Chapter 4
"Sandali, pwede bang walang makakaalam muna?" Agad akong nagsalita bago pa niya maisara ang envelope ng kontrata. "Gusto kong ako muna ang magsabi kay Mama. Ayokong mabigla siya. Maaari ba?" Tahimik siyang tumitig sa akin, tila iniisip kung pagbibigyan ba niya ako o hindi. Halos pigil ang hininga ko habang hinihintay ang sagot niya. Maya-maya, bahagyang tumango siya. "Fine. Pero hanggang kailan?" "Bigyan mo ako ng isang linggo. Kailangan ko lang siyang ihanda." Napangisi siya nang bahagya. "One week, huh? Mukhang may dahilan kung bakit gusto mo pang itago ito." Napakuyom ako ng kamao. "Hindi ko ito itinatago. Ayoko lang na mag-alala si Mama nang biglaan." Hindi siya sumagot agad. Sa halip, uminom siya ng alak mula sa baso sa harap niya bago muling nagsalita. "Fine. One week. Pero pagkatapos niyan, gusto ko nang matapos ang lahat ng pag-aayos. Lilipat ka na sa bahay ko." Para akong sinampal ng katotohanan. Totoo na talaga ‘to. "Salamat." Mahina kong sabi. Tumayo ako, handa nang umalis. Pero bago pa ako makalakad palayo, nagsalita siyang muli. "Kara." Napalingon ako. Malamlam ang titig niya sa akin, pero may kung anong matigas sa boses niya. "Walang bawian." Ramdam ko ang bigat ng mga salitang iyon. Kahit gusto ko mang magduda o umatras, alam kong wala na akong karapatan. Ito ang pinili ko. Ito ang kailangan kong panindigan. Tumango ako. "Alam ko." At saka ako tuluyang lumabas ng hotel, bitbit ang lihim na maaaring magpabago sa buhay ko magpakailanman. Habang naglalakad palabas ng hotel, ramdam kong bumibigat ang bawat hakbang ko. Walang bawian. Tumunog pa sa isip ko ang sinabi ni Mr. Montero. Pagkasakay ko ng taxi, hindi ko maiwasang mapatingin sa papel na nasa bag ko. Paano ko sasabihin ‘to kay Mama? Pagkarating ko sa ospital, nag-ipon muna ako ng lakas bago pumasok sa kwarto ni Papa. Tahimik itong natutulog, habang si Mama naman ay nakaupo sa tabi niya, hawak ang kamay ng asawa niya na tila dasal na lang ang pinanghahawakan. "Mama," mahinahon kong tawag. Napalingon siya sa akin at pilit na ngumiti. "Anak, anong ginawa mo sa labas? Baka napagod ka na, ha? Hindi mo kailangang magsakripisyo ng sobra." Napakurap ako. Kung alam niya lang… Kung alam niya lang kung ano ang ginawa ko. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kamay. "Ma, may gusto sana akong sabihin sa’yo." Napakunot ang noo niya. "Ano ‘yun, anak?" Huminga ako nang malalim, sinusubukan kong hanapin ang tamang mga salita. "May paraan akong nahanap para matulungan natin si Papa at makabangon tayo." Medyo nagliwanag ang mukha niya. "Talaga? Ano ‘yun?" Pinakawalan ko ang isang mahinang ngiti, kahit ramdam kong nanginginig ako sa loob. "Ma… ikakasal na ako." Saglit siyang natigilan. "Ano?" "Ikakasal na ako, Ma." Kita ko ang pagkalito sa mukha niya. "A-anak… kailan pa ‘to? Wala ka namang nabanggit na boyfriend! S-sino? Kilala ba namin?" Lalo akong kinabahan. "Si… si Christopher Lee Montero." Napakunot ang noo niya. "Montero? ‘Yung may-ari ng malaking kumpanya?" Dahan-dahan akong tumango. "Oo, Ma." Mas lumalim ang gulat sa mukha niya. "P-pero paano? Kailan pa kayo nagkakilala?" Nag-iwas ako ng tingin. "Matagal na, Ma. Pero… biglaan lang itong desisyon." Hinawakan niya ang kamay ko, halatang