Home / Fantasy / UNKNOWN PRINCE OF ASHANYA (BXB) / CHAPTER 1: PAGPAPALAYAS

Share

UNKNOWN PRINCE OF ASHANYA (BXB)
UNKNOWN PRINCE OF ASHANYA (BXB)
Author: renzbel23

CHAPTER 1: PAGPAPALAYAS

Author: renzbel23
last update Last Updated: 2022-04-05 20:57:57

Shun POV

"Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na panatilihin ka dito sa palasyo, sana noon pa lamang sanggol ka ay ipinatapon ka na namin sa malayong lugar para hindi kana makapagdala ng kamalasan dito Sa palasyo. Mabuti na lamang at itinago namin ang katotohanan na kambal ang ipinanganak ng reyna kaya hindi pa huli ang lahat para itaboy ka sa palasyong ito." Galit na sabi ng hari sa akin.

"Am- kamahalan, hindi ko po sinasadya ang nangyari kay Ate Sha- kay Prinsesa Shane. Maawa na po kayo sakin. Kadugo niyo rin po ako, maawa po kayo wag niyo na po akong paalisin sa palasyo, wala na po akong alam na pwedeng puntahan". Pagmamakaawa ko sa ama kong hari habang nakaluhod at humahagulhol sa pag-iyak. Ngunit hindi natinag ang mahal na hari, tiningnan niya ako ng may galit sa mga mata niya, kumikirot ang puso ko dahil parang hindi niya ako anak kung ituring.

"Wala akong pakialam sa'yo, isa ka lamang kahihiyan dito sa palasyo." Malakas niyang sigaw akin.

Nagulat ako ng biglang itinaas niya ang kanang kamay niya at nagpalabas ng pwersa sapat para tumilapon ako sa pader ng palasyo. Napasigaw ako sa sakit ng likod ko na tumama sa dingding ng palasyo. Bumagsak ako sa sahig na nakadapa.

Hindi ko inaasahan na kaya akong saktan ng sarili kong ama. Kaya kong protektahan ang sarili ko sa ganong atake kahit papano ngunit baka mas magalit pa ng husto si ama kapag sinangga ko yong atake niya. Nasa ganoon akong posisyon nang may dumating sa silid kong saan kami naroroon ni ama.

"Nakatakda nang ikasal ang prinsesa sa susunod na buwan, ngunit dahil sa ginawa mo ay maaantala ang kasalan at aabutin ng kalahating taon bago tuluyang mawala ang epekto ng makapangyarihang kristal sa katawan niya" Galit na litanya ni ina habang tinitingnan ako nang may galit sa mga mata. Siya ang dumating sa silid.

Hindi ko sila masisi kong ganon ang naging reaksyon nila sa nangyari sa kapatid ko. Sobrang mahalaga para sa kanila ang kapatid kong prinsesa, mahal na mahal nila ito, alagang alaga nila mula pagkabata, lahat ng gusto nito ay binibigay. Napaka elegante at masyadong maganda ang prinsesa, tuwang-tuwa ang hari at reyna sa kanya.

Ang alam ng mga tao sa palasyo ay isa lang ang anak ng mahal na reyna at hari, malas daw kasi ang pagkakaroon ng prinsipe sa palasyo, mula kasi noon ay hindi pa nangyayari na magkaroon ng lalaking anak ang namumuno sa palasyo ng Ashanya. Kaya itinago nila ako sa isang silid kung saan doon ako lumaki at nagkaroon ng isip.

Isang tao lang maliban sa kapatid at magulang ko ang nakakaalam tungkol sa pagkatao ko at yun ay ang taong nag alaga sa akin mula noong sanggol pa lamang ako ngunit namatay siya nang binalak niya akong iligtas mula sa makapangyarihang kristal.

Masyadong malakas ang pwersa ng kristal kaya hindi kinaya ng katawan niya, hindi ako naapektuhan kasi sinangga niya ang pwersa papunta samin ng kapatid ngunit hindi niya napigilan ang pwersang papunta sa kapatid ko kaya tinamaan parin ito. Ngayong wala na ang taong nag alaga sakin ng labing walong taon, hindi ko na alam kong paano pa ako mabubuhay sa loob ng palasyo.

Siya ang nagturo sakin ng lahat, tinuruan niya ko kung paano gamitin ang kapangyarihan ko at siya ang nagsasabi sakin sa mga nangyayari sa palasyo. Lingid sa kaalaman ng hari at reyna na sinasanay ako ng husto ni Nanay Sally para daw mapangalagaan ko ang sarili ko sa ano mang kapahamakan na haharapin ko. My power is used only for defense, pero natutunan ko itong gamitin in an offensive way kahit papano dahil narin sa pagtrained sakin ni yaya.

"Dapat na mawala ka sa Ashanya Palace, Ikaw ang dahilan Kung bakit nasa masamang kalagayan ang prinsesa." Sabi ng hari Sa galit na tuno.

"Anak ka parin namin kahit papaano kaya hahayaan ka naming makapag impake ng gamit na kakailanganin mo sa pag-alis mo, nasa tamang gulang kana para matutong mabuhay mag isa. Matagal naming hinintay ng hari ang pagkakataong ito." Walang emosyong sabi ni ina.

