LOGINSubalit hindi niya kayang buhatin si Vincent nang mag-isa. Kapag ang isang tao ay lubusang nalasing, nagiging napakabigat ng katawan nito na parang isang bloke ng semento. Kakabuhat pa lang niya kay Vincent nang biglang lumambot ang katawan nito at muling bumagsak sa upuan.“Mitch, ako na... tutulong sa’yo.” Medyo may tama na rin si Norman, pero nagawa niya pang isabit ang braso ni Vincent sa kanyang leeg upang magkasama nilang mailabas si Vincent mula sa restaurant.Dahil malapit lang ang kainan sa subdivision kung saan namalagi si Mitch ngayon, dire-diretso ng dinala ni Norman si Vincent sa loob ng condo unit ni Mitch.“Mitch, pinapaubaya ko na si Vincent sa’yo, ah. Sobrang lasing ang isang ito kaya alagaan mo nang mabuti. I won't bother you two tonight.” Makahulugan at may kasamang pang-aasar ang pananalita ni Norman bago umalis.Inirapan siya ni Mitch ng pabiro. “Umalis ka na nga riyan, kung ano-anong kabalastugan ang pinagsasabi mo!”Subalit sa mismong sandali na makaalis ito, mab
Isang three-minute video na may lumang kantang “Kaibigan” ang nagpakita ng buong kwento ng kanilang kabataan. Sa kalagitnaan ng kanta, nanguna si Mitch sa pag-awit habang sumasabay sina Norman at Barry…. “Kaibigan, magkakasama sa bawat landas, mga sandaling lumipas ay ‘di na magwawakas. Isang salita, isang buhay, pag-ibig na tunay, isang tagay...”Sa huling bahagi ng kanta, hindi na napigilan nina Norman at Barry na maiyak sa matinding emosyon.“Vincent! Happy birthday! Cheers to long-lasting friendship!” malakas na sigaw ni Mitch habang nagtutulak ng isang malaking birthday cake palabas.Nakasaad sa ibabaw ng cake ang dedikasyon…. Happy Birthday sa pinakamamahal naming Vincent! Mula sa iyong mga tunay na barkada!Pati si Vincent ay naluha na rin sa nasaksihan. “Salamat... maraming salamat sa inyo...”“Huwag sa amin ang pasasalamat! Pasalamatan mo si Mitch, because this whole plan was her idea! Maging ang cake ay mismong gawa rin ni Mitch with her own hands.” Itinulak ni Norman si Mitc
Bukod sa mga okasyon, anniversaries, at mga birthdays, ang iba pang mga pang-araw-araw na larawan sa kanyang album ay puro pagnanakaw-tingin lang niya. She used her phone camera para i-record ang lalaki sa loob ng limang taon, isang patunay kung gaano kapuno ng pagmamahal ang puso niya para rito noon.Kapag mahal mo ang isang tao, gugustuhin mong kuhanan ang bawat anggulo at expression niya, hinding-hindi ka mapapagod kumuha ng photos, at hinding-hindi ka mapapagod titigan ang mga ito.Limang taon, halos dalawang libong araw. Kahit sabihin nating isang larawan lang kada araw, aabot na agad ‘yun sa mahigit isang libo. Paano pa kaya kung sa isang araw ay hindi lang naman iisang shot ang kinukuhanan niya? Hindi na nagdalawang-isip si Kate. Dire-diretso niyang ini-swipe ang kanyang mga daliri sa buong screen, sabay click ng delete.Ang limang taon ng kanyang buhay, ang halos dalawang libong araw at gabi—ang burahin ang lahat ng alaala na ‘to ay nagawa lang sa ilang pindot ng daliri.Matapo
When you start something, you have to give your one hundred percent effort to it. Kung noon ay nagpapagaling lang si Kate na parang walang gana at pwedeng ihinto anytime, ngayon ay ginawa niyang main goal ang muling makatayo sa ibabaw ng entablado. She was no longer like before na whatever the result is, okay lang sa kanya. The truth is, kailangan at dapat siyang makabalik sa stage na para talaga sa kanya.Kaya naman, nang maging malinaw ang kanyang goal, her whole being reached the strongest state of determination. Every day in her life, aside from video calling her grandmother sa Manila, ay nauubos sa pagtulong sa logistics at backstage ng dance troupe. And the remaining time was used for her rehabilitation training.Dahil sa ganitong kaabalahan at great teamwork ng grupo, tuluyan niya ng nakalimutan ang isa pang chapter ng buhay niya sa Pilipinas. That day, natapos na ang serye ng performances ng dance troupe sa France, and they were preparing to travel to Germany.At 5:00 AM in the
