Kinaumagahan, habang abala ang buong studio sa paghahanda para sa isang editorial shoot, tahimik lamang si Evelyn sa kan’yang workstation. Nakaupo siya sa editing corner, pa-check na sana ng mga raw shots mula sa isang bridal session kahapon, pero ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin niya magawang tumutok.
Ang kamay niya, nakapatong sa mouse, pero hindi gumagalaw. Sa screen, naka-freeze ang larawan ng bride na nakangiti habang hawak ang bouquet—isang kuhang sana’y magaan lang i-edit. Pero ngayon, para bang ang bawat larawan ay isang tanong: kaya ko pa ba ’to? Kaya ko bang magpatuloy, habang may buhay na umuusbong sa tiyan ko?
Sa paligid, abala ang lahat. Si Mark, ang videographer, ay nasa kabilang dulo ng studio, kausap ang isang kliyente tungkol sa prenup shoot nila sa Tagaytay. Si Lorie, ang production assistant, ay abalang tinatahi ang veil ng bride para sa styling board. At si Ava na palaging pulido at palaging composed ay pabalik-balik habang kinukumpirma ang wardrobe pieces na darating mula sa supplier.
Pagdaan nito sa likuran ni Evelyn, sandali itong tumigil. Hawak ang clipboard sa isang kamay at iced coffee sa kabila, tiningnan nito ang screen ni Evelyn.
"Girl, bakit parang gusto mong i-delete ang buong buhay mo?"
Napalingon si Evelyn dito at pilit na ngumiti. “Trying to work,” sagot niya, mahina ang boses.
Pero si Ava, sanay na sa kan’ya. Sanay sa mga mata niyang hindi makatingin nang diretso. Tumitig lamang ito, tapos tumango. “Come with me. Coffee break. Now.”
Hindi na nakatanggi si Evelyn.
Dinala siya nito sa break room sa likod ng studio—isang maliit na lounge area na may sofa, potted plants, at laging may faint scent ng lavender oil. Sinarado ni Ava ang pinto, inilapag ang clipboard sa side table, at umupo sa tapat ni Evelyn.
"Spill. Now."
Hindi agad nagsalita si Evelyn. Pinikit muna niya ang mga mata at huminga nang malalim, parang inihahanda ang sarili. Ramdam niyang nanginginig ang mga kamay niya kahit wala namang malamig. Ilang segundong katahimikan bago siya muling nagsalita.
“Ava… I’m pregnant.”
Saglit na tumigil sa pag-inom ng kape si Ava. Tumingin ito kay Evelyn nang diretso, parang inaalam kung seryoso ba ang narinig niya.
“Wait—what?”
“I’m pregnant,” ulit niya, mahina pero malinaw. “Two months. Confirmed.”
“Wait, wait, girl.” Kumapit si Ava sa gilid ng upuan. “Holy sh—Eve!” Lumipad ang isang palad ni Ava sa kan’yang bibig at nanlalaki ang mga mata. “Teka, teka, teka. As in pregnant... pregnant?”
Tumango si Evelyn.
“Are you serious right now?”
Tumango muli siya nang marahan. “Oo. I just didn’t know how to tell you. I needed time…”
Tumahimik si Ava saglit, pero halata sa mga mata nito ang pag-aalala. “Okay. Okay. So… who’s the father?”
Hindi agad sumagot si Evelyn. Sa halip, pinilit niyang huminga nang malalim, saka tumingin sa kaibigan.
“Si Cassian,” sabi niya, halos pabulong.
Napasinghap si Ava. Halos mabitawan ang hawak na iced coffee. Parang nawalan ng hangin sa pantry at tumahimik ang buong paligid. Tanging tunog lang ng mahinang ugong ng aircon at ang umaalingawngaw na ‘what the actual f—’ na ekspresyon sa mukha ni Ava.
“Cassian? As in—wait—Cassian Alcott? The Cassian na may sariling elevator at may pangalan sa glass wall sa lobby?!”
Bahagyang kinagat ni Evelyn ang ibabang labi. “Yup.”
“Girl. You slept with our CEO?” mas lalong nanlaki ang mga matang tanonh ni Ava.
Hindi na nakasagot si Evelyn agad. Napatakip na lang siya ng palad sa mukha niya at bumuga ng hininga.
“Okay, wait—I need water. Or vodka.”
“Sorry,” sabi ni Evelyn at tinapunan ng tingin si Ava, halos matatawa na sa gulat ng kaibigan. “Hindi ko rin in-expect.”
“How did this even happen? You two? I mean… I thought wala kang ka-talking lately? Did I miss something major?”
Dito siya bahagyang ngumiti. Mapait, pero may buntong-hininga ring kasama. “Naalala mo kung bakit ako nagpunta ng Santorini, ‘di ba?”
Napakunot ang noo ni Ava. “Because you needed a break. Because of…”
“Exactly.” Tumango si Evelyn. “Kasi I caught Adrian cheating on me. With Dana.”
Napakagat-labi si Ava at inikot ang mga mata. “Ugh. Don’t remind me. I still want to slap that junior consultant’s contour off her face.”
“Same,” ani Evelyn, sabay iling. “I just needed to get away. Kaya ako na mismo ang nag-book ng trip. Hindi company shoot ‘yon. Wala akong ibang balak kundi ang mag-isa, huminga, at kalimutan kahit sandali.”
“And that’s where you met him.”
“Yeah. Hindi ko alam kung ano’ng nangyari. Everything just… happened. One night lang. I didn’t even know who he really was. Akala ko isa lang siyang guest. A charming, mysterious, heartbreakingly gorgeous stranger na sumabay lang sa isang late-night drink.”
“Which technically, he is,” ani Ava. “but also happens to own half of your career.”
Nagtawanan sila nang bahagya, pero sapat na para makabawas sa tensyon. Pero hindi pa rin nawawala ang bigat sa pagitan ng mga salita.
“Okay. So… what now?” tanong ni Ava. “Did you tell him?”
Tumango si Evelyn. “Oo. A month ago. I didn’t mean to, pero nagkita kami ulit.”
“What do you mean nagkita ulit? As in dito?”
“Yup. Sa studio mismo. In-introduce nga siya rito as the new President and CEO, ‘di ba?”
“Put—” Napamura si Ava pero natigilan. “Oo nga pala. What did he say?”
“He said…” Huminga nang malalim si Evelyn at tumitig sa kaibigan. “He wants to take responsibility. He wants to marry me.”
Parang saglit na tumigas ang buong katawan ni Ava sa narinig. Nakatitig lang siya kay Evelyn, hindi kumukurap, hawak pa rin ang baso ng kape na kanina’y ibinababa na sana niya sa mesa. Nanlaki ang mga mata niya at bahagyang bumuka ang bibig na parang may sasabihin—pero walang lumabas. Napaatras ito sa pagkakaupo makaraan ang ilang sandali. And that was the moment Ava actually dropped her iced coffee.
“WHAT?” bulalas nito, ni hindi napansin na nabitawan na pala niya ang kan’yang iced coffee.
Napatingin si Evelyn sa sumabog na likido sa sahig. “Oh my god, sorry—”
“No, no, that’s on me,” sabi ni Ava at tumayo para kumuha ng tissue. “Girl. He asked you to marry him?”
“Yes.”
“And...?”
“He said, ‘Marry me.’ Hindi lang para sa baby, Ava. I mean… I think he means it.”
“Seryoso ba siya?” tanong ni Ava habang pinupunasan ang sahig. “Baka naman napraning lang siya? Or guilt?”
“Maybe?” sagot ni Evelyn, habang nakatitig sa lamig ng kape niya. “But when he said it, he looked serious. Parang… sure na siya.”
Tumahimik si Ava. Uminom ito ng tubig atsaka naupo ulit. “Wow. Just… wow. Ang dami kong gustong sabihin pero hindi ko alam kung alin ang uunahin. Gusto ko munang i-hug ka.”
Evelyn let out a breath and leaned forward. Nagyakapan silang dalawa nang matagal.
“Teka,” sabi ni Ava, tila may na-realize bigla. “Does anyone else know?”
“Wala. Ikaw pa lang at si Mama”
Umawang ang bibig ni Ava. “Ano’ng sabi ni Tita?”
“Sabi lang niya na pag-isipan ko nang mabuti kasi ako lang din ang kawawa. You know how wealthy Cassian’s family is.”
“Well, duh?” Umikot ang mga mata nito. “Hindi lang wealthy, but super duper wealthy!”
Napabuntong-hininga naman si Evelyn.
Napatitig sa kan’ya si Ava, parang nahirapan mag-process ng sunod-sunod na rebelasyon. “Okay, wait. So buntis ka, siya ang ama, CEO natin siya… at gusto ka niyang pakasalan?”
“Mm-hmm.”
“Please tell me you didn’t say yes.”
Tumahimik ulit si Evelyn at tinitigan ang sahig.
“Oh my God. You said yes?!”
