Home / Romance / A Woman's Unparalleled Love / Chapter 25 - World Is Too Small

Share

Chapter 25 - World Is Too Small

Author: Zaligma
last update Huling Na-update: 2024-08-22 16:11:26

'Why is Mr. Eigenmann doing this? Anong dahilan niya para irespeto nang husto si Stephen?' lubos na nagtatakang tanong ni Paul sa isip nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin nito sa dalawa.

Isang makapangyarihang negosyante si Wilbert at kumpara dito ay isang normal na pamilya lang ang pamilya Vergara, bukod pa roon ay pabagsak na ang kumpanya nila. 'Anong kalokohan 'to?' muling tanong ni Paul sa isip nito sa naiinis na paraan.

Lumapit sila ni Jessie sa harapan ni Airith at doon lumuhod gaya ng ipinapagawa ni Wilbert.

'This is fucking humiliating!' asar na sambit ni Jessie sa isip nito. Katulad ni Paul ay hindi rin nito maintindihan ang inaasal ni Wilbert. Sila itong dapat nakatayo at sina Airith at Stephen ang nakaluhod sa kanilang harapan.

"W-we're sorry for what we did and for framing you. Sana ay mapatawad mo kami." sambit ni Paul, tila hirap pa itong bigkasin iyon.

"Yes, me too. Pasensya na sa ginawa ko sa'yo kanina, Airith. Sana ay mapatawad mo ako. M-maging na sa nagawa ko s
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Annabelle Condecid
Ang character ni Eirith ay pinagsamang Kina sa ugali at estado sa buhay ni Luke.
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • A Woman's Unparalleled Love   Chapter 49

    "You know, hindi lang talaga ako makapaniwala na naghiwalay kayong dalawa. Like, hindi ba't may matatag na kasunduan ang dad mo at si Lord Agustin? How could be that idiot so cold to you? Mas pinili niya pa ang Geraldine na 'yon eh alam naman nating mas mabango ka kaysa sa babaeng 'yon." nakangiwi sa inis na saad ni Erica.Kasalukuyan sila ngayong naglalakad sa kahabaan ng pedestrian lane habang parehas na may dalang kape na nakalagay sa paper cup.Nakatitig lang si Airith sa hawak na baso ni Erica na medyo nayupi na sa pagkakahawak nito.Sumimsim siya sa kanyang baso. "Hindi naman alam ng pamilya Vergara ang naging kasunduan ni papa at Lord Agustin." wika niya.Sinubukan niyang sabihin pero hindi siya pinaniwalaan ng mga ito. Wala naman siyang pakialam doon. Ang importante sa kanya ay alam niyang sila iyong tipo ng mga taong hindi kailangang bigyan ng patunay. Kapag naniwala sila ay paplastikin ka lang nila. Pekeng makikisama sa'yo."Yeah, right. Hindi nga pala nila alam ang tunay na

  • A Woman's Unparalleled Love   Chapter 48

    Anong sasabihin niya kay Erica? Naturingan niya pa man din itong best friend pero ni wala man lang siyang binanggit dito na kung ano noon patungkol sa kanyang pagdadalang tao.Pinagmasdan niya muna ang numerong nakatipa na sa screen ng kanyang cellphone, bago napagdesisyunang pindutin ang call button niyon.Segundo lang ang lumipas, narinig niya ang boses ng kaibigan na puno ng buhay sa kabilang linya ng tawag. "Airiiiiiiith! I missed you so so so much! Kamusta ka na? I was waiting for you to call for like an eternity!" bulalas nito.Hindi niya namalayan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Na-miss niya nang husto ang matinis at makulit na boses ng kaibigan."Ayos lang naman. Ikaw kamusta ka na? Nag-chat ka man lang sana sa'kin bago ka umuwi nang nasalubong kita." wika niya."I did, Airith. Nag chat kaya ako sa'yo. Ikaw 'tong hindi ako sini-seen. Akala ko nagtatampo ka sa'kin, ganern. But I noticed na ilang araw ka nang offline. Anong pinagkakaabalahan mo bhie? Musta na kayo ni Dadd

