แชร์

Chapter 3

ผู้เขียน: Katie Alcos
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-02 17:49:19

"Welcome to your new nightmare, Ms. Trinidad."

Napahinto si Emma sa harap ng malaking glass door ng Salazar Corporate Group.

Nakatayo sa likuran niya si Daniel, ang personal assistant ni Marco Salazar, na kanina pa nakangiti na para bang may alam itong hindi niya alam.

"Nightmare? First day ko pa lang. Huwag naman kayong masyadong negative."

Daniel chuckled.

"Just a friendly warning. Mr. Salazar is very particular about his work."

"Good. I'm particular about my salary."

Lalong natawa ang lalaki.

Mula nang matanggap ang project assignment, hindi na halos mapakali si Emma. Malaking oportunidad ang makatrabaho ang isa sa pinakamalalaking corporate groups sa bansa. Hindi niya ito palalampasin dahil lamang sa isang CEO na may questionable personality.

Pagbukas ng elevator, sinalubong sila ng malawak na opisina. Glass walls, modern furniture, at mga empleyadong mukhang laging nagmamadali.

"Your workstation is ready," sabi ni Daniel.

"Thank you."

"Your first meeting with Mr. Salazar is at nine."

Napatingin si Emma sa relo.

"Eight forty-five pa lang. Fifteen minutes. Perfect."

"Good luck."

"Why does everyone keep saying that?"

Daniel only smiled before walking away.

Hindi nagustuhan ni Emma ang ngiting iyon.

---

"You're late."

Iyon agad ang bungad ni Marco nang pumasok si Emma sa kanyang opisina.

Napatingin siya sa malaking wall clock.

"Good morning din, Mr. Salazar."

"It's nine-oh-one."

"One minute, sir. Hindi pa naman po ako nawawalang flight."

Marco glanced at her.

"Sit down."

Umupo si Emma at inilabas ang laptop.

Nasa harapan niya ang lalaking ilang araw pa lamang niyang kilala pero tila ilang taon na ang idinagdag sa kanyang stress level.

"Have you reviewed the documents?"

"Yes."

"All of them?"

"Unless may secret pages kayong tinatago, yes."

Napailing si Marco.

"Do you ever give straight answers?"

"Yes, sir."

"Good."

"See? Straight answer."

Marco stared at her.

Emma smiled innocently.

He was beginning to understand why Daniel looked so entertained whenever her name came up.

"Listen carefully, Ms. Trinidad. This project is important. I don't tolerate incompetence."

"Neither do I, sir."

"And I expect professionalism."

"Of course."

"No unnecessary arguments."

Napataas ang kilay ni Emma.

"Does that include correcting you when you're wrong?"

Marco slowly leaned back.

"You're testing my patience."

"Then I hope your patience is as impressive as your bank account."

For a moment, natahimik ang CEO.

Then he shook his head.

"Get to work."

"Gladly."

---

Paglabas ni Emma sa opisina, agad siyang sinalubong ng isang babaeng nakasuot ng eleganteng cream blazer.

"Hi. You must be Emma."

Ngumiti siya.

"Yes. And you are?"

"Vivian. Senior executive assistant ni Mr. Salazar."

Magiliw ang ngiti nito, pero may kakaibang pagsusuri sa mga mata.

"I heard you'll be joining our team. Welcome."

"Thank you."

"I hope you can keep up. The work here is quite demanding."

"That's why I'm here."

Tumingin si Vivian sa workstation ni Emma.

"By the way, you might want to check if your chair is comfortable. We have different sizes available."

Napatingin si Emma sa upuan.

Then at Vivian.

"Different sizes?"

Vivian gave a small laugh.

"Well, you know. Just in case."

Sandaling natahimik si Emma.

Hindi siya tanga. Alam niya ang ibig sabihin ng babae.

Ngunit sa halip na magalit, ngumiti siya.

"That's thoughtful of you. Pero okay naman ang chair. Mas concern ako sa quality ng trabaho kaysa sa laki ng upuan."

Nawala nang bahagya ang ngiti ni Vivian.

"Of course. I was just being helpful."

"Then thank you for your concern."

Umupo si Emma at binuksan ang laptop.

Hindi niya kailangang patunayan ang sarili niya sa pamamagitan ng pakikipag-away sa lahat ng taong may opinyon sa katawan niya.

May mas mahalaga siyang kailangang gawin.

