Share

A Contract Marriage With Abe Dela Torre
A Contract Marriage With Abe Dela Torre
Author: Lilian Alexxis

Chapter 1

last update Last Updated: 2025-07-24 19:29:44

“Isla, paki-photocopy ang mga documents na ito. Fifteen copies tapos ilagay mo sa CEO’s conference room,” utos ni Maddie, ang sekretarya ng Marketing Manager namin na si Mr. Desiderio Refuerzo. 

Napatango ako bilang pagkumpirma na naintindihan ko. 

“Sorry, ngayon lang kasi iniutos ni Sir. May pinapagawa rin siya sa aking presentation para sa Lunes,” ani Maddie na halata namang nagsasabi ng totoo.

“Huwag kang mag-alala, hindi ako uuwi nang hindi tapos ito,” paniniguro ko sa kanya.

“Haaay! Paano na lang ako kung wala ka?” pa-cute pang sabi ni Maddie.

Natawa naman ako sa hitsura niya pero isa iyon sa nagustuhan ko kay Maddie, magaan ka-trabaho.

“Heto naman ay pakidala na rin sa CEO’s office mamaya. Wala si Ms. Mona kaya iwan mo na lang sa table niya,” pagbibigay pa ulit ni Maddie ng instructions bago ngumiti ng tipid at nagmamadaling bumalik sa kanyang work station. 

Masuwerte ako na dito sa Marketing Department ng Claveria Nickel Mining Corporation na-assign para mag on-the-job training last year at dahil nangangailangan sila ng office clerk ay in-absorb na ako ng kompanya. Inilakad din ni Mr. Refuerzo na 6:00 am to 3:00 pm ang oras ng pasok ko dahil may ilang buwan pa akong binubuno sa pamantasan bago makapagtapos ng aking pag-aaral.

Napilitan akong mag-extend ng isang oras para masiguro na maayos kong nagawa ang ibinilin ni Maddie. Nagmamadali akong nag-out sa biometrics para makahabol sa alas-dos kong klase sa Claveria State University. 

Pagdating ko sa labas ng university ay dumaan muna ako sa katabing carinderia para kumain ng mabilis. Habang nginunguya ang kanin at adobong baboy naamoy ko ang isang pamilyar na panlalaking pabango. Padabog na tumabi sa akin sa bangko ang nobyo kong si Lemuel. “Babe, kanina pa kita hinahanap.”

Nilunok ko muna ang aking nginunguya. “Babe, sorry. Nag-overtime ako tapos nag-review sa daan kasi may quiz kami sa Advertising and Integrated Marketing Communications.”

Humaba ang nguso ng lalaki sa narinig. “Yayayain pa naman sana kita na mag-absent na lang kasi nagkayayaan ang tropa na mag-swimming sa resort.”

Sinipat ko ang suot kong orasan na regalo ni Lemuel sa akin noong nakaraang birthday ko. “Dalawang oras lang naman ang klase ko, dadaan na lang ako sa resort ninyo bago umuwi.”

Agad namang lumiwanag ang mukha nito at agad akong hinalikan sa pisngi. “You’re the best!”

Napailing na lamang ako. Alam na alam kasi niya kung paano ako mapapa-oo.

“Manang, bayaran ko na po ang pagkain ng girlfriend ko,” ani Lemuel sabay dukot ng kanyang wallet at saka may isinuksok sa aking bulsa. “Mag-special trip ka na mamaya para sa loob ka na ng resort ibaba.”

“Sige. Thank you!” sagot ko sabay subo ulit ng kanin at ulam.

Muli itong naupo at saka iniikot sa baywang ko ang isang braso habang hawak naman ang kanyang cellphone para mag-text sa mga kaibigan.

Bago ako matapos kumain ay dumating na ang mga kaibigan ni Lemuel na nagsipag-sampahan na sa kanyang pick-up truck. Humalik lamang siya ng mabilis sa pisngi ko. “Ingat, later!”

Eksaktong alas-kuwatro natapos ang klase namin at marami ng text message si Lemuel kaya halos lakad takbo ako hanggang sa marating ko ang terminal ng tricycle.

“Manong, sa Claveria Sands and Resort po. Special,” sabi ko sa driver.

Halos beinte minutos inabot ng biyahe. Nang makita ng guwardiya na ako ang sakay ng tricycle ay pinapasok naman niya agad ito. Nasa kalahating kilometro rin kasi ang layo ng gate sa rest house nila Lemuel. 

Pagpasok ko sa loob ay sinalubong naman agad ako ng isang kasambahay at sinabing nasa pool sina Lemuel. 

Nagpasalamat ako at saka tinahak ang daan patungo sa swimming pool.

Hindi ko napigilang magsalubong ang mga kilay ko nang makitang nasa pool si Lemuel at may nakasakay na babae sa kanyang balikat. Nakasuot na nga ng two-piece bikini swimsuit ang babae, nakahawak pa sa kanyang noo habang nasa pagitan ng suso ng babae ang kanyang ulo.

“Lemuel!” sigaw ng isa niyang kaibigang lalaki na nakaupo sa isang bench at saka ako inginuso.

Namutla ang lalaki nang makita ako at ibinalibag sa tubig ang babaeng kanina’y nag-e-enjoy sa balikat niya.

Mabilis akong tumalikod sa inis at naglakad pabalik sa pinto.

“Babe! Hintay!” pagtawag ni Lemuel na hindi ko nilingon.

Nahawakan niya ang pala-pulsuan ko at hinila palapit sa kanya. “Babe, naglalaro lang kami.”

Salubong ang kilay ko na hinarap siya. “Mukhang naka-istorbo nga ako eh. Kaya uuwi na lang ako.”

“Huwag please. Kanina pa kita hinihintay,” pagmamakaawa nito. “Hindi na mauulit. Sorry na.”

Hindi ako kumibo. Napahalukipkip ako sa inis.  

“Please, Babe. Bati na tayo. Samahan mo na lang ako sa kuwarto ko. Maliligo lang ako tapos sabay tayong bababa,” malambing nitong sabi. 

Tahimik naman akong sumunod sa kanya paakyat. Ika-limang beses ko na nakapunta sa resort na ito pero ngayon lang ako pumayag na sumama sa kuwarto niya. Mahirap na baka sumalisi pa ang dikyang iyon. Mukhang enjoy na enjoy pa naman siya kanina habang pasan ng boyfriend ko.

Pumasok kami sa ikatlong pinto. Malaki ang kama sa kuwarto ni Lemuel, tingin ko nga kahit mahiga kaming tatlo nina Ayah at Inay ay maluwag pa rin. 

“Upo ka muna diyan sa kama,” ani Lemuel bago pumasok sa banyo.

Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto ng banyo at lumabas si Lemuel na nakatapis lamang. Masarap ang ngiti nito na humakbang nang malalaki palapit sa akin sabay halik sa aking pisngi. 

“Magbibihis lang ako,” sabi niya at saka kumuha ng damit sa built-in cabinet.

Tumayo ako at sumilip sa balkonahe. Mula sa kinatatayuan ko ay kita sa bandang gilid ang mga kaibigan niya na nag-iinuman sa tabi ng swimming pool habang ang babaeng nakasakay kanina sa kanyang balikat ay prenteng nakasandal sa sun lounger.

Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso ni Lemuel sa aking baywang at saka ito humalik sa aking pisngi habang nakayakap mula sa aking likuran. 

“Huwag ka nang magalit, babe,” malambing niyang sabi at saka idinikit ang kanyang labi sa aking pisngi. “Mahal na mahal kita!”

Pakiramdam ko ay may kung anong humaplos sa mabigat kong dibdib at unti-unting gumaan iyon.

“Hindi ko gusto ang nakita ko, Lem,” mahina kong sabi.

“Laro lang iyon at may boyfriend si Leslie. Magkaibigan lang kami,” paliwanag nito at saka ako inikot paharap sa kanya. “Huwag mo na ikunot iyang noo mo, hindi kita ipagpapalit doon.”

