ANMELDEN
"MGA WALANG hiya kayo!" Sigaw ko nang umuwi ako sa apartment ko na nirerentahan at ako ang nagbabayad. Nakita ko si Fred na boyfriend ko na nakapatong sa isang babae.
"Ang bababoy niyo! Sa apartment ko pa kayo gumagawa ng kababuyan!" Angil ko at pinagpapalo ng unan si Fred. Ayon lang kasi ang unang nakita ko. Pero ang paghampas ko ay malakas dahilan na mapabalikwas siya at mapaiwas sa bawat hagod ng hampas sa kanya. "Naomi, I can explain!" Habang pilit na sinasalag ang mga hampas ko ng unan. "Siraulo ka ba? Anong explanation pa? Eh caught in the act ka na ngang hayop ka!" Hindi ko siya tinigilan sa pag papalo ng unan. Sa sobrang inis ko, pati ang babae na kalaro niya ng apoy ay hinabol ko ng hampas. Tumitili itong lumabas ng apartment na naka tapis lang ang katawan ng kumot. Paboritong kumot ko pa naman iyon ang nadala ng higad na malanding babae na 'yon! "Bumalik ka dito. Malandi ka!" Sigaw ko at na- alarma na ang mga kapitbahay pati ang mga tsismosa ay hindi pinalagpas na magbulong- bulongan. Mabibigat ang mga yabag ko nang pumasok muli sa apartment. Nakabihis na si Fred. Hindi ko siya pinansin. Nang subukan niya akong hawakan, marahas kong ipiniksi ko ang kamay ko saka ko siya tinulak at nilagpasan. Dumeretso ako sa kwarto namin na na ngayon kwarto ko na lang. Kinuha ko ang lahat ng damit niya sa cabinet at pinagtatapon ito sa may labas. "Lumayas ka! Bago pa mandilim ang paningin ko." Nalilisik na ang aking mga mata sa sobrang inis ko sa kanya. "Naomi, pag- usapan natin 'to, please." Pagmamakaawa nito. Lagi naman siyang ganito, dinadaan ako sa paglalambing niya. Dati hindi ko mahindian kasi sobrang patay na patay ako kay Fred. Long time crush ko siya, Guwapo, yummy body, malinis sa katawan, malambing at maalaga—lahat ng hinanap ko noon, nasa kaniya na. Pero ngayon! Isang malaking ekis. Ipapa- tattoo ko pa sa noo niya ang markang ekis. Hindi na niya ako madadaan sa ganito. Nahuli ko na rin siya dati na may kasamang babae, nadaan niya ako sa pa- sweet at pa- flowers. Ang tanga ko lang bumigay ako. Naging marupok ako. Kaya pinatawad ko siya. Hinawakan niya muli ang aking kamay. "Please, Naomi. Sorry na babe. Si Honey kasi ang nagpumilit." Kung nakakamatay lang talaga ang titig ko, kanina ka pa namatay na h*******k ka! "Tingnan mo! Honey pa tawagan niyong putcha ka! Lumayas ka sa pamamahay ko!" "Honey ang pangalan niya, babe." "Magsama kayo ng Honey mo! Hayop ka, wag mo kong tawaging babe!" Asik ko. Pinagpapalo at tinampal- tampal ko siya. Hindi ko na alam kung saan na nag- landing ang mga kamay ko, bahala na, ang mahalaga ay nakaganti ako sa kanya. Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sasabihin niya, sawa na ako sa paulit- ulit niyang paghingi ng tawad sa akin. Paulit- ulit rin naman nitong ginagawa. Ang masakit tatlong taon ako nagtiis na ako ang gumagastos sa amin at ako ang nagtatrabaho kasi nag- aaral pa siya ng kursong Marine Technology. Para sa huli siya naman daw ang mag- trabaho para sa amin kapag nakasampa na siya ng barko. Magandang pangarap sana para sa future namin pero nabalewala ang lahat. Binilabag ko ang pagsara ng pinto. Ayaw ko na siya marinig. Sawa na ako sa mga paliwanag niya. Ngayon ko lang na- realize na ginawa pala akong sugar mommy ng hayop na lalaki na 'yon. Gusto ko sana sumandal sa likod ng pinto parang napapanuod sa pelikula at umiyak sa likod nito, pero tila naging manhid na ako at sobrang galit ako, hindi sa kanya kung hindi sa sarili ko. Dahil nag pakatanga ako sa isang pag-ibig na akala ko pang matagalan na. Kumuha ako ng tubig sa may kusina, nilagok ko ang tubig sa baso. Nang maubos ko ito, doon na bumuhos ang aking luha. Kahit naman, ganoon ang ginawa ni Fred sa akin, may mga masasaya pa rin naman kaming alaala. Pero hanggang dito na lang ito at dito na 'yon magtatapos. "Naomi." Tawag sa akin ni June na katrabaho ko. "Tulala ka nanaman diyan, girl." Nagising ang aking kamalayan sa pag tawag nito sa akin. May customer na pala ako. "Miss, can I see the latest collection of your bag?" Ngumiti ako sa customer. "Sure ma'am right this way." Nasa main store ako ng Emeraude nagtatrabaho. Isa itong bag store na nagbebenta ng matitibay, dekalidad at abot- kaya na mga bags. Pang masa siya pero meron din kaming mga mamahalin na mga bags na umaabot ng million ang halaga. Sa VIP lounge ko pinasunod ang customer ko, nag suot ako ng gloves at inilabas ang Emeraude's collection series na mga bags. Pinakita ko ito sa customer. Nagningning ang mga mata nito nang makita ang magagandang klase ng mga bag. “Handmade po lahat ng iyan,” paliwanag ko habang maingat na inaayos ang bawat piraso sa mesa. “Ang ginagamit naming materyales ay pinaghalo ng premium synthetic leather at reinforced canvas, kaya kahit pang-araw-araw na gamit, hindi po agad nasisira.” Isa-isa kong ipinakita ang mga detalye. Ang makinis na tahi, ang solid na zipper, at ang loob ng bag na may sapat na compartments. “Ang maganda po sa Emeraude,” dugtong ko, “designed siya para sa mga taong laging on the go. Pang-office, pang-meeting, pang-travel—isang bag, maraming gamit. Hindi niyo na kailangan magpalit kada okasyon.” Hinawakan ng customer ang isang tote bag at bahagyang hinila ang strap. Napangiti siya. “Matibay,” sambit niya. “Opo,” sagot ko. “Tested po iyan for weight. Kahit laptop, planner, cosmetics, at personal items, kaya po niyang dalhin nang hindi nawawala ang shape.” Lumipat ang tingin niya sa iba’t ibang kulay na naka-display. “Available po iyan in multiple shades,” sabi ko agad. “Neutral colors para sa professional look—black, taupe, mocha. May mga seasonal colors din po kami kung gusto ninyo ng mas fresh na dating.” Napatawa siya nang bahagya ang customer. “Parang gusto kong bilhin lahat ng kulay.” Ngumiti ako. “Madami po talagang gan’yan ang ginagawa, ma’am. Iisa ang design, pero iba ang personality kada kulay. Madaling i-partner sa damit, kaya sulit.” Tahimik siyang tumango at halatang nag-iisip na. “Bukod po doon,” dagdag ko pa, “limited release lang po ang collection na ito. Once sold out, bihira po kaming mag-restock ng exact same shade.” Doon na siya tuluyang napangiti. “Sige,” sabi niya. “Kukunin ko ang tatlong kulay.” At sa sandaling iyon, kahit pagod at mabigat pa rin ang dibdib ko mula sa mga nangyari, ramdam ko ulit kung bakit ko minahal ang trabahong ito— dahil sa bawat bag na naibebenta ko, may kwento ng tibay, praktikalidad, at tahimik na lakas na ipinapasa ko rin sa ibang tao.UNO: Hey, bro. Having fun?Napatitig ako sa Navi Tab. Hindi ko nireplyan kakambal ko. Dahil wala akong oras makipag chat pa sa gung-gong na 'yon. Inilapag ko sa tabi ko ang tablet. Nakaupo lang ako sa kama ng aking suite at hind namalayan na napangiti sa kawalan nang sumagi sa isip ko si Belle. Challenge para sa akin kapag sinusungitan ako ng babae. Kinuha ko muli ang tab at hinanap siya sa guest list ng isla.May internal chat system kasi ang isla. Pwede kang makipag- interact sa ibang guest. May sariling social media rin na pwede kang mag- post at maghanap ng ka date mo o yung iba ay nasa Euphoria's Cupid na app. Isang matching app na pwede kang mag- hanap ng ka-match. Swipe right and swipe left lang.Nang makita ko siya, wala pa siyang uploaded na picture. Mukhang hindi nga siya nandito para makipaglaro. I tried to send her a message.'Hi.' Binura ko. Sounds creepy. 'Hey.' Binura ko. Parang tropa ang dating. Binura ko ang lahat ng drafts.Hindi ko kailangang magpakitang-tao. Mas l
MATAPOS makapagpahinga, dahil sa mahahabang paglalakbay marating ang napakagandang isla ng Euphoria. Naisipan kong bumaba para libutin muna ang hotel na aking tinutuluyan. Mag-isa lang ako naka-check in sa Hotel Nirvana. Maayos din naman. Sobra pa nga. Ang suite ko ay may floor-to-ceiling glass window na tanaw ang dagat, may sariling balcony, at may amoy ng fresh linen at mahal na kahoy. Hindi ko kasama si Sof—ay si Coco pala. Dapat masanay na akong tawagin siyang Coco. Gaya nga ng unang sabi niya sa akin ay magkahiwalay kami, nasa private villa niya kasi siya. Ayos lang naman sa akin guest lang niy ako rito. Ang kanyang access ang gamit ko kaya ako narito sa Euphoria. Sa kanya pa rin ang desisyon kaya wala akong karapatang mag reklamo. Pero sa akin ang desisyon kung hanggang saan ko kayang makisabay sa karangyaan ng lugar na ’to. Hindi ko naman afford ang membership. Kahit yung sinasabi nilang pinaka-“affordable” na subscription ay parang sampung taon ng sahod ko ang katumbas.Humin