Nasabi narin ni yaya ang tungkol sa bagay na ito, na kapag umabot na daw ako sa ikalabing walong taong gulang ay papaalisin ako sa palasyo. Iyon daw ang hininging pabor ni ina sa hari noong ipinanganak niya ako. Binalak kasi akong ipapatay ni Ama ng malaman niya na isa akong lalaki. Ipinagbabawal kasi na mula sa palasyo ang papalit na hari sa Ashanya, kaya dapat babae ang maging anak ng reyna dahil nakagawian na mula noon na ang anak ng kasaluyang hari at reyna ang siyang susunod na reyna na siyang magiging asawa ng susunod na hari.

Hindi mahalaga kong saang angkan magmumula ang susunod na hari basta taglay niya lang ang kapangrihan ng apat na elemento ang apoy, tubig, hangin at lupa katulad ng kapangrihang taglay ng ama ko at ng mga naunang hari. Kailangan daw kasi na ang maging hari ay isang quadruple elementalist upang mabalanse ang pagpapatakbo ng buong Ashanya.

Hindi requirement ang pagmamahal sa pagitan ng magiging reyna at magiging hari ang mahalaga ay magkaroon sila ng anak na babae na syang susunod na maging reyna at mapamunuan nila ang buong Ashanya at maprotektahan ito mula sa mga masasama na may balak sakupin ang Ashanya.

.........

Kasalukuyan akong nakaharap sa lagusan o portal na ginawa ng reyna, isang portal maker si ina kaya hindi sila mahihirapan na mapaalis ako ng palasyo ng walang makakapansin. Wala ni isang salita akong binigkas sapat na ang isang patak na luha ang iniwan ko bago ako tumawid sa lagusan dala ko ang mga gamit ko.

Pagkalabas ko sa lagusan tumambad sa akin ang isang malawak na kakahuyan. Hindi ko alam kong ano ang lugar na aking kinalalagyan. Nagpatuloy ako sa paglalakad at sinuong ko ang kakahuyan, di ko alam kong saan ako dadalhin ng mg paa ko. Medyo patakip-silim na kaya kailangan kong magmadali na makalabas sa kakahuyan, ramdam ko ang presensiya ng mga mababangis na hayop sa loob ng lugar na kinalalagyan ko. pinapakiramdaman ko ang bawat ingay sa paligid ko ng biglang-

"Mag ingat ka, makamandag ang ahas na yan."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • UNKNOWN PRINCE OF ASHANYA (BXB)   CHAPTER 25: The Appearance of the King

    Napansin ko naman ang senyasan nila Kyer at Dino na tila may binabalak silang gawin. Di nagtagal ay may biglang umilaw sa gitna naming lahat at may mga lumabas at nagulat ako kong sino ang nangunguna sa kanila.Ang hari ng Ashanya na si haring Shiron at kasama nito ang matanyag na apat na Guardian na sina Sadar, Valir, Amer at Kaliv.Napatayo naman ako bigla at napayuko tanda ng pagbigay galang sa hari ng Ashanya at maging sa apat na guardian. Napansin ko naman na nakatingin lang si Seina na halatang nagtataka kung sino ang mga dumating kaya sinenyasan ko s'ya na gawin nalang din ang ginawa ko na s'yang ginawa din naman niya kahit naguguluhan s'ya.Matapos naming magbigay galang ay ibinagsak na ni Seina ang kalaban na kanina'y kanyang nahuli dahil nawalan na rin naman ito ng malay.Bakas pa rin sa mukha ni Seina ang pagtataka kung sino ang mga bagong dating kaya sinabe ko nalang sa kanya na ang hari ng Ashanya ang dumating at ang apat na Guardian

  • UNKNOWN PRINCE OF ASHANYA (BXB)   CHAPTER 24: The Puppets and Controllers

    Naisip ko naman ang mga kalaban sa kabilang gilid at sina Kyer at Dino ang humaharap sa kanila.Gamit ang kanilang mga hindi pangkaraniwang mga sandata, kahit na malayo ang mga kalaban ay nagagawa parin nilang labanan ang mga ito. . Napansin ko naman ang Espada na hawak ni Dino, yun kasi ang ginamit ni Shun nang labanan nya kami sa loob ng gubat. Padaos dalos talaga ang isang yun kaya laging napapahamak. Sandali ko naman silang binalingan ng tingin ni Lesther. "Shadow force disturbance" rinig kong sigaw ni Dino at nagkaroon ng napakalaking anino ang espada nya. Mula sa pagkabayaw nya sa kanyang espada ay bigla nya itong ibinagsak na parang may hinahati. Sa pagbagsak ng kanyang espada ay nagkaroon ng malaking impak galling sa higanteng anino ng kanyang espada na syang dahilan nagpatilapon at pagkapinsala ng maraming kalaban. "Unlimited destruction swords" rinig ko namang sigaw ni Kyer. Nagkaroon naman ng sandamakmak na aninong kopya ang kanyang espada, na

