تسجيل الدخولMAS LALONG NAINIS si Jasmine dahil basang basa na talaga ang damit niya sa ulan. Ilang saglit lang, dumating na ang sasakyan. Bumaba ang bintana sa may driver's seat."Kayo po ba si Ms. Lira? Pinapasundo po kayo ng boss namin," sabi ng driver."Boss?" naguguluhang tanong ni Jasmine.Hindi na lang sila nagtanong pa gaano dahil gusto na nilang sumilong. Pumasok sila Lira at Jasmine sa loob ng kotse.Nasa loob si Charles Fajardo, ang pinakasikat na lalaki sa university. Siya lang naman ang captain ng basketball team sa school. Kabilang din ito sa mayamang pamilya. Gwapo ito at athletic. Palakaibigan at marami talagang admirers sa campus.Pero hindi close sa kaniya si Lira. Kasi nga ang gusto talaga ng babae ay si Rui. Pero hindi naman dahil hindi niya gusto si Charles, ipapakita na niya iyon. Syempre, pinapangalagaan pa rin niya ang image sa harap ng mga lalaki.Matamis na ngumiti si Lira. "Salamat, Charles..." saad niya."No problem," sagot din ng lalaki at ngumiti bago iabot ang isang
"MGA WALANG KAHIHIYAN!"Umalingawngaw ang boses ni Ysa sa loob ng kabahayan habang masama ang tingin kina Jasmine at Lira.Ilang saglit lang, nagsidatingan na ang mga bodyguards at pinalibutan ang dalawa na gulat na gulat pa rin. Mabilis din silang nagpanic.Kalmado lang si Cassie at nagawa pa nitong daanan ang dalawa at eleganteng naupo sa may sofa. May isa pang maid na lumapit dito at binigyan siya ng isang tasa ng tsaa. Dahan dahan siyang uminom doon at tumingin kina Lira at Jasmine.Hindi pa rin nawawala ang masamang tingin ni Ysa sa mga ito. "Saan ba nanggaling ang dalawang bastos na mga babae na ito? Ininsulto niyo nang paulit ulit ang Señorita! Isa pang masamang salita laban sa kaniya, ipapatapon na kayo papalabas!"Natahimik na lang sina Jasmine at Lira. Ibinaba ni Cassie ang hawak na tasa ng tsaa at ngumiti. "Hindi ba ay hinahanap niyo si Georgina? Congrats..." saad nito. "Natagpuan niyo na rin siya...""... ako si Georgina."Hindi na itinago pa ni Cassie ang totoo. Inamin na
BUMALIK SI CASSIE SA family house nila. Agad niyang namataan si Ysa na mukhang hinihintay siya."Nagbalik ka na rin sa wakas, Señorita!"Napangiti si Cassie pagkakita sa babae. Halatang namiss siya nito.Ipinanganak man siyang may malaking birthmark sa mukha at ilang beses ng natawag na pangit noong bata pa siya, marami pa ring naiinggit at insecure sa kaniya noon. Nanatili pa rin siyang positibo at mabait dahil na rin sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Mahal na mahal siya ng mga ito.Masayang niyakap ni Cassie si Ysa. "Nakabalik na rin ako sa wakas! May inimbita pala akong dalawang bisita ngayong gabi. Tratuhin niyo siya ng maayos, ah?" bilin nito na siyang ikinangiti lang ni Ysa."Talaga? Mga kaibigan mo ba? Mabuti at may mga nagiging kaibigan ka na, Señorita! Sana dumami pa sila..."Hindi pa nakakasagot si Cassie, may luxury car ng tumigil mula sa labas ng bahay. Dalawang babae ang lumabas mula doon.Sina Jasmine at Lira."Nandito na sila," ani Cassie na may ngiti sa labi.FIRST T
AGAD NAGNINGNING ANG mga mata ni Cassie. "Dapat lang! Compensation iyan sa lahat ng mga pinagdaanan mo sa kaniya. Kaysa naman si Jasmine ang makinabang iyan..."Napatingin si Hyacinth sa card. "Ilan kaya ang pera na nilalaman ng card na 'to?" kyuryusong tanong niya."Ewan. Pero gusto mo bang itry na gamitin para bumili ng bahay bukas?" mapaglarong tanong nito.Napahagikhik si Hyacinth doon. "Pwede rin! Pero alam mo namang ang may ari nito ay isang Cantavieja! Baka pwedeng airplane na lang?" patol nito sa sinabi ng kaibigan.Napahalakhak na lang silang dalawa doon.SINABI NI LEO ANG sinabi ni Cassie kay Jasmine. Tuwang tuwa tuloy si Jasmine at hindi maiwasang maexcite."Wow, good sign ito!" bulalas din ni Lira. "Nagustuhan niya iyong gift na bigay mo tapos pumayag din siyang maging kaibigan mo! At ininvite ka pa sa bahay nila bukas!"Hindi iyon inaasahan lahat ni Jasmine. Sobrang dali lang pala ng gusto niyang mangyari. Walang kahirap hirap na nakuha niya agad si Georgina. Hindi nga si
NABURA ANG NGITI SA LABI ni Jasmine. Syempre gusto niyang magyabang kay Hyacinth kasi gusto niyang makita itong nasasaktan. Pero mukhang iba naman ang ipinapakita nito. Halos hindi na siya makapagsalita pa."Hyacinth--""Ano bang ipinagmamalaki mo kasi, Jasmine?" mabilis na putol na sabi ni Hyacinth habang may maliit na ngiti sa labi nito. "Nakuha ko naman na noon pa si Leo. Naging Mrs. Cantavieja na rin ako. Ex- husband ko na lang siya ngayon. Bakit na parang nanalo ka ng grand prize diyan?"Namula ang mukha ni Jasmine sa galit. Hindi na siya nakapagsalita pa. Bago pa man siya makasagot, kumilos na agad si Hyacinth upang makaalis na doon. Ayaw na niyang pag aksayahan ng panahon sina Jasmine.Pero bago pa man tuluyang makalayo si Hyacinth, may humarang bigla sa daanan niya... si Alfred.Sumimangot ang lalaki. "Hyacinth, ano pa bang gusto mo? Divorced naman na kayo ni Leo! Bakit kinakausap mo pa siya? Wala ka na ba talagang kahihiyan--""Alfred," tawag ni Hyacinth sa lalaki kaya napati
NORMALLY NAMAN AY kapag ganitong mga nagtitipon tipon sila, sina Jasmine at Leo ang pinagtutuonan ng pansin ng lahat. Pero mukhang iba ngayon.Ang excitement ng lahat ay nakafocus kay Leo at sa mysterious genius na junior daw nito noon. Iniisip palang iyon ni Jasmine ay parang nalalasahan na niya ang pait sa kaniyang bibig.Lahat ay parang nilolook forward ang pagkikita ni Leo at ang mysterious genius junior. At syempre, hindi narerealized ng lahat na dahil sa pag uusap nila tungkol do'n, nawala na ang spotlight kay Jasmine. Hindi na siya ang center of attention. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit sa kaniyang katawan.Ilang saglit lang, dumako ang tingin ni Lira sa may entrance ng bar at may namataan doon."Tingnan niyo... si Hyacinth iyon, 'di ba?"Pagkarinig palang ni Leo sa pangalan ng babae, agad nabaling doon ang kaniyang tingin. Tama nga si Lira dahil kapapasok nga lang ni Hyacinth sa loob ng bar. Nakasuot ito ng itim na dress na yumayakap sa hubog ng katawan nito. Maging
"A-ANO? PARANG nabingi yata ako," sabi ni Hyacinth at bahagyang napahalakhak upang mabawasan ang kaseryosohan ni Rui pero hindi naman umobra."Narinig mo kung ano ang sinabi ko, Hya. Gusto kitang maging girlfriend..." saad ni Rui.Bahagyang napailing si Hyacinth. "P-Pero... laking probinsya ako...
AALIS NAMAN na sana si Hyacinth sa ospital na iyon pero tumigil muna siya sa isang gilid. Ilang minuto ang lumipas ay saka siya umalis doon pero hindi sinasadyang nakasalubong niya si Jasmine na tila inaabangan siyang dumaan."Hyacinth..." tawag ni Jasmine."Bakit, Jasmine? Anong kailangan mo?" tak
"HYACINTH? ANO na namang ginagawa mo dito?" mataray agad na bungad na tanong ni Jasmine nang makita si Hyacinth.Naparolyo ng mga mata si Lira. "Bakit ka na naman nanditong babae ka, huh? Naiinis na ako sa pagmumukha mo dahil sa panlalandi mo kay Rui! Pwede bang umalis ka na lang? May importante ka
PARANG NABLANGKO ang isip ni Hyacinth bigla. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Leo. Oo, naghalikan na sila noonh una. Pero iba ang ngayon dahil si Leo mismo ang nagfirst move.Sinubukang itulak ni Hyacinth si Leo. "Ano ba, Leo!?" asik niya rito.Ngunit hindi natinag si Leo. Ipinagpatuloy niya an