naguguluhan. "Anak, sigurado ka ba rito? Hindi ito biro! Hindi ko maintindihan… Mahal mo ba siya?" Para akong natigilan. Mahal? Hindi ko alam. Pero ang sigurado ako—ito ang kailangan naming gawin. "Ma… basta ang mahalaga, makakatulong ‘to sa atin. Mapapagamot natin si Papa. Magiging maayos ang lahat." Napatingin siya sa natutulog kong ama, saka bumalik ang tingin niya sa akin. May pag-aalinlangan sa mga mata niya, pero alam kong iniisip niya rin ang sitwasyon namin. Maya-maya, malalim siyang bumuntong-hininga. "Anak… kung sigurado ka na, susuportahan kita. Pero sana, sigurado ka talaga." Hindi ko alam kung totoo ang sagot ko, pero pinilit kong ngumiti. "Oo, Ma. Sigurado ako." Pero sa loob-loob ko, isang tanong ang bumabagabag sa akin… Hanggang kailan ko kaya paninindigan ito? Matapos ang pag-uusap namin ni Mama, mas bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko sigurado kung napaniwala ko siya o kung sinusubukan lang niyang intindihin ang desisyon ko. Pero isang bagay ang malinaw—wala na akong atrasan. Kailangan ko nang ipaalam kay Mr. Montero na pumayag na si Mama. Pagkalabas ko ng ospital, agad akong nag-message sa kanya. Kara: Pwede ba tayong magkita? Hindi ko inasahang mabilis siyang magre-reply. Mr. Montero: Come to my office. Now. Napakagat-labi ako. Alam kong hindi siya isang taong mahilig maghintay. Kaya agad akong sumakay ng taxi papunta sa Montero Corporation. Pagkarating ko sa opisina niya, sinalubong ako ng kanyang secretary. Agad niya akong pinapasok sa loob, at pagpasok ko pa lang, agad akong nakaramdam ng kakaibang tensyon sa paligid. Nakatayo si Christopher malapit sa floor-to-ceiling window ng opisina niya, nakaharap sa skyline ng lungsod. Kahit hindi siya nakatingin sa akin, ramdam ko ang presensya niya—matikas, makapangyarihan, at tila palaging nagmamasid. "So?" malamig niyang tanong, hindi man lang lumilingon. "Ano ang balita?" Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Pumayag na si Mama." Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Walang emosyon ang mukha niya, pero may kung anong bahagyang ningning sa mata niya—o baka guni-guni ko lang. "Good." Isang salita lang ang sinambit niya, pero ramdam kong marami itong kahulugan. Umupo ako sa harap ng desk niya. "Ano na ang susunod?" Naglakad siya papunta sa kanyang upuan at umupo. Pinagmasdan niya ako saglit bago sumagot. "We get married. This weekend." Napalunok ako. "A-agad?" Tumango siya. "Ayaw kong patagalin pa. The sooner, the better." Napalunok ako. "Akala ko ba ako ang magsasabi kay Mama? Hindi pa niya alam na sobrang lapit na pala." Bahagya siyang napangisi. "Then tell her now. Wala nang atrasan, Kara." Muli kong narinig ang mga salitang iyon. Wala nang atrasan. Dahan-dahan akong tumango. "Sige." "May isa pa akong kondisyon." Malamig niyang dagdag. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Ano?" Lumapit siya nang bahagya, ang matalim niyang titig ay dumiretso sa mga mata ko. "Simula ngayon, matututo kang magpanggap na mahal mo ako." Para akong natigilan. "A-ano?" Mas lumalim ang kanyang ngiti—hindi mapanlinlang, hindi rin masaya. "Gusto kong maging totoo ang kasal na ito sa mata ng lahat. Kaya matututo kang ngumiti sa tabi ko, hahawakan mo ang kamay ko sa publiko, at ipaparamdam mo sa lahat na ikaw ang babaeng pinili ko." Napalunok ako. "At kung hindi ko magawa?" Mas lumalim ang titig niya. "Then, say goodbye to the deal." Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ko kayang umatras. Hindi ko kayang bumitaw sa kasunduang ito. Kaya kahit nanginginig ang loob ko, pilit kong tinignan siya nang diretso. "Fine. Kung ‘yan ang gusto mo, magpapanggap ako." Sa unang pagkakataon, ngumiti siya. Isang ngiting hindi ko maintindihan. "Good. Then, I’ll see you at the wedding, future Mrs. Montero."Chapter 298Jacob POV Pagkatapos kong makausap ang isa kong tauhan tungkol sa CCTV sa bar, mariin akong napabuntong-hininga.Pinag-imbestigahan ko kung sino ang walanghiyang naglagay ng sex drug sa inumin ni Jasmine."Find out who touched her drink," malamig kong utos. "And when you find him, I want his hands crushed. Slowly."Hindi niya ako sinagot—pero ramdam ko ang tensyon sa linya.Walang may lakas ng loob na tumutol sa galit ko ngayon. Lalo na kung si Jasmine ang napahamak.Pagbalik ko sa silid…Wala na siya.Wala ni anino ng babae kong dapat ay nagpapahinga pa.Unti-unti akong lumapit sa kama.Magulo pa ang kumot, may bahid pa ng halimuyak ng balat niya sa mga unan.Dumako ang paningin ko sa maliit na table lamp—may iniwan siyang baso ng tubig. Kalahating puno.Sa tabi niyon, isang tissue na tila pinangpunas sa labi.“Damn it…”Mabilis kong hinagod ang likod ng aking batok."Why are you running away, Jasmine?"Ako ang sumagip sa’yo.Ako ang hindi natulog para lang masigurong li
Chapter 297 Napatingin ako sa ibaba niya nang hindi sinasadya. “Oh my…” Muntik ko nang mapa-atras ang ulo ko. Tayung-tayo pa rin ang junior niya. Parang hindi man lang napagod kagabi. Parang… handa ulit makipag-giyera. “A-Ah, sir…” Napakagat ako sa aking labi, pinipigilang matawa o matulala. “Pwedeng… mag-brief ka muna? O kahit towel man lang. Takpan mo naman ang junior mo, oh.” Sabay turo ko sa kanyang harapan, pilit na hindi pinapahalata na namula ako sa hiya at kilig. Pero isang ngisi lang ang isinagot niya. Yung tipong ngiti ng isang lalaking alam ang epekto niya sa’yo. Yung ngiting nakakaloko at nakakapaso. “Bakit? Natakot ka ba, Ms. Lim?” Umusog siya papalapit muli, walang balak na magtakip. “O na-miss mo agad ‘to?” sabay nguso niya pababa, kung saan… well… busy pa rin ang kanyang junior sa pagtindig ng dangal. “Sir naman!” saway ko habang tinatakpan ng kamay ang aking mukha, pero pasulyap-sulyap pa rin ako sa kanya. Tumingin siya sa akin, this time hindi n
Chapter 296 Ang mga kalaban? Agad umatras. "Come here," mahina niyang bulong sa akin, halos dikit ang labi niya sa tainga ko. Ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko—mainit, mabigat, nakakalusaw. “S-sir…” bulong ko, pero hindi ko na natapos. Bigla niya akong isinakay sa loob ng SUV. Hawak pa rin niya ang kamay ko, at nang maisara ang pinto, ay napahilig ako sa balikat niya, parang wala na akong lakas. “Jasmine…” Ang pangalan ko sa kanyang bibig ay parang kasalanan at pangakong sabay niyang nilunok. “You’re burning up,” aniya, saka marahang hinaplos ang pisngi ko gamit ang likod ng palad niya. Napapikit ako. Tumingin siya sa labi ko. Tumitig ako sa mga mata niya. “S-Sir Jacob…” At bago pa ako makapagsalita muli, lumapat ang labi niya sa akin—mainit, marahas, nag-uumapaw sa galit, pag-aalala… at isang bagay na hindi ko pa kayang pangalanan. Hindi ito tama. Pero wala sa katawan ko ang gustong kumawala. His kiss was fire. At ako? Para akong tuyong gasolina na sinilaban ng apo
