Share

CHAPTER FOUR

last update Last Updated: 2025-01-07 14:32:14

THIRD PERSON:

"Ano Lisa? Di ka talaga sasama?"

"Hindi na' baka di ako makapag timpi mabatukan ko pa ang asawa mo doon!"

"Ikaw talaga," sabay ngiti ni Maricar, subalit may tinatagong lungkot sa kanyang mga mata. Na ilang sigundo naman na tintigan ni Lisa ang kanya kaibigan.

"Hmmp!! Kung ako lang ang naging si Maricar, naku.... naku.... hindi talaga ako mag tatagal sa ganyang pa sistema ng relasyon na ganyan." hindi maikubli ang galit sa bawat salita niya.

"Ilang taon na kayong nagsasama pero, parang katulong lang ang turing sayo ng mga iyan!! Pati na din iyang asawa mo, wala din ginawa kundi ang umayon din!!"

"Lisa?" tanging nasambit na lamang niya

"Alam mo Maricar, hindi ko na hinahangad na mag bago pa ang asawa mo.... mas hinahangad ko na sana magkahiwalay na lang kayo,,, para malasap mo naman kung anong pakiramdam ng maging malaya.."

"Malaya?" biglang tanong naman ng isipan ko "Ano nga ba ang pakiramdam ng isang Malaya? Hindi na ako pwede sa salitang malaya dahil may mga anak na ako.. ang kaylangan ko lang naman ay ang mahalin din nila ako, katulad ng pag pag mamahal ko sa kanila."

"Kaya... may mga anak na kami.. at sila na lang tunay na nagmamahal sa akin... kapag umalis pa ako... Paano na lang?!!" Mga katanungan naman sa kanyang isipan..

"Hindi pwedeng mangyari iyang hanggad mo Lisa, may mga anak kami... at manantili lamang akong ganito kung ito ang nag papatatag sa relasyon naming mag asawa."

Ilang sandaling napa walang imik naman si Lisa, at napabuntong hininga na lamang ito.

"Hindi deserve ni Nathan iyang pag mamahal mo, dapat sa ibang lalaki-

"Lisa tama na please, baka marinig tayo ng mga bata." suway ko na sa kanya, buti at nakinig naman na ito at abala ang mga bata sa pag aayos ng kanilang gamit.

Ganito lang talaga ito mag salita pero alam at ramdam kong sobrang mahal niya bilang kaibigan kaya nasasaktan din siya sa mga nangyayari sa akin, at sa mga anak ko.

****

THIRD PERSON:

Ngayon ay abala sa pagluluto para sa kaarawan ng kanyang biyenan at pag aayos ng lamesa upang doon ilalagay ang mga kanyang mga nailuto. Ilang oras na din siyang nagluluto, simula pa kaninang umaga, kaya ang pagod na nararamdaman niya ay sobra. Subalit sa kabila ng pagod, nararamdaman niya ang lubos na kasiyahan at pagmamalaki sa bawat lutong handa na kanyang ihahain niya sa lamesa para sa mga bisita ng kanyang byenan. Ilang beses niya din naman itong nagawa kahit sa bayaw niya siya din ang pinapagluto kapag meron din itong mga bisita kaya nasanay na din siya.

Samantala, sa gitna ng kanyang pagiging abala sa pagluluto, ang kanyang anak na pangalawa na si Lyca ay di niya napapasin na kanina pa sya nito pinagmamasdan habang siya naman ay paruon sa kusina at parito naman sa hapag kainan.

Sa bawat pagtingin ni Lyca sa kanyang Ina, napapaliit ang kanyang mga mata, anuman ang kanyang ginagawa. Nakikita niya ang bawat pag patak ng pawis na bumubutil sa mukha ng kanyang Ina, at sa tuwing ito'y nagpupunas gamit ang likod ng palad nito, para bang ang kanyang puso ang sumasabay sa bawat galaw nito. Sa bawat hagod ng kamay ng kanyang Ina sa mukha, nadarama ni Lyca ang isang malalim na awa, na tila ba't ang bawat hinga nito ay nagiging simbolo ng hindi matatawarang pagkapagod na hatid ng mga tungkulin at responsibilidad.

Bumalik siya kung saan silang magkakapatid naka pwesto. Agad niyang kinuha ang bag at nilabas ang panyong dala dala niya.

"Lyca saan ka galing?"

"Pumunta ako kay Mama, ate"

"Ano?! Diba sabi ni Mama dito lamang tayo at babantayan sila Jacob at Jerald."

"Sorry ate, bibigay ko lang po ito kay Mama."

Napatingin naman ang kanyang ate sa hawak hawak niyang panyo.

"Kawawa naman si Mama pagod na pagod kanina pa siya nag aasikaso, basang basa na siya ng pawis, kaya ibibigay ko to sa kanya."

"Sige, pero pagkabigay mo sa kanya nyan balik ka kaagad dito ha, baka pagalitan tayo nila Tita Carla at Mama Lah."

Bahagya naman itong tumango at nag madali na din humakbang patungo sa kanya Ina.

"Mama' panyo po, para po sa pawis niyo." Ang paglapit naman ni Lyca sa kanya, matamis na ngiti ang tinugon niya dito at saka kinuha ang inaabot sa kanya na panyo.

"Thank you anak."

"Mama' basang basa na po kayo ng pawis, may itutulong po ba kami ni Ate Eunice sa inyo?"

"Naku' hindi na anak maupo lamang kayo doon sa sala, huh wag munang kayong maglalarong apat dahil busy pa ako dito, walang mag babantay sa inyo. Okay?"

"Opo mama"

"Basahan niyo ni Ate Eunice mo ng mga story's sila Jacob at Jerald para di mainip, hmm."

"Sige po Mama."

Si Maricar ay isang mapanuri at mapanagot na magulang na nagpasya na huwag sanayin ang kanyang mga anak sa mga gadget. Sa halip, itinuon niya ang atensyon ng kanyang mga anak sa mga laruan, libro, crayon, papel, at lapis. Sa pamamagitan ng ganitong pagpapalaki, ipinakita ni Maricar ang kahalagahan ng pagiging malikhain, mapanuri, at kritikal na mag-isip sa kanyang mga anak.

****

Nasanay na siya sa lahat na mga pwedeng maging eksena sa tuwing nasa bahay siya ng kanyang byenan at bayaw, lalo na sa mga magiging reaksyon ng mga bisita nila kapag na pag-uusapan na ang tungkol sa asa-asawa ng mga kanilang mga anak..Lalo na kapag pinag uusapan na ang tungkol sa istado ng pamilya.

Lalo na kapag may bagong kaibigan ang kanyang byenan.

"Naku' napaka swerte mo naman pala sa manugang mo. Ano ba trabaho ng manugang mo?!" narinig niyang sabi ng kanyang byenan na parang halata sa kanyang boses na nilalakas nito upang marinig niya ang sinasabi nito.

bisita one: "Isa siyang Fashion designer sa mga sikat na mga artista."

"Ah kaya naman pala' iba ang taste ng manugang mo magaling pumili ng damit para sayo."

"Bagay ba?"

"Naku oo bagay na bagay sayo."

Ang paglapit niya na may dalang plato na may lamang pagkain na niluto niya ay upang ihain sa lamesa.

Ang pagtingin naman sa kanya ng kanyang biyenan na may manipis na tingin, sabay bawi, at itinuon nito sa kanyang kausap na may ngiti na. Siyang napayuko na lamang at bumalik sa kusina.

"Pasabi naman sa manugang mo na baka pwede kaming maka bisita sa store niya."

"Dont worry dare, sasamahan ko kayo sa kanya, para din maiba din iyang taste ni Emelia sa pananamit."

"Sige, gusto ko iyan."

"Siguro marami din pera ang manugang mo"

"Mas maganda kasing may trabaho ang babae kaysa tutunganga na lang sa bahay at umasa na lang sa asawa at inaantay na lang kng kaylan abutan ng sahod, diba mare?"

"Ay! correct ka diyan mare, bukod sa iniiwasan niyang masumbatan pa siya ng asawa niya dahil sa pera ang pinakaka ayaw pa naman ng manugang kong iyon ay ang pag awayan ang tungkol sa pera."

"Nga pala' yong manugang mo anong natapos?"

"Naku iyon na nga problima high school lang natapos non at ulila pa." mapang maliit na tuno na wika naman ng kanyang byenan na nag pahinto naman sa kanya sa pagsasandok ng kanin.

"Ah ganon ba' Naku mahirap pa naman sa panahon ngayon na high school lang ang tinapos, mahirap makahanap ng trabaho."

"Tumpak ka diyan mare."

"Ang aarte pa naman ng ibang mga company, gusto mga nakapag koleheyo ang hinahap nila."

