LOGIN"OO NAMAN," NAKANGITING sagot pa ni Mona. "Nabuo natin itong baby noong gabing iyon, Leo. Magiging Daddy ka na."Umigting ang panga ni Leo. "Anong... gusto mo?" tanong nito.Napababa ng tingin si Mona bago nahihiyang sumagot. "Birthday ko kasi bukas. Gusto kong... magpaparty ako..." anito. "Pupunta ka ba?"Isa na si Mona ngayon sa pinaka impluwensyang tao ngayon sa bansa. Pero kapag pumunta pa doon si Leo at umattend ng birthday party niya, paniguradong magiging laman siya ng mga media outlets kinabukasan. Pag uusapan talaga siya.Tahimik lang si Hyacinth na nanunuod kay Leo."Sige," pagpayag agad ng lalaki.Agad na bumalatay ang tuwa lalo sa mukha ni Mona. "Salamat! Salamat, Leo!" Napatingin sa impis pang tiyan ni Mona si Leo. "Since buntis ka, alagaan mo ang sarili mo magmula ngayon," bilin pa niya. "Umuwi ka na at magpahinga."Mas lalo lang natuwa si Mona kasi ipinapakita ngayon ni Leo na concern ito sa kaniya. Marahang hinawakan ni Mona ang kaniyang tiyan."'Wag kang mag alala, L
BUMALIK SA SARILI NIYANG bahay si Leo. Agad siyang binati ng maid nang makita siya pero hindi niya ito pinansin. Nagtungo siya sa living room at agad niyang binalingan ang sofa.Nanumbalik sa isip ni Leo ang nangyari sa gabing iyon. Ang babaeng nakasama niya... may posibilidad kaya na si Hyacinth talaga iyon?Ayaw paniwalaan ni Leo iyon kahit na parang may parte sa isip niyang baka totoo nga. Nawala lang sa isip ni Leo iyon nang may kung ano siyang namataan sa may sofa. May isang maliit na patalim doon na parang karayom na. Agad niyang namukhaan kung sino ang nagmamay ari non.Si Hyacinth...Laging may dalang gano'n si Hyacinth. Pero paanong nakarating doon? Masyado ng obvious ang kasagutan sa tanong ni Leo.Hindi totoong panaginip lang ang gabing iyon. Nandito noon si Hyacinth. Ang nagsisilbing ebidensya ay ang hawak niyang maliit na patalim.Ang babaeng nakaniig niya sa gabing iyon ay si... Hyacinth.Hindi na nag aksaya pa ng panahon si Leo at kinuha ang phone. Tinawagan niya si Ru
HINDI NAKATAKAS SA PANINGIN ni Leo ang guilt sa mga mata ni Mona. Sa isang iglap, nagbago ang kaniyang ekspresyon pero wala siyang sinabing salita. At ang katahimikan na iyon ay tila mas nagpakaba pa kay Mona."A-Ako talaga iyon. Ikaw ang nakauna sa 'kin..." kabadong dagdag pa ni Mona.Pero parang walang narinig si Leo. Wala na siyang pakialam sa sinasabi nito kaya naman tinapakan na niya ang accelerator at pinaandar papalayo ang kaniyang sasakyan."L-Leo!" sigaw pa ni Mona sa lalaki pero masyado ng mabilis ang pagpapatakbo nito. Tila ba sinemento ang kaniyang paa sa pwesto dahil hindi na siya makahakbang pa sa kaba.Pinasususpetsahan na ba siya ni Leo na nagsisinungaling?Ilang saglit lang, may dalawang lalaking nakaitim ang naglakad papalapit sa likod ni Mona. Bago pa man siya makapagreact, nahuli na ng mga ito ang kaniyang magkabilang braso."A-Anong ginagawa niyo? Pakawalan niyo ako!" asik ni Mona sa dalawang lalaki."Sumama ka sa 'min. Gusto kang makita at makausap ni Ms. Jasmine
AGAD NA NAG INIT ANG pisngi ni Hyacinth. Mabilis siyang kumilos at bumalik na sa passenger seat. Lumabas na rin siya mula sa loob ng sasakyan."Cassie," tawag niya sa kaibigan."Hyacinth!" excited na ani Cassie at hinawakan agad ang kamay nito. "Okay na si Annika. Tara na, puntahan natin siya sa police station! Sunduin natin siya!""Sige. Magtaxi na lang tayo papunta doon."Kumunot ang noo ni Cassie. "Bakit pa? Sumabay na lang tayo kay Mr. Cantavieja!"Bago pa man makatanggi si Hyacinth, nagulat siya nang pumasok na si Cassie sa backseat ng sasakyan ni Leo matapos siyang udyukan na sumakay na rin ito.Umuklo bahagya si Cassie mula sa pwesto at binalingan si Leo. "Pwede niyo po ba kaming ihatid sa police station?" tanong nito.Ang init sa mga mata kanina ni Leo ay tuluyan ng naglaho. Balik na ulit ang expresyon nito sa malamig at halos hindi mabasa. Binuksan niya ang bintana at hinayaan ang malamig na hangin na pumasok sa sasakyan.Sumakay na rin kalaunan si Hyacinth kasi wala na rin n
FIRM AT TILA MAHIRAP balewlain ang hita ni Leo na naupuan ni Hyacinth. Hindi niya maiwasang matense agad."A-Ano bang ginagawa mo, Leo? Nasa loob pa tayo ng kotse, ah..." paalala niya sa lalaki.Mahigpit ang hawak ni Leo sa kaniya na tila ayaw nitong makawala siya. "Pwede bang magrelax ka? As if naman hindi pa natin ito nagawa noon..." kalmadong anito.Nagpumiglas ng bahagya si Hyacinth. "S-Sa... bahay mo na lang tayo kung gano'n."Masyadong maliit ang space. Kaya bawat kislot ni Hyacinth, mas napapalapit lang siya kay Leo na ngayon ay tila nandilim na ang ekspresyon. Humigpit na rin ang hawak nito sa kaniyang baywang at bahagyang umuklo papalapit sa kaniya."'Wag kang magalaw," tila warning na saad ni Leo.Napasimangot si Hyacinth at hinuli ang pulsuhan ng lalaki. Agad niyang naramdaman ang lamig ng relo nito sa kaniyang kamay. "Masakit... masyadong mahigpit ang hawak mo, Leo. Nasasaktan ako..." marahang wika nito.Dahil sa naging tono ng boses nito, tila may kung anong bumalik sa al
KATAHIMIKAN. WALANG NASABI si Leo. At ayaw mang isipin ni Hyacinth pero ang katahimikang iyon ang tila pagkumpirma ni Leo sa sinabi niya. Ayaw talaga ni Leo na magkaanak sila. Kahit naman na alam na iyon ni Hyacinth, ramdam pa rin niya ang hapdi sa dibdib.Napabuga siya ng hininga. "At mas maganda rin kung... magprepare ka muna ng condom tapos saka natin pagp usapan ang tungkol sa pagpapalaya mo kay Annika. Hindi ako aalis. Dito lang ako..."Tumigil bigla ang pag andar ng sasakyan. Binuksan ni Leo ang pintuan at lumabas. Umikot ito kalaunan at pinagbuksan din ng sasakyan si Hyacinth."Labas," sabi ni Leo.Kumunot ang noo ni Hyacinth. "Bakit tumigil tayo dito?" takhang tanong niya.May itinuro si Leo. Nasa tapat pala nila ang isang convenience store. "Kailangan ng condoms, 'di ba? Bibili na tayo ngayon," sagot ni Leo.Natahimik na lang si Hyacinth. Bakit ang bilis naman yatang magdesisyon ni Leo? Talagang dinala siya agad dito sa store. Hinila na siya ng lalaki papasok sa store. Gulat
MAKALIPAS ANG isa't kalahating oras, nakabalik na rin si Leo sa family house nila.Lumalalim na lalo ang gabi. At mas patagal nang patagal ang pag uwi ni Hyacinth. Hindi na maiwasan pang mag overthink ni Leo.Hindi niya naabutan ang sasakyan ni Rui kanina. Hindi na niya alam kung saan ito lumiko o
AGAD NA NAKILALA ni Rui ang sumasayaw sa dance floor. Parang nahigit niya ang sariling hininga saglit.Samantala, si Jasmine naman ay bahagyang natigilan pagkakita kay Hyacinth sa dance floor. Naiinis siya sa sumasayaw na na si Hyacinth na para bang walang tao sa paligid nito kasama si Annika. Para
"SAYANG! WALA man lang masyadong info about sa kaniya! Ano namang ibig sabihin niyang 'H' na iyan?" reklamo ni Alfred at nailing na lang."Malay ko..." walang ganang sagot lang ni Leo."Ifollow mo na lang, dude!"Nagkibit balikat lang si Leo sa sinabi ni Alfred pero kalaunan ay sinunod din naman ni
HINDI MAIWASANG magulat ni Alfred sa sinabi ni Jasmine. Kasi ang totoo niyan, isa sa mga rason kung bakit inaadmire nila si Jasmine ay dahil hindi lang siya basta mukha o pisikal na anyo lang. Matalino rin ito. At sa lahat ng mga babaeng napalapit kay Leo, ito ang pinakanababagay talaga sa kaniya.







