Kung puwede lang tumakas, matagal na sanang wala si Evelyn doon.
Nakatayo siya ngayon sa harap ng isang antigong pintuan na gawa sa dark wood, ukit-ukit ang disenyo at mukhang mas mahal pa sa buong apartment na inuupahan niya sa Makati. Mula pa lang sa gate ng Alcott Family Estate, alam na niyang ibang mundo ito—tahimik, malawak, at nakababalot ng uri ng karangyaan na hindi mo basta-basta makikita. Lalo na kung galing ka sa pamilya na mas sanay sa palengke kaysa sa private dining rooms.
The estate stood like a fortress in the heart of Forbes Park—modern in architecture but cold in atmosphere, as if every tile and sculpture was there to remind her she didn’t belong. Malalaki ang bintana, pero walang liwanag ang pumapasok. Kahit hapon pa lang, pakiramdam niya gabi na sa loob.
Nag-alok si Cassian na sunduin siya gamit ang sasakyan nito, pero tumanggi siya. Gusto niyang dumating bilang sarili niya. Hindi bilang babae ng kung sino. Hindi bilang alaga. Hindi tagasunod. Gusto niyang patunayan, kahit sa sarili lang, na kaya niyang humarap.
"They’re just people," ani Cassian sa tawag kanina. "They’re not as terrifying as they sound."
Pero ngayong hawak niya ang maliit na bag at pinipilit ayusin ang spaghetti strap ng kan’yang beige na damit, ibang usapan na 'to. Parang may halimaw sa loob ng bahay na ’yon. O marahil, mas masahol pa—mga taong walang kailangan sa kan’ya. Walang dahilan para tanggapin siya.
Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto.
Isang butler—oo, totoong may butler—ang sumalubong sa kan’ya. Tuwid ang likod, maayos ang uniporme, at may ekspresyon na tila sinanay buong buhay para huwag ipakita ang iniisip.
"Ms. Ramirez?" anito. "They're waiting for you in the dining hall."
They. Hindi Cassian. Hindi lang siya. Kundi buong pamilya.
Pakiramdam ni Evelyn ay biglang lumubog ang tiyan niya. Gusto na niyang mag-U-turn. Pero tumango siya, pilit tinatago ang kaba, at sumunod.
Habang naglalakad siya sa marmol na sahig ng mansyon, ang tunog ng takong niya ang tanging naririnig. Sa bawat hakbang, para siyang papalapit sa isang hukom. Wala man lang musika o alingawngaw ng usapan—lahat tahimik. Para bang alam ng buong bahay na may ‘dayuhan’ sa loob.
Pagdating sa formal dining room, sabay-sabay siyang tiningnan ng mga Alcotts. Parang nililitis ng isang jury. Na para bang ang bawat isa sa kanila ay may nakahandang tanong na p’wedeng sumablay ang sagot niya.
Tumayo agad si Cassian at ngumiti, banayad. "You made it."
"Barely," bulong niya, at marahang tumango sa lahat na naroon sa mesa.
Sa dulo ng mahaba at mukhang museum-level na dining table, naroon ang isang babaeng naka-pearl necklace, ang buhok ay perpektong nakaayos, at ang titig ay parang kutsilyong pino pero matalim. British elegance in its most intimidating form.
Kakaupo pa lamang niya sa tabi ni Cassian ay agad na itong nagsalita.
“So you’re the photographer,” anito, malamig at may bahid ng pagtatantiya. Para bang may hinihintay na maling sagot.
Ngumiti si Evelyn, pigil ang hiningang sinagot ito. "Yes po. Evelyn Ramirez."
Napalingon siya sa lalaking katabi ni Cassian—matangkad, blonde, matatalas ang mga guhit ng mukha kagaya kay Cassian, at halatang mas matanda. Ganoon din ang aura—parang sanay sa privilege, at hindi sanay mabigo.
"And you’re the reason little brother’s been in the headlines lately," anitong may ngising hindi niya matukoy kung biro ba o insulto.
"Edward—" babala ni Cassian.
Pero inunahan siya ni Evelyn. "It’s alright," aniya, kalmado ang tono. "I’m used to people talking about me like I’m not in the room."
Napansin niyang bahagyang gumalaw ang kilay ng matriyarka. Kung alinman—galit, gulat, o amusement—hindi niya alam. Pero may epekto.
"And what exactly are your intentions with this family, Ms. Ramirez?"
Napako ang titig ni Evelyn sa matanda. Ramdam niyang nanginginig ang mga daliri niya sa ilalim ng mesa. Parang gusto niyang humawak sa mesa, pero baka mas lalo lang siyang mahalata. Kaya’t hinigpitan niya ang hawak sa clutch na nakapatong sa kan’yang kadungan, pinilit manatiling matatag.
"I’m not here to impress anyone, Ma’am," aniya, mahinahon pero matatag ang tinig. "I came because Cassian asked me to. I’m carrying his child—not trying to carry his last name… unless that’s what he truly wants."