Inihiwalay niya ang katawan niya sa akin at saka ako iginiya sa kama para maupo. Hinalikan niya ang aking pisngi at nagsimulang bumaba ang kanyang labi sa aking leeg habang lumikot naman ang kanyang kamay at pumasok sa loob ng suot kong baby tee. Napasinghap ako sa gulat ngunit hindi niya ako pinansin at ipinagpatuloy ang paghalik sa aking leeg. Nagsimula na akong kabahan.

Krrrriiiiiinnnng.

Naitulak ko si Lemuel sa gulat at agad na dinampot ang aking cellphone. Si Inay tumatawag.

“Anak, umuwi ka na at nangingitim na ang kapatid mo sa kakaiyak. Kanina ka pa hinahanap,” nag-aalalang sabi ni Inay.

Nilingon ko si Lemuel na nakayuko at nakakuyom ang kamao habang lamukos ang kobre-kama. “Uuwi na ako.”

Mabilis kong dinampot ang aking bag at nagmamadaling umalis doon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Van Reading
New story!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 199

    “A-Abe!”Nagising ako sa pananakit ng aking likod na sinundan nang mahinang paghilab. Ilang minuto ko pang pinakiramdaman at napansin kong mas dumalas na iyon kaya ginigising ko na ang aking mister.“Love?” naalimpungatang tanong ni Abe dahil panay pa rin ang tapik ko sa kanya.“Manganganak na yata ako,” kinakabahan kong sabi.Agad siyang napabalikwas. “Has your water broken yet?”Umiling ako. “Hindi pa pero masakit ang tiyan ko. Hindi ko maintindihan parang may kung anong nangyayari sa loob at parang lalabas na ang kambal!”Napatayo si Abe at halos napatakbo papasok ng walk-in closet. Dalawang buwan na kaming narito sa mansyon dahil pumayag lang si Inay na sumama kay Aidan sa London kung sa mansyon muna kami uuwi ni Abe para sigurado raw na naaalagaan ako. Nakabalik na rin sila noong isang linggo pero dito na kami nanatili ni Abe dahil gusto kong ilabas ang kambal ng normal delivery. Kahit tutol ang asawa ko at alanganin si Dr. Flores ay wala silang nagawa kung hindi ang pagbigyan ak

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 198

    Nagugutom na naman ako. Mahigit dalawang oras pa lang nang mag-almusal kami ni Abe pero kumakalam na naman ang sikmura ko. Mula nang mag-seven months ang kambal sa sinapupunan ko, mas lalo akong naging gutumin. N’ung isang araw nag-shopping na kami ni Abe ng mga bago kong damit pangbuntis dahil hindi na kasya ang mga damit ko na binili namin ni Inay noon. Bumigat din ako ng 30 pounds at sa tingin ko ay lalo pang bumibigat!Muling kumalam ang sikmura ko kaya napatayo na ako sa kama. Maaga akong nagising kanina para ipaghanda ng almusal ang aking asawa, sinabayan ko na rin siya kumain at pagkaalis niya ay muli akong nakatulog. Kaya hindi ko lubos maisip bakit gutom na naman ako?Bilin pa naman ni Inay ay mag-ingat ako sa kakakain dahil baka mahirapan ako mag-diet pagkapanganak ko sa kambal. Hindi naman niya sinabi na magpagutom ako, huwag lang daw ako kakain at iinom ng matatamis para hindi ako at ang mga sanggol sa sinapupunan ko lumaki nang husto. Marahan kong pinihit ang seradura ng

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 197

    “Ate Isla!”Masayang salubong ni Helga sa akin hindi pa man kami nakabababang mag-asawa ng kotse. Ang dalaga na ang nagbukas ng pinto para sa akin.“Bakit excited na excited ka yata?” kunot ang noo na tanong ni Abe sa kapatid ni Harris dahilan para bahagyang pumino ang magaslaw na kilos nito kanina.“Ate, may sasabihin ako sa iyo,” pabulong niyang sabi na sandali lang tinapunan nang tingin ang Kuya Johan niya na bumaba na sa driver’s seat.Ngayon lang ulit nagmaneho ng kanyang sports car ang asawa ko. Sinadya pa niyang ipahatid sa condo kagabi ang kotse dahil imamaneho daw niya sa EDSA kesyo patatakbuhin daw niya ng mabilis dahil aalis kami ng bahay ng walang traffic. Paano ba namang hindi siya mae-excite eh pinangakuan siya ni Nathan na luluwag ang EDSA ngayong araw na ito. Nasaktuhan kasi na nasa unit si Nathan at narinig ang reklamo niya na araw-araw niyang binabaybay ang traffic ng EDSA dahil nasa BGC ang DTM habang nasa Quezon City ang Condo namin.Hindi ko alam kung paano ginawa

