/ Romance / TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART / TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 7

공유

TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 7

작가: MIKS DELOSO
last update 최신 업데이트: 2024-12-25 19:52:20

Sa gitna ng katahimikan ng gabi, nakatingin si Belle sa madilim na kalangitan mula sa veranda ng mansyon. Ang malamlam na liwanag ng buwan ay tila nagbibigay-buhay sa kanyang mga alaala. Ang kanyang mga mata ay puno ng luha habang ang isang pangako ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa kanyang isipan.

“Ana, hindi kita bibiguin. Para sa'yo, para kay Anabella, at para sa hustisya, ipagpapatuloy ko ang laban na ito. Hindi ako susuko,Ipagpapatuloy ko ang pagpapanggap hanggang mahuli natin ang salarin sa pagkamatay mo.” mahina niyang binigkas, na para bang kausap ang hangin. 

Napapikit siya, at bumalik sa kanya ang mga alaala ng kanilang nakaraan. Animnapu’t anim na taon na ang lumipas, ngunit tila sariwa pa rin ang sakit ng mga pangyayari.

Noong bata pa sila, naiwan ang magkapatid na Ana at Belle sa isang ampunan. Wala silang kilalang magulang o pamilya. Ang mga madre na nangangalaga sa kanila ang siyang nagbigay ng kanilang mga pangalan. Si Sister Aurora, na naging parang ina nila, ang pumili ng kanilang mga pangalan at nagsabi, “Sa bawat araw na kayo’y magkasama, alagaan ninyo ang isa’t isa. Magkakambal kayo, magkadugo. Huwag ninyong hayaang may pumigil sa inyong samahan.”

Mula sa araw na iyon, naging matibay ang ugnayan ng kambal. Lumaki silang magkasama, palaging magkahawak ng kamay, palaging nagtutulungan. Kahit maliit na bagay, tulad ng hatiin ang isang piraso ng tinapay, ay ginagawa nilang magkasama. Lagi nilang sinasabi sa isa’t isa, “Kapag dumating ang araw na may umampon sa atin, kahit anong mangyari, hindi tayo maghihiwalay.”

Ngunit dumating ang araw na iyon.

Isang mag-asawa, sina Belinda at Romeo Diosdado, ang dumalaw sa ampunan. Hindi sila magkaanak at naghahanap ng batang mapupunan ang kanilang pamilya. Sa simula pa lang ay naakit na sila kay Ana. Ang ngiti ni Ana ay tila araw na nagbibigay-liwanag sa madilim nilang mundo. Ngunit nang makita nila ang kambal, sinabi ng mag-asawa sa madre, “Isa lang ang kaya naming ampunin.”

Gusto ng madre na sabay na ampunin ang kambal, ngunit matigas ang mag-asawa. Ang kanilang desisyon ay si Ana lamang.

“Hindi pwede! Ayokong iwan si Belle!” umiiyak na sigaw ni Ana habang hinahatak siya papalayo ng mag-asawa.

“Ikaw ang magiging anak namin, Ana. Mabibigyan ka namin ng mas magandang buhay,” paliwanag ni Belinda habang hinahaplos ang buhok ng bata.

Sa kabila ng pag-iyak ni Ana at Belle, walang nagawa ang mga madre. Napilitang iwan ni Ana ang kanyang kakambal. Habang papalayo ang kotse ng mga Diosdado, nanatili si Belle sa pinto ng ampunan, umiiyak, at sumisigaw ng pangalan ng kakambal.

Isang buwan ang lumipas bago tumawag si Ana mula sa bagong bahay niya. “Belle, nasa mabuting kalagayan ako. Mahal ako nina Mama Belinda at Papa Romeo,” sabi ni Ana sa telepono, ang boses niya ay nanginginig sa emosyon.

“Mahal na mahal din kita, Ana. Huwag mong kakalimutan ang pangako natin,” sagot ni Belle habang pinipilit pigilan ang hikbi.

Simula noon, naging dalawa o tatlong beses kada linggo ang kanilang pag-uusap sa telepono. Hindi ito sapat para maibsan ang lungkot na nararamdaman ni Belle, ngunit alam niyang mahalaga ang bawat sandali na naririnig niya ang boses ng kanyang kakambal.

Pagkalipas ng anim na buwan, dumating ang balita na si Belle naman ang maaampon. Isang Amerikanong mag-asawa, sina Clyde at Sophia Smith, ang nagdesisyon na ampunin siya at dalhin siya sa Amerika.

“Sumulat ako kay Ana,” kwento ni Belle kay Sister Aurora habang inihahanda ang kanyang mga gamit. “Sinabi ko sa kanya ang address namin at ang telepono. Kahit malayo kami, hindi mawawala ang ugnayan namin.”

Nang malaman ni Ana ang balita, tumawag siya. “Belle, aalis ka na ba talaga? Ang layo-layo na natin sa isa’t isa,” humihikbing sabi ni Ana.

“Oo, Ana, pero pangako, tatawag ako. Magpapadala ako ng mga litrato at sulat. Hinding-hindi ko kalilimutan ang pangako natin,” sagot ni Belle, pilit pinatatag ang sarili.

Sa huling tawag nila bago siya umalis, hindi mapigilan ni Ana ang luha.

“Belle, huwag mo akong kalimutan, ha? Kahit nasa Amerika ka na, mag-uusap pa rin tayo.”

“Hinding-hindi kita kakalimutan, Ana. Mangangako ako, magpapadala ako ng mga sulat at mga larawan.”

Umalis si Belle patungong Florida. Sa unang pagkakataon, nagkaroon siya ng pagkakataon na maranasan ang marangyang buhay. Ngunit sa kabila ng karangyaan, hindi niya nakalimutan ang kakambal. Patuloy siyang nagsusulat at nagpapadala ng litrato kay Ana.

Lumipas ang mga taon. Sa kabila ng distansya, patuloy ang kanilang lihim na komunikasyon. Nang sila ay umabot ng dalawampung taong gulang, naging mas malinaw ang kanilang layunin sa buhay. Alam nilang kahit magkalayo, ang pagmamahal nila bilang magkapatid ang magdadala sa kanila ng lakas upang harapin ang kanilang kinabukasan.

Sa paglipas ng mga taon, bagama’t malayo sa isa’t isa, naging matatag ang kanilang ugnayan. Regular silang nagkakausap at nagpapalitan ng mga sulat. Sa kanilang pagtanda, lumaki silang may kani-kaniyang pangarap—si Ana, kumuha ng kursong accountancy sa kolehiyo, habang si Belle, nag-aral ng medisina.\

Sa edad na dalawampu, nanatili ang kanilang koneksyon, ngunit hindi nila alam na ang kanilang mga lihim na komunikasyon ay magdudulot ng mas matitinding pagsubok sa hinaharap.

Dalawang taon ang lumipas nang makilala ni Ana si Luke Villa, isang bilyonaryong CEO ng Villa Brewery, na siyang nagmamay-ari ng sikat na alak na Pinacolada. Ang kanilang pag-iibigan ay nauwi sa isang marangyang kasal. Ngunit sa likod ng saya, nanatiling lihim kay Luke ang pagkakaroon ng kambal ni Ana.

Samantala, si Belle ay abala sa kanyang pag-aaral ng medisina. Sa kabila ng kanilang abalang buhay, nanatili silang magkaibigan at magkapatid. Ngunit isang trahedya ang yumanig sa kanilang mundo—ang biglaang pagkamatay ni Ana sa isang car accident.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (2)
goodnovel comment avatar
belledavid42m
Wah don’t tell me pinatay ni Luke at Shiela si Ana ...
goodnovel comment avatar
Che Palmes Cordero
My lihim na relays on c Luke at Sheila
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 235

