WALANG IMIK NA magkatabing naupo ang mag-asawa paharap ng dagat matapos ang kanilang halikan kanina upang makapag-usap nang masinsinan. Hindi na magawang makatingin ni Yasmine ng deretso sa mukha ng asawa dahil sa hiya. Aminado siyang nadala lang naman siya ng emosyon kanina kung kaya nasabi niya ku
HINDI NA NAGAWANG pigilan ni Yasmine na mas maging emosyonal pa nang marinig ang sinabing iyon ni Dos na parang magic words na nagawang mas palabasin kung ano ang tunay niyang nararamdaman. Wala sa sariling niyakap na rin niya ang katawan ng dating asawa gamit ang nangangatal niyang mga braso. Pilit
UNTI-UNTING LUMAMBOT ANG matigas na damdamin ni Yasmine na ang buong akala niya ay magagawa niyang mapanindigan habang nakahinang ang kanyang mga mata sa walang muwang na mukha ng dating asawang si Dos. Batid niya na kahit hiwalay na sila ng asawa ay karapatan pa rin ng kanyang anak na malaman kung
TALIWAS NAMAN DOON ang tumatakbo sa isipan ni Dos na nais na muling haklitin ang isang braso ni Yasmine upang muling mayakap nang mahigpit ngunit kailangan niyang sawayin ang sarili at baka mas magalit ito sa kanya. Mamaya, pagkatapos nilang kumain, kakausapin niya ito. Sasabihin na ang tungkol sa k
HUMIGPIT NA ANG hawak ni Yasmine sa laylayan ng kanyang suot na damit. Tila isang panaginip ang nangyayari sa kanyang harapan kung saan ay naroon ang dati niyang asawa. Puno ng pagmamahal ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Alam niya at memoryado ang mga matang iyon kahit na hindi ganun katagal
ILANG SANDALI PA ay lumakad na si Yasser upang salubungin ang kanyang bayaw. Nilingon niya pa ang loob ng resthouse kung saan ay kasalukuyang nagpapahinga si Yasmine sa loob ng kanyang silid. Pinapasok niya ito dito at sinabi na mamaya na lang niya ito tatawagin sa labas kapag handa na ang lahat. Si