TIFFANY'S POV
I was so worried after hearing about the accident na kinasangkutan ng boyfriend kong si Cloud kaya naman agad akong umuwi ng Pilipinas pagkatapos na pagkatapos ng event na dinaluhan ko sa Paris. It was a very special fashion event kaya naroroon ang lahat ng fashion icon from different countries but Cloud's more important than them. I called him as soon as I arrived and was told na nasa restaurant lang siya. I felt so relieved seeing him fine. Without injuries or any bruises on."I told you, you don't have to worry. I'm fine, love," he calmly said as he put little kisses on top of my head as he usually does."Yah, I know but I just can't help it. And… I missed you so much," bulong ko habang marahang pinapaikot ang kanyang buhok sa aking mga daliri. He smiled sweetly after hearing that. He knows what I mean. His hands suddenly tightened his grip on my waist while our sights were locked on each other. Sharing that smile of longingness on our faces.Oh hell, how I miss him! We're on it when someone comes in. Saglit siyang napalingon sa may entrance ng restaurant pero kaagad din namang ibinalik ang atensyon sa akin. He was ready to kiss me but I suddenly felt odd and lost my thing. I looked at the entrance to see who just came in and saw a new face there. A woman."Yes Miss?," I politely asked but she seemed to be a little nervous with her eyes wide-opened kaya nilapitan ko na siya and asked her for the second time. "May I help you?" I am a good person pero alam ng lahat na maiksi lang ang pisi ko and this woman is getting into my nerve. I was ready to kick her off dito sa Jupiter's Ring nang biglang magsalita si Cloud from behind. He greeted her and introduced her as an old friend from Bulacan. Buti na lang pala at medyo nakapagkontrol ako ng temper ko kung hindi ay baka pag-awayan pa namin ito, as always. So, this woman is Vier. I can say that she is pretty and sexy in a way, but she's not Cloud's type of girl. Nothing to be jealous of. She's too simple and looks so cheap in jeans and shirt and with just lipstick on. Like, 'Is it the only thing that she can afford?' Kaya siguro ayaw ni Cloud na pag-usapan pa ang naging buhay niya sa Bulacan, except for his lola Miling. I can see from this lady alone that people there are all too cheap. A thing that Cloud won't be able to manage. Yes, Cloud is just a simple and a humble person as everyone knows, but he's actually too ambitious. He doesn't want to be just a simple guy in the society. He always wants to be on top. That is why, even just after graduating a simple 2-year culinary course and without any background on the business, he hastily started this Jupiter's Ring restaurant. I didn't know what he was thinking back then, dahil sobra niyang masikreto. So, just to make sure na magiging maayos ang takbo ng kanyang resto at hindi siya mapahiya, I used my family's name and connection to make this a success. Isang bagay na hindi niya alam. Ang paniniwala niya, he made it because he made it well when in fact, everything about his so-called success was all thanks to me and my family's name and connection.VIER'S POV"Ang t*anga mo Vier! Ang t*nga t*nga mo!," 'yan lang ang naging laman ng utak ko hanggang sa tuluyan na 'kong makauwe sa tinutuluyan namin. Ni hindi ko nga alam kong pa'no ba ako nakauwe. Basta sumakay lang ako sa jeep. Ni hindi ko nga alam kung nakapagbayad ba ako.Hayyst! Pakiramdam ko kasi ay naiwan ko ang kaluluwa ko sa restaurant ni Cloud. At para akong isang basang sisiw na walang ihaharap sa mga tao. Wasak na wasak ako. Dumiretso ako sa banyo ng aking kwarto at doon hinayaang bumagsak ang rumaragasang luha na kanina ko pa pinipigilang bumagsak. Nanghihina rin akong napasalampak sa sahig na para bang wala na 'kong maramdamang lakas sa katawan ko."Ahhhhhh!," malakas kong sigaw kasabay ng patuloy pa rin sa pag-agos ng luha ko. Para na 'kong sasabog sa sobrang sakit na nararamdaman."Vier, Vier!," dinig kong tawag ni Alvin sa pangalan ko habang pumapasok sa aking kwarto. Marahil ay narinig ang sigaw ko. "Oh my gosh Vier!," anito nang matagpuan ako sa banyo. "Anong nangyari sa'yo?""Vier!," tawag sa 'kin ni Francis at nagmamadali siyang lumapit sa akin at marahang niyugyog ang aking balikat. Nang hindi pa rin ako gumalaw ay iniangat na niya ang mukha ko paharap sa kanya. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala ng magtama ang aming mga mata. He hugged me tight na para bang gusto niyang siya na lang ang makaramdam ng kamiserablehan na nararamdaman ko. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na pinupulupot na ang mga braso ko sa kanya.'Bakit ba hindi na lang ikaw ang minahal ko Francis?,' tanong ko sa sarili habang magkayakap kami. Kung marahil si Francis ang minahal ko, hindi siguro ako nagkakaganito ngayon. Malamang na hindi ako nananatiling umaasa sa pagmamahal na hindi naman pala kayang maghintay. Nagkamali ako! Maling mali. Patuloy lang akong umiyak. "Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako," sabi niya habang hinahagod ang likod ko para pakalmahin ako. Noon pa man ay lagi na siyang nasa tabi ko. Laging nakaalalay sa 'kin. Pero ni minsan ay hindi ko siya pinagtuunan ng pansin. I was so in love with Cloud back then. I was so into him na nakalimutan kong may ibang tao pa na nagmamahal sa akin at kaya akong unawain. 'Yun ay walang iba kundi si Francis."Kailangan ko nang magprepare," biglang sabi ko habang pinupunasan ang mukha kong parang binaha ng luha."Ok ka na ba? Kung hindi pa, pwede namang–""Ayos na 'ko Fran," sabi ko sa kanya kahit na patuloy pa rin na bumabagsak ang mga luha mula sa mata ko. Pinilit kong ngumiti at inalalayan niya ko para makatayo. "Salamat." Hindi ako pwedeng magmukmok at magdrama na lamang ngayon. Hindi ko pwedeng hayaan na lamang ang Tropicals. Nandito ako para samahan sila sa tagumpay at hindi para ilugmok silang kasama ko."We have to win!" "Yes, we will win," pagsang-ayon niya habang nanatiling nakatitig sa akin. 'I should give him a chance,' sa isip ko at awtomatikong lumapit ako sa kanya at h******n siya. Medyo nagulat siya sa ginawa kong iyon hanggang sa unti-unti niyang sagutin ang halik ko. He kissed me passionately. Making me feel his love.VIER'S POV Mabait itong si Ericka. Alam ko 'yon dahil unang kita ko pa lamang sa kanya ay nakagaanan ko kaagad siya ng loob.Gayunpaman ay hindi pa rin mababago ng kabaitan niya ang katotohanan na asawa niya pa rin si Archie Mendez, the worst Mendez I know."I know what happened," aniya nang makaupo kami sa dulong table dito sa restaurant. Dito na kami pumwesto para na rin hindi marinig na mga tao rito ang pag-uusapan namin. Nakaupo ako sa upuan na nakaharap kina Miss Claire at madalas na mahagip ng tingin ko ang pagmamasid niya sa amin ni Ericka. Lalo na sa akin. Parang nag-aalab ang mga tinging ipinupukol niya sa akin kaya sinikap kong panatilihing kalmado ang aking sarili. Iyon ay kahit pa mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy nitong si Ericka na nais niyang pag-usapan."Medyo ano kasi….," panimula ko na may halo pang pag-aalinlangan sa mga salitang maaari kong gamitin para ilarawan ang asawa niya sa harapan niya. "Medyo mabalasik pala 'yang asawa mo," pagtatapat ko sa kanya
VIER'S POV Late na akong naihatid ni Hector nang nagdaang gabi kaya dumiretso na ako sa kwarto at agad din namang nakatulog. Nagmamadali rin akong bumaba at napasarap naman ako ng tulog at hindi ko na namalayaan ang oras. Mag-aalas otso na pala kasi at laking pagtataka ko nang maabutan ko pa sa kusina ang mga kapatid ko. At abalang-abala pa sa pagtulong kay inay sa paggagayak nito ng almusal."Anong meron?," nakangiwi kong tanong sa mga ito."Maupo ka na lang d'yan," seryosong saad ni Allen matapos akong ipaghila ng aking uupuan. Lalo tuloy akong nahiwagaan sa kinikilos ng mgabkapatid ko kaya bumaling na lang ako kay inay na nang mga sandaling iyon ay abala naman sa isinasangag na kanin."'Nay, anong–""Saglit lang anak ha. Matatapos na ako rito," putol niya sa sasabihin ko. "Tophe, 'yung kape," baling niya kay Kristoph na bigla na lang sumulpot sa harapan ko at inihapag sa akin ang bagong timplang kape."Ano na namang meron?," tanong ko kay Tophe pero hindi ako pinansin at pinuntah
