. “Magaling ako sa mental arithmetic, siguro?”

Walang sumagot. Tahimik ang chatroom.

[Sexy Cockroach: 935+725]

Dumiretso ang upo ni Alana, seryosong sinagot ang tanong. "1545."

Pagkatapos, pabirong kumindat siya sa camera. “Sige na, atleast mabilis akong sumagot diba!”

 [Pfft! Ang seryoso niyang sumagot, muntik ko nang isipin na tama talaga ‘yung sagot niya!]

[Sexy Cockroach: :].]

[Sexy Cockroach nagbigay ng heart x1] 

 [Sexy Cockroach ay nag-follow sa host, Lugaw with Egg.]

Nanlaki ang mga mata ni Alana.

Sa kauna-unahang pagkakataon, may isang taong napansin siya—at higit pa roon, may nagbigay sa kanya ng regalo.

Ang kanyang puso ay tila tumalon sa tuwa. Mabilis niyang itinapat ang kanyang mga daliri sa camera, bumuo ng hugis-puso, at malambing na nagsabi:

"Salamat sa iyong pagmamahal at suporta, baby cockroach~"

Malambot at banayad ang kanyang boses—hindi pilit o pinag-aralan, hindi katulad ng ibang streamers na sinasadya pang gawing kaakit-akit ang tono ng kanilang pananalita. Sa halip, may likas na paglalambing sa kanyang boses, tila haplos na nakakaaliw sa pandinig.

[Grabe, isang love heart lang, tuwang-tuwa na agad? Ang dali namang pasayahin ng bagong anchor na ‘to.]

 [Magbibigay ako ng sports car! Pero dapat sumayaw ka ng ‘Ace of Hearts.’]

Napakunot ang noo ni Alana habang binabasa ang mensahe. Napatingin siya sa camera bago marahang sumagot:

“Pasensya na, pero… hindi kase ako marunong sumayaw.”

[Eh di pwedeng simpleng kembot na lang? Tumayo ka tapos ipatong mo ang mga kamay sa likod ng upuan, tapos i-twist mo ang bewang mo paharap sa camera.]

 [Kung sasayaw ka nang isang minuto, bibigyan kita ng sports car.]

[Tsk tsk, ang dali lang kumita ng pera ng mga babaeng host.]

Hindi namalayan ni Alana na mahigit isang dosenang tao na pala ang pumasok sa kanyang live broadcast room.

Kahit na medyo slow-witted siya, alam niyang tinutukso siya ng ilan sa mga nagko-comment. Namula nang bahagya ang kanyang mukha, at tuwing hindi niya alam ang isasagot, napapayuko siya.

[Sexy Cockroach: Ang bagal mo naman sa sports car. Kung wala kang pera, huwag ka nang magyabang.]

Nagulat si Alana nang biglang magbigay ng reward si Sexy Cockroach. At sports car pa iyon, kung kanina ay nagkakahalagang ng piso ang binigay nito, ngayon ay nagkakahalaga iyon ng halos 700 pesos. 

Napanganga siya saglit bago nagmadaling magpasalamat:

"Salamat, Cockroach Baby, sa sports car reward!"

[Sexy Cockroach: Host, hindi dapat nagsstay ang mga nananabotahe ng live broadcast mo dapat diretso mong i-kick out.]

Bigla niyang naramdaman na parang teacher niya noong elementarya ang Sexy Cockroach, seryosong kinokorek siya mula sa kabilang screen.

Napayuko siya at mahina niyang sinabi:

"A-ako… First time ko rin pong mag-live stream, hindi ko pa alam kung paano mag-kick ng tao."

[Sexy Cockroach: Sige na nga, gawin mo akong room manager, ako na bahala mag-kick sa kanila.]

Matapos ang ilang minuto ng pagkalkal sa settings, nahanap niya rin ang room management function at ginawa niyang moderator si Sexy Cockroach.

Pero bago pa niya ma-enjoy ang bagong setup, biglang lumabas ang isang PK request. Agad na nahati ang live broadcast screen sa dalawa. Sa kabilang bahagi, lumitaw ang isang lalaking host na may disenteng hitsura.

Nakatingin ito sa camera at medyo matigas ang tono nang magsalita:

"Newcomer?"

Habang gumagalaw siya, medyo nagdi-distort ang background niya, kaya alam agad ni Alana na mataas ang setting ng beauty at face-slimming filter nito—katulad ng kanya.

Binuksan niya ang profile ng male anchor at nakita niyang may mahigit 100,000 followers ito.

Ang pangalan nito ay Kyle Santos, at ang kanyang homepage ay punong-puno ng videos ng special effect rewards.

"Oo, first day ko ngayong mag-live stream."

Lumabas si Alana sa profile ng lalaki at sinimulan siyang kausapin.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, dahil sa pagkakakonekta nila, biglang dumami ang mga nanonood sa kanya—mahigit 30 bagong viewers agad ang pumasok sa kanyang live stream.

[Nandito na naman si Morning Light para manggulo sa bagong host!]

Sa 30 nanunuod ng kanyang live stream ay may isang user ang nakangiti sa harap ng kanyang cellphone dahil nakita niya na ang paborito o magiging sunod niyang target. 

펼치기
다음 화 보기
다운로드

최신 챕터

더보기

독자들에게

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

댓글

댓글 없음
69 챕터
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status