"Teka dumating na ba ng makilala naman namin." hirit naman ng isa niyang bisita

"Nasa kusina pa,, siya ang pinag luto ko ng mga ito."

"Aba'y itong lahat ba kamo?!" Gulat na sambit naman ng isa niyang kaibigan

"Oo"

"Napakarami naman ng mga ito, siya lang ang nagluto ng mga ito?.... Matikman nga!"

"Hhmm! Inferness masarap magluto ang manugang mo huh!!" Maarteng boses wika naman nung isa niya pang kaibigan

"Naging Chef ba siya?"

Natawa naman ang kanyang byenan "Naku hindi ah! Chef kamo ng apat niyang anak!! Hahaha" Sabay nagtawanan ang mga ito.

****

"Sa bawat salitang binibitiwan ng beyanan ko.... tong rosas na ito.....pakiramdam ko bumabaliktad ang bawat isa sa mga tinik sa pagkakatusok sa akin katawan... At mga tingin niyang sing pino ng karayom ngunit malalim na tumutusok sa aking pagkatao...Ang kanilang mga tingin na mapanukat ngunit manliliit ka sa mga tinginan nila..."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   FINAL CHAPTER

    THIRD PERSON:“Maricar!” sigaw ng pamilyar na tinig habang papalapit sa direksyon niya. “Si Kathlyn oh! Ang sungit-sungit sa akin! Hindi naman siya ganyan sa'yo nung ikaw pa ‘yung nagmo-model sa kanya!”Parang batang nagsusumbong si Lisa, buhat ang bag habang halos mauna pa sa lahat sa paglapit kay Maricar. May dala itong halong inis at tawa sa mukha, parang naghahanap ng kakampi.Napailing si Maricar, saka ngumiti nang may halong tuwa. “Eh paano ba naman daw kasi, aba’y kayong dalawa ni Miguel, pasaway talaga,” sabay tingin kay Miguel na nakayuko lang at tila umiiwas ng tingin. “Sinabihan na ngang huwag lumalabas ng dis-oras ng gabi. Lalo na’t sikat na kayong dalawa. Dapat kayong maging ehemplo sa mga baguhan—hindi problema sa schedule ni Kathlyn.”“Saktong-sakto,” singit ni Kathlyn, lumapit habang naka-pamaywang, halatang hindi pa rin tapos ang inis. “Kung alam niyo lang kung ilang manager ang tinawagan ko kagabi kakahanap sa inyo. Akala ko na-kidnap na kayo!” na may pag amba pa nga

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER EIGHTY-FIVE

    THIRD PERSON:Kahit mabibigat ang mga paa, pinilit pa rin ni Maricar na humakbang papasok sa dating tahanan nila ni Nathan. Bawat yapak niya sa loob ng bahay ay tila may kasamang pasaning hindi makita—parang binabalikan ng bawat sulok ang mga alaala nilang mag-iina.Pagpasok pa lamang sa sala, agad na bumungad sa kanya ang katahimikang naglalaman ng mga alaala, masaya at masakit. Sa mga dingding, sa upuan, sa lamesa, lahat may kwento, lahat may iniwang damdamin.Napahinto siya sa tapat ng sofa kung saan madalas silang magkasama ng mga bata. Doon na rin niya naramdaman ang mabigat na kirot sa kanyang dibdib. Parang hinaplos ng nakaraan ang puso niya, marahan pero masakit. Isa-isang nagsulputan ang alaala ng mga sigawan, tampuhan, at matatalim na salitang binitiwan ni Nathan. Paano siya minamaliit. Paano siya pinapalampas. Paano siya hindi pinapakinggan.Napapikit siya. Napakapit sa dibdib. Ramdam niya ang pagkuyom ng damdamin, parang sinasakal ng mga alaala.Pero sa gitna ng sakit, lum

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER EIGHTY-FOUR

    THIRD PERSON:Sa bawat channel ng balita, sa radyo, sa social media, iisa ang laman ng ulat.Karumal-dumal na Trahedya sa Selebrasyon ng Valdez Corporation:Isang di-malilimutang trahedya ang sumira sa dapat sana’y matagumpay na selebrasyon ng Valdez Corporation, kung saan opisyal na ipinakilala si Maricar Valdez bilang bagong CEO. Sa harap ng daan-daang bisita, media, at mga personalidad sa negosyo, naganap ang isang insidente ng karahasan na ikinagimbal ng lahat.Binawian ng buhay si Nathan Villanueva, matapos nitong harangin ang bala na dapat sana’y para kay Maricar. Ang bumaril, si Ericka, ang naging kasintahan ni Nathan, ay lumusob sa okasyon habang may dalang baril at tila wala sa sarili.Ayon sa mga saksi, puno ng galit at panibugho ang kilos ni Ericka. Itinutok nito ang baril kay Maricar habang sumisigaw ng mga akusasyon at hinanakit. Ngunit bago pa man niya maiputok ang baril, mabilis na sumugod si Nathan at ginamit ang sariling katawan upang harangin ang bala—isang kabayanih

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER EIGHTY-THREE

    ⚠️ Trigger Warning: This chapter contains themes of grief, emotional trauma, and implied violence. Reader discretion is advised.THIRD PERSON:Ang bawat hakbang niya’y mabigat, tila sinasalubong ng galit ang bawat pulgada ng sahig. Ang bawat tingin niya’y naglalagablab, punô ng hinanakit, punô ng pagkawasak.Walang umimik. Lahat ay natigilan. Isa-isang napaatras ang mga tao. Ang dating masiglang selebrasyon ay biglang naglaho, napalitan ng malamig at nakakakilabot na tensyon.Si Maricar, nanatiling nakatayo—napako ang tingin kay Ericka, na ngayo’y unti-unting inaangat ang hawak na baril... direkta sa direksyon niya.Mabilis na gumalaw si Alejandro, pilit siyang haharangin, pero mas lalong itinutok ni Ericka ang baril, kasabay ng mas lalong nanlilisik na mga mata.“Sige, subukan n’yong kumilos—may babagsak sa inyo.” Matigas. Matinis. Puno ng galit at poot ang tinig ni Ericka. Para bang bawat salitang lumalabas sa bibig niya’y punô ng pangakong kapahamakan.Tila tumigil ang oras sa buon

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER EIGHTY-TWO

    ⚠️ Trigger Warning: This chapter contains themes of grief, emotional trauma, and implied violence. Reader discretion is advised.THIRD PERSON:"Ang kapal ng mukha mo!!!" galit na sigaw ni Ericka habang nakatitig sa screen kung saan kitang-kita niya si Maricar—nakangiti, pinapalakpakan, kinikilala ng lahat bilang bagong CEO ng Valdez Corporation. Sa bawat flash ng camera at bawat palakpak ng mga bisita, tila ba unti-unting dinudurog ang kanyang dignidad.Nanginginig ang kanyang mga kamay sa sobrang galit. Ang dibdib niya’y kumakabog, punô ng poot, inggit, at pagkasuklam."Uupo ka lang d'yan na parang walang kasalanan? Na parang wala kang inagaw?!" sigaw niya muli, halos sumisigaw sa kawalan, habang naglalakad paikot ng sala, parang mababaliw sa damdaming kumukulo sa dibdib.Bigla, isang putok ng baril ang umalingawngaw.Napapitlag si Ericka, agad na napakapit sa dibdib habang mabilis na naghanap ng pinanggalingan ng tunog. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig."Ayy!! Diyos ko po!!

  • UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife   CHAPTER EIGHTY-ONE

    THIRD PERSON:Matapos bilhin ni Don Sebastian ang kompanya ni Don Rafael, napagkasunduan ng mga board member na pag-isahin ito sa Valdez Corporation sa ilalim ng pamumuno ni Maricar Valdez.Ngunit bago pa man siya pormal na ipakilala bilang bagong CEO, mas pinili ni Maricar na unahin muna ang pagsasaayos ng lahat ng gusot sa kompanya ni Don Rafael. Isa-isa niyang hinarap ang mga problema, mula sa mga pending na kaso, pabaya sa sistema, hanggang sa mga empleyadong sapilitang tinanggal at hindi nabigyan ng tamang sahod. Sa kabila ng limitadong kapangyarihang hawak niya noon, tumulong si Maricar sa abot ng kanyang makakaya, personal niyang kinausap ang mga empleyado, nakipag-negosasyon sa mga supplier, at pinilit itama ang mga mali sa loob ng kumpanya.Ang lalim ng malasakit na iyon ang lalong nagbigay ng respeto at paghanga sa kanya ng mga board member, lalo na ng kanyang Lolo, si Don Sebastian. Ngunit higit sa lahat, tumatak sa kanilang isipan ang kundisyon na sinabi mismo ni Maricar b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status