เข้าสู่ระบบ"WE'VE BEEN HACKED, SIR!"
Iyon ang unang narinig ni Marco Salazar nang sagutin niya ang tawag ng IT department nang alas-nuwebe ng umaga. Sabado. Ang araw na dapat ay nakalaan para sa pahinga, golf, at ilang oras na walang iniisip na trabaho. Pero mukhang hindi siya papayagan ng mundo na magkaroon ng weekend. "What do you mean, hacked?" malamig niyang tanong. "Sir, someone breached our main server. Naka-lock ang access namin sa financial records, client databases, at internal systems. May encrypted files din po kaming hindi mabuksan." Tumayo si Marco mula sa kanyang kama. "Have you contacted our cybersecurity team?" "Opo, sir. Nandito na po sila. Pero hindi nila ma-trace kung sino ang gumawa. Mas advanced ang encryption kaysa sa mga security protocol natin." "Then find a way!" "Sir, we're trying." Pinatay ni Marco ang tawag at agad na tinawagan si Daniel. "Get to the office. Now." "Sir? Saturday po ngayon." "I know what day it is, Daniel. Our company is under attack." Hindi na nagtanong ang kanyang assistant. --- Makalipas ang isang oras, nasa conference room na ang buong IT department. Nasa harapan nila ang malalaking monitor na puro error messages at encrypted files ang ipinapakita. Halatang pagod at kinakabahan ang lahat. "Give me an update," utos ni Marco. Tumayo ang IT head na si Adrian. "Sir, we're still trying to isolate the breach. Pero may posibilidad na ma-access ng hacker ang financial transactions natin." "How much are we talking about?" "Billions, sir. Kapag tuluyang na-corrupt ang records natin, malaking problema ang haharapin ng kumpanya. Hindi rin natin matitiyak kung may nakopyang confidential information." Napahawak sa noo si Marco. "Bakit hindi ninyo napigilan?" "Sir, our security system was bypassed using a very sophisticated method." "Then hire someone who can fix it!" Natahimik ang lahat. Maya-maya, nagsalita ang isang batang IT specialist. "Sir, may kilala po akong pwedeng makatulong." Lahat ay napatingin sa kanya. "Who?" "Isang independent cybersecurity expert. Hindi po siya nagtatrabaho sa kahit anong kumpanya. Pero kilala siya sa underground cybersecurity community. May ilang international companies na rin pong natulungan." "Can he fix this?" "She's very good, sir. Pero may kondisyon." Marco narrowed his eyes. "She?" "What condition?" "Napakamahal po ng professional f*e niya." "How much?" Nag-alangan ang lalaki. "Usually, millions po. Depende sa problema." Napatawa nang walang gana si Marco. "Millions? Kung kaya niyang ibalik ang sistema natin, I don't care if she asks for ten million." Nagkatinginan ang mga IT personnel. "Sir," dagdag ng specialist, "may nagsabi po sa akin na hindi raw siya tumatanggap ng proyekto nang basta-basta. Kailangan personal siyang puntahan." Marco grabbed his car keys. "Then let's go." --- BGC. Isang modernong condominium building ang kanilang pinuntahan. Kasama ni Marco si Daniel at ang IT specialist na si Adrian. "Are you sure this is the right place?" tanong ni Daniel habang nakatingin sa lobby. "Yes, sir. Dito po siya nakatira." Napatingin si Marco sa elevator. "What's her name?" "Emma." "Emma?" "Opo, sir. Pero hindi ko po alam ang buong pangalan niya. Sa online cybersecurity circles, iba ang ginagamit niyang pangalan." Hindi na nagtanong si Marco. Makalipas ang ilang minuto, nakatayo na sila sa harap ng isang malaking condominium unit. Pinindot ni Adrian ang doorbell. Walang sumagot. Muli niyang pinindot. May narinig silang mga yabag mula sa loob. Bumukas ang p***o. At sabay na natigilan sina Marco at Daniel. Nakatayo sa harapan nila ang isang babaeng nakasuot ng oversized white shirt, maikling pambahay na shorts, at makapal na salamin sa mata. Magulo ang buhok nito na nakatali lamang sa isang bun. May hawak itong mug ng kape. Si Emma Trinidad. "Good morning. May kailangan kayo?" Halos mapanganga si Daniel. Samantalang si Marco ay ilang segundo ring hindi nakapagsalita. Emma? Ang Emma na kilala niya? Ang babaeng pinadalhan niya ng payong? Ang babaeng nakikipagtalo sa kanya tungkol sa marketing strategy? Napatingin siya sa paligid ng pintuan. Hindi