My Ex is my Stepfather

My Ex is my Stepfather

last updateLast Updated : 2022-09-17
By:  yoursjulieannOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
2
1 rating. 1 review
23Chapters
7.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Nagbreak si Cornelia at ang kauna-unahang niyang boyfriend na si James. Ang lalaking ito ang kumuha lahat ng first times niya lalo na ang kanyang virginity at kahit ilang taon na ang lumipas, mahal niya pa rin ito sapagkat si James ang nag-iisa niyang one great love kahit sa kabila nito ay sinasaktan at niloloko lang siya nito noong panahon na sila pa ay magkasama at naghihintay pa rin siya sa kanyang pagbabalik ngunit nagkatagpo muli sila, —sa kasal ng kanyang ina.

View More

Chapter 1

Prologue

Naaalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Ang aking kwarto ay nakaharap sa kanluran kaya't alam ko kung umaga na o hindi pa. Naririnig ko rin ang kanta ng mga ibon, ang tunog ng pagtama ng hangin sa dahon ng mangga at ang hamog na tinatago ang bundok. Sa probinsya ako nakatira, malayo sa syudad pero malapit sa bayan. Isang sakay lang ng tricycle. 

Tumunog ang aking cellphone dahil sa tawag ni James, ang lalaking halos isang taon ng nanliligaw sa kin. Hindi ko pa siya sinasagot dahil hindi pa ako ready pero siguro after graduation ko ay sasagutin ko na siya.

"Hi. Good morning." wika niya

"Good morning." sagot ko

"Hintayin kita sa may gate ng school." sabi niya

"Sige. Maliligo lang ako." sagot ko at pinatay na ang tawag.

Pagkatapos ko maligo ay nagsuot na ako ng uniform. Maroon ang kulay ng palda, maroon din ang kulay ng neck tie at sa gitna nito ay nakalagay ang logo ng school namin, ang pantaas naman ay rusted ang kulay na hanggang kalahati ng braso. Nakahanda na ang pagkain kaya sumabay na ako kana mama mag-almusal.

"ate, paabot ng fried chicken." utos ni Ryco, ang aking bunsong kapatid. Siya ay grade 6 na at ang isa ko namang kapatid na si Inez ay gagraduate na ng grade 12 samantalang ako naman ay graduating na. I'm taking up BS Entrepreneurship kase someday I want to be like my father na mahilig magtayo ng business. My father is in Manila at may ari siya ng auto shop doon. Minsan lang siya umuwi.  After six months or eight months or minsan uuwi lang siya pag may okasyon katulad ng may birthday o di kaya ay pasko o bagong taon.

"Tirhan mo ako, Ryco. Kaliit-liit mo pero ang takaw mo." Sabi ni Inez.

"Magpatuli kana. Yung mga kaklase mo tuli na, ikaw hindi pa."

"Sa bakasyon 'yan magpapatuli." sagot naman ni mama

"Yan para lumaki kana at maging binata kana." sabi ko at pinisil ang kanyang pisngi.

"Araaay!!!" sabi niya at sumimangot sa akin. Niyakap ko siya at hinalik-halikan sa leeg.

"Ate, ano ba?!"

"Sinusulit ko lang pagkabata mo kase pag malaki kana di kana namin mayayakap o makikiss kase mahihiya kana." sabi ko at uminom na ng gatas.

Pagkatapos naming mag almusal ay pumasok na si Ryco, sumabay na sa mga kaklase niya. Nauna na rin si Inez at ako naman ay kinuha ang aking bag. Papalabas na ako ng bahay nang tawagin ako ni mama.

"Cornelia." tumingin ako sa kanya. I was born in 1997 and my mother gave birth to me when she was sixteen. Kaya ngayon, kung titingnan parang magkapatid lang kami. Mahaba ang buhok ni mama, blonde na kulot ang dulo. Maayos siya sa kanyang katawan, sexy kung manamit, lagi siyang nakadress, maputi at medyo chubby. Kaya siguro siya nagustuhan ni papa at kaya siya mahal na mahal ni papa kase ang ganda-ganda niya katulad ko. Like mother like daughter.

"Po?"

"May sasabihin ako sa'yo. Wag mo nalang babanggitin sa mga kapatid mo." sabi ni mama

"Ano po yun?"

"Napagdesisyunan na namin ng papa mo na maghiwalay na." wika ni mama at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Bigla akong kinabahan at pinagpawisan.

"Bakit po?" Tanong ko

"May babae doon sa maynila ang papa mo. Matagal na."

"Tapos? Paano kami nila Inez at Ryco?"

"Ikaw ang panganay Cornelia kaya alam kong mas maiintindihan mo ang desisyon namin. Sabi niya, susustentuhan pa rin niya daw tayo pero hindi na niya ako ituturing na asawa." sagot ni mama at tumalikod na ako sa kanya.

Tuluyan na akong lumabas ng bahay at sumasakit na ang lalamunan ko sa pagpigil ng luha. Sumakay na ako ng tricycle at habang nagbabyahe ay tuluyan ng bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

//////////////

March 17, 2022

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Samantha Canary
I'm giving this a 1 star and I'm sorry but its because I really wanted to read this book but since it's written in Filipino I can't.
2022-08-30 16:47:20
5
23 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status