Chapter 295 Two days. Ito na ang hinihintay ko. Ang pagpasok ko sa mundo nila, hindi bilang Assassin J, kundi bilang Jasmine Lim—ang babaeng inosente, walang muwang, pero may lihim na layunin: ang pabagsakin ang sindikatong kinasangkutan ng kanyang pamilya. Nagsuot ako ng simple red dress—hindi sobrang hapit, pero sapat para maakit ang sinumang lalaking hindi pa rin nawawala ang lakas ng libido. Isang manipis na lipstick ang nagmarka sa aking labi, at ang konting pulbo lang ang nagbigay ng inosenteng kinang sa aking mukha. Lumapit ako sa salamin bago umalis. "Ngayon isang Jasmine ang papasok. Hindi si Agent J. Hindi si Assassin. Isang bitag na may halimuyak ng pang-akit at panganib." Pagdating ko sa SABRE, isang high-class bar na tanging mga VIP at kilalang personalidad lang ang nakakapasok, hindi ako pinigilan ng bouncer. Iba ang tingin nila sa akin—parang kilala na ako kahit hindi pa. May lihim akong informant sa loob, isa sa mga waitress na dating nailigtas ko. Siya ang nagsa
Chapter 294 Pagkatapos kong pabagsakin si Valero, agad akong umalis sa event na parang anino sa dilim. Wala ni isang makakakilala sa akin sa gabing iyon — hindi si Jacob, hindi si Ellie, at lalong hindi ang mundo na iniwang kong nagdududa sa tunay kong pagkatao. Pinagmasdan ko ang aking repleksyon sa bintana ng sasakyan. Magulo pa rin ang damdamin ko, hindi dahil sa pinatay ko si Valero, kundi dahil sa wakas, isa na namang piraso ng puzzle ang nakuha ko. "Dalawang sunod-sunod na operasyon..." bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang liwanag sa malayo. "Kailangan kong magpahinga kahit sandali." Pagdating ko sa sariling mansion — isang property na kahit ang gobyerno ay walang impormasyon — agad akong pumasok at ini-activate ang mga security system. May lima pa akong araw bago ako muling magbalik bilang Jasmine Lim, ang secretary na inosente. Pero ngayong gabi… ako si J, ang assassin. Ang anak ng isang pinatay na agent. At ang babaeng magpapabagsak sa isa sa pinakamalupit na Ma
Chapter 293 Napalingon ako kay Ellie habang hawak ko ang braso niya, pilit ko siyang hinihila palabas ng bulwagan. "Wait, my brother is still there. Please, J… iligtas mo ang kuya Jacob ko!" Namumugto ang mga mata niya. Hindi ito ang usual na cheerful at nakakatuwang Ellie. Ngayon, isa siyang kapatid na takot—na baka hindi na muling makita ang taong pinakamamahal niya. Napakuyom ako ng kamao. Hindi ko siya agad sinagot. Saglit akong tumitig sa pintuan kung saan galing ang putok ng baril. "Shit." Alam kong hindi ito bahagi ng plano ko. Hindi dapat madamay si Jacob. Hindi pa dapat siya mawala at Hindi malaman kung sino talaga ako. Pero… "Damn it," bulong ko habang inabot ang baril ko mula sa tagiliran. Tumitig ako kay Ellie. "You stay here. Hawakan mo 'to," sabay abot ng maliit na taser at tracking pen sa kanya. "Kapag may nangyaring kakaiba, press the red button. May darating na rescue." "Pero si kuya—" "Ako ang bahala sa kanya." Tumalikod na ako, pero bago tuluyang tumakb