Share

Chapter 12

Author: Berry Wilder
last update publish date: 2026-06-22 11:26:12

Pinagmasdan kong bumaba ng sasakyan si Maverick. Mukhang dito na siya dumiretso sa bahay matapos ang mahabang biyahe galing Japan dahil sa suot-suot na windbreaker jacket at jogging pants, may bitbit pang ilang paper bags ng pasalubong.

“Maverick,” tawag ko nang papalapit na siya sa akin. “Si Julian pala… kaibigan ko dati.”

Tumabi muna sa akin si Maverick, saka nagbaling ng tingin kay Julian. Nag-abot siya ng kamay rito. “Maverick Belmonte.”

Tinanggap naman ni Julian ang kamay ni Maverick, kahi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 13

    Matapos tulungan si Vier sa paglilinis ng kaniyang katawan, hinatid ko na siya sa kaniyang kwarto at inintay makatulog. Pagod siya sa mga nangyari ngayong araw, kaya naman wala pang ilang minuto ay nakapikit na at hindi na ako nagtagal doon. Sinilip ko lang din si Aria at Aya sa kabilang kwarto na parehas nakasuot ng earphones, may sari-sariling mundo habang nag-aaral. Saka pa lang ako lumabas ng bahay, kung saan naghihintay si Maverick sa patio, may hawak ng bukas na beer sa kamay. Tahimik akong naupo sa tabi niya at kumuha ng aking beer sa lamesa. It took me a few sips before I gathered enough courage to look at Maverick, na pansin kong kanina pang nakatitig sa akin at nag-aantay ng pulutan—ang problema ko.“Nawala si Vier noong nagpunta kami ng MOA,” panimula ko. “Pagkakita ko sa kaniya, kasama niya na si Julian… Sa dami ng tao roon that time, si Julian pa talaga… Alam mo, Maverick, parang teleserye lang eh… Nawala lang saglit ‘yung anak ko, tapos kasama niya na agad ‘yung tatay

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 12

    Pinagmasdan kong bumaba ng sasakyan si Maverick. Mukhang dito na siya dumiretso sa bahay matapos ang mahabang biyahe galing Japan dahil sa suot-suot na windbreaker jacket at jogging pants, may bitbit pang ilang paper bags ng pasalubong.“Maverick,” tawag ko nang papalapit na siya sa akin. “Si Julian pala… kaibigan ko dati.”Tumabi muna sa akin si Maverick, saka nagbaling ng tingin kay Julian. Nag-abot siya ng kamay rito. “Maverick Belmonte.”Tinanggap naman ni Julian ang kamay ni Maverick, kahit halatang nagtataka kung sino siya. “Julian San Agustin III,” pakilala niya pabalik.I watched them shake each other’s hand. Ngunit wala pang dalawang segundo, nagbitaw din agad at seryosong nagkatitigan na lamang na para bang sapat na iyon para mas makilala ang isa’t isa. Habang ako, pabalik-balik ang tingin sa kanila. It feels as if I am the only one feeling the awkwardness between us three.Mabuti na lamang at sandali ko lang tiniis iyon dahil binasag na ni Maverick ang katahimikan. “Nasaan

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 11

    Tatlong buwan akong buntis nang makilala ko si Maverick. Tito siya ng noo’y tutee ko na si Marcus, at sa bahay nila kami may everyday session, tuwing hapon pagkatapos ng klase niya sa school. Palagi kong nakikita si Maverick na umuuwi bandang alas syete ng gabi, dala ang kaniyang malaking Hydro Flask tumbler. Sa isip ko’y he was the mysterious kind of guy dahil kapag nagtatama ang mga mata namin, he would always simply nod his head para bumati. Never nagsalita, never man lang ngumiti. Inakala kong suplado’t masungit siya, palagi pang kunot ang noo, kaya naman hindi ko kailanman pinangarap na magkaroon kami ng mas malalim na interaction, lalo’t baka masama pa siya sa listahan ng mga taong kinamumuhian ko dahil sa pinagsasabay ang pagiging mayaman at hindi magandang pag-uugali. But all it took me to prove that he was different was one chance. Tandang-tanda ko pa, mag-aalas syete rin ng gabi iyon, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nasa kanilang bahay pa ako’t nagtu-tutor kay Marcus,

