Dahil sa nangyari kay William hindi lang ito naging silbing unos sa kanyang kompanya kundi sa nag-iisa niyang anak na si Gabriel.
Napakabata pa nito para maiwan ang malaking responsibilidad sa kompanya.
“Halos nitong linggo ko lang nakita ulit si William, hayaan mo ako na muli ko siyang puntahan at makita man lang muna, ngayon.” Na siyang maingat naman na isinilid ni Oxford sa kanyang suitcase ang dokumento.
Lumabas ito kasama si Seneca at pumunta nga sa hospital kung nasaan si William.
Habang papunta sila sa hospital sa isang gusali naroroon ang napakalaking screen at pinapakita nito ang ekonomiya ng bansa. Nangunguna ang Aquinas Group na may malaking kontribusyon sa bansa.
Muli napabuntong-hininga si Oxford. Naalala pa noon niya noon ang unang pagkakataon na naglantad sa publiko ang pangalan ni Gabriel. Ang batang dapat na tinatamasa ang kalayaan ay biglang inabuso ng responsibilidad nito sa kanyang pamilya.
Gabriel Aquinas.
Labing pitong taong gulang ng maratay sa hospital ang kanyang ama. Iniwan sa kanya ang napakalaking responsibilidad dahil walang hahalili sa kanyang ama kundi siya lang naman.
At ang mga matalik na kaibigan ng kanyang ama na si Seneca at Oxford ay wala sa posisyon upang mamahala sa mga iniwang responsibilidad nito sa kompanya. Si Gabriel lamang ang bukod tanging tumindig sa bakanteng posisyon ng kanyang ama. Sa mura niyang edad, marami ang nabahala sa kakayanan ni Gabriel. At kumalat kaagad ang balita tungkol sa unang paglabas ng mukha nito sa publiko.
Ang dalawang matalik na kaibigan ni William ay nangako ng katapatan sa kanya, mananatili sa tabi upang gabayan ito hangang sa makilala nga niya kung anong klase ang mundo ng negosyo.
Impossible na kayanin ng murang isipan ni Gabriel, ngunit marami ang nagulat sa pamamaraan nito na mas lalong ikina-unlad ng kompanya.
Tinalikuran ni Gabriel ang kabataan niya upang isa-katuparan ang pangako niya sa kanyang ama. Hinarap niya ang lahat ng problema na dumarating sa kompanya habang di pa nagkakamalay si William. Kaliwa kanan ito. Tila isang digmaan na walang katapusan. Pakikidigma sa mga negosyanteng marami na ang karanasan kesa sa isang katulad niya.
At napatunayan ng kaibigan ni William sa kanilang sarili na kahit paano ang pamamaraan nito sa pagpapalaki kay Gabriel ay napaka-produktibo. Diskarte at talino ang naging puhunan ni Gabriel. Napakaraming nagbago sa kompanya, katulad na lamang ng pagpapalayas ni Gabriel sa mga di epektibong mga empleyado. Karamihan ng kanyang pinalayas ay ang mga empleyadong babae. Dahil hindi man niya pansinin, nais ng mga ito magpapansin sa kanya at balewalain ang mga trabaho nila.
At dahil magkaibang dalawang kompanya ang pinapatakbo ni Gabriel, hindi maiiwasan na maapektuhan ang kanyang pagkatao. Napaka-istrikto nito, kilalang masungit na binata, at ni minsan walang nakakita sa kanya na ngumiti man lang. Walang pinansin na babae sa tanan ng buhay niya. At sa tuwina naman na mismong babae na ang lumalapit sa kanya, kaagad itong pinapakaladkad palayo sa kanya.
Sa paglipas ng panahon, parang nakaligtaan ni Gabriel ang kanyang sarili at sumabay sa agos ng mundong hindi dapat niya muna pinasok. Tila ba naging isa siyang makina sa mundo ng negosyo. Ngunit ang resulta naman nito hindi maitatangi ang mabilis at lalong pag-unlad ng kompanya.
Halos sampung taon na ang lumipas, hindi niya namalayan ang pagtakbo ng panahon. Ang paglaki ng kompanya ang nakatatak sa kanyang isipan.
Ngunit sa loob ng mga taon na abala si Gabriel, nakikita ni Seneca ito ang paraan niya para di maisip ang tungkol sa kondisyon ng kanyang ama. Kondisyon na balang araw nga hindi na ito magigising kailan man.
Ngunit patuloy parin na umaasa si Gabriel. Ayaw na ayaw niyang makinig sa sinasabi ng mga tao sa paligid niya na impossible na ngang magising ang kanyang ama. Nagbingi-bingihan at nagbulag-bulagan, habang ang mga tao sa paligid niya alam na tanging makina na lamang ang bumubuhay sa katawan ng kanyang ama.
Pagdating ni Oxford at Seneca sa hospital kaagad sila sinalubong ng mga taga media na nakaramdam ulit tungkol sa paglabas ng dokumentong iyon.
“Sa tingin ko may tenga ang mga taga-media sa loob ng hospital.” Kumento nito Oxford sa kaguluhan sa labas kanina.
“Hindi iyon impossible. Alam mo naman na matagal nang binabanga ng ilang taga-media ang pamilyang Aquinas. Kailan nga ba sila nito tinantanan?”
Hindi na lamang sumagot si Oxford at dumiretso na sila sa silid ni William. Maraming nakabantay sa paligid ayon na rin sa binigay na securidad ni Gabriel sa kanyang ama.
At sa pagbukas ng pinto kaagad na sinalubong sila ng napakalamig na silid.
Hangang sa nasa harapan na ni Oxford ang katawan ng kanilang matalik na kaibigan. Hindi niya mapigilan na manghina, ngunit hindi niya iyon maaring ipakita kay Seneca. Si Seneca na halos araw-araw nitong nakikita si William, tiyak namanhid na ito sa sitwasyon ng kanilang kaibigan.
Halos hindi na nga ito makilala ni Oxford, malayong malayo ito sa William noong huli niyang makita na may sigla pa ang katawan nito.
Maraming tubo ang nakakonekta sa katawan ni William, kakambal ng mga makina na siyang musikang hindi maintindihan sa loob ng silid. Sa sobrang payat ng katawan ni William parang matagal na itong pumanaw.
“Alam kong naunawaan mo na ang mga sinasabi ko sayo, Oxford.”
Napabuntong hininga siya. “At talaga bang matagal na tayong iniwan ni William?”
Tapik sa balikat ang itinugon ni Seneca.
Bago nangyari ang pangyayari kay William noon, napakatalino nito para mag-iwan ng Health Care kung sakali man may hindi magandang mangyari sa kanya. At yun ay hawak ni Seneca. Kabilang sa nakapalaman ang Euthanasia. Nagsasabi na kapag lumipas na ang limang taon na wala paring pagbabago sa sitwasyon niya, ay maari nilang gawin ang pamamaalam sa kanya.
Halos lumipas na ang limang taon pinigilan ni Gabriel na gawin ito. Inutos nito na hayaan manatili ang kanyang ama… Bigyan pa ito ng panahon, dahil maaring balang araw magising na ito.
“Naalala ko pa ang protesta ni Gabriel noong ibinigay mo ang dokumentong ito sa kanya.”
“Ikaw din. Kaya nga hindi nangyari iyan noon.”
“At sa tingin ko, pareho kami ni Gabriel binigo ni William.”
At sila bilang malapit na kaibigan at kapamilya ni William na idineklara mismo nito, na si Dr. Seneca Tan, Atty. August Oxford at higit sa lahat ang nag-iisa nitong anak na si Gabriel Aquinas ang pipirma sa ducomentong iyon.
“At hindi mo na ito maaring talikuran, Oxford. Kailangan ni Gabriel ng lakas ng loob. Saan pa siya kukuha noon, kundi sa ating dalawa. Kapag nakita niyang pumirma ka na, sa tingin ko may pagbabagong mangyayari kahit paano.”
“Kahit pirmahan ko ito, si Gabriel parin ang masusunod. Alam mo yan.”
Tango ang itinugon ni Seneca. “Kaya nga kailangan niyang makita na sumasang-ayon na tayo na palayain si William.”
Muli napabuntong-hininga si Oxford.