niya maiwasang mapansin ang malaking pagkakaiba nito sa Emma na huli niyang nakita sa opisina. Sa opisina, maayos itong manamit, eleganteng tingnan, at palaging presentable. Ngayon, mukha itong bagong gising na walang balak makipag-usap sa kahit sino. "Mr. Salazar?" Bahagyang tinaas ni Emma ang kilay. "Anong ginagawa ninyo rito?" Daniel finally recovered. "Miss Trinidad?" Ngumiti si Emma. "Hello, Daniel." Marco cleared his throat. "Is this your residence?" "Unless may iba pang Emma Trinidad sa unit na ito, yes." Napailing si Marco. "You're the hacker?" Napatingin si Emma kay Adrian. "Ah. So ito pala ang sinasabi mo." Adrian nodded. "Ma'am, emergency po talaga. Na-hack ang system ng Salazar Corporate Group." Uminom muna si Emma ng kape bago sumagot. "Pasok kayo." --- Pagkabukas ng p***o, halos mapatigil sina Marco at Daniel. Malawak ang condominium unit. Modernong-modernong interior design, glass windows, mamahaling furniture, at isang buong kuwartong tila ginawa para sa isang technology laboratory. May napakaraming high-end computers, multiple monitors, server equipment, at iba't ibang gadgets na hindi man lang makilala ni Daniel. Sa isang malaking screen, may mga code at system activity na mabilis na gumagalaw. "Welcome to my office," sabi ni Emma habang inilalapag ang mug. Marco looked around. "This is your home?" "Yes." "How many computers do you own?" Emma glanced at the monitors. "Enough to keep me busy." "You're an IT specialist?" Ngumiti siya. "May mga sikreto rin po akong hindi alam ng HR ninyo, Mr. Salazar." Napailing si Marco. "Unbelievable." "Anyway, what's the problem?" Agad na ipinaliwanag ni Adrian ang nangyari. Tahimik na nakinig si Emma habang binubuksan ang ilang files sa kanyang computer. Makalipas ang ilang minuto, nagbago ang ekspresyon niya. "Interesting." "What?" tanong ni Marco. "Hindi ordinaryong hack ito. May gumamit ng multiple access points para makapasok sa system ninyo. At hindi basta-basta ang taong gumawa nito." "Can you fix it?" Emma leaned back. "Depende." "On what?" "On how much you're willing to pay." Napataas ang kilay ni Marco. "How much?" She turned toward him. "Ten million pesos." Natahimik ang buong silid. Daniel almost choked. "Ten million?" Emma nodded calmly. "Ten million. Fifty percent upfront, the rest after successful recovery." Marco stared at her. "That's expensive." "Then you can find someone cheaper." Walang pag-aalinlangang sagot ni Emma. Marco glanced at the monitors. Bilyon-bilyong pisong negosyo ang nakataya. Sampung milyon para mailigtas ang kumpanya ay hindi malaking halaga kung ikukumpara sa posibleng mawala sa kanila. "Deal." Napangiti si Emma. "Good. Then please don't touch anything." Tinuro niya ang sofa. "At doon muna kayo umupo. Kailangan kong mag-concentrate." --- Halos apat na oras na ang lumipas. Tahimik ang buong condo maliban sa mabilis na pagta-type ni Emma sa keyboard. Minsan ay may binubuksan siyang terminal. Minsan naman ay may sinusuring code sa ilang monitors. Si Marco ay nakaupo sa sofa habang pinagmamasdan siya. Hindi niya akalaing ang babaeng palaging nakikipagdiskusyon sa kanya sa opisina ay may ganitong kalaking kakayahan. "Sir," mahinang bulong ni Daniel, "si Ms. Trinidad po talaga ito?" Marco didn't take his eyes off Emma. "Obviously." "Ang dami po niyang computer." "Daniel." "Yes, sir?" "Be quiet." Napangiti si Daniel at tumahimik. Makalipas ang ilang minuto, biglang nagsalita si Emma. "Found it." Agad na tumayo si Marco. "What?" "May nakatagong backdoor sa system ninyo. Hindi lang basta files ang tinarget. May kumuha rin ng access credentials ng ilang executives." Napatingin si Marco kay Adrian. "Can you trace the source?" Emma nodded. "Working on it." Muli siyang nag-type. Pagkaraan ng ilang sandali, lumitaw sa screen ang isang series of encrypted records. "Okay. Na-isolate ko na ang breach. Ire-restore ko ang original system files at aalisin ang unauthorized access." "How long?" "Give me another hour." At sa loob ng wala pang isang oras, unti-unting bumalik sa normal ang mga system. Nagliwanag ang screen. Bumukas ang financial database. Nagkaroon muli ng access ang internal servers. "Sir!" sigaw ni Adrian. "We're back! Restored na po ang system!" Napabuntong-hininga si Marco. For the first time that day, nakaramdam siya ng ginhawa. He looked at Emma. "You did it." Ngumiti lamang ito. "Told you. My part-time job is saving companies." Napatawa si Daniel. --- Bago sila umalis, inilabas ni Marco ang kanyang cellphone. "I'll transfer the ten million now." "Sure." Ilang minuto ang lumipas bago natapos ang transaction. Pagkatapos, muling tumunog ang cellphone ni Emma. Tiningnan niya ang notification. Isang milyong piso ang pumasok sa personal niyang account. Samantalang ang siyam na milyon ay nailipat sa isang charity organization. Napansin iyon ni Daniel nang silipin ang transaction confirmation na ipinakita ni Emma. "Emma, wait. Nine million po ang pinadala ninyo sa charity?" Emma nodded habang inaayos ang kanyang computer. "Yes." Marco frowned. "Why?" "Because I only need one million." "That's your payment. You earned it." "Exactly. And I decided that nine million should go somewhere it can help people." Natahimik si Marco. "You're donating nine million pesos?" "Yes, sir." "Just like that?" Emma looked at him. "May problema po ba?" Marco shook his head. "No. I'm just surprised." Ngumiti si Emma. "Not everyone needs ten million pesos to be happy, Mr. Salazar." Hindi agad nakasagot ang CEO. Sa unang pagkakataon, may nakita siyang bahagi ni Emma na hindi niya inaasahan. Hindi lamang ito matalino at mahusay sa trabaho. May puso rin ito. "Thank you, Emma." "You're welcome, sir. Pero sana next time, huwag naman Saturday. May plano rin akong magpahinga." Napatawa si Daniel. Marco smiled. "I'll keep that in mind." Paglabas nila ng condo, muling napatingin si Marco sa p***o. Hindi niya maiwasang isipin kung ilang bagay pa ang hindi niya alam tungkol sa babaeng iyon. At habang papasok sila sa elevator, may isang tanong na hindi mawala sa isip niya. Sino nga ba talaga si Emma Trinidad kapag hindi siya nakasuot ng corporate attire at nakaupo sa harap ng kanyang computer? Dahil mukhang ang babaeng akala niyang simpleng marketing strategist lamang ay may mas malawak pang mundong ginagalawan. At ngayon, mas lalo siyang naging interesado rito.Eksaktong alas-sais ng gabi nang matapos si Emma sa huling email na kailangan niyang sagutin. Isinara niya ang laptop at iniunat ang mga braso bago sumandal sa upuan.“Finally!” bulalas ni Carla mula sa kabilang mesa. “Akala ko dito ka na matutulog.”“May trabaho pa kasi.”“May date ka pa mamaya. Huwag mong kalimutan.”Napatingin si Emma sa orasan.“May isang oras pa ako.”“Anong susuotin mo?”“Damit.”“Emma!”Napatawa siya sa reaksyon ng kaibigan.“Relax. Magpapalit lang ako sa condo. Hindi naman ako pupunta sa royal wedding.”“Hindi mo kailangang magpakasimple. Gusto mong maganda ka, di ba?”“Gusto kong maging komportable.”“Pareho naman puwedeng mangyari.”Tumayo si Carla at inayos ang bag niya.“By the way, may balak ba kayong mag-usap tungkol sa status ninyo?”Napatingin si Emma sa kanya.“Bakit kailangan pag-usapan agad?”“Dahil naghalikan na kayo. Ilang dates na rin. At mukhang hindi na ordinaryong friendship ang nangyayari.”“Hindi naman kailangang lagyan agad ng label ang lah
Maagang dumating si Emma sa opisina kinabukasan. Bitbit niya ang paborito niyang iced coffee at isang folder na naglalaman ng mga dokumentong kailangan para sa bagong marketing campaign ng Salazar Corporate Group.Tahimik pa ang buong floor. Iilan pa lang ang empleyadong naroon, kaya diretso siyang nagtungo sa pantry para ilagay ang kape niya sa mesa.Habang binubuksan ang laptop, hindi niya maiwasang maalala ang nangyari kagabi.Ang sayaw nila ni Marco.Ang paraan ng paghawak nito sa kanyang baywang habang marahan silang umiikot sa dance floor.At higit sa lahat, ang mahinang bulong nito bago sila naghiwalay.“I'm glad you came with me.”Napangiti siya nang hindi namamalayan.“Good morning, Miss Universe.”Napalingon siya at nakita si Carla na nakasandal sa pintuan ng pantry, nakangisi.“Good morning din. Ang aga mo.”“Mas maaga pa sana ako kung alam kong may taong nakangiti mag-isa rito.”“Iniisip ko lang ang presentation natin.”“Talaga? Presentation ba ang tawag mo sa lalaking nak
