공유

Chapter 11

작가: noowege
last update 게시일: 2023-12-10 00:13:05

Pakiramdam ni Serrie ay nananaginip siya. Parang nananaginip siyang nakahiga siya sa malambot at mabangong kama. Hindi niya alam kung ang panaginip ba ay iyong pagtulog niya sa storage room kagabi o itong paghiga sa malambot na higaan.

Nagmulat siya ng mata at napag-alamang nakahiga siya sa pamilyar na kama. Hinawi niya ang kumot na nakatakip sa katawan at bumangon. Gulat na pinagmasdan niya ang paligid. Nasa silid siya ni Hidan. Papaano siya nakarating dito? Nag-sleep walk ba siya? Tinapik ta
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (7)
goodnovel comment avatar
Monatskii Xtra
pa update po
goodnovel comment avatar
Monatskii Xtra
update Po Neto
goodnovel comment avatar
Kristine Sharmaine
paupdate na po Ms.A., please
댓글 더 보기

최신 챕터

  • A Night With A Billionaire    Kabanata 44

    Hindi alam ni Serrie kung bakit kailangang sumama ni Hidan. Hindi naman nito kailangang samahan pa siya. Kaya niya naman mamalengke ng mag-isa. “Isang kilo po rito sa hipon,” aniya sa babaeng tindera.“Ako na rito,” ani naman ni Hidan sabay bawi sa dala niya.Hindi na siya nakapalag dahil nabawi na nito ang dala niya. Kapansin pansin naman ang pagsulyap ng ibang tindera kay Hidan. Malamang! Dahil agaw pansin naman talaga si Hidan. Para itong modelong foreigner na naligaw sa sentro. Matangkad, abuhin ang mga mata, maputi ang balat. Takaw atensyon talaga. “Oh, heto," ani tindera matapos maikilo ang binili niya.Kaya lang nang akmang aabutin niya na iyon ay si Hidan kaagad ang nagbawi ng supot mula sa tindera. Kunot noong nilingon niya si Hidan. Medyo nairita na siya. “Pwede ka na pong maghintay sa kotse. Sibuyas na lang ang huling bibilhin ko," taboy niya kay Hidan na sunod pa rin nang sunod sa kaniya.Nag-aalala siya sa mga tindera sa palengke baka maputol pa ang kamay dahil naka

  • A Night With A Billionaire    Kabanata 43

    Napasinghap si Serrie nang matanaw ang mansyon. Nandito na sila. Kung pinayagan lang sana siya nitong sumakay ng ibang sasakyan. Hindi sana siya mahihirapang umiwas ngayon. "D-Dito lang ako!" Natataranta niyang pinahinto si Hidan bago pa sila makarating sa gate ng mansyon."Papasok na tayo sa gate, Serrie," anito na pagdududa sa mga mata."Hindi na. Dito na lang ako.""Papunta ka na rin do'n, Serrie," giit nito.Nagtagis ang bagang niya. Ayaw niya nga sabing bumaba sa mansyon. Ayaw niyang makita silang magkasama ngayon. Papaano kapag nalaman ni Hidan na hindi naman talaga siya inutusan ni Sandro? Na gawa gawa niya lang yun at bigla na lang siyang sumugod doon sa hospital ng hindi nag-iisip. Ayaw niyang magduda si Hidan. Ayaw niyang isipin nitong nagkukunwari lang siyang walang maalala. Sa mga oras na yun parang gusto niyang kaltukan ang ulo dahil sa katangahang nagawa. Bakit nga ba siya biglang nag-alala sa lalaki? Si Hidan ang dahilan kung bakit muntik na silang mapahamak ng kaniya

  • A Night With A Billionaire    Kabanata 42

    "Anong ginagawa mo?"Parang nagulantang siya sa nakikita. Nagkasundo na sila kanina na magtabi pero kasama sa kasunduan nilang haharangan nila ng unan ang gitna ng higaan. Alam niyang maliit lang ang hospital bed pero pinipilit ni Hidan na doon siya matulog at hindi sa sofa kaya napipilitan siya ngayong matulog na lang doon. "Nag-usap na tayo kanina, Hidan." Iritado na siya nang sabihin iyon. Hindi kasi ito tumutupad sa usapan.Pero hindi nakinig ang lalaki at nagpatuloy sa pagtabi sa mga unan. Kinakabahan na siya habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Hidan. Kung pwede niya lang itong sigawan ay baka kanina niya pa ginawa. Kaya lang baka pag nagpakita siya ng panic at mapansin nitong affected siya ay baka isipin nitong may naalala na siya. Nagkukunwari lang siyang walang naalala kaya dapat hanggang ngayon isipin pa rin nitong wala nga siyang naalala.Nang maalis na nga nito ang mga unan ay tumingin sa kaniya si Hidan. Sumilay ang mapaglaro nitong ngisi. “Now we can sleep,” anito.Nap