AUTHOR'S POV FLASHBACK, 2017 Magkakapit-bahay lamang sina Cloud at ang mag-bestfriend na sina Carol at Vier kaya naman naging close ang tatlo sa isa't-isa. Mas matanda si Cloud nang dalawang taon sa dalawang babae kaya naman kuya ang turing nila sa kanya. Kung minsan ay pinangangaralan din sila ni Cloud sa tuwing may mga kalokohan silang nagagawa na lagi din naman nilang pinapakinggan. Bukod pa doon ay si Cloud din ang nagsisilbing protektor, bodyguard at chaperon nila sa tuwing aabutin sila ng madaling-araw sa kung saang lugar kapag may mga dance contest silang sinasalihan. Hindi rin naman pulos ka-seryosohan lang itong si Cloud sa kanila. Paminsan-minsan ay kasama din nila ito sa kaharutan at kasama sa masasayang sandali ng kanilang kalokohan. Ang hindi alam ni Vier ay nagsimula na palang makaramdam ng malalim na pagtingin sa kanya si Cloud. Ngunit dahil na rin sa kawalan niya ng self-confidence ay hinayaan na lang niya sa sarili ang damdaming iyon at pinagpapasalamat na lama
VIER'S POV Hindi ko akalain na ganito ang magiging reaksyon ni Hector sa ibinunyag ko sa kanya kanina. Hindi lang pala siya basta-bastang gentleman lang, malawak din ang kanyang pang-unawa at hindi na niya minasama pa ang naging bunga ng aking nakaraang pagmamahal. Tunay nga siguro ang kasabihan na may bahagharing naghihintay sa dulo ng bawat bagyong ating pagdadaanan. At siya ang bahagharing iyon. Matapos kasi ang lahat-lahat ng sakit at pagluha ko, eh heto kami ngayon at masaya pa rin at magkasamang ineenjoy ang view dito sa mataas na bahagi ng Tagaytay habang mahigpit na magkayakap. Matapos ang madamdamin naming pag-uusap kanina ay niyaya na niya ako rito para naman daw makapag-unwined ako. Masyado na raw kasi yatang nai-stress ang kanyang reyna sa mga bagay-bagay. Idagdag pa ang hindi masyadong magandang unang pagkikita namin ng kanyang pamilya. Nawala na rin daw umano ang kilig ambiance sa inihanda niyang surprise lunch kanina na pambawi pala niya sa akin sa ginawa ng kany
VIER'S POV"Iwan n'yo na muna kami," pakiusap ko sa dalawang violinist na agad namang tumalima nang imuwestra sila ni Hector papalabas ng hall."Hon…," sambit niya habang nananatili pa rin ang kanyang mga kamay sa kamay ko. "Hon, please don't leave me," pagsusumamo niya kasabay ng tuluyan na ngang pagbagsak ng kanyang mga luha. Itinaas ko ang mga palad ko sa mukha niya para ako na mismo ang magpunas sa mga luhang iyon na lalo lang nagpapabigat sa aking damdamin. Napakabuti niyang tao at hindi niya deserve ang lumuha at masaktan nang dahil sa katulad ko."H'wag kang umiyak, please," pakiusap ko sa kanya na may panginginig pa sa aking boses na dala na rin ng takot at guilt sa loob ko. Ramdam ko rin na malapit nang bumagsak ang luha ko sa sobrang pagkahabag sa aking nobyo pero alam ko rin na kailangan kong maging matapang sa sandaling ito dahil kung hindi, paano ko pa tatanggapin ang posibleng reaksyon niya sa ipagtatapat ko?"May, may kailangan ka munang malaman Hector," saad ko na ti
CLOUD'S POV"Hello?," tugon ko nang isang unknown number ang bigla na lamang tumawag sa kalagitnaan pa naman ng pagluluto ko."Cloud, ano na ha?," iritadong tugon nito mula sa kabilang linya. Hindi ko alam kung matatawa ako sa bungad niya sa aking iyon o ano kaya napahilamos na lang ng mukha. Sinenyasan ko na rin si Kevin, ang isa pang chef dito para siya na ang magpatuloy sa niluluto ko"Ang sabi natulog ka raw sa kwarto ni– hmmm–ano," aniya na iniwasan na lang ang pagbanggit sa pangalan ni Vier. Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ngayon sa trabaho at malamang na alam ng lahat ng kanilang katrabaho ang relasyon ni Vier sa kanilang big boss."Anong nangyari ha? Meron ba?," pag-uusisa pa niya."Tsk tsk tsk, hindi ka pa rin talaga nagbabago Carol. Masyado ka pa ring usisera," sagot ko sa kanya habang hindi maiwasan ang matawa sa aming usapan."Ang bagal mo kasi eh," napahinto na ako sa sinabi niyang iyon. "Kung mas napaaga ka lang, eh 'di sana may comeback 'yung KAYO 'di ba?," panenerm