Hindi madalas dumalo si Marco sa mga social events na walang direktang kinalaman sa negosyo ng Salazar Corporate Group. Ngunit nang makatanggap siya ng imbitasyon para sa isang annual charity ball and auction, agad siyang pumayag.Ang event ay inorganisa ng isang foundation na tumutulong sa mga batang nangangailangan ng medical assistance, educational support, at iba pang pangunahing pangangailangan.Bilang isa sa mga pangunahing corporate sponsors, inaasahang dadalo si Marco sa gabing iyon.Alas-siyete ng gabi nang makarating siya sa venue. Isang five-star hotel ballroom ang pinagdausan ng event. Napakaganda ng dekorasyon. May malalaking chandelier, eleganteng floral arrangements, at mahabang carpet patungo sa entrance.Suot ni Marco ang isang black tailored tuxedo na lalong nagbigay-diin sa kanyang pagiging gwapo. Kasama niya si Daniel na naka-formal suit.“Sir, nandito na rin ang ilang business partners natin,” sabi ni Daniel habang tinitingnan ang listahan ng mga bisita.“Good. Ma
Lunes ng umaga.Muling naging abala ang opisina ng Salazar Corporate Group matapos ang ilang araw na bakasyon ni Marco at ng mga kasama nila sa Trinidad Ranch. Sunod-sunod ang meetings, emails, at reports na kailangang asikasuhin.Maagang dumating si Emma. Nakaupo ito sa kanyang workstation habang sinusuri ang latest marketing campaign proposal. Paminsan-minsan ay napapangiti siya kapag naaalala ang nangyari sa resort.Lalo na ang halik nila ni Marco.Hindi niya maiwasang hawakan ang sariling labi habang nakatitig sa computer screen.“Uy!”Napalingon siya kay Carla na biglang sumulpot sa tabi niya.“Bakit?”“Bakit ka nakangiti mag-isa?”“Wala.”“Wala raw. Kanina ka pa nakangiti diyan. May nabasa ka bang joke?”“May nakita lang akong magandang report.”“Report?” Tinaasan siya ng kilay ni Carla. “O baka naman may naalala kang magandang nangyari sa beach?”Napailing si Emma.“Carla, trabaho.”“Okay, okay. Hindi na ako magtatanong.”Ngunit hindi pa man nakakaalis si Carla ay muli itong lu
Mabilis na lumipas ang hapon sa private resort ng pamilya Trinidad.Matapos mag-enjoy sa swimming pool at white sand beach, nagkaroon muna ng kanya-kanyang oras sina Carla at Daniel para magpahinga. Si Carla ay halos hindi bumitaw sa cellphone dahil sa dami ng litrato at videos na kinunan niya. Si Daniel naman ay nag-enjoy sa kayaking bago nagpahinga sa isang cabana.Samantala, sina Emma at Marco ay naglakad sa dalampasigan.Naka-swimsuit si Emma na may puting cover-up, habang si Marco naman ay nakasuot ng simpleng beach shorts at puting polo na nakabukas ang ilang butones sa itaas.“Enjoying your stay?” tanong ni Emma.“More than I expected.”“Good. At least hindi ka nagsisisi na sumama ka.”“Actually, I was already enjoying the trip before we even reached the island.”Napatingin si Emma sa kanya.“Because of the helicopter?”“Not exactly.”“Then because of the food?”“Getting warmer.”Napangiti si Emma.“Then what?”Marco stopped walking and faced her.“Because I got to spend time w
“Akala ko tapos na ang mga sorpresa mo,” natatawang sabi ni Carla habang naglalakad sila palabas ng barn.Ngumiti si Emma.“Hindi pa.”Napahinto si Carla.“Wait. May iba pa?”“May gusto pa akong ipakita sa inyo.”Napatingin si Daniel kay Marco. Pareho silang tila naghihintay kung ano na naman ang susunod na sorpresa ng kaibigan nila.“Emma, kailangan ba naming maghanda mentally?” biro ni Daniel.“Hindi naman. Relax lang kayo.”“Kapag sinabi mong relax, ibig sabihin may twenty million pesos na naman tayong makikita,” komento ni Carla.Napatawa si Emma.“Come on. Sundan ninyo ako.”Sumakay silang muli sa utility vehicle. Sa pagkakataong ito, hindi sila dumaan pabalik sa mansion kundi sa isang malawak na pathway patungo sa kabilang bahagi ng property.Makalipas ang ilang minuto, napansin ni Marco ang isang malawak na open area na may maayos na landing pad.May isang helicopter na nakaparada roon.Itim at puti ang kulay nito, makintab ang katawan at halatang mamahaling modelo. May ilang t