  • A Night With A Billionaire    Kabanata 41

    Dahan dahan siyang humarap sa lalaki. Napalunok siya nang magsalubong ang mga tingin nila ni Hidan.May benda pa ang kabilang braso ng lalaki. Hindi niya alam kung talagang sinundan siya nito. "P-Pinapatila ko lang," pagdadahilan niya. Sa pagkakataong 'yon ay kinakabahan na siya. Baka tanungin nito kung ano ang sadya niya doon at bakit nandoon siya. Tiyak na wala siyang maisagot.Sinulyapan niya ang braso ng lalaki. Napansin nitong nakatingin siya sa braso nito."Just want to breath a fresh air," depensa ni Hidan.Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Hidan. Anong klaseng dahilan 'yon? Gusto nito lumanghap ng sariwang hangin tapos dito talaga sa labas? E malakas ang hangin dahil bagyo. Dapat nasa loob ito ngayon dahil may injury ito. Tsaka hindi niya rin inasahang maabutan pa talaga siya ng lalaki hanggang dito e kanina lang kinakausap pa nito ang nurse na 'yon."Hindi po maganda ang panahon. Mas mabuting pumasok na ho kayo sa loob. Baka imbes na preskong hangin ang masagap niyo e baka s

  • A Night With A Billionaire    Kabanata 40

    Malakas na ang hangin nang tanghali. Hindi inasahan ni Serrie na magkakaroon ng bagyo ng araw na 'yon. Kahapon pa hindi umuuwi si Hidan. Hindi man lang ito umuwi para kumuha ng gamit. Baka nag-check in sa hotel?"O baka may kasamang babae. Nag-enjoy siguro kasama ng babae niya," biglang naiusal niya ng hindi namamalayan."Sinong may kasamang babae, Mama?"Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang biglang magsalita ang anak sa likuran niya. Kanina kasi ay nasa baba lang naman ito tapos biglang umakyat pala ito. Hindi niya man lang namalayan. Naabutan pa siya nitong nagsasalita mag-isa rito na parang tanga. "W-Wala naman. May naisip lang ako. Iyong mga katrabaho ko sa plantasyon, mga babae. Bagyo ngayon, paniguradong pahirapan ngayon doon sa plantasyon.""Nagpunta rin po si Tito sa plantasyon. Nagmamadali siya kanina. Ano kayang nangyari?"Kumunot ang noo niya. Nagmamadali si Sandro? Bakit nga kaya? Wala namang nabanggit si Sandro tungkol sa nangyayari sa plantasyon. Kaya lang sa pagkak

  • A Night With A Billionaire    Kabanata 39

    Paunti-unti ang pagsubo ni Serrie. Hindi niya akalaing magkasabay nga sila ngayon ni Hidan. Talagang pumayag siyang magkasabay silang kumain ngayon. "Eat more, Serrie," ani Hidan at nilagyan pa ng kanin at ulam ang lagayan niya."A-Ayos lang, Hidan. Okay na ako dito." Tipid ang ngiting binitiwan niya sa lalaki. Hindi niya naman talaga gustong ngitian ito. Hindi niya na ito boss pero ito pa rin ang may hawak ng plantasyon ni Sandro. Hindi niya pwedeng ipahalata ang iritasyon niya sa lalaki.Huwag na kasi nitong sagarin ang pasensiya niya. Huwag na siya sana nitong kausapin at baka hindi siya makapagtimpi rito. Nandito ito para sa anak niya. Akala siguro nito at hindi niya alam 'yon. Akala nito mangmang siya na pwede lang nitong utuin ng candy. Binilisan niya ang pagkain. Nang matapos ay agad niyang tinabi ang pinagkainan."Salamat sa pagkain, Hidan."Napansin niyang nakasunod ang mata sa kaniya ng lalaki. Napansin nito malamang ang pagmamadali niya. Sana naman sa pagkakataong 'yon ay

  • A Night With A Billionaire    Kabanata 38

    Nababalisa si Serrie hanggang sa makarating sila sa Hospital. Agad na sinalubong ng ibang nurse si Hidan. Kita ang gulat sa mga mata ng mga nandoon nang makilala kung sinu-sino ang mga nandito ngayon. Halatang maraming nakakakilala kina Sandro at Hidan sa lugar na iyon. Mayayaman ang pamilya na kina

  • A Night With A Billionaire    Kabanata 37

    Nagpapasalamat siyang sa loob ng isang linggo ay hindi umuuwi si Hidan sa mansyon. Noong unang gabi nila doon ay hindi siya mapakali. Umuuwi si Hidan sa mansyon at doon malamang natutulog. Paniguradong magkikita ulit sila, pero sa kabutihang palad ay hindi pa naman umuuwi ang lalaki. Papaano kung ma

  • A Night With A Billionaire    Kabanata 36

    “Ayos lang naman siya ‘di ba, Mama? Wala namang nangyari sa kaniyang masama, ‘di ba?” Sunod sunod ang mga tanong ni Edann. Ngumiti siya nang balingan ang anak. Halata kasi sa mukha nitong nag-aalala talaga ito sa Tito Sandro nito.“Ayos lang siya, anak. Walang mangyayaring masama sa Tito Sandro mo. N

  • A Night With A Billionaire    Kabanata 35

    “You don’t like the food?” Napaangat ang tingin niya kay Hidan nang magsalita ito. Umiling siya dito. “Ayos lang,” aniya. Ang totoo niyan ay masarap ang pagkain. Talagang nagustuhan niya. Kaya lang hindi siya kumportableng kumakain kasama si Hidan kaya hindi siya makasubo ng maayos. Kung sana pumaya

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status