LOGINIniwan sina Angela ng kaniyang Ama dahil sa ibang babae. Sanggol pa lamang siya nuong umalis ang Tatay niya. Isang lihim ang mabubunyag tungkol sa kanyang pagkatao. Itinago ni Johnny upang hindi mawala sa kanya si Angela.
View MorePalinga linga si Johnny sa buong restaurant. Sinabi ng Manager niya na mayroon siyang imemeet na prospect project."Sir, oorder na po ba kayo?" tanong ng waiter ng makalapit kay Johnny."No, later na lang" sagot ni Johnny dito.Medyo naiinip na din siya dahil halos kalahating oras na siyang naghihintay. May inis na muling sinulyapan niya ang pintuan ng restaurant.Nanlaki ang mga mata niya ng iniluwa niyon sina Saimon at Angela. Hawak nila sa magkabilang kamay ang batang si Alex.Nagtama ang mga tingin nila Angela at Johnny."Hi po Tito Johnny" masiglang bati ni Alex. Ngumiti si Johnny sa bata at binalingan sina Angela at Saimon."Upo kayo" kahit na medyo alangan ay niyaya pa din ni Johnny sina Angela at Saimon na maupo.Pinaghila ni Saimon ng upuan si Angela at umupo sa tabi niya. Si Johnny naman ay inayos sa pagkakaupo si Alex. Napatingin si Angela sa ginawa ni Johnny para sa anak. "Gusto ninyo na bang kumain?" tanong ni Johnny. "Alex baby, anong gusto mong kainin?" tanong ni Ange
Araw ng Linggo habang nag aalmusal si Angela nakaagaw ng pansin sa kanya ang isang news sa front page ng isang tabloid. Kinuha niya ito at binasa ang nakalagay na balita doon.Nanginginig ang kamay na ibinaba niya ang tasa ng kape na sanay iinumin niya. Ang front page doon ay isang kuhang larawan ng isang bata kasama ang isang sikat na modelo.Binuklat niya ang karugtong ng balitang iyon at binasa. Hindi makapaniwalang si Alex at si Johnny ang nakikita niyang magkasama at masayang nakikipag usap si Johnny sa anak nila. Inilapag niya ang tabloid sa mesa at agad tumayo. "Paano nangyari ito?" nagtatakang tanong ni Angela sa sarili habang nanlalaki ang mga mata. Dali daling tumakbo si Angela sa kuwarto niya para kunin ang cellphone niya para tawagan si Saimon. Nang makuha ang telepono sa kanyang bag ay idinayal niya ang numero ng telepono ni Saimon."Saimon, you need to explain to me about the news!" may diing salita ni Angela sa telepono.Alam na ni Saimon ang tinutumbok ng mga salita
AFTER FIVE YEARS "Ingrid!" tawag ng isang babae sa magpa-five years old na batang babae. Tumatakbo naman itong lumapit sa ina."Mama!" masayang tawag nito sa ina. Kinarga ng ina nito ang anak at pinanggigilan ang pisngi ng batang ang cute tingnan. Natatawang nakikiliti ang magandang bata sa ginagawa ng ina.Ito ang masayang tagpo na nakikita ni Angela habang nakaupo sa isang bench sa mall. Ang saya ng mag ina, makikita mo ang sobrang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak."Mommy!" napalingon siya sa batang tumawag sa kanya habang hawak ito sa isang kamay ng yaya nito. Masayang ngumiti si Angela sa anak.Siya si Alexander Johnson Delos Santos ang anak nila Angela at Johnny.Limang taon na ang nakakaraan ng hindi nito siputin ang kasal nilang dalawa ni Johnny. Kinumstaba ni Angela ang kapatid na si Angelo para takasan si Johnny sa mismong araw ng kanilang kasal.Nagpakalayo layo siya pero pagkalipas ng ilang buwan ay nalaman niyang buntis siya. Ipinaalam niya ito agad sa kanyang nak
Nalalapit na ang kasal nina Johnny at Angela. Naghahanda na din si Johnny. Ibinigay niya ng personal ang mga imbitasyon. Hindi niya nakasama si Angela. Dahil busy daw ito sa trabaho. Ang dami nitong dahilan para lamang hindi makasama sa pag-aayos ng kasal nilang dal'wa.Maaga pa ay nasa bahay na nina Angela si Johnny."Good morning po, Tito," bati niya sa Tatay ni Angela. Tumango ito ng ulo sa kanya at ngumiti. "Ang aga pa, Johnny. Ano bang lakad niyo ni Angela ngayong araw?" "Titignan po namin ngayon ang venue para sa reception. 'Staka food tasting.""Ganoon ba," nilinga ni Cain ang paligid. "Nakaalis na si Angela. Pumasok sa boutique niya. Kung gusto mo puntahan mo na lang sa boutique," mungkahi niya sa binata."Puntahan ko na lang po si Angela sa boutique," saad ni Johnny. Iniiwasan pa din siya ni Angela. Ni hindi niya ito nakakasama sa pag-aasikaso ng nalalapit nilang kasal.Lulan ng kanyang kotse si Johnny. Papunta na siya ngayon sa boutique ni Angela. Baka kapag doon siya dumi












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews