Pagkauwi nila mula sa clinic, tahimik lang si Evelyn habang inaayos ang kalat sa center table. Mga resibo, brochure, at bag na dala nila kanina. Hindi pa rin tuluyang nawawala ang kabog sa dibdib niya. Kahit pa maaliwalas ang buong bahay, hindi pa rin niya mapigil ang pagbalik-balik ng imahe ng monitor kanina. 'Yong malabong hugis pero malinaw na nagsasabing may buhay na nagsisimulang lumaki sa loob niya.Binuksan niya ang isang bintana at hinayaan ang hangin mula sa hardin. Kailangan niya ng preskong hangin. Kailangan niyang pigilan ang sarili na magtanong ng “paano kung.” Kasi baka kapag nasimulan na niya, hindi na siya tumigil.“Evelyn,” tawag ni Cassian mula sa may hagdan. Kalalabas lang nito mula sa k’warto. Nakasuot ito ng dark blue shirt na bahagyang nakabukas ang itaas na butones at naka-tuck in sa puting slacks. Napalingon naman siya rito. “Hmm?”“I made a reservation for dinner,” sabi nito habang inaayos ang relo sa pulso. “Seven-thirty. I figured… it’s been a long day.”“D
Kinabukasan, isang mahinang katok ang gumising kay Evelyn. Pagdilat ng mga mata niya ay bahagya pa siyang naguguluhan sa paligid. Saka lang bumalik ang alaala niya buong gabi makaraan ang ilang sandali.“Evelyn,” mahinang tawag ni Cassian mula sa labas. “We have an appointment at ten.”Agad siyang bumangon, medyo magulo pa ang buhok. “Appointment?”“Check-up. OB,” sagot ng binata mula sa labas. “I made arrangements.”Biglang napaupo nang tuwid si Evelyn at napakunot ang noo. “Cassian, hindi ako nakapag-inform sa trabaho.”“I already work on that. I’m your boss, remember?”Hindi na siya nakapagsalita pa. Hindi niya alam kung maiinis ba siya o matutuwa. Ang bilis nitonh kumilos. Parang wala na siyang dapat problemahin. Pero sa totoo lang, parang nakaka-pressure din.Napalunok na lang tuloy siya at saka tumango.“Give me twenty minutes,” sagot niya.“Take your time,” tugon ni Cassian. “Breakfast is waiting.”Pagkatapos niyang magbihis, bumaba siya at naabutan ang binata sa kusina, nagsus
Malalim na ang gabi nang makarating sila sa bahay ni Cassian. Tahimik lang si Evelyn sa buong biyahe, pinapanood ang mga ilaw sa labas ng kotse habang dumaraan sila sa mga main road. Malamig ang hangin sa loob ng sasakyan, pero mas malamig pa rin ang bigat na bumabalot sa dibdib niya. Hindi dahil ayaw niya, kundi dahil hindi pa rin niya alam kung paano haharapin ang lahat.Nang huminto ang sasakyan sa harap ng isang modernong two-storey house na gawa sa glass at dark stone, sandaling hindi naka-imik si Evelyn. Hindi niya inakalang ganito kaganda ang bahay ni Cassian. Akala niya'y isang condo lang sa business district. Well, bilyonaryo nga pala ito. Muntik na niyang makalimutan.“I had it renovated a year ago,” sabi ni Cassian habang binubuksan ang passenger door. “Didn’t really think someone else would be living here.”Tumango lang siya at lumabas ng kotse, dala ang maliit na overnight bag na pinilit niyang pagkasyahin ang ilang mga damit at mga gamit niya.Pagpasok nila, agad na tum
Halos mag aalas nuwebe na ng gabi nang makauwi si Evelyn. Mabigat ang bawat hakbang niya habang binabaybay ang malamlam na hallway. Tumutunog ang takong ng flats niya sa tiles, pero mas maingay pa rin sa isip niya ang mga tanong na hindi niya masagot-sagot.Pagkapasok sa unit, agad niyang hinubad ang suot na flats at isinabit ang cardigan sa hook sa tabi ng pinto. Gusto lang sana niyang mahiga, magpahinga, at kalimutan kahit sandali ang mga pangyayaring bumalot sa kan’yang araw.Pero bago pa man siya makalakad papunta sa k’warto, may biglang kumatok. Tatlong sunod-sunod na katok.Napatigil si Evelyn at sandaling nagduda kung may narinig ba talaga siyang katok o kung guni-guni lang niya iyon dahil sa pagod. Pero nang may kumatok ulit nang mas malakas, nilapitan na niya ang pinto.Pagbukas niya ng pinto, halos mapaatras siya sa gulat dahil sa taong bumungad sa kan’ya.Nakatayo sa harap ng pinto si Cassian. Suot ang charcoal gray suit na bahagyang nakabukas ang kwelyo. May makikitang pag
Kinaumagahan, habang abala ang buong studio sa paghahanda para sa isang editorial shoot, tahimik lamang si Evelyn sa kan’yang workstation. Nakaupo siya sa editing corner, pa-check na sana ng mga raw shots mula sa isang bridal session kahapon, pero ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin niya magawang tumutok.Ang kamay niya, nakapatong sa mouse, pero hindi gumagalaw. Sa screen, naka-freeze ang larawan ng bride na nakangiti habang hawak ang bouquet—isang kuhang sana’y magaan lang i-edit. Pero ngayon, para bang ang bawat larawan ay isang tanong: kaya ko pa ba ’to? Kaya ko bang magpatuloy, habang may buhay na umuusbong sa tiyan ko?Sa paligid, abala ang lahat. Si Mark, ang videographer, ay nasa kabilang dulo ng studio, kausap ang isang kliyente tungkol sa prenup shoot nila sa Tagaytay. Si Lorie, ang production assistant, ay abalang tinatahi ang veil ng bride para sa styling board. At si Ava na palaging pulido at palaging composed ay pabalik-balik habang kinukumpirma ang wardrobe pieces
Kung puwede lang tumakas, matagal na sanang wala si Evelyn doon.Nakatayo siya ngayon sa harap ng isang antigong pintuan na gawa sa dark wood, ukit-ukit ang disenyo at mukhang mas mahal pa sa buong apartment na inuupahan niya sa Makati. Mula pa lang sa gate ng Alcott Family Estate, alam na niyang ibang mundo ito—tahimik, malawak, at nakababalot ng uri ng karangyaan na hindi mo basta-basta makikita. Lalo na kung galing ka sa pamilya na mas sanay sa palengke kaysa sa private dining rooms.The estate stood like a fortress in the heart of Forbes Park—modern in architecture but cold in atmosphere, as if every tile and sculpture was there to remind her she didn’t belong. Malalaki ang bintana, pero walang liwanag ang pumapasok. Kahit hapon pa lang, pakiramdam niya gabi na sa loob.Nag-alok si Cassian na sunduin siya gamit ang sasakyan nito, pero tumanggi siya. Gusto niyang dumating bilang sarili niya. Hindi bilang babae ng kung sino. Hindi bilang alaga. Hindi tagasunod. Gusto niyang patunaya