“I panicked, okay?” mabilis na tugon ni Evelyn. “I didn’t know what else to do. I just… it felt like the right thing at that moment.”
“Girl—!”
“And there’s more…”
Napakurap si Ava. “There’s more?! What, nag honeymoon na kayo ulit?!”
“Hindi! But he brought me to dinner. With his family.”
Muntik nang maibuga ni Ava ang iniinom na tubig. “What?!”
“As in a full table setting. Silverware. Long table. Candlelight. His mother and his oh-so-hot older brother.”
Halos hindi na makahinga nang maayos si Ava dahil sa panibagong rebelasyon ng kaibigan. “Oh my God. Evelyn. How are you still breathing right now?”
“Barely.” Tumawa si Evelyn nang hilaw. “It was the most nerve-wracking night of my life. Mas gusto ko pa ata harapin si Dana ulit kaysa sa mother ni Cassian.”
“Wow. Wow, wow, wow.” Umiling si Ava, hawak pa rin ang sentido. “This is insane. I feel like I’m watching a K-drama—pero ikaw ’yong bida.”
“I don’t know what I’m doing anymore,” mahinang sabi ni Evelyn. “Every day I wake up, and I ask myself, ‘Did that really happen?’”
“Okay. Listen.” Tumayo si Ava at lumapit sa tabi ni Evelyn sabay upo sa sofa. “First of all, I’m here. Always. And second, if this Cassian guy is really serious, then we’ll figure this out. Together.”
Napayuko si Evelyn at marahang tumango. “Thank you…”
Tahimik na yumakap si Ava sa kan’ya nang mahigpit, ramdam ang buong bigat ng mga salita’t pangyayari. Medyo gumaan naman ang dibdib ni Evelyn sa ginawa ng kaibigan. Hindi pa rin niya alam kung ano’ng mangyayari.
Pero sa kabila ng yakap, sa likod ng isipan ni Evelyn, iisa lang ang tanong na paulit-ulit: what happens next?
Malalim na ang gabi nang makarating sila sa bahay ni Cassian. Tahimik lang si Evelyn sa buong biyahe, pinapanood ang mga ilaw sa labas ng kotse habang dumaraan sila sa mga main road. Malamig ang hangin sa loob ng sasakyan, pero mas malamig pa rin ang bigat na bumabalot sa dibdib niya. Hindi dahil ayaw niya, kundi dahil hindi pa rin niya alam kung paano haharapin ang lahat.Nang huminto ang sasakyan sa harap ng isang modernong two-storey house na gawa sa glass at dark stone, sandaling hindi naka-imik si Evelyn. Hindi niya inakalang ganito kaganda ang bahay ni Cassian. Akala niya'y isang condo lang sa business district. Well, bilyonaryo nga pala ito. Muntik na niyang makalimutan.“I had it renovated a year ago,” sabi ni Cassian habang binubuksan ang passenger door. “Didn’t really think someone else would be living here.”Tumango lang siya at lumabas ng kotse, dala ang maliit na overnight bag na pinilit niyang pagkasyahin ang ilang mga damit at mga gamit niya.Pagpasok nila, agad na tum
Halos mag aalas nuwebe na ng gabi nang makauwi si Evelyn. Mabigat ang bawat hakbang niya habang binabaybay ang malamlam na hallway. Tumutunog ang takong ng flats niya sa tiles, pero mas maingay pa rin sa isip niya ang mga tanong na hindi niya masagot-sagot.Pagkapasok sa unit, agad niyang hinubad ang suot na flats at isinabit ang cardigan sa hook sa tabi ng pinto. Gusto lang sana niyang mahiga, magpahinga, at kalimutan kahit sandali ang mga pangyayaring bumalot sa kan’yang araw.Pero bago pa man siya makalakad papunta sa k’warto, may biglang kumatok. Tatlong sunod-sunod na katok.Napatigil si Evelyn at sandaling nagduda kung may narinig ba talaga siyang katok o kung guni-guni lang niya iyon dahil sa pagod. Pero nang may kumatok ulit nang mas malakas, nilapitan na niya ang pinto.Pagbukas niya ng pinto, halos mapaatras siya sa gulat dahil sa taong bumungad sa kan’ya.Nakatayo sa harap ng pinto si Cassian. Suot ang charcoal gray suit na bahagyang nakabukas ang kwelyo. May makikitang pag
