ANMELDENDahil doon, nakaligtas ito sa mabilis na atake; ang kutsilyo ay dumaan lang sa ibabaw ng ulo nito nang walang tinamong sugat..Nagsimula itong magpapadyak habang umaatras sa takot, umiiyak at sumisigaw ng…"May nagtatangkang pumatay sa akin! Tulong!"Nataranta ang lola nii Kate sa loob ng kwarto at pilit na kinakatok ang pinto, pinagbabawalan siyang gumawa ng katarantaduhan. Pero nasa loob siya ng isang panaginip! Walang dapat katakutan sa isang panaginip!At kahit pa sabihin nating hindi ito panaginip, kahit pa totoo ngang bumalik siya sa edad na ito, wala pa rin siyang pakialam! Ang mabuhay ng pangalawang pagkakataon ay isang malaking biyaya, kukunin niya ang pagkakataong ito para maghiganti sa mga taong umapi sa kanila!Habang hinahabol niya si Oscar sa buong sala gamit ang kutsilyo habang umiiyak ito sa takot, biglang may pumasok mula sa pinto at mahigpit siyang niyakap mula sa likod, sabay hawak sa kamay niyang may hawak na kutsilyo."Huwag kang padalus-dalos, Kate! Tama na!"Boses
Halatang-halata na nanggigigil na sa galit ang tatay niya, pero pinipigilan pa rin ang sarili. Ibig sabihin, may malaking kailangan ito kaya napilitang pumunta rito ngayon.Nagpakamartir ang nanay niyang si Pina para maging peacemaker. "Ano kaba, Kate, hindi naman ibig sabihin ng tatay mo 'yun, nadulas lang.""Ganon ba kadaling madulas ang dila para murahin ang sariling anak? May itsura ba ng ama 'yan?" Galit na galit na hinawakan ng lola si Kate para protektahan. "Umalis na kayo rito! Wala kaming nilutong pagkain para sa inyo, dun kayo kumain sa bahay niyo!""Ma!" pigil ni Pina. "Hindi po kami naparito para makipag-away, may magandang balita po kaming dala para kay Kate."Hindi naniniwala ang lola sa mga sinasabi ng mga ito, kaya itinuro nito ang pinto at pilit silang pinalayas."Ma, may darating na importanteng bisita mamaya, bakit mo kami tinataboy?" naiinis na sabi ni Oscar. "Sa tingin mo ba ay ginusto ko pang pumunta sa liblib na lugar na ito? Kung hindi lang dahil sa matigas ang
"Mabuti na lang at hindi ganun ka-baba ang mga nauna mong scores, konting push pa at makakapasok ka sa..."Habang nag-uusap sila, nakarating na sila sa tapat ng bulletin board. Siksikan na roon ang mga estudyante. May mga nagkakasiyahan dahil magkaklase sila ng mga kaibigan nila, kaya panay ang tili at tawanang maririnig. Hindi na pinansin ni Kate ang Science section; dumiretso agad siya sa Humanities o Arts section."Dito ka dapat, saan ka ba pupunta..." Hindi pa natatapos ni Vincent ang sasakyan niya nang mapansin nito ang tinitingnan ni Kate, kaya mabilis itong sumunod.At doon, sa listahan ng Humanities Experimental Class, nakita nito ang pangalan ni Kate."Niloloko mo ba ako?"Ramdam ni Kate ang lamig na bumalot sa paligid dahil sa boses sa likod niya.Pero ng lumingon siya, wala na roon si Vincent. Si Mark ang lumapit sa kanya at masayang tumawa, "Kate! Magkaklase pala tayo!"Oo, nakalista rin si Mark sa Humanities Class."Ililibre kita ngayon! Kailangan nating i-celebrate ito!"
