LOGINBAHAGYANG NATAWA NA LANG SI LEO. Tingnan mo nga naman si Hyacinth kanina. Talagang sinadya pa nitong lumapit sa kaniya at kinausap siya kahit na may naghihintay naman na sa kaniyang luxury car para lang mainis si Jasmine lalo sa kaniya.Talaga namang tumatapang lalo si Hyacinth sa mga araw na dumadaan.Hindi pa man sumasagot si Leo, talaga namang pumasok na sina Jasmine, Shaina at Carla papasok sa loob ng kotse. Si Jasmine ang mabilis na nagtungo talaga sa passenger seat. Sa likod naman sina Shaina at Carla. Ilang saglit lang, pinaandar na papalayo ni Leo ang kaniyang kotse. Binaybay niya ang main road.Sa ilang segundong lumilipas, hindi mapigilang mafrustrate ni Jasmine lalo sa loob loob niya. Hindi niya talaga lubos maisip ang katotohanang pagkakaroon ng luxury car ni Hyacinth. Rolls Royce pa talaga na kagaya ng model kay Leo! Anong karapatan ng babae ng magdrive ng ganoong kamahal na kotse?!Kaya naman, hