Share

Kabanata 6

last update Last Updated: 2025-08-02 19:34:06

Halos mag aalas nuwebe na ng gabi nang makauwi si Evelyn. Mabigat ang bawat hakbang niya habang binabaybay ang malamlam na hallway. Tumutunog ang takong ng flats niya sa tiles, pero mas maingay pa rin sa isip niya ang mga tanong na hindi niya masagot-sagot.

Pagkapasok sa unit, agad niyang hinubad ang suot na flats at isinabit ang cardigan sa hook sa tabi ng pinto. Gusto lang sana niyang mahiga, magpahinga, at kalimutan kahit sandali ang mga pangyayaring bumalot sa kan’yang araw.

Pero bago pa man siya makalakad papunta sa k’warto, may biglang kumatok. Tatlong sunod-sunod na katok.

Napatigil si Evelyn at sandaling nagduda kung may narinig ba talaga siyang katok o kung guni-guni lang niya iyon dahil sa pagod. Pero nang may kumatok ulit nang mas malakas, nilapitan na niya ang pinto.

Pagbukas niya ng pinto, halos mapaatras siya sa gulat dahil sa taong bumungad sa kan’ya.

Nakatayo sa harap ng pinto si Cassian. Suot ang charcoal gray suit na bahagyang nakabukas ang kwelyo. May makikitang pag
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The President's Duty Bride   Kabanata 7

    Malalim na ang gabi nang makarating sila sa bahay ni Cassian. Tahimik lang si Evelyn sa buong biyahe, pinapanood ang mga ilaw sa labas ng kotse habang dumaraan sila sa mga main road. Malamig ang hangin sa loob ng sasakyan, pero mas malamig pa rin ang bigat na bumabalot sa dibdib niya. Hindi dahil ayaw niya, kundi dahil hindi pa rin niya alam kung paano haharapin ang lahat.Nang huminto ang sasakyan sa harap ng isang modernong two-storey house na gawa sa glass at dark stone, sandaling hindi naka-imik si Evelyn. Hindi niya inakalang ganito kaganda ang bahay ni Cassian. Akala niya'y isang condo lang sa business district. Well, bilyonaryo nga pala ito. Muntik na niyang makalimutan.“I had it renovated a year ago,” sabi ni Cassian habang binubuksan ang passenger door. “Didn’t really think someone else would be living here.”Tumango lang siya at lumabas ng kotse, dala ang maliit na overnight bag na pinilit niyang pagkasyahin ang ilang mga damit at mga gamit niya.Pagpasok nila, agad na tum

  • The President's Duty Bride   Kabanata 6

    Halos mag aalas nuwebe na ng gabi nang makauwi si Evelyn. Mabigat ang bawat hakbang niya habang binabaybay ang malamlam na hallway. Tumutunog ang takong ng flats niya sa tiles, pero mas maingay pa rin sa isip niya ang mga tanong na hindi niya masagot-sagot.Pagkapasok sa unit, agad niyang hinubad ang suot na flats at isinabit ang cardigan sa hook sa tabi ng pinto. Gusto lang sana niyang mahiga, magpahinga, at kalimutan kahit sandali ang mga pangyayaring bumalot sa kan’yang araw.Pero bago pa man siya makalakad papunta sa k’warto, may biglang kumatok. Tatlong sunod-sunod na katok.Napatigil si Evelyn at sandaling nagduda kung may narinig ba talaga siyang katok o kung guni-guni lang niya iyon dahil sa pagod. Pero nang may kumatok ulit nang mas malakas, nilapitan na niya ang pinto.Pagbukas niya ng pinto, halos mapaatras siya sa gulat dahil sa taong bumungad sa kan’ya.Nakatayo sa harap ng pinto si Cassian. Suot ang charcoal gray suit na bahagyang nakabukas ang kwelyo. May makikitang pag