Subalit sa totoo lang, ang rehearsal hall ay isang lugar lang para sa pagsasayaw, at hindi ito angkop na lokasyon para sa rehabilitation training. Ang kakulangan sa mga kagamitan at gamot ang pinakamalaking problema niya rito. Pinag-aralan ni Kate ang mga galaw sa rehab video, habang ginagamit ang sarili niyang utak para isipin kung paano babaguhin ang bawat kilos upang umangkop sa kasalukuyang paligid at sa kondisyon ng kanyang paa.Noong nasa medical clinic pa siya sa probinsya, may mga nurses at helpers na palaging nakaalalay sa kanya habang nag-e-ensayo. Ngayong mag-isa lang siya, sunod-sunod na bagsak at dapa ang hinarap niya sa sahig.Sa loob lang ng maikling sandali, basang-basa na siya ng pawis at nakakaramdam ng matinding sakit sa kanyang mga muscles.“Kate!”Nang muli siyang madapa sa sahig, isang malambot na boses ng babae ang umalingawngaw mula sa likod, kasunod ng isang pares ng malalakas na kamay na bumuhat at sumuporta sa kanya—katulad na katulad noong mga panahon na nag
Napakalaki ng naging sakripisyo niya para lang makawala sa relasyong to. Tiningnan niya ang mga naunang chat nito mula kanina, napakarami at puro galit ang ipinadala nito ngayong gabi.Nawalan na siya ng ganang basahin ang mga mga chat nito kaya isang maikling reply lang ang ipinadala niya… Vincent, sinabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin. Kung hindi mo pipirmahan ang annulment papers, huwag mo na akong padadalhan ng message kailanman dahil hindi ko na ito babasahin.Pagkadala ng chat na ito, mabilis na pumasok ang sagot ni Vincent… Gagamitin mo ang annulment para bantaan ako? Sa tingin mo ba ay natatakot akong makipag-annul sa’yo ngayon?Hindi ito isang banta, sobrang sawang-sawa na siyang ulitin ang salitang ‘yan sa loob ng limang taon!Vincent, ang kasunduan para sa annulment ay nasa drawer na ng bahay, sigurado akong nabasa mo na ‘yun. Kung hindi ka natatakot sa annulment, pirmahan mo na ng mabilis at maayos, para pagbalik ko ay pormal na nating maasikaso ang mga legal na doku
SA BANYO, maririnig ang tuluy-tuloy na lagaslas ng tubig. Si Vincent iyon, naliligo. Ala-tres na ng madaling-araw at kakauwi lang niya. Nakatayo si Kate sa tapat ng pinto ng banyo. May gusto sana siyang pag-usapan nila.. May kaba sa dibdib niya, and she wasn’t sure kung papayag ba ito sa sasabihin n
TAHIMIK na pinagmamasdan ni Kate sina Vincent at Mitch. Matapos ang ilang segundong ilangan, mabilis nilang tinanggap ang bagong papel nila at magkausap na sila nang masaya kasama ang mga business partners, nagtatawanan, parang walang iniisip.Bagay talaga sila…Tahimik na kinuhanan ni Kate ng lit
“Vincent…” hindi niya napigilan ang sariling humikbi. Binigkas niya ang pangalan nito na parang isang panalangin na mahina, basag, puno ng pagod.“Hmm? Kate?” marahan nitong hinawakan ang kamay niya. “What’s wrong? Naiiyak ka ba? If you want to cry, just cry. Huwag mong pigilan ang sarili mo.”Napak
PAGKATAPOS ng gabing iyon, muli ni Kate pinulot ang mga libro. Noong una, hindi siya nag-isip ng malalim. Ang gusto lang niya ay bigyan ng kahit konting kulay ang maputla at tahimik niyang buhay, isang lihim na sandalan, isang bagay na pagkakaabalahan. Dahil kapag may ginagawa siya, hindi niya masya







