Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series
Under Your Spell (Tagalog/Completed) BISU Series
Author: Maui Azucena
Chapter 1

            "What's your name and where are you from?" tanong ni JR Valdez, Fil - Am international singer at isa sa mga judges ng XYZ Factor na isang reality singing contest TV show sa bansa.

            Kakikitaan naman ng confidence ang contestant nang ito ay sumagot sa nasabing judge. Hindi maalis ni Hera Ashley ang kanyang mga mata sa telebisyon. Papatayin na sana niya ito upang gawin ang kanyang assignment sa Science ngunit nang marinig ang boses nito at makita sa telebisyon, hindi na niya maalis sa screen ang kanyang mga mata. 

            "I'm Michael Hugh Perez po from Batangas."  malakas na hiyawan ang narinig mula sa mga audience sa studio lalo na ng mga kababaihan. 

            'Aba at kababayan pa pala.'

            "How old are you?" tanong ni Madame Corita.

            Nakangiti namang sumagot si Michael Hugh. "17 years old po."

           "And single?" tanong muli ni Madame Corita nang mapansin ang mga kababaihang kinikilig kay Michael Hugh.

            "Yes po, single po." 

            "Hmm.. mukhang magigiba ang ating studio sa lakas ng hiyawan dito, Madame Corita?" nakangiti namang wika ni Chandra, RNB princess ng bansa at award winning singer.

        Nagpatango tango naman si Madame Corita na mukhang sang - ayon sa sinabi ni Chandra. 

        "Okey Michael Hugh. Let's hear it from you." anang isa sa mga Big Bosses ng station na si Sir Ferdinand.

        Pumailanlang sa studio ang panlabang awit ni Michael Hugh na Everything I Own ng bandang Bread. Pigil ang hiningang pinakingan niya ang binata hanggang sa makatapos ito ng pag - awit. Wahhhh.. ang lamig ng boses niya. Nanunuot sa kanyang puso ang bawat lyrics na sambitin nito. 

You sheltered me from harm

Kept me warm, kept me warm

You gave my life to me

Set me free, set me free

The finest years I ever knew

Were all the years I had with you

And I would give anything I own

Give up my life, my heart, my home

I would give everything I own

Just to have you back again

You taught me how to love

What it's of, what it's of

You never said too much

But still you showed the way

And I knew from watching you

Nobody else could ever know

The part of me that can't let go

And I would give anything I own

Give up my life, my heart, my home

I would give everything I own

Just to have you back again

Is there someone you know

You're loving them so

But taking them all for granted

You may lose them one day

Someone takes them away

And they don't hear the words you long to say

        Niyakap niya ang throw pillow. Kinikilig talaga siya. Ang guwapo na, ang galing pang kumanta ni Michael Hugh Perez.

          'I think I'm in love!'

        Ang malakas na tibok ng puso ay nakisabay sa hiyawan sa loob ng studio. Nakuha ni Michael Hugh ang apat na yes mula sa mga judges na ang ibig sabihin ay pasok ito sa sunod na round. Mukhang kailangan niyang magtipid  para lang makapagload at  makaboto kay Michael Hugh.

*****************

        2 years later..

        "Hoy!"

        "Ay kabayo!" halos napatalon sa kinatatayuan si Ashley nang marinig ang sigaw ni Zanjoe. Pinanlakihan niya ito ng mata at hinampas sa braso.

        Kasalukuyan silang nasa open field ng pinapasukang university, Batangas Institute State University. Pareho silang kumukuha ng Bachelor of Secondary Education o BSEED ni Zanjoe. Though ang alam niya Architecture talaga ang gusto ni Zanjoe. Hindi lang niya mawari kung bakit last minute ay nagbago ang inilagay nito sa Entrance Exam Application Form. Parehong nakapasa at ngayon ay Second Year College na sila. Dalawang taon na lang ang bubunuin nila para makapagtapos ng pag - aaral.         

        "Ouch.. Ouch!" anitong sinasalag ang mga hampas niya. "Masakit yan Ashley ha. Hindi pa tayo mag - asawa, binubugbog mo na ako. Eh Paulanan kaya kita ng pagmamahal dyan eh."

        Pinameywangan niya ito. "Nakakainis ka kasi eh. Ikaw kasi. Nanggugulat ka naman. Kita mo nang may binibilang ang tao eh. Tsaka anong sinasabi mong mahal - mahal. Mahal ang bilihin ngayon."

        Sinulyapan nito ang hawak niya sa palad. Nakakunot ang noong tumingin ito sa kanyang mukha. "Aanhin mo na naman yang pera mo. Sasayangin mo na naman sa posters at CD ng pangit na Hugh na yun."        

        Yes. Hugh won XYZ Factor as the grand champion. Hindi lang dahil sa lakas nito sa text vote kundi hindi naman talaga matatawaran ang galing nito sa pag - awit. Mula noon ay namayagpag na ang career ng binata from Michael Hugh Perez ay naging Hugh Perez na lang ang screen name nito. Hindi rin siya pumalya sa pagsuporta dito. Maliban na lang sa mga concerts. Ni isa ay wala pa siyang napupuntahang concert nito.

        "Hoy, hoy mahiya ka naman, kung pangit siya.. ano ka pa?" aniya sa kababata.

        "Aray!" anitong sinapo ang dibdib. "Ang sakit mo namang magsalita. Sobra ka naman."

        Naguilty naman siya para sa kaibigan. "Sorry naman Zan.. ngingiti na yan.. uy. Ngingiti na ang best ko." lambing niya sa kaibigan na bahagyang kinulbit - kulbit.

        Ngumiti naman ito sa kanya pagkaraang bumuntunghininga. "Magkano pa ba kulang mo?"

        'Sabi na.'

         Hindi naman talaga siya natitiis nito eh. Palagi nang to the rescue pag kailangan niya ng tulong. Kahit hindi ito sang - ayon sa pagkahumaling niya kay Hugh ay sinusuportahan pa rin siya nito. 

        Lumapad ang ngiting tumingin siya dito. "May 45 pesos ka ba diyan? Yun na lang ang kulang ko eh para mabili yung CD ng bagong album niya."

        Kinuha nito ang pitaka at nag - abot ng 50 pesos sa kanya. 

        Tinanggap niya ito at mabilis niya itong niyakap. "Thanks Zan.. you're an angel. Babayaran din kita bukas."

        "Kahit huwag na. Ngumiti ka lang sapat na." Anitong gumanti din ng yakap sa kanya.

        Ashley smirked at him. 'Loko talaga 'to'

***********************

        "Alin ba ang mas maganda dito? Ito ba o ito?" tanong niya kay Zanjoe habang pumipili kung alin sa dalawang nagustuhan niyang poster ang bibilhin niya. Isang poster na lang kasi ang kakasya sa pera niya.

        Wari'y nababagot na si Zanjoe kaya itinuro nito ang isang poster. Nakapili na ito pero parang ayaw rin niyang bitawan ang isang poster. Nanghihinayang kasi siya dahil ang ganda din ng ngiti dito ni Hugh. 

        Napabuntunhininga naman si Zanjoe. Nakita niyang kinuha nito ang pitaka sa pantalon at iniabot sa kanya ang perang papel.

        Nagtatanong naman ang matang tumingin lang siya dito.

        "Kunin mo na at bayaran mo na din yang isang poster. Uugatin na tayo dito oh. Isa pa baka mapagalitan na tayo ni Tita Miles. Magagalit yun kapag nalamang nagpunta pa tayo dito sa mall."mahabang paliwanag sa kanya ni Zanjoe.

        "Hayaan mo na. Iyo na yan. Okay na ako dito sa isa." aniyang nanghihinayang na binitawan na ang nagugustuhan ding poster. Hindi naman niya kinuha ang inaabot na pera ni Zanjoe. Hindi naman siya abusado ano at may kahihiyan pa rin namang natitira sa kanya.

        'Babalikan kita Hugh' 

        Pangako na lamang niya sa sarili. Maya - maya pa'y dala dala na nila ang pinamili. Hinila na niya si Zanjoe papunta sa sasakyan nito. 

               

*******************

        Madilim - dilim na rin nang makauwi sila ng San Fermin. Nakita pa nilang nakatanaw na sa gate nila ang kaniyang mga magulang na sina Miles at Jerson at maging mga magulang ni Zanjoe na sina Karren at Phem. Magkapitbahay lang kasi sila ng kaibigan si Zanjoe. Magkakaibigan naman ang kanilang mga magulang. Magkasosyo din sa negosyo tulad ng Sweet Buds, isang bakeshop resto na ipinaubaya sa mga ito nina Lola Lyn at Lolo Mac na nagmigrate na sa Amerika simula nang mawala ang anak ng mga itong si Tito Enzo. Since magaling magluto si Ninang Karren ay nagresign na ito as elementary teacher at mas hands on ito sa Sweet Buds kaysa sa kanyang ina na piniling ipagpatuloy ang pagtuturo sa CAS Department ng BISU. 