“CONGRATULATIONS, approved ka na.” Masiglang bati sa akin ni Sofia habang nakangiti hanggang tenga. “So, kailan ang balak mong pumunta sa Euphoria?”Kumunot ang noo ko. May kung anong biglang kabog sa dibdib ko sa tanong niya. “Hindi mo ko sasamahan?” tanong ko pabalik.May katahimikan muna sa pagitan namin. Nabuhayan ako nang magsalita muli si Sofia.“Ano ka ba.” Tumawa siya. “Sasamahan siyempre. Pero separate cabin tayo. Hindi tayo mag- share ng kwarto. Mapagkamalan pa tayong mag-jowa. O worse, lesbi.”Napahalakhak ako at napailing. “Grabe ka.”“Professional image, darling,” biro niya sabay kindat. “Tsaka mas masaya ’yon. May space at mystery.” Nakakaloko siyang tumingin sa akin.“Fine,” sabi ko habang humihinga nang malalim. “Magpapaalam muna ako sa manager ko na mag- leave.”“O sige,” sagot niya agad. “Basta inform mo lang ako kapag approved na ang leave mo.”“Yes, I will.”“You’ll love it there,” dagdag pa niya, mas seryoso na ang tono. “I swear. The place is… different. Para kan
"C'MON, Theo. Sumama ka na kasi. Para mawala na ’yang kulubot mong mukha. Para ka nang tatay." Sinamaan ko ng tingin ang kakambal ko na kanina pa ako kinukulit na sumama sa kanya sa Euphoria. Tinaktak ko ang upos ng sigarilyo ko. Sumandal ako sa aking swivel chair humithit dito hinila ang usok paloob ng dibdib bago ko dahan-dahang ibuga. Pinatong ko siko ko sa may armrest ang kanan ay bahagyang nakataas dahil may sigarilyo at ang kaliwa'y naka- relax. "I don't want to go, Tobby. I just want to be alone. And get the f*ck out of my office." "Tanginang 'yan. Diyan ka magaling eh, you always shutdown people even your own brother. Ang sakit." Umarte ito na parang tinamaan ng bala sa may puso niya. "Siraulo!" Pinatay ko ang sigarilyo sa may ashtray sa tapat ko. Tumayo ako at nag tungo sa may bar counter at nagsalin ng whiskey. "Kasi naman, bro. Hanggang ngayon hindi ka pa rin makagetover kay Mel. It's been months since she broke up with you." Humigpit ang kapit ko sa baso. Kapag binab
TAHIMIK ang apartment nang makarating ako. Patay ang ilaw. Magulo pa rin ito. Yung mga hugasan na pinggan mula kahapon ay naroon pa rin. Umupo muna ako sa sofa para magpahinga saglit. Mga ilang minuto lang ay tumayo rin ako, pumunta muna ako sa kusina at sinimulan maghugas ng mga pinggan, nagpunas ng maduming counter top, nag walis ng buong bahay at tinapon ang basura sa labas. Pinagod ko ang sarili ko. Nag pahinga ng kaunti at naligo na. Nang mahiga na ako sa aking kama, doon ko naalala ang sinabi kanina sa akin ni Sofia.Binuksan ko ang email ko, at doon ko nakita ang invite. Naka- secured email ito. Naroon ang code sa email at nilagay ko rin ang date of birth ko kasama ng code para mabuksan ko ang mismong invite. Binuksan ko ang secured email.Saglit munang nag-freeze ang screen, parang may ini-scan. May lumitaw na maliit na icon sa gilid—isang abstract na simbolo na parang pulso ng puso na unti-unting kumikislap. Ilang segundo pa, saka tuluyang nagbukas ang laman ng mensahe.FROM
LUMABAS akong malapad ang ngiti sa VIP lounge ng store na pinagtatrabahuan ko. Dala ko ang order ng customer. Masaya ako kasi after seven days na hindi binabalik ang item, ay makukuha ko ang incentives ko sa naibenta kong bag. Sinamahan ko ang customer na magbayad sa cashier ang customer at binigay ko ang sales code ko para may register sa system ang incentives ko."Thank you ma'am, may freebies po kayo na wallet dahil bumili kayo ng tatlo." Magalang kong inabot ang malalaking paper bag sa kanya. Malapad itong ngumiti sa akin, at kinuha ang pinamili niya. "Thank you. Anong pangalan mo?"Nag curt-bow muna ako. "You're welcome po, ako po si Naomi""Buo mong pangalan?""Naomi Gonzales ang buo ko pong pangalan.""I'm good at names," ngumiti siya at tinuro ang sentido niya. "Ikaw ang hahanapin ko kapag bibili ulit ako ng bags.""Nako, thank you po, ma'am?" Nakahalata naman siya na tinatanong ko rin ang pangalan niya."I'm Erin Quiambao.""Thank you po ulit ma'am Erin." Masaya kong pasasal