  • The President's Duty Bride   Kabanata 5

    Kinaumagahan, habang abala ang buong studio sa paghahanda para sa isang editorial shoot, tahimik lamang si Evelyn sa kan’yang workstation. Nakaupo siya sa editing corner, pa-check na sana ng mga raw shots mula sa isang bridal session kahapon, pero ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin niya magawang tumutok.Ang kamay niya, nakapatong sa mouse, pero hindi gumagalaw. Sa screen, naka-freeze ang larawan ng bride na nakangiti habang hawak ang bouquet—isang kuhang sana’y magaan lang i-edit. Pero ngayon, para bang ang bawat larawan ay isang tanong: kaya ko pa ba ’to? Kaya ko bang magpatuloy, habang may buhay na umuusbong sa tiyan ko?Sa paligid, abala ang lahat. Si Mark, ang videographer, ay nasa kabilang dulo ng studio, kausap ang isang kliyente tungkol sa prenup shoot nila sa Tagaytay. Si Lorie, ang production assistant, ay abalang tinatahi ang veil ng bride para sa styling board. At si Ava na palaging pulido at palaging composed ay pabalik-balik habang kinukumpirma ang wardrobe pieces

  • The President's Duty Bride    Kabanata 4

    Kung puwede lang tumakas, matagal na sanang wala si Evelyn doon.Nakatayo siya ngayon sa harap ng isang antigong pintuan na gawa sa dark wood, ukit-ukit ang disenyo at mukhang mas mahal pa sa buong apartment na inuupahan niya sa Makati. Mula pa lang sa gate ng Alcott Family Estate, alam na niyang ibang mundo ito—tahimik, malawak, at nakababalot ng uri ng karangyaan na hindi mo basta-basta makikita. Lalo na kung galing ka sa pamilya na mas sanay sa palengke kaysa sa private dining rooms.The estate stood like a fortress in the heart of Forbes Park—modern in architecture but cold in atmosphere, as if every tile and sculpture was there to remind her she didn’t belong. Malalaki ang bintana, pero walang liwanag ang pumapasok. Kahit hapon pa lang, pakiramdam niya gabi na sa loob.Nag-alok si Cassian na sunduin siya gamit ang sasakyan nito, pero tumanggi siya. Gusto niyang dumating bilang sarili niya. Hindi bilang babae ng kung sino. Hindi bilang alaga. Hindi tagasunod. Gusto niyang patunaya

  • The President's Duty Bride   Kabanata 3

    Nakatayo si Evelyn sa harap ng maliit na gate ng lumang bahay nila sa Quezon City, hawak ang overnight bag sa balikat—pero mas mabigat pa roon ang pinapasan niya sa dibdib.Ilang linggo na siyang hindi umuuwi. Wala siyang padalang text. Walang tawag. Wala ni isang “kumusta.” At ngayong nasa harap na siya ng gate, isang lumang bakal na may kalawang sa mga sulok at bahagyang umaangat kapag hinawakan, biglang sumiksik sa dibdib niya ang tanong na kanina pa niya tinatakasan.Handa na ba talaga ako?Pero ang totoo, walang sinuman ang talagang handa sa ganitong klaseng balita.Umaga pa lang, pero may init na sa hangin. Naamoy niya ang luma at tuyong damo sa paligid ng bahay—pamilyar, pero ngayon ay parang may ibang bigat. Tumigil siya sandali, pinilit huminga nang malalim, at pinigilan ang panginginig ng mga daliri habang pilit inaayos ang pagkakabit ng strap ng kanyang bag sa balikat.Biglang bumukas ang screen door sa terrace.Lumabas ang nanay niya, suot ang lumang duster na kulay faded

  • The President's Duty Bride   Kabanata 2

    Tatlong linggo na ang lumipas mula nang opisyal na ipakilala si Cassian Alcott bilang bagong President at CEO ng creative studio. At sa bawat araw na lumilipas, para itong isang patibong na hindi niya matakasan.Sinusubukan din niyang iwasan ang mga tanong ng mga katrabaho, kung bakit daw siya nilapitan ng boss nila at paano sila nagkakilala. Sinabi na lamang niya'y nagkilala sila noong nagbakasyon siya sa Santorini at wala nang iba pa. Humupa rin naman ang mga tanong na siyang kinatuwa niya.Evelyn kept her head down. Sa meetings, pinipilit niyang manatiling propesyonal. Isang maikling pagtango, matipid ang mga sagot, at halos walang eye contact. Sa emails, halos kasinglamig ng kape sa pantry ang tono niya. Pero kahit anong effort ang gawin niyang iwasan ito, nararamdaman pa rin niya ang presensya ni Cassian. Kahit hindi siya nakatingin, kahit nasa kabilang sulok ito ng silid, alam niya.May isang uri ng bigat sa paligid kapag naroon siya. Isang tensyon na hindi maipaliwanag pero ram

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status