At hindi kasama roon ang magpaapekto sa isang babaeng hindi pa niya kilala.

---

Pagsapit ng alas-onse, nagsimula ang unang departmental meeting.

Nasa conference room si Emma kasama ang ilang executives. Kabilang doon si Vivian at dalawang senior managers.

Habang ipinapakita niya ang proposed marketing strategy, may isang lalaking nakaupo sa kabilang dulo ang bumulong sa katabi nito.

"Medyo surprising na siya ang napili. Akala ko mas presentable ang ilalagay nila sa project."

Narinig iyon ni Emma.

Hindi siya huminto sa pagsasalita.

Ngunit nang matapos ang presentation, siya mismo ang humarap sa lalaki.

"May concern po ba kayo sa proposal ko, Mr. Reyes?"

Napatingin ang lahat.

The man cleared his throat.

"Nothing. I was just saying that this project requires someone who can represent the company well."

Emma nodded.

"Agreed. Kaya nga mas pinili kong mag-focus sa qualifications kaysa sa appearance."

May ilang napangiti.

"Although," dagdag niya, "kung ang concern ninyo ay ang timbang ko, I assure you, hindi naman timbang ang kailangan para makabuo ng magandang marketing strategy."

Natahimik ang silid.

"Besides, I may be plus-sized, but I know how to carry myself. Hindi ko kailangang maging payat para maging presentable. At kung appearance lang ang basehan, I think I'm doing quite well."

Napatingin ang ilan sa kanya.

Likas na mestiza ang kutis ni Emma. May malalaking mata, maayos na features, at mahaba at makintab na buhok. Kahit plus-sized ang pangangatawan, hindi maikakailang maganda siya.

"Let's focus on the actual numbers, shall we?" pagtatapos niya.

Sa likuran ng conference room, tahimik na nakatayo si Marco.

Hindi niya napansin kung kailan ito dumating.

Narinig nito ang buong palitan.

At sa halip na makaramdam ng awa para kay Emma, napangiti siya.

The woman knew exactly how to handle herself.

Walang drama. Walang pagpapanggap. Walang paghingi ng approval.

Just confidence.

---

Pagkatapos ng meeting, bumalik si Emma sa kanyang workstation.

"Emma."

Napatingin siya.

Si Marco.

"Yes, sir?"

"Come to my office."

Napabuntong-hininga siya nang mahina.

Ano na naman kaya?

---

"Your presentation was good."

Napatingin si Emma sa CEO na abala sa pagtingin sa kanyang laptop.

"Thank you, sir."

"But you could have handled Mr. Reyes differently."

Napakunot ang noo niya.

"How?"

"You could have ignored his comment."

Emma tilted her head.

"Would you have ignored it?"

Marco looked up.

"Excuse me?"

"Kung ikaw ang sinabihan niyang hindi ka presentable dahil sa itsura mo, papansinin mo ba?"

Hindi agad sumagot si Marco.

"That's different."

"Why?"

He stared at her.

Napangiti si Emma.

"Exactly."

Marco placed his pen on the table.

"You're quite argumentative."

"Occupational hazard, sir."

Napailing ito.

"Anyway, I reviewed your proposal. I want you to lead the campaign presentation next week."

Napatingin siya sa dokumento.

"Me?"

"Do you see anyone else in this room?"

"Just checking. Baka may ibang Emma."

Marco smirked.

"Don't disappoint me."

Emma gathered her documents.

"I'll do my best."

Nang palabas na siya, muling nagsalita si Marco.

"Emma."

Lumingon siya.

"Yes?"

"About what happened earlier..."

Napataas ang kilay niya.

"Don't worry, sir. Hindi ako offended."

"I wasn't going to say that."

"Then?"

Marco paused.

"I was going to say you handled it well."

Bahagyang ngumiti si Emma.

"Thank you. But I don't need people to agree with me. I just need them to respect my work."

Then she left.

Marco watched the door close.

For some reason, that answer stayed in his mind.

---

Alas-singko ng hapon, habang nag-aayos si Emma ng gamit, dumaan si Daniel sa kanyang workstation.

"How was your first day?"

"Alive. Barely."

Daniel laughed.

"That's a good sign."

"Is Mr. Salazar always that demanding?"

"Unfortunately."

"Does he ever smile?"

"Rarely."

Emma shook her head.

"Poor man. Sayang ang mukha."

Daniel burst out laughing.