Pumirma ang abogado, at matapos gawin niya iyon, nagmamadaling pinuntahan siya ng kanyang sekretarya upang iparating na parating si Gabriel. Kaya naman lumabas sila sa silid ni William at natagpuan nila ito sa harapan ng ilang doktor. Kinakausap ito ukol sa kondisyon ng kanyang ama.
At ng inilapag nila sa harapan ni Gabriel ang dokumento, kaagad siyang napasinghal. At diretsang tinitigan ang dalawang matalik na kaibigan ng kanyang ama.
“Halos dumoble na ang oras na idineklara ng iyong ama sa health care ang tungkol sa dokumentong yan, Gabriel. Sa loob ng sampung taon wala siyang ipinapakitang senyales na magigising man lang ito. Walang pinagbago, at halos pumuti na ang buhok ko sa kakahintay ngang magising siya.” Pahayag ni Seneca.
Nang kinuha naman ni Gabriel ang documento, ngunit tumayo ito sa kanyang kinakatayuan, at itinapon iyon sa basurahan. Hindi man lang niya binuksan para nga makita na pumirma na ang abogado.
“Ilang ulit ko bang sasabihin sa inyo, walang makikialam tungkol sa aking ama.”
Sino nga naman ang pipirmang anak sa dokumento na magdadala sa kamatayan ng kanyang sariling magulang? Ngunit ano mang iwas niya ay hindi niya matatalikuran ang tungkulin niya sa kanyang ama.
“Gabriel, kailan mo balak pagpahingahin ang katawan ng iyong ama na halos buto’t balat na? At least magsabi ka ng araw para man lang may hanganan itong ginagawa mo.”
Ngumisi si Gabriel, at senenyasan ang kanyang tauhan na ilabas ang kanyang ama-amahan. Magsasalita pa sana si Seneca, ngunit tinapik na siya ni Oxford, at umiling dito.
“Hayaan mo na munang makita niya ang kanyang ama, sakaling matauhan siya.”
@DeathWish
[HER RETURN 2024]
Chapter 241 The Happiness Dahil sa tanong ni Gabriel naging matamis at magian ang ngiting inabot ni Seneca. Napatango ito…“Nagdadalang-tao siya.”“Ibig sabihin…”“Yeah boy. Malapit ka nang maging ama. Congratulation. Better to prepare yourself for this.” Sabay abot ni Seneca ng alak sa kanya. “Cheers for this.”Hindi makapagsalita si Gabriel… Ngunit ng matauhan siya… Parang kung anong enerhiya ang pumasok sa katawan niya… Oo may galak… ngunit hindi niya alam kung para saan ang matinding kaba. Hindi niya magawang makapagsalita… Masaya naman siya…Ngunit…Ano itong nararamdaman niyang kakaiba? O sadyang labis lamang ang kagalakan niya.Kinuha niya ang alak… At diretso iyon na ininom…Ngunit di maitatago ang biglang pagkaputla ng mukha niya sa doktor na nakamasid nga s
Chapter 240 The Old Wine Pagkatapos kumain ni Serena…“Matutulog muna ako.”Tahimik na tumango si Gabriel. Ngunit ang ikinakatuwa talaga niya ng lihim… Ang di pagsusuka ni Serena ng pagkain. Lihim din na napatango sa kanya si Agatha dahil ito rin ay nakahinga na kumain nga ang dalaga.Mas pinili ni Gabriel na maupo sa sofa habang hinihintay ngang makatulog si Serena. Oo, mabilis ngang makatulog ito… Yun ang napansin niya… At tulog mantika sa tuwina.Nang makumpirma niyang tulog na ito… Sinarhan niya ang folder saka tinignan ang oras…Si Doctor Seneca…Hinahamon talaga siya nito.Talagang sinasadya na hindi nito sundin ang utos niya na puntahan siya mismo sa silid na iyon. Ngunit parang mayroong dahilan ang ama-amahan niyang doktor… Siguro para hindi na rin marinig ni Serena kung ano man ang natuklasan nito sa result
Chapter 239 Spoon Feeding Nang marinig ni Serena ang tanong ni Gabriel sa presensya ng mga doktor kahit siya naghihintay din sa sagot ng mga ito. Malay diba mayroon siyang malalang sakit… Edi matatapos na ang kabaliwan na ginagawa ni Gabriel sa kanya.“Master Gabriel, si Doctor Seneca ang kailangan niyong kausapin tungkol sa bagay na ito.” Isa sa mga doktor ang naglakas na loob na sabihin iyon dahil iyon naman talaga ang utos ng nakakataas na doktor sa kanila.“Hindi ba pinapatawag ko siya?”Hindi nakasagot ang mga ito.“Tsk.”“Gusto ko din malaman ang sakit ko.” Kuha ng pansin ni Serena kaya nilingon siya ni Gabriel. Titig ni Gabriel sa kanya hindi natutuwa sa narinig nito.“Eh, baka diba may malala akong sakit?”“…f*ck.” Napamura ng mahina ang binata.“Ikaw din… Kasalanan mo kapag namatay ako kaagad na h
Chapter 238 To Eat to Spoiled Maingat na inihanda sa harapan ni Serena ang isang bowl ng mainit na sopas.“Mabuti ito para sayo Miss Serena.” Si Agatha.“… Salamat po. Si Gabriel?” hindi niya kaagad nahuli ang sarili ngunit… huli na para din ang Mayordoma bumakas sa mukha ang gulat dahil kakalabas lang ng binata kanina at hinahanap niya kaagad.“Magpapalit daw muna siya ng damit. Sa ginagawa niya iha… magkakasakit siya.” Inabot sa kanya ang kutsara… Tinangap naman niya ito.“Magkakasakit siya? Bakit ano po ba ang ginawa niya?”Tinikman niya ang sopas… Bahagyang napatango. Oo, gutom na gutom siya…“Agad siyang umuwi ng dis-oras galing sa ibang bansa. Umuwi siya kaagad dahil alam mo na… Sino ba naman ang hindi makaka-uwi ng dis-oras ng malaman nga ang nangyari sayo? Lubos kasi siyang nag-alala ng husto sayo Miss Seren
Chapter 237 Cheerfully Hindi maitatangi ni Serena na ang mga matang nakatitig sa kanya ngayon ay puno ng pag-alala. Napabuntong-hininga siya dahil halata naman na pagod na pagod ang binatang nasa harapan niya at kahit ang kagandahang pagkalalaki nito ay hindi naikubli iyon.“They are fine. Tell me, may masakit ba sa'yo?”“…”“Serena…”“Uhm-ano.” sinubukan niyang bumangon nang alalayan siya ni Gabriel. Haplos nito may dalang kakaibang init na tila ba nangaling iyon sa labis na pag-aalala sa kanya.Hindi nila namalayan na iniwan sila mag-isa ng mga taong kanina nasa loob ng silid.Nang makaupo si Serena… Sinalubong na niya ang titig ni Gabriel ng walang alinlangan… Binigyan ito ng simpleng ngiti at lihim naman napabuntong-hininga ang binata.“Medyo masakit lang ang ulo ko pero hindi naman kailangan ipag-alala…
Chapter 236 His Silent Kiss “Mia ang pangalan mo. At pareho ang pamilyang pinangalingan ninyo ng Driver ni Master Gabriel.”“… Driver ni Master Gabriel… Sino po?”Muli isang Nakakadismayang buntong-hininga ang pinakawalan ng Mayordoma. Lumingon sa kasamahan at napatango dito. Nagulat na lamang si Mia ng lumapit ito sa kanya at sinabing…“Kailangan mong sumama sa akin, kailangan namin ito imbestigahan.”“Pero…” Angal ni Mia.“Sasama ka iha kung yun ay wala kang ginawang masama, sasama ka ng kusa. Ito lang ang paraan para malinaw na wala kang kinalaman sa nangyari. Ngunit hiling ko na wala nga… At isa lamang itong aksidente.” Saka tumayo si Agatha, at lumabas nga ng silid.Dinig pa niya ang paki-usap ni Mia ngunit napailing na lamang siya. Hindi matutuwa si Gabriel kapag may nagbalak ngang masama kay Serena.Lumapit si