        'Naku, lagot na.'

        Bakit ba kasi nagkasabay pa silang nalowbat ni Zanjoe. Hindi tuloy sila nakapagtext man lang na hahapunin sila. Correction, gagabihin pala.

        Napatingin siya kay Zanjoe na punong - puno ng pag - aalala sa mata.

        Ngumiti lang ito na parang walang anumang ipinarada sa isang tabi ang sasakyan. Nang mapatay ang makina ay agad itong bumaba, umikot papunta sa side niya at ipinagbukas siya ng pinto.

        "Ashley.. bakit naman ginabi na kayo ng uwi? Kanina pa kayo nakalabas ah." agad na bungad sa kanya ng kanyang ama na si Jerson.

        Agad siyang nagmano sa mga magulang ganundin sa kanyang Ninong Phem at Ninang Karren.

        "Sorry po. Niyaya ko po si Zan na sumaglit sa mall. May binili lang po ako. Hindi naman po namin aakalain na maiipit kami sa traffic."

        "Okay. Next time ay magtext man lang kung nasaan na kayo ha. Nag - alala naman kami at gabi na ay wala pa kayo." si Ninang Karren na kinakausap silang dalawa ni Zanjoe.

        "Opo Nang."

        "Siya magsipasok na kayo sa loob at magbihis na. Maghahapunan na tayo Ashley. Ikaw na lang ang hinihintay namin. Kanina pa nagyayayang kumain si Apollo."

        Agad naman siyang sumunod sa ama makaraang makapagpaalam sa kanyang Ninang Karren at Ninong Phem at makapagpasalamat kay Zanjoe. Pagkarating sa silid ay excited niyang binuksan ang mga posters ni Hugh at ipinaskil sa dingding.

        'There you go my loves. Araw araw kitang makikita. Ayieeee'

        Malalakas na katok sa pinto ng kanyang silid ang pumukaw sa kanya.

        "Ashley.. hindi ka pa ba bababa? Kanina ka pa namin hinihintay. Nakabihis ka na ba?"

        Pandalas siyang kumuha ng pamalit na damit bago sumagot sa ina. "Opo Ma.. susunod na po."

        Nang makapagbihis at bago bumaba papunta sa komedor ay muli niyang sinulyapan si Hugh.

        'See you later Hugh'

        "Ashley!"galit nang sabi ni Apollo, ang kakambal niyang kapatid.

        'Lagot.'

***************************

                  "Pinag - iingat ang buong lalawigan ng Batangas maging ang mga karatig lugar nito sa mas lalo pang paglakas ng bagyong Biring. Suspendido ang klase sa lahat ng antas. Wala ring pasok ang mga empleyado ng gobyerno at pampribadong kompanya. Inaasahan pa ang paglakas ng hagupit ng Bagyong Biring mamayang gabi. Radyo Patroller 25, Aubrey Mikaela Azucena nag uulat"

              Nauna na rin niyang nalaman sa Official FB Page ng BISU ang announcement ng suspension ng klase maging sa kolehiyo.

               Napatingin siya sa mga posters ni Hugh. Iniimagine na sa kanya ito nakangiti. OMG, nakakakilig lang.

                "Maghapon na naman kitang makikita, my love!"

                Matagal na sandali din siyang nakatitig sa posters nang hindi na niya namalayan nang igupo siya ng antok.

               Hinahabol siya ni Hugh sa may dalampasigan. Hawak hawak nito ang kanyang shawl.

                "Gotcha!" anito nang maabutan siya sabay pulupot ng mga bisig sa kanyang maliit na beywang.

                Tawa lang sila nang tawa hanggang sa mapagod. Nanatili itong nakayakap sa kanya mula sa likuran at nakatingin sa papalubog na araw.

                Maya maya pa ay inalis nito ang mga kamay na nakapulupot sa kanya at ipinatong sa ibabaw ng kanyang balikat ang hawak nitong shawl. 

                "There. Hindi ka na lalamigin." anitong nakatitig sa kanya. Akmang hahalikan na siya nito nang...

                "Ashley!" sigaw sa kanyang tainga ni Apollo.

                Bigla siyang napabalikwas ng bangon sa gulat. "Ano ba yan Apollo? Kita mo nang natutulog ako eh." naiinis na wika niya sa kapatid. Haist.. sayang ang eksena sa panaginip niya. Malapit na eh.