Unfortunately, hindi niya alam na nasa likuran na pala nila si Marco.

"What's so funny?"

Biglang tumayo si Daniel.

"Sir!"

Samantalang si Emma ay dahan-dahang lumingon.

Marco looked at her.

"What was that about my face?"

Walang kaabog-abog na ngumiti si Emma.

"I said it's a shame you rarely smile, sir."

"Is that so?"

"Yes. Sayang naman ang investment ng parents mo."

Daniel looked down, trying desperately not to laugh.

Marco narrowed his eyes.

"Go home, Ms. Trinidad."

"Good idea, sir. See you tomorrow."

Kinuha ni Emma ang bag niya at naglakad palayo.

Naiwan si Marco na nakatingin sa direksiyon niya.

"Daniel."

"Yes, sir?"

"She's going to be a problem."

Daniel finally allowed himself to smile.

"Sir, I think you already know that."

Marco shook his head.

But as he returned to his office, he caught himself smiling.

At iyon ang mas malaking problema.

Dahil sa loob ng maraming taon, hindi kailanman naging bahagi ng trabaho niya ang mag-isip tungkol sa isang empleyado pagkatapos ng office hours.

Lalo na kung ang empleyadong iyon ay si Emma Trinidad.

Ang babaeng may dalawang daang pounds ng confidence at walang kahit katiting na takot sa kanyang CEO.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • 200 Pounds Away From Love   Chapter 24

    Eksaktong alas-sais ng gabi nang matapos si Emma sa huling email na kailangan niyang sagutin. Isinara niya ang laptop at iniunat ang mga braso bago sumandal sa upuan.“Finally!” bulalas ni Carla mula sa kabilang mesa. “Akala ko dito ka na matutulog.”“May trabaho pa kasi.”“May date ka pa mamaya. Huwag mong kalimutan.”Napatingin si Emma sa orasan.“May isang oras pa ako.”“Anong susuotin mo?”“Damit.”“Emma!”Napatawa siya sa reaksyon ng kaibigan.“Relax. Magpapalit lang ako sa condo. Hindi naman ako pupunta sa royal wedding.”“Hindi mo kailangang magpakasimple. Gusto mong maganda ka, di ba?”“Gusto kong maging komportable.”“Pareho naman puwedeng mangyari.”Tumayo si Carla at inayos ang bag niya.“By the way, may balak ba kayong mag-usap tungkol sa status ninyo?”Napatingin si Emma sa kanya.“Bakit kailangan pag-usapan agad?”“Dahil naghalikan na kayo. Ilang dates na rin. At mukhang hindi na ordinaryong friendship ang nangyayari.”“Hindi naman kailangang lagyan agad ng label ang lah

  • 200 Pounds Away From Love   Chapter 23

    Maagang dumating si Emma sa opisina kinabukasan. Bitbit niya ang paborito niyang iced coffee at isang folder na naglalaman ng mga dokumentong kailangan para sa bagong marketing campaign ng Salazar Corporate Group.Tahimik pa ang buong floor. Iilan pa lang ang empleyadong naroon, kaya diretso siyang nagtungo sa pantry para ilagay ang kape niya sa mesa.Habang binubuksan ang laptop, hindi niya maiwasang maalala ang nangyari kagabi.Ang sayaw nila ni Marco.Ang paraan ng paghawak nito sa kanyang baywang habang marahan silang umiikot sa dance floor.At higit sa lahat, ang mahinang bulong nito bago sila naghiwalay.“I'm glad you came with me.”Napangiti siya nang hindi namamalayan.“Good morning, Miss Universe.”Napalingon siya at nakita si Carla na nakasandal sa pintuan ng pantry, nakangisi.“Good morning din. Ang aga mo.”“Mas maaga pa sana ako kung alam kong may taong nakangiti mag-isa rito.”“Iniisip ko lang ang presentation natin.”“Talaga? Presentation ba ang tawag mo sa lalaking nak