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 10

    Hawak ko ang kamay ni Vier nang papalabas na kami sa AMS matapos ang awarding, patalon-talon pa habang naglalakad sa sobrang saya.“Mommy, are we going to kain po sa Jollibee?” tanong niya.Nagbaba ako ng tingin kay Vier at nakangiting tumango. “Of course! You’ve done a great job eh!”Simula noong nagka-muwang siya, I am making it a habit to treat him to his favorite fast food chain or buy him simple gifts when he has done a great job, lalo kapag may awards ‘gaya ng pagiging MVP niya ngayon. Some parents may not agree with me, kesyo inii-spoil ko ang bata o kaya’y baka ma-associate niya na palaging may reward ‘pag may award at dumating sa puntong maging externally motivated na lang si Vier. Ang sa akin naman, gusto ko lang tumatak kay Vier na naa-appreciate ko ang effort niya, ang mga ginagawa niya para maging magaling. Hindi rin naman ako nagkulang sa pagpapaalala sa kaniya, kaya hindi ako nababahala na magiging masama ang kahahantungan ng ganitong pagpapalaki. “Si Ninong po kasama

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 9

    Iyon na lamang ang tumatak sa isip ko hanggang sa pinatay ko na ang tawag at hinintay siyang dumating. Habang umiikot ang kamay ng orasan, pabalik-balik ang tingin ko sa entrance ng gymnasium at kay Vier na nakasubsob pa rin sa kaniyang mga tuhod. Maya-maya, nabaling ang atensyon ko sa iba nang nag-vibrate ang phone ko sa panibagong message. I was expecting it’s from Maverick na kausap ko pa kanina, but it’s from Julian. Julian San Agustin III:Here!Nag-angat ako ng tingin sa entrance at andito na nga siya, pasimpleng nagtaas ng kamay pagkatama ng mga mata namin para bumati. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti nang kaunti habang pinagmamasdan siyang papalapit, suot ang black shades, black hoodie, at navy blue shorts na terno sa kaniyang sneakers.“Vier!” masiglang tawag ko sa anak. “Look who’s here, oh!”Still, no response from him, marahil nagbibingi-bingihan. Lalapit na sana ako sa kaniya upang suyuin siya nang si Julian na mismo ang tumawag sa nagtatampong bata.“Hi, Vier! Hindi m

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 8

    In the first few months after I found out I was pregnant with Vier, walang gabing hindi ko inisip kung ano sana ang estado ng pagkakaibigan namin ni Julian kung hindi nangyari ang gabing iyon. Kung walang nangyari sa amin noong gabing iyon.And on those same nights, I was crying myself to sleep. Daig ko pa ang babaeng hiniwalayan ng boyfriend matapos ang sampung taong relasyon, matapos pagsamahan ang lahat ng saya at hirap na dumating sa aming buhay. Indeed, friendship breakups hurt more than romantic ones. Isa ay dahil mas mahirap magkaroon ng closure ‘pag magkaibigan lang, which left me to endlessly question what went wrong, at kailanma’y hindi ako nakakuha ng sagot tungkol doon.Sa mga sumunod pang buwan at taon, nang iluwal ko na si Vier at pinalaki nang mag-isa, tapos na akong isipin ang what ifs, at sa halip ay mas ibinuhos ang atensyon sa kung anong meron at dapat kong gawin sa kasalukuyan. Kaya’t ang araw-araw na pagod sa pag-aalaga ang nagsilbing paalala ko that my son was th

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 5

    Napangiti sa akin si Julian nang marinig ang sagot ko at walang sabi-sabing kinuha sa mga braso ko si Vier para siya naman ang magbuhat.“It’s gonna be a long walk, Belinda. Medyo malayo rito ang parking lot,” paliwanag niya kahit hindi pa naman ako nakakapagsalita para pigilan siya.

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 7

    It has become Vier and my ritual to find the nearest convenience store to eat ice cream after our fights. ‘Gaya kapag napapagalitan ko siya sa tuwing nakakalimutan niyang i-flush ang toilet pagkatapos umihi o kaya’y kapag sobra na ang screen time sa gabi, o kapag naman nagtatampo siya sa akin dahil

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 6

    Kabaliktaran ng good news ni Vier ang agad na bumalot sa aking puso nang marinig iyon. Tila ba isinabay ng hangin ang ngayo’y nararamdaman kong takot sa bilis ng pag-ihip nito sa direksyon ko, na nagpataas pa ng aking balahibo sa braso.

  • A Mistake Worth Keeping   Chapter 1

    Kasalukuyang malakas ang buhos ng ulan sa labas, ngunit mas naririnig ko ang kabog ng aking puso. Julian is staring at me with his gentle and alluring eyes, as if the person in front of him is not only his best friend but someone more fulfilling for me—the woman he loves the most. Bumilis pa lalo a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status