    Sa isang tahimik na sulok ng hardin, nagtakda ng isang pribadong pag-uusap sina Luke at Adrian. Si Baby Leo ay natutulog na sa kwarto, at si Ana ay abala sa paglalaro kasama si Anabella. Nasa pagitan ng mga malalaking puno, ang hangin ay malumanay, at ang mga huni ng ibon ay nagbibigay ng himig sa paligid.Tumayo si Luke mula sa isang bench at naglakad papunta kay Adrian. Mabilis ang mga hakbang nito, at ramdam ni Adrian ang bigat ng mga mata ni Luke. Agad na tumingin si Adrian sa kanya, may pag-aalala sa kanyang mga mata.“Luke, ano ang—” nagsimula si Adrian, ngunit agad siyang pinutol ni Luke.“I need to talk to you,” wika ni Luke, ang tinig ay malalim at tahimik. “Tungkol kay Ana.”Nag-angat si Adrian ng kilay, ngunit hindi umalis sa lugar. “Ano'ng nangyari? May problema ba?”“Gusto ko lang iparating… na may plano akong gawin,” simula ni Luke. "Plano kong mag-file ng annulment."Naguluhan si Adrian. “Annulment? Bakit? Para saan?”Luke ay huminga ng malalim, napabuntong-hininga. “Hi

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 234

    “Ramdam ko na anak ko siya,” bulong ni Ana, hawak pa rin ang kamay ng kakambal. “Kahit hindi ko pa alam noon, kahit wala pa akong alaala, may bahagi ng puso ko na kumikirot tuwing nakikita ko siyang lumalapit sa’yo… sa kanya. Ngayon alam ko na—dugo ko siya, laman ng laman ko. At pinalad siyang mahalin mo gaya ng pagmamahal ng isang tunay na ina.”“Ginawa ko lang ang sa tingin ko’y tama,” umiiyak na sagot ni Belle. “Noong pinanganak siya, para akong naguluhan—parang may kulang. At sa bawat ngiti niya, parang may aninong bumabalot sa’kin. Ngayon ko lang naiintindihan—dahil hindi ko siya ganap na anak. Anak mo siya, Ana. Ikaw ang ina niya.”Tumango si Ana, bakas sa mukha ang kalmadong pagtanggap sa katotohanan. “Pero ikaw ang naging sandalan niya. At sa panahong wala ako, ikaw ang naging ilaw niya. Kaya hindi ko kailanman ipagkakait sa kanya ang pagmamahal mo. Hindi ko siya aagawin sa’yo, Belle. Sa halip, gusto kong makasama siya—tayong dalawa. Tayong tatlo nina Luke… bilang iisang pamil

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 233

    Tahimik ang gabi sa tahanan ng mga Villa. Ang huni ng kuliglig at mahinang ugong ng hangin sa labas ay nagsilbing himig ng kapayapaan matapos ang matagal na unos. Sa loob ng isang kwarto, sa isang malambot na kama na may puting kumot at tanaw ang buwan sa bintana, magkatabi sa pagkakaupo sina Ana at Belle—sa unang pagkakataon bilang tunay na magkapatid.May katahimikang dumadaloy sa pagitan nila. Parehong may gustong sabihin, pero parehong nag-aalangan. Hanggang si Ana ang unang nagsalita.“Hindi ko pa rin maipaliwanag kung paano ko tatanggapin lahat, Belle,” mahina niyang simula. “Parang ang dami-dami kong kailangang buuin, pero hindi ko alam kung saan magsisimula.”Ngumiti si Belle, bahagyang naluluha. “Normal lang ‘yan, Ana. Hindi madali ang gisingin mula sa isang bangungot na akala mo ay buong buhay mo na.”Napayuko si Ana, pinisil ang kanyang mga daliri. “Luke… kayo na talaga, ‘di ba?”Tumango si Belle. “Oo. Hindi ko ginusto sa simula. Pinagkait ko sa sarili ko ang damdaming ‘yon