                "Kanina pa kita ginigising. Ano't tulog mantika ka diyan? Tawag ka sa baba ni Mama. May ipagagawa yata sa iyo. Sumunod ka na ha." anitong dire - diretso nang lumabas ng silid niya.

                Nilingon pa niya ang posters ni Hugh bago sumunod kay Apollo.

                'Sayang.'

****************************

                 

                  Hindi maiwasan ni Ashley na mapasimangot sa isang eksena sa I Got You na isang weeklong teleserye ng isang sikat na istasyon kung saan si Hugh ang lead actor. 

                'Bakit ba kasi kailangang pang magkiss nina Hugh at nang ka love team nitong si Kristel?'

                Maya - maya pa'y biglang sumulpot sa unahan si Zanjoe. 

                "Hello Ash!" nakangiti pang bati nito sa kanya.

                "Umalis ka nga dyan. Kita mo nang nanonood ako eh." aniya sa kaibigan habang panay ang silip sa telebisyon.

                "Manonood tapos mamaya nama'y bad mood na naman." uungol ungol na sabi nitong umupo sa kanyang tabi.

                "Hayaan mo na lang kasi. Gusto ko lang naman na subaybayan ang teleserye ni Hugh. Ang nakakainis lang bakit kasi may kissing scene pa. Haler.. at this hour gising pa ang mga kabataan ano?"

                Natatawa namang tumingin sa kanya si Zanjoe. "Ang sabihin mo nagseselos ka na naman kay Kristel. Hays, Ashley. Nangangarap ka na naman ng gising."

                'Aba.. aba.. anong akala nito sa akin? Nagpapantasya lang. Ito, kapag naging boyfriend ko talaga si Hugh, Who Hugh ka sa akin.'

                Sumandig siya at inihilig ang ulo sa balikat nito.

                Natahimik naman ito at nakipanood na sa kanya hanggang sa matapos na ang teleserye.  

                Hindi naman maiwasang humikab ni Ashley nang matapos ang teleserye.  

                "Inaantok ka na ba? Yayayain pa naman sana kitang mag ice cream sa labas." ani Zanjoe nang mapansin ang kanyang paghikab.

                Namumungay naman ang matang tumango siya.

                "Okay. Goodnight Ash. Sweet dreams." anitong humalik muna sa kanyang noo bago tuluyang umalis.

                Humiga na siya sa kanyang kama at tumingin muna sa posters ni Hugh.

                'Goodnight Hugh.'

*********************

                Iritableng naupo sa kanyang music room si Hugh. Bakit ba kasi hindi muna ikinunsulta sa kanya ni Kuya Mark kung payag siya o hindi bago siya isubo sa isang proyekto? Si Kuya Mark ang gay handler and talent manager niya. Okay lang naman sana kaso hindi naman nito sinabi sa kanya. Wala na ba siyang kalayaan na piliin ang project na gagawin niya? Pinirmahan daw niya ang MOA at kontrata. Ang tanong ay kailan? Wala naman siyang maalala o baka naman sa karamihan na ng iniisip ay hindi na niya naiintindihan? Ano bang akala nito sa kanya, robot? Ni hindi na nga rin sila nagkikita ng mga magulang sa dami ng projects na sunud - sunod niyang ginagawa. 

                "Kuya Mark, can I say no?"

                Umiiling naman itong sumagot sa kanya. "You can't Hugh. Nakapirma ka na sa kontrata."

                "Okay, fine. I'll do it." sana ito na ang huling project na si Kuya Mark lang ang pumili. Maya - maya'y pumasok sa room si Kristel. Magkasama ang mga ito ni Kuya Mark nang pumunta sa kanyang bahay.

                Sexy naman talaga ito at maganda ngunit hindi lang talaga niya ito type. Kinakailangan lang nilang umarte sa harap ng kamera na attracted sa isa't isa for the sake of chemistry ng love team nila. HughKris loveteam na hanggang ngayon ay siyang nangunguna sa lahat ng loveteam sa bansa.

                "What seems to be the problem?" tanong nito na umupo sa tabi niya.

                "I just can't say no to the project that I planned not to accept." palatak niya sa katabi.

                Nagkibit - balikat naman si Kristel. "Grab it while it lasts. Maraming aspiring artists na gustong makamit ang narating mo ngayon."

                 Napabuntunghininga na lamang siya. Ngayon pa lang iniisip na niya kung paano makakabawi sa kanyang pamilya sa mga mahahalagang okasyong na wala siya. 

************************

                

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status