May hindi magandang pakiramdam si Kate. Kaso, nakita na siya ni Vincent, at halatang-halata sa mga mata nito na wala itong balak na palampasin siya. Napilitan siyang lumapit ng walang kagalaw-galaw. Hawak ni Vincent ang buong class record at summary ng grades ng buong klase.Sabagay, siya ang class academic coordinator, kaya natural lang na siya ang unang nakakita sa lahat ng marka.“Tingnan mo nga 'yang sarili mo,” pangaral ni Vincent habang nakaturo ang daliri sa grade sheet. “Tingnan mo kung paano ka nagkalat! Wala ka man lang kahit isang Science subject na naipasa!”Hindi na lang kumibo si Kate.Lagpas sampung taon na rin ang nakalipas. Mula nang makagraduate siya ng high school, hindi na niya muling nahawakan o nabasa man lang ang mga leksyon na 'yon. Paano pa niya maiintindihan at maaalala ang mga 'yan ngayon? Tsaka noong pinag-aaralan pa lang niya 'yon noon, hirap na hirap na talaga siya—ginawa lang naman niya 'yon dati para makasama at makasabay si Vincent sa Science strand
Ayaw muna sanang ilabas ni Kate ang kanyang strand selection form. Medyo matagal na kasi noong ipinamigay 'yon, at ang nakalagay sa lumang papel ng dating Kate ay Science strand—hindi pa niya ito nababago.Nang makita ni Vincent na tila nag-aalinlangan siya, mabilis na dumilim ang mukha nito. Nakatitig ito sa kaniya habang nagsasalita, "Ilabas mo na, kailangan na nating ipasa 'yan ngayon... Wait, don't tell me..." Nag-atubili ito nang sandali, "...naniniwala ka talaga sa mga pinagsasabi ni Mark"Si Mark? Anong sinabi niya?" Sumingit agad sa usapan si Gabriel upang magtanong.Hindi nakasagot si Vincent at natigilan. Tumingin naman si Kate kay Gabriel at naisip na hindi rin magandang pag-usapan ang bagay na 'yon sa harap nito."Naisip ko kasi, mas gusto ko sanang..." Magsasalita na sana si Kate upang sabihing Humanities and Social Sciences (Arts) ang pipiliin niya, pero biglang inagaw at hinila ni Vincent ang bag niya."Anong ginagawa mo?!" Mabilis na pilit na inagaw ni Kate ang bag
Kung pwede lang, gusto sana niyang pagsabihan si Mark na huwag na lang munang mag-abroad para maiwasan ang maagang trahedya nito. Pero naisip niya, baka naman nakikisali na siya masyado sa buhay ng iba kung gagawin niya 'yun.Ngumiti lang si Mark at umiling. "Hindi ko planong mag-abroad. Dito lang ako sa Pinas mag-aaral sa kolehiyo. Sinabi ko na sa'yo di ba? Arts ang kukunin ko, kaya magiging magkaklase tayo."Kung ganoon ang mangyayari, mas mabuti. Maya-maya pa, dumating na ang araw ng pormal na pagpili ng strand.Mula nang insidente sa gate dahil sa pagtatalo nina Mark at Vincent, hindi na muling pinansin ni Vincent si Kate. Kahit sa pagpasa ng mga papeles, hindi na ito kumikibo sa kanya; kukunin lang nito ang mga papel sa ibabaw ng armchair niya nang walang imik. Kung ang high school version ni Kate noon ay malamang na durog na ang puso sa inasal na ito, ibang-iba na ngayon.Nasa 30s na ang pag-iisip ni Kate ngayon.Ang Kate na nasa edad 16 hanggang 18 ay madaling magpaapekto sa baw
SA BANYO, maririnig ang tuluy-tuloy na lagaslas ng tubig. Si Vincent iyon, naliligo. Ala-tres na ng madaling-araw at kakauwi lang niya. Nakatayo si Kate sa tapat ng pinto ng banyo. May gusto sana siyang pag-usapan nila.. May kaba sa dibdib niya, and she wasn’t sure kung papayag ba ito sa sasabihin n
TAHIMIK na pinagmamasdan ni Kate sina Vincent at Mitch. Matapos ang ilang segundong ilangan, mabilis nilang tinanggap ang bagong papel nila at magkausap na sila nang masaya kasama ang mga business partners, nagtatawanan, parang walang iniisip.Bagay talaga sila…Tahimik na kinuhanan ni Kate ng lit
“Vincent…” hindi niya napigilan ang sariling humikbi. Binigkas niya ang pangalan nito na parang isang panalangin na mahina, basag, puno ng pagod.“Hmm? Kate?” marahan nitong hinawakan ang kamay niya. “What’s wrong? Naiiyak ka ba? If you want to cry, just cry. Huwag mong pigilan ang sarili mo.”Napak
PAGKATAPOS ng gabing iyon, muli ni Kate pinulot ang mga libro. Noong una, hindi siya nag-isip ng malalim. Ang gusto lang niya ay bigyan ng kahit konting kulay ang maputla at tahimik niyang buhay, isang lihim na sandalan, isang bagay na pagkakaabalahan. Dahil kapag may ginagawa siya, hindi niya masya