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 232

    Bumaba ang puting van sa harap ng malaking bahay sa Quezon City—ang dating tahanan nina Luke at Ana. Tahimik si Ana habang nakatitig sa harapan ng bahay. Hindi man niya maalala ang bawat haligi at pader ng estrukturang iyon, may kung anong kabang humahaplos sa kanyang dibdib. Katabi niya si Adrian, mahigpit ang hawak sa kanyang kamay, samantalang nasa unahan si Luke na hawak si Anabella. Sumunod si Belle at buhat si baby Leo.Pagbukas ng gate, sinalubong sila ng hindi inaasahang tagpo.“Nay? Tay?” gulat na tanong ni Luke nang makita ang kanyang mga magulang—sina Nenita at Philipp Villa, na nakaupo sa veranda ng bahay, kapwa nakapako ang tingin kay Ana.Nanlaki ang mata ni Nenita. Tumayo ito, nanginginig ang mga kamay habang dahan-dahang lumapit. Si Philipp ay hindi rin makakilos agad, hawak-hawak ang hawakan ng upuan na tila ba hinihigop ng bigat ng damdamin.“Anak…” mahinang sabi ni Nenita, diretso kay Ana. “Ikaw nga ba ito?”Napako sa kinatatayuan si Ana. Hindi niya kilala ang mukha

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 231

    Tahimik na nakatayo si Adrian sa lilim ng punong sampalok sa gilid ng hardin, pinagmamasdan ang emosyonal na muling pagkikita ng nobya sa tunay nitong pamilya. Sa bawat luha ng tuwa, bawat hikbing sabay sa pagsambit ng salitang “anak,” alam niyang hindi na siya bahagi ng nakaraang iyon. Ngunit siya ang ngayon — ang lalaking pinili ni Ana sa panahong wala siyang pagkakakilanlan, sa panahong siya’y si Sara Pamplana lamang.Tahimik siyang lumapit sa gilid ni Ana habang yakap-yakap pa rin ito ni Belinda. Napatigil ang lahat sa pag-iyak nang maramdaman ang presensya ni Adrian, at nang mapansin ni Ana na nandoon ito, agad siyang lumingon at pilit na ngumiti, kahit puno pa rin ng luha ang kanyang mga mata.“Adrian…” mahina niyang tawag.Lumapit si Adrian, hawak pa rin sa kamay si Anabella na ngayon ay masaya nang nakikipaglaro sa mga halaman sa paligid.“Pasensya na po, Tito, Tita,” maayos ngunit mahinahon ang tinig ni Adrian. “Ako po si Adrian Jasendo. Ako po ang… kasama ni Ana sa mga panah

  • TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART   TWINS THAT CAPTIVATES MY HEART CHAPTER 230

    Tumawag si Belle habang binabaybay ng van ang kahabaan ng expressway papunta sa Maynila. Nasa tabi niya si Luke na noon ay tahimik lamang, habang si Ana ay nasa likurang bahagi ng sasakyan, kinukuwentuhan si Anabella na nakaupo sa kanyang kandungan.Sa kabilang linya ay si Belinda Diosdado, ang asawa ni Romeo at ang babaeng nag-ampon kay Ana noong siya ay nawawala pa at wala pang pangalan. Sa boses nito ay halatang nagtataka pero masigla ang pagtanggap sa tawag.“Tita Belinda,” bungad ni Belle, medyo nanginginig ang tinig. “May sorpresa po ako sa inyo pagbalik namin sa Maynila.”“Anong klaseng sorpresa naman ’yan, iha?” sagot ni Belinda. “Huwag mong sabihing nagkaapo na agad kami kay Luke at Belle?” natatawang biro nito.Napangiti si Belle, sabay tingin kay Ana sa salamin sa harapan ng sasakyan. Nakangiti si Ana habang pinupunasan ang bibig ni Anabella na may bahid ng tsokolate mula sa baong cookies.“Higit pa po roon, Tita,” sagot ni Belle, bahagyang nag-aalangan. “Basta po, handa la

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status