  • 200 Pounds Away From Love   Chapter 22

    Hindi madalas dumalo si Marco sa mga social events na walang direktang kinalaman sa negosyo ng Salazar Corporate Group. Ngunit nang makatanggap siya ng imbitasyon para sa isang annual charity ball and auction, agad siyang pumayag.Ang event ay inorganisa ng isang foundation na tumutulong sa mga batang nangangailangan ng medical assistance, educational support, at iba pang pangunahing pangangailangan.Bilang isa sa mga pangunahing corporate sponsors, inaasahang dadalo si Marco sa gabing iyon.Alas-siyete ng gabi nang makarating siya sa venue. Isang five-star hotel ballroom ang pinagdausan ng event. Napakaganda ng dekorasyon. May malalaking chandelier, eleganteng floral arrangements, at mahabang carpet patungo sa entrance.Suot ni Marco ang isang black tailored tuxedo na lalong nagbigay-diin sa kanyang pagiging gwapo. Kasama niya si Daniel na naka-formal suit.“Sir, nandito na rin ang ilang business partners natin,” sabi ni Daniel habang tinitingnan ang listahan ng mga bisita.“Good. Ma

  • 200 Pounds Away From Love   Chapter 21

    Lunes ng umaga.Muling naging abala ang opisina ng Salazar Corporate Group matapos ang ilang araw na bakasyon ni Marco at ng mga kasama nila sa Trinidad Ranch. Sunod-sunod ang meetings, emails, at reports na kailangang asikasuhin.Maagang dumating si Emma. Nakaupo ito sa kanyang workstation habang sinusuri ang latest marketing campaign proposal. Paminsan-minsan ay napapangiti siya kapag naaalala ang nangyari sa resort.Lalo na ang halik nila ni Marco.Hindi niya maiwasang hawakan ang sariling labi habang nakatitig sa computer screen.“Uy!”Napalingon siya kay Carla na biglang sumulpot sa tabi niya.“Bakit?”“Bakit ka nakangiti mag-isa?”“Wala.”“Wala raw. Kanina ka pa nakangiti diyan. May nabasa ka bang joke?”“May nakita lang akong magandang report.”“Report?” Tinaasan siya ng kilay ni Carla. “O baka naman may naalala kang magandang nangyari sa beach?”Napailing si Emma.“Carla, trabaho.”“Okay, okay. Hindi na ako magtatanong.”Ngunit hindi pa man nakakaalis si Carla ay muli itong lu

  • 200 Pounds Away From Love   Chapter 20

    Mabilis na lumipas ang hapon sa private resort ng pamilya Trinidad.Matapos mag-enjoy sa swimming pool at white sand beach, nagkaroon muna ng kanya-kanyang oras sina Carla at Daniel para magpahinga. Si Carla ay halos hindi bumitaw sa cellphone dahil sa dami ng litrato at videos na kinunan niya. Si Daniel naman ay nag-enjoy sa kayaking bago nagpahinga sa isang cabana.Samantala, sina Emma at Marco ay naglakad sa dalampasigan.Naka-swimsuit si Emma na may puting cover-up, habang si Marco naman ay nakasuot ng simpleng beach shorts at puting polo na nakabukas ang ilang butones sa itaas.“Enjoying your stay?” tanong ni Emma.“More than I expected.”“Good. At least hindi ka nagsisisi na sumama ka.”“Actually, I was already enjoying the trip before we even reached the island.”Napatingin si Emma sa kanya.“Because of the helicopter?”“Not exactly.”“Then because of the food?”“Getting warmer.”Napangiti si Emma.“Then what?”Marco stopped walking and faced her.“Because I got to spend time w

  • 200 Pounds Away From Love   Chapter 19

    “Akala ko tapos na ang mga sorpresa mo,” natatawang sabi ni Carla habang naglalakad sila palabas ng barn.Ngumiti si Emma.“Hindi pa.”Napahinto si Carla.“Wait. May iba pa?”“May gusto pa akong ipakita sa inyo.”Napatingin si Daniel kay Marco. Pareho silang tila naghihintay kung ano na naman ang susunod na sorpresa ng kaibigan nila.“Emma, kailangan ba naming maghanda mentally?” biro ni Daniel.“Hindi naman. Relax lang kayo.”“Kapag sinabi mong relax, ibig sabihin may twenty million pesos na naman tayong makikita,” komento ni Carla.Napatawa si Emma.“Come on. Sundan ninyo ako.”Sumakay silang muli sa utility vehicle. Sa pagkakataong ito, hindi sila dumaan pabalik sa mansion kundi sa isang malawak na pathway patungo sa kabilang bahagi ng property.Makalipas ang ilang minuto, napansin ni Marco ang isang malawak na open area na may maayos na landing pad.May isang helicopter na nakaparada roon.Itim at puti ang kulay nito, makintab ang katawan at halatang mamahaling modelo. May ilang t

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status