“Eh bakit hindi mo dalhan ng foam?” pabalang na sagot na ni Bethany.
Hindi na niya napigilan ang sarili dahil sobrang rinding-rindi na siya sa madrasta. Bakit siya ang sinisisi nito? Ginagawan naman niya ng paraan. Hindi siya nagpapabaya.
“Sa tingin mo ba Tita ay hindi ako nasasaktan kada maiisip ko siya?” pumiyok na doon ang tinig ni Bethany, naiiyak na. “Ama ko siya. Dugo at laman niya ang nananalaytay sa katawan ko. Huwag mo po naman sanang iparamdam sa akin na wala akong kwentang anak, Tita. Ginagawa ko po ang lahat para makakuha ng magaling na abugado at nang matapos na ito. Please lang po, dahan-dahan ka naman po sa mga akusasyon mong pabaya ako!”
Bunga ng matinding pressure at stress sa loob ng bahay nila ay umisip ng paraan si Bethany kung ano pa ang nararapat niyang gawin. Hindi na siya mapakali sa pagbubunganga ng madrasta niya. Minabuti niyang makipagkita sa isa sa mga kaibigan niya noong college, kay Rina. Pagkatapos nila ng college ay nagpakasal na ang kaibigan niya sa isang mayaman na malawak ang sakop ng connection at saka impluwensiya. Nagbabakasakali siya na matulungan siya nito kapag nasabi niya rito ang mga suliranin niya. Nagkasundo ang dalawa na magkita sila sa isang coffee shop. Doon ay nabanggit na ni Bethany ang lahat ng kanyang problema.
“Napaka-walang kwenta talaga niyang ex-boyfriend mo, Bethany! Pagkatapos ng lahat? Bibigyan ka pa niya ng problema?” iling nitong hindi makapaniwala, ilang sandali ay nagbago ang hilatsa ng mukha nito. “Pero infairness ha, seryoso ka ba talaga na nagsanga ang landas niyong dalawa ni Gavin Dankworth ng gabing ‘yun?” tanong nitong may nanunukso ng mga mata sa kanya.
Namula na roon ang mukha ni Bethany, hinalo-halo muna niya ang tasa ng kaharap niyang kape bago marahang tumango bilang sagot.
“Lumapit ka na sa kanya. Malay mo naman tulungan ka niya. Masyadong mataas ang standard ng abugadong iyon at ni minsan ay hindi rin nasangkot sa anumang uri ng eskandalo.”
Mapaklang ngumiti si Bethany.
“Ginawa ko na pero hindi effective. Kung nagtagumpay ako sa tingin mo ay narito ako at nakikipagkita sa’yo upang humingi ng tulong? Syempre wala ako dito, Rina. Kaya please, favor naman oh. Help me…”
“Ano bang gusto mong gawin ko?” tanong ng kaibigan na sumimsim muna sa kanyang kape bago siya hinarap, matamang tingnan sa mata.
Batid ni Bethany na may malawak na connection si Rina na maaari nitong gamitin anuman ang hilingin. At kapag si Rina ang gagawa noon, walang sinuman ang maghihinala na may masama itong pina-plano doon.
“Tulungan mo akong makuha ang schedule niya. Kailangan ko siyang makausap habang di pa huli ang lahat. Susubukan kong makipaglapit sa kanya. Baka sakaling lang eh...”
“O siya sige, ako na ang bahala, Bethany. Huwag ka ng mag-alala.” sagot ng kaibigan niyang naiiling.
“Maraming salamat, Rina!”
Mahigpit na niyakap na ni Bethany ang kaibigan bilang pasasalamat.
“Babawi ako sa’yo, Rina. Matapos lang talaga ang problemang ito kay Papa, hindi na ako rito mai-stress.”
“Oo na, para ka namang ibang tao.”
SABADO NG TANGHALI ng mag-book ng oras si Gavin upang maglaro ng golf. Naging palipasan niya ng oras ang paglalaro noon na para sa kanya ay pangtanggal na din niya ng stress. Nang mga sandaling iyon ay napilitang sumama si Bethany sa kaibigang si Rina at sa asawa nito patungo sa kaparehong golf course. Mula sa malayo ay natigilan panandalian at nagulat si Bethany nang makita niyang naroon ang ex-boyfriend niyang si Albert.
“Kapag minamalas nga naman, oh!” malakas na bulalas ni Bethany.
Nilingon ni Rina ang kaibigan at nang sundan niya ng tingin ang sinisipat nito ay nakita niya ang dahilan ng biglaan nitong pagtigil doon. Natutop na niya rito ang bibig.
“Hayaan mo na Bethany, huwag mo ng pansinin. Lalo lang matutuwa ang damuhong iyan oras na makita niyang apektado ka sa presensiya niya. Huwag mo siyang bigyan ng chance na maramdaman iyon. Ikaw din ang talo at hindi naman siya.” bulong ni Rina sa kaibigan na hinaklit pa ang brasong hawak niya.
Binalingan na ni Rina ang asawa na nagulat din kung bakit naroon ang ex-boyfriend ng kanyang kaibigan.
“Ano ‘to? Bakit hindi mo naman sinabi na narito pala si Albert ha?” bulong nito na narinig pa ni Bethany.
Hindi niya tuloy mapigilang makaramdam ng hiya sa mag-asawa. Parang ang daming abala na ang nagagawa sa kanila.
“Hindi ko rin alam, Rina kung bakit narito siya.” sagot ng asawa ng kaibigan ni Bethany na humarap pa sa kanya, mas nahiya pa dito si Bethany. “Pasensiya ka na ha? Hindi ko talaga napansin. Nasa amin ang pagkakamali dito. Nagkita tuloy kayong dalawa ng hindi sinasadya.”
Bago pa muling makapagsalita si Bethany ay nasumpungan na sila ng mga mata ni Gavin na nagmamasid. Nakasuot ang matikas na binatang abugado ng casual white suit, na mas nagpadepina ng angking gandang lalake niya sa lahat. Iyon ang naging dahilan para umangat pa at mapuna ang hitsura niya sa area. Kagaya noong nakita ni Gavin sa opisina si Bethany, nagkunwari siyang hindi niya kilala ang babae. Ang binati lang nito ay ang kilala niyang asawa ni Rina sa grupo nila.
Tumikwas na ang kilay ni Gavin nang mapadako iyon kay Bethany na tahimik lang na nakatayo sa tabi.
Lihim na napangiti na si Bethany nang makita niya sa gilid ng mata ang ilang segundong pahapyaw na pagtingin ni Gavin sa postura niya. Sinadya niyang magsuot ng medyo revealing na damit. Malaking damit at sport shorts iyon na hapit sa bilugan niyang mga binti. Nagpalitaw ito ng magandang kutis ni Bethany. Ang mahaba at alon-alon na kulay brown buhok ay naka-ikot sa tuktok ng ulo ni Bethany, nakadagdag pa ‘yun sa fresh na fresh nitong itsura.
Dumapo na ang mga mata ni Gavin sa payat at makinis na mga hita ni Bethany. Binasa na niya ang labi sabay harap sa asawa ni Rina.
“Sino siya? Kasama niyo? Mukhang ngayon ko lang din siya nakita dito.”
BAHAGYANG NATAWA NA roon si Giovanni, somehow na-miss niyang may tumatawag sa kanya ng Governor Bianchi. Tumango lang siya at kinuha na rin ang pagkakataong mag-congratulate.“Thanks, Governor Bianchi. Sayang, hindi ka nakasama at ang mga kiddos niyo.” Muling naalala ni Giovanni ang kagustuhan niyang sumama ngunit hindi niya ipinakita sa mukha. Hindi naglaon ay nagpaalam na si Briel. Pinayagan naman siya ni Giovanni. Inisip niya na malaki ang tiwala niya kay Briel kaya ano ang ipinag-aalala niya? Dapat siyang mapanatag lang. “Marami pang pagkakataon. Pag-uwi mo dito sa bansa, pwede mong makita ang mga bata.”“Kaya nga, Governor Bianchi. O siya, maiwan ko muna kayo Briel at iikot lang ako.” Habang naroon si Briel sa Brazil ay nag-plano na lang si Giovanni ng maaari nilang gawin pagbalik nito ng bansa. Aayain niya silang umakyat ng Baguio? Tama, iyon na lang ang gagawin niya tapos bababa rin naman sila dahil magbubukas siya ng branch at opisina sa Batangas ng sa ganun ay maging mala
NATAWA NANG MAHINA si Gavin sa pagiging obsessed ng tiyuhin ng asawa sa kanyang kapatid. Napatingin na ang mga kasama sa kanya. Nakikita niya kasi ang kanyang sarili dito, late bloomer nga lang si Giovanni sa pagiging obsessed. Ganun pa man ay natutuwa naman siya sa nangyayari. Ibig lang sabihin ay mas nagmamahal ngayon ang dating Governor kumpara sa kanyang kapatid.“Hayaan niyo na sila, iyan ang gusto eh.” pagkunsinti niya dito na agad ikinatingin nang masama ng asawa niyang si Bethany sa kanya, may pag-irap pa nga itong nalalaman ng ‘di pagsang-ayon. “At kapag nagkasakit ka Tito pagbalik niyo? Sinong mahihirapan?” si Bethany na tutol din doon, kinakailngan niyang sabihin ang maaaring mangyari dahil mukhang hindi yata naiintindihan. “Marami pa namang pagkakataon upang makapamasyal kayong mag-anak. Hindi lang ngayon.” Napanguso na si Briel sa hipag sa ginagawa nitong pagtatanggol sa kanya. Iyon din ang pinapaintindi niya. Baka sa halip na maging masaya ang bakasyon nila, maging ma
HINDI NI BRIAN matandaan. Paano kasi naagaw ang buong atensyon niya ng pamilyar na imahe ng bata sa labas ng bintana ng kinaroroonan nilang sasakyan. Hindi siya maaaring magkamali. Parang iyon ang batang sinugod niya sa hospital na nabalian ng binti noong nasa Baguio sila. Iyong batang kinamumuhian niya nang sobra dahil sa inaagaw ang Daddy nila. Lingid sa kanyang kaalaman na si Ceska nga ang batang iyon, nasa Maynila na sila ulit na piniling doon na mag-aral ang bata habang nagpapagaling. Bumaba na sila ng Baguio at sa villa na ulit na binili noon ni Giovanni nakatira. Malapit lang iyon sa kanilang villa at nina Gavin.“Di ba? Hindi mo masagot dahil hindi ka naman talaga nakikinig!” akusasyon pa ni Gabe na biglang uminit na ang ulo, “Ano ba kasing tinitingnan mo sa labas ha? Ngayon ka lang ba nakakita ng maraming tao?” “Gavina?” saway agad ni Gavin sa anak na napakalakas mang-alaska, harap-harapan itong nangbu-bully. “Oh, I knew it! You must be looking at the pretty girl on the whe
WALANG NAGAWA DOON ang dating Governor kung hindi ang tumango bilang pagsang-ayon niya. Ang ending walang naging katabi si Giovanni dahil nang dumating ang extra bed na hiniling nila ay sumiksik si Gia sa kanyang ina at kapatid. Malungkot ang mga matang pinanood lang sila ni Giovanni habang nagre-ready na mahiga na doon. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Briel na lihim na nagdiriwang. Siya pa rin sa bandang huli ang nagwagi sa kanila.“Say goodnight na to Daddy mga anak.” himok pa ni Briel na agad naman nilang sinunod na magkapatid. “Ayaw ba talaga akong tabihan ng isa sa inyo?” ma-dramang tanong ni Giovanni sa mag-iina habang nakaupo pa rin sa ibabaw ng kanyang kama, pilit na pinapaamo at nagpapawa ng kanyang mukha.Sabay na umiling ang dalawang bata. “Si Mommy ang gusto naming katabi, Daddy.” si Brian na parang sampal sa mukha niya.Tumawa lang si Briel sa mas sumidhi pang panghihinayang sa mukha ni Giovanni. “Dapat pala mas malaking kama ang sinabi natin para diyan na r
NAPUNO PA NG tawanan ang loob ng silid. Namula naman ang buong mukha ni Briel sa hiya. Pagkaraan ng ilang oras ay nagpaalam na rin ang grupong bumisita na aalis na rin sila. Hinatid sila ni Briel sa may pintuan lang. Pagkatapos noon ay hinarap na niya ang mga naiwang kalat sa loob ng binagyo nilang silid. Syempre may dalang pagkain ang mga ito na kanilang pinagsaluhan na nag-iwan ng maraming mga kalat. “Brian, Gia? Gusto niyo ba ng fruits? Ipagbabalat ko kayo.” basag ni Briel sa katahimikan, matapos maglinis. Maligayang tumango ang dalawang bata kay Briel na nagagawa ng maghabulan paikot ng silid. “Ako Briel, hindi mo tatanungin? Gusto ko rin ng fruits.” pababe na sambit ni Giovanni na ikinatawa lang ni Briel matapos na lumingon habang naiiling sa kalokohan nito, “Biased ka ha!”Habang kumakain sila ng prutas ay dumating ang doctor upang i-check na naman ang lagay ni Giovanni.“Aba, mukhang bibilis ang paggaling mo nito Mr. Bianchi ah? Ang daming nagmamahal sa’yo.” biro nitong nabu
ORA-ORADANG INAMBAHAN NA ni Bethany ng sapak si Gavin na halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi sa kanyang tiyuhin. Tumawa lang ang lalaki sa asawa na agad hinuli ang palad upang yakapin lang doon. Pumalag naman si Bethany na pinandilatan na ito ng mga mata. “Bakit ikaw? Sa tingin mo hindi ka rin tumatanda? Tumatanda ka na rin, hindi mo lang pansin.”“Kaya nga,” sang-ayon ni Briel na lumabas na naman ang pagiging maldita. “Kabayo lang kaya ang tumatanda. Masyado mong dini-descriminate sa edad niya ang ama ng mga anak ko ah?” Tumawa lang si Gavin na itinaas an ang dalawang kamay bilang pagsuko. Dalawang babae ang kalaban niya. Wala siyang back up kung kaya naman kailangan na niyang itigil ang panunudyo.“Oo na, baka mamaya patawagin mo na naman ako sa’yong Tita Briel.” Hindi na rin gaanong nagtagal ang mag-asawa doon na hinatid pa ni Briel sa may pintuan ng silid. Naiwan na naman sila ni Giovanni sa gitna ng katahimikan. Tulog pa rin ito. Tumawag si Conrad upang mangumusta lang.