  • UNKNOWN PRINCE OF ASHANYA (BXB)   CHAPTER 23: Ang Lakas ng Hiddens at Evil Sweepers

    "Pero itong apat talaga ang nakakapagtataka, handa na yata akong patayin pag may ginawa akong masama sa batang yan e" medyo nagtataka nyang pasaring sa apat na tumutok sa kanya ng espada."Pinapalibutan tayo ng maraming kalaban" sigaw ni Seina kaya nabaling ang atensyon namin sa paligid namin."Ang dami nila, paano natin lalabanan ang mga yan?" tanong ni Spencer isa sa Evil Sweepers."Lesther ikaw na muna ang bahala sa kuya Shun mo. May kailangan lang kaming tapusin." sabi ko sa napakaseryosong tono."Sege po Kuya, nanumbalik na rin naman ang healing energy ko. Matutulungan ko na sya upang gamotin ang natamo nyang pinsala sa kanayang katawan." sagot naman ng kapatid ko. Naglapag naman ng makapal na tela si Seina galing sa dala nyang sisidlan at dahan-dahan namang inilapag ni Psy si Shun mula sa pagpapalutang nya reto. Sinimulan na rin syang gamutin ni Lesther.Hindi ko maintindihan kung bakit masyadong nahahabag ang damdamin ko

  • UNKNOWN PRINCE OF ASHANYA (BXB)   CHAPTER 22: Pagkawasak ng Barrier of Imprisonment Spell

    Bigla akong nakaramdam ng panghihina ng tuhod kaya napalulod ako bigla at may naramadaman din akong likido na lumalabas sa ilong ko. "Kuya, nauubusan ka narin ng lakas. Masyadong kanang nanghihina." nag-aalalang tugon ni Lesther matapos akong mapaluhod dahil sa sobrang panghihina at maging sya ay napaluhod na rin dahil binalak nya akong tulungang patayuin ngunit pinigilan ko sya dahil alam kong hindi ko na rin kaya pa.Mabuti na lamang ay nakatalikod ako sa kanya kaya hindi nya nakita na dumudugo narin ang ilong ko dahilan ng sobrang paggamit ng aking kakayahan dahil paniguradong mas lalo pa syang magtataranta pagnagkataon.Ilang minuto pa ang kailangan bago maging sapat ang enerhiyang kakailanganin ko pero nararamdaman kong masyado na talaga akong nanghihina."Huwag mo akong alalahanin Lesther, subukan mo na ang gawin ang isa sa katangian ng kakayahan mo. Ang "Barrowed healing energy" ang sabi ko na lamang sa kanyanaramdaman ko naman a

  • UNKNOWN PRINCE OF ASHANYA (BXB)   CHAPTER 21: Counter Attack Barrier

    Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil May tiwala sila sakin o hindi dahil nga baka masyado silang umaasa na kaya ko ngang gawin. Hindi ko pa kasi namamaster ang counter attack barrier nung nagtratraining pa ako. Ang witchcraft book kasi ang pinakahuling nabasa ko. Kaya hindi ko namaster ang ibang countering witchcraft technique ay hindi ko namaster.Patuloy parin sa pag atake ang sandamakmak na kadena na nanggagaling sa labas. nagsihanda na kaming lahat at oo pati ang team ng Psychic. Wala namang problema sa mga kasama ni Psy dahil halatang sang-ayon naman sila sa plano ko ang mayabang na Psy lang naman talaga ang may problema na halata itsura ang inis. "Magsihanda na ang lahat dahil tatanggalin na namin ang elemental barrier na pomoprotekta sa atin." sabi ni AironNilabas na nila Kyer, Dino at Seina ang mga sandata nila. mas mainam naman kasi na yun ang gamitin nila kaysa sa mga ability nila pangontra sa mga kadenang umaatake sa amin.Ang tea

  • UNKNOWN PRINCE OF ASHANYA (BXB)   CHAPTER 20: The Plan

    Kailangan na talagang mabuwag ang barrier na ginagamit ng mga kalaban. Kailangan ko nang gumamit ng counter attact barrier. Di ko maintindihan kung bakit parang wala lang sa mga kasama ko ang nangyayari kay Leo.Maya maya pa ay umapoy ang buong katawan ni Leo at nalusaw ang mga kadenang nakagapos sa kanya. Nasapawan na yata ng pag-aalala yung utak ko at di ko naisip na napakasimple ng atake lang yun para sa isang quadruple elementalist. Teka lang, bakit ba ako nag-aalala sa kanya? May kung ano naman sa loob ko ang gustong kumawala. Kinalma ko muna yung sarili ko at binalik ang pansin sa paligid."Lalabas narin kami para tumulong sa pagwasak sa pananggalang na ginagamit ng kalaban, at kayong mga bagohan ay manatili na lamang rito." Sabi nong Psy. "Baka may maitulong naman kami sa inyo, hayaan nyo na kaming tumulong." Sabi naman ni Dino"Sumunod nalang kayo sa gusto ko, baka kung napano kayo sa gitna ng laban dadagdag lang ang problema."

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status