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 196

    “I also considered filing for a divorce for how many times, but my parents– your grandparents, are very conservative Catholics. And our business requires the head of the Universities to have a good family background,” paliwanag ni Aidan. Iniisip rin daw niya na dumaan na ang ilang taon at posibleng wala na siyang mababalikang single na Amanda sa Pilipinas at mas lalo siyang mahihirapan kapag nakita niya si Inay na may iba na dahil kahit anong gawin niya ay tanging si Inay ang laman ng puso niya. Kaya raw pinili niyang sa Australia manatili para pamahalaan ang isa pang Unibersidad nila roon at inubos ang iba pang oras sa pagtuturo kung saan niya nakilala sina Abe at Orrel. Hinugot ni Aidan ang kanyang wallet sa back pocket ng suot na pantalon at binuksan iyon sa harap ko. Nanlaki nang bahagya ang aking mga mata nang makita ang lumang picture nila ni Inay na magkasama. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang namumuong luha sa aking mga mata. Kinuha ko ang wallet niya at p

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 195

    Alas-dos na ng hapon kami nakabalik ni Inay sa bahay. Tinulungan kami ng dalawang bodyguard sa pagbubuhat ng mga dala namin. Ipinasok lang nila sa kusina ang groceries bago sila nagpaalam na lalabas na ng unit. Dahil sa sunud-sunod na nangyari sa akin ay nasanay na ako na may bodyguard na kasama at tila guwardiya sa labas ng unit. “Anak, magpahinga ka na muna. Ako na ang bahala riyan,” utos ni Inay.Ngumiti lang ako dahil ini-spoil na rin niya ako. “Inay, hindi naman nakakapagod magligpit ng groceries.”“Napagod ka na kasi sa pamimili, baka mapaano ka pa,” nag-aalala niyang sabi.“Okay lang ako, Inay. Ikaw baka pagod ka na.”“Kaunti. Tumatanda na yata ako,” natatawa niyang sabi. “Dati naman malayo ang nilalakad ko sa paglalako ng isda.”Nilapitan ko siya at pinaupo muna. “Eh ‘di dalawa tayong magpahinga muna. Ilalagay ko na lang muna sa chiller itong mga karne at frozen food.”Pagkatapos kong ilagay ang mga karne sa chiller at makapaghugas ng kamay ay niyaya ko muna si Inay sa sala pa

  • A Contract Marriage With Abe Dela Torre   Chapter 194

    Nanonood ako ng ClickFlix sa sala nang tabihan ako ni Inay sa sofa. “Anak, mag-grocery muna ako. Wala na tayong stocks.”Napakunot ang noo ko. Parang isang buwan na ring hindi ako nakakapagbigay kay Inay ng pang gastos sa bahay. Sobra akong naging abala sa mga nangyari.“Sama ako, Inay! Bored na ako dito sa bahay,” sagot ko na agad nang in-off ang TV.Ilang araw pa lang mula nang mag-resign ako sa JNQ Group of Companies at pakiramdam ko ay bored na bored na ako sa buhay ko. Hindi yata talaga ako ipinanganak para mag-buhay prinsesa. “Sigurado ka?” nagtatakang tanong ni Inay.Tumango ako. “Magpapaalam lang po ako kay Abe at magbibihis ng damit pang-alis.”“Sige, anak. Hintayin kita,” nakangiting sagot ni Inay. “Miss na rin kita ka-bonding.”Napangiti ako kay Inay at nagmamadaling pumasok sa silid namin ni Abe. Tinawagan ko ang mister ko ng naka-loudspeaker habang kumukuha ako ng leggings at blouse. Pagkuwan ay narinig kong sinagot niya ang tawag.“Love, naistorbo kita?” malambing kong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status