Kinaumagahan, habang abala ang buong studio sa paghahanda para sa isang editorial shoot, tahimik lamang si Evelyn sa kan’yang workstation. Nakaupo siya sa editing corner, pa-check na sana ng mga raw shots mula sa isang bridal session kahapon, pero ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin niya magawang tumutok.Ang kamay niya, nakapatong sa mouse, pero hindi gumagalaw. Sa screen, naka-freeze ang larawan ng bride na nakangiti habang hawak ang bouquet—isang kuhang sana’y magaan lang i-edit. Pero ngayon, para bang ang bawat larawan ay isang tanong: kaya ko pa ba ’to? Kaya ko bang magpatuloy, habang may buhay na umuusbong sa tiyan ko?Sa paligid, abala ang lahat. Si Mark, ang videographer, ay nasa kabilang dulo ng studio, kausap ang isang kliyente tungkol sa prenup shoot nila sa Tagaytay. Si Lorie, ang production assistant, ay abalang tinatahi ang veil ng bride para sa styling board. At si Ava na palaging pulido at palaging composed ay pabalik-balik habang kinukumpirma ang wardrobe pieces
Kung puwede lang tumakas, matagal na sanang wala si Evelyn doon.Nakatayo siya ngayon sa harap ng isang antigong pintuan na gawa sa dark wood, ukit-ukit ang disenyo at mukhang mas mahal pa sa buong apartment na inuupahan niya sa Makati. Mula pa lang sa gate ng Alcott Family Estate, alam na niyang ibang mundo ito—tahimik, malawak, at nakababalot ng uri ng karangyaan na hindi mo basta-basta makikita. Lalo na kung galing ka sa pamilya na mas sanay sa palengke kaysa sa private dining rooms.The estate stood like a fortress in the heart of Forbes Park—modern in architecture but cold in atmosphere, as if every tile and sculpture was there to remind her she didn’t belong. Malalaki ang bintana, pero walang liwanag ang pumapasok. Kahit hapon pa lang, pakiramdam niya gabi na sa loob.Nag-alok si Cassian na sunduin siya gamit ang sasakyan nito, pero tumanggi siya. Gusto niyang dumating bilang sarili niya. Hindi bilang babae ng kung sino. Hindi bilang alaga. Hindi tagasunod. Gusto niyang patunaya
Nakatayo si Evelyn sa harap ng maliit na gate ng lumang bahay nila sa Quezon City, hawak ang overnight bag sa balikat—pero mas mabigat pa roon ang pinapasan niya sa dibdib.Ilang linggo na siyang hindi umuuwi. Wala siyang padalang text. Walang tawag. Wala ni isang “kumusta.” At ngayong nasa harap na siya ng gate, isang lumang bakal na may kalawang sa mga sulok at bahagyang umaangat kapag hinawakan, biglang sumiksik sa dibdib niya ang tanong na kanina pa niya tinatakasan.Handa na ba talaga ako?Pero ang totoo, walang sinuman ang talagang handa sa ganitong klaseng balita.Umaga pa lang, pero may init na sa hangin. Naamoy niya ang luma at tuyong damo sa paligid ng bahay—pamilyar, pero ngayon ay parang may ibang bigat. Tumigil siya sandali, pinilit huminga nang malalim, at pinigilan ang panginginig ng mga daliri habang pilit inaayos ang pagkakabit ng strap ng kanyang bag sa balikat.Biglang bumukas ang screen door sa terrace.Lumabas ang nanay niya, suot ang lumang duster na kulay faded
Tatlong linggo na ang lumipas mula nang opisyal na ipakilala si Cassian Alcott bilang bagong President at CEO ng creative studio. At sa bawat araw na lumilipas, para itong isang patibong na hindi niya matakasan.Sinusubukan din niyang iwasan ang mga tanong ng mga katrabaho, kung bakit daw siya nilapitan ng boss nila at paano sila nagkakilala. Sinabi na lamang niya'y nagkilala sila noong nagbakasyon siya sa Santorini at wala nang iba pa. Humupa rin naman ang mga tanong na siyang kinatuwa niya.Evelyn kept her head down. Sa meetings, pinipilit niyang manatiling propesyonal. Isang maikling pagtango, matipid ang mga sagot, at halos walang eye contact. Sa emails, halos kasinglamig ng kape sa pantry ang tono niya. Pero kahit anong effort ang gawin niyang iwasan ito, nararamdaman pa rin niya ang presensya ni Cassian. Kahit hindi siya nakatingin, kahit nasa kabilang sulok ito ng silid, alam niya.May isang uri ng bigat sa paligid kapag naroon siya. Isang tensyon na hindi maipaliwanag pero ram