Share

Kabanata 12

“Na-late ka?” tanong ni Owen.

“Ah, oo. Nag-aayos pa ako ng kwarto ko.” aniya at tipid na ngumiti kay Owen.

Iyong storage room kasi ay nilinisan niya pa ng maaga para lang kumportable siyang makatulog doon mamayang gabi.

“Ayos lang ba ang trabaho mo sa kariderya?”

Tumango siya. “Oo naman. Mababait sila sa akin. Lalo na si Nanay Linda.”

Tumangu-tango si Owen. “Mabuti naman kung ganoon. Mabuti na lang at hindi pa nakarating si Talula. Baka mapag-initan ka na naman.”

Napalunok siya. “Hindi na ako male-late sa susunod. Pangako!"

Nang mag-break time na ay agad lumapit ang mga office mates nila sa table nila.

“Hoy, Serrie! Dapat mainit pa ang kape ko pagdating dito, ha. Kaya dalian mo paakyat dito.” ani kasamahan niya.

“Hoy, ako rin. Pakibilisan. Huwag kasi kayo pabagal-bagal. Huwag mo na kayang isama itong si Owen? Babakla-bakla, e. Kaya kayo natatagalan sa baba.” dagdag pa ng isa.

Tumango lang siya habang tahimik lang si Owen. Pero sumama pa rin si Owen sa kaniya pababa.

“Baka mapag-inita
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status