Tumahimik ang buong mesa. Tila may humigop ng hangin sa buong silid. Walang umimik. Kahit ang kubyertos ay natigil sa paggalaw.
Hinawakan ni Cassian ang kamay niya sa ilalim ng mesa. Banayad lang, parang lihim na pahiwatig na hindi siya nag-iisa rito. Sapat na para hindi siya bumigay.
Tiningnan siya ng ina nito, matalim, parang sinusukat ang kaluluwa niya. Pagkatapos ay lumipat kay Cassian. "You asked her to come. Have you told her what this means?"
Umigting ang panga ni Cassian. "I’ve told her enough. And I intend to tell her everything else—with or without your approval."
"Cassian—"
"Mom, I’m not asking you to like her," aniya, mababa pero matigas ang tinig. "But I’m asking you not to treat her like a threat."
Nagkatinginan ang magkakapatid. Pero walang nagsalita.
Huminga nang malalim si Evelyn. Ilang taon na siyang kumukuha ng litrato ng kasalan, ng mga pagmamahalang sinumpaan sa altar—pero ngayon, siya ang nasa gitna. At parang hindi ito pangarap.
Hindi siya prinsesa sa isang fairytale. Siya 'yong babae sa likod ng lente—ngayon, nahila sa harap, biglaang tinamaan ng flash. At wala siyang makeup artist, stylist, o script para saluhin siya.
Pagkatapos ng hapunan, si Cassian mismo ang naghatid sa kan’ya palabas.
Tahimik sila habang naglalakad. Walang nagsasalita habang bumabalik sa normal ang tibok ng puso niya. Sa labas, malamig na ang hangin, pero mas nakakahinga siya.
"Your mom hates me."
“She doesn’t know you yet,” sagot ni Cassian, hindi tumitingin sa kan’ya habang binubuksan ang pinto ng sasakyan.
“Will she ever?”
Saglit siyang tiningnan ni Cassian. Walang ngiti. Walang kahit anong nakakagaan na salita. Pero ramdam ang bigat ng sagot.
"Let’s find out."
Tumitig si Evelyn sa kan’ya. Wala itong pangakong magbabago ang lahat. Wala ring kasiguraduhan. Pero sa mga mata nito, may isang bagay siyang nakita—kumpiyansa. Hindi sa resulta, kundi sa desisyon nitong manatili. Parang sinasabi ng tingin nito: kahit saan pa humantong ito, andito ako.
At sa unang pagkakataon mula nang makita niya ang dalawang guhit sa pregnancy test, naramdaman niya mula rito na hindi siya nag-iisa.
Malalim na ang gabi nang makarating sila sa bahay ni Cassian. Tahimik lang si Evelyn sa buong biyahe, pinapanood ang mga ilaw sa labas ng kotse habang dumaraan sila sa mga main road. Malamig ang hangin sa loob ng sasakyan, pero mas malamig pa rin ang bigat na bumabalot sa dibdib niya. Hindi dahil ayaw niya, kundi dahil hindi pa rin niya alam kung paano haharapin ang lahat.Nang huminto ang sasakyan sa harap ng isang modernong two-storey house na gawa sa glass at dark stone, sandaling hindi naka-imik si Evelyn. Hindi niya inakalang ganito kaganda ang bahay ni Cassian. Akala niya'y isang condo lang sa business district. Well, bilyonaryo nga pala ito. Muntik na niyang makalimutan.“I had it renovated a year ago,” sabi ni Cassian habang binubuksan ang passenger door. “Didn’t really think someone else would be living here.”Tumango lang siya at lumabas ng kotse, dala ang maliit na overnight bag na pinilit niyang pagkasyahin ang ilang mga damit at mga gamit niya.Pagpasok nila, agad na tum
Halos mag aalas nuwebe na ng gabi nang makauwi si Evelyn. Mabigat ang bawat hakbang niya habang binabaybay ang malamlam na hallway. Tumutunog ang takong ng flats niya sa tiles, pero mas maingay pa rin sa isip niya ang mga tanong na hindi niya masagot-sagot.Pagkapasok sa unit, agad niyang hinubad ang suot na flats at isinabit ang cardigan sa hook sa tabi ng pinto. Gusto lang sana niyang mahiga, magpahinga, at kalimutan kahit sandali ang mga pangyayaring bumalot sa kan’yang araw.Pero bago pa man siya makalakad papunta sa k’warto, may biglang kumatok. Tatlong sunod-sunod na katok.Napatigil si Evelyn at sandaling nagduda kung may narinig ba talaga siyang katok o kung guni-guni lang niya iyon dahil sa pagod. Pero nang may kumatok ulit nang mas malakas, nilapitan na niya ang pinto.Pagbukas niya ng pinto, halos mapaatras siya sa gulat dahil sa taong bumungad sa kan’ya.Nakatayo sa harap ng pinto si Cassian. Suot ang charcoal gray suit na bahagyang nakabukas ang kwelyo. May makikitang pag