  • A Woman's Unparalleled Love   Chapter 47

    "I-I'm sorry. Akala ko—""Leave," malamig na wika ni Airith.Yakap-yakap niya ang kanyang sarili habang diretso ang tingin sa kinatatayuan ni Stephen. Muntik lang namang may mangyari sa kanila na muntik niya na namang pagsisihan.Narinig niya ang pagbuntong hininga nito at pagbukas at pagsarado ng pinto. Pabagsak na inihiga niya ang sarili sa kama."What the hell is wrong with you, Airith? Muntik mo nang makalimutang may anak ka na!" panenermon niya sa sarili sa mahinang boses.Nagtalukbong siya ng kumot. Paano kung hinayaan niya lang si Stephen at nabuntis siya nito? Siguradong kakarmehin na siya ng kanyang ama kapag nangyari nga iyon.Kung anu-anong posibilidad at maaaring mangyari sa hinaharap sakali mang magkatuluyan sila ni Stephen ang naglalaro sa kanyang isip.'Did he just admitted that he's actually inlove with me? O parte lang 'yon ng kalasingan ko?' tanong niya sa kanyang isip habang inaalala kung totoo nga iyong ginawang pagtatapat ni Stephen sa kanya kanina.Iniiling-iling

  • A Woman's Unparalleled Love   Chapter 46

    "Awe, ang sweet naman nila, aren't they?" wika ni Geraldine sa mapaglarong tono habang nakayakap sa braso ni Sebastian.Kasalukuyang nakaupo ang mga ito sa gilid ng bulwagan habang nanonood sa mga sumasayaw. Pero inagaw nina Airith ang atensyon ng mga ito maging na ang ibang bisita roon."Ooh, they're wild!" komento ng isa habang sinisiko ang katabi nito. "They should get a room, right?""What a lovely couple. Nakakainggit naman sila." wika rin ng isa."Ang swerte naman ni Mr. Stephen. Ang ganda-ganda ng mapapangasawa niya." puri naman ng isa pa. "Bagay sila sa isa't-isa."Naikuyom nalang ni Sebastian ang kamao nito matapos marinig ang mga iyon. Hindi nito kayang makita ang ginagawa ni Airith at Stephen kaya sa ibang direksyon ito ng bulwagan nakatingin.Para sa kanya ay mas lalo lang pinatunayan ni Airith kung gaano ito kadesperadang makapangasawa ng mayaman.Ang mas ikinaiinis pa nito ay pinuntirya ni Airith ang kanyang kapatid.Tumayo ito at naglakad papaalis."Sa'n ka pupunta? Are

  • A Woman's Unparalleled Love   Chapter 45

    Matapos ng ilang minutong paghahalughog nina Stephen sa buong bahay ay muli silang nagkita ni Tim sa may ibaba ng hagdan. Hinahanap nila ngayon si Airith.Nagpalitan sila ng tingin na sinundan ng pagtaas-baba ng balikat ni Tim. Ngayon ay mas lalo pang nag-alala si Stephen."Hindi kaya umuwi na 'yon at 'di lang sa'yo nagpaalam?" hinuhang tanong ni Tim."I don't think so. Magsasabi naman 'yon kung gusto niyang umuwi."Isa pa ay sa banyo ang sinabi nitong pupuntahan nito. Si Geraldine ang nakasalubong niya nang magtungo siya roon at sinabi nitong kakaalis lang ni Airith at pabalik sa bulwagan ang direksyon nito, hindi palabas ng bahay.Pero paano kaya kung nagbago ang isip ni Airith at napagdesisyunan nitong lumabas?Makaraan ng ilang saglit ay napasampal siya sa kanyang noo. Bakit ngayon lang iyon pumasok sa isip niya?"Bakit?" usisa ni Tim."I'll be right back. Check mo ulit sa grandhall baka bumalik siya ro'n."Tumango-tango lang si Tim at naghiwalay sila ng direksyon.Pagkarating niy

  • A Woman's Unparalleled Love   Chapter 44

    Kumabog ang dibdib ni Airith dahil sa sinabi ni Stephen. Isipin niya palang ay naiimahina na niya kung anong klaseng titig ang ipinupukol sa kanya ni Sebastian. Pagkadismya iyon, panigurado."Oh, Airith. Nandito ka rin pala," Tumabi si Geraldine kay Stephen. "Nice meeting you, again. Sorry about sa nangyari the other day. Hindi ko inaakalang... well, alam mo na." wika nito sa kanya sa tila nanunudyong tono na ikinukubli lang nito sa pilit nitong pagngiti."Geraldine, please." sita ni Stephen rito sa seryosong mukha habang makahulugan itong tinititigan."No, no, I didn't mean it that way," Mahinang natawa si Geraldine. "Na-curious lang ako. Airith was such a wonderful, kind... generous girl back then noong nasa college kami, but I don't know why they hate her so much. I mean... she's very lovely woman!" Mahina nitong siniko si Stephen sa tiyan. "Kaya nga nahulog ka sa kanya, hindi ba?""That's true," sang-ayon ni Stephen kasabay ng pagtaas-baba ng balikat, "But please, 'wag na nating

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status