Kinaumagahan, habang abala ang buong studio sa paghahanda para sa isang editorial shoot, tahimik lamang si Evelyn sa kan’yang workstation. Nakaupo siya sa editing corner, pa-check na sana ng mga raw shots mula sa isang bridal session kahapon, pero ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin niya magawang tumutok.Ang kamay niya, nakapatong sa mouse, pero hindi gumagalaw. Sa screen, naka-freeze ang larawan ng bride na nakangiti habang hawak ang bouquet—isang kuhang sana’y magaan lang i-edit. Pero ngayon, para bang ang bawat larawan ay isang tanong: kaya ko pa ba ’to? Kaya ko bang magpatuloy, habang may buhay na umuusbong sa tiyan ko?Sa paligid, abala ang lahat. Si Mark, ang videographer, ay nasa kabilang dulo ng studio, kausap ang isang kliyente tungkol sa prenup shoot nila sa Tagaytay. Si Lorie, ang production assistant, ay abalang tinatahi ang veil ng bride para sa styling board. At si Ava na palaging pulido at palaging composed ay pabalik-balik habang kinukumpirma ang wardrobe pieces
Kung puwede lang tumakas, matagal na sanang wala si Evelyn doon.Nakatayo siya ngayon sa harap ng isang antigong pintuan na gawa sa dark wood, ukit-ukit ang disenyo at mukhang mas mahal pa sa buong apartment na inuupahan niya sa Makati. Mula pa lang sa gate ng Alcott Family Estate, alam na niyang ibang mundo ito—tahimik, malawak, at nakababalot ng uri ng karangyaan na hindi mo basta-basta makikita. Lalo na kung galing ka sa pamilya na mas sanay sa palengke kaysa sa private dining rooms.The estate stood like a fortress in the heart of Forbes Park—modern in architecture but cold in atmosphere, as if every tile and sculpture was there to remind her she didn’t belong. Malalaki ang bintana, pero walang liwanag ang pumapasok. Kahit hapon pa lang, pakiramdam niya gabi na sa loob.Nag-alok si Cassian na sunduin siya gamit ang sasakyan nito, pero tumanggi siya. Gusto niyang dumating bilang sarili niya. Hindi bilang babae ng kung sino. Hindi bilang alaga. Hindi tagasunod. Gusto niyang patunaya
Nakatayo si Evelyn sa harap ng maliit na gate ng lumang bahay nila sa Quezon City, hawak ang overnight bag sa balikat—pero mas mabigat pa roon ang pinapasan niya sa dibdib.Ilang linggo na siyang hindi umuuwi. Wala siyang padalang text. Walang tawag. Wala ni isang “kumusta.” At ngayong nasa harap na siya ng gate, isang lumang bakal na may kalawang sa mga sulok at bahagyang umaangat kapag hinawakan, biglang sumiksik sa dibdib niya ang tanong na kanina pa niya tinatakasan.Handa na ba talaga ako?Pero ang totoo, walang sinuman ang talagang handa sa ganitong klaseng balita.Umaga pa lang, pero may init na sa hangin. Naamoy niya ang luma at tuyong damo sa paligid ng bahay—pamilyar, pero ngayon ay parang may ibang bigat. Tumigil siya sandali, pinilit huminga nang malalim, at pinigilan ang panginginig ng mga daliri habang pilit inaayos ang pagkakabit ng strap ng kanyang bag sa balikat.Biglang bumukas ang screen door sa terrace.Lumabas ang nanay niya, suot ang lumang duster na kulay faded
Tatlong linggo na ang lumipas mula nang opisyal na ipakilala si Cassian Alcott bilang bagong President at CEO ng creative studio. At sa bawat araw na lumilipas, para itong isang patibong na hindi niya matakasan.Sinusubukan din niyang iwasan ang mga tanong ng mga katrabaho, kung bakit daw siya nilapitan ng boss nila at paano sila nagkakilala. Sinabi na lamang niya'y nagkilala sila noong nagbakasyon siya sa Santorini at wala nang iba pa. Humupa rin naman ang mga tanong na siyang kinatuwa niya.Evelyn kept her head down. Sa meetings, pinipilit niyang manatiling propesyonal. Isang maikling pagtango, matipid ang mga sagot, at halos walang eye contact. Sa emails, halos kasinglamig ng kape sa pantry ang tono niya. Pero kahit anong effort ang gawin niyang iwasan ito, nararamdaman pa rin niya ang presensya ni Cassian. Kahit hindi siya nakatingin, kahit nasa kabilang sulok ito ng silid, alam niya.May isang uri ng bigat sa paligid kapag naroon siya. Isang tensyon na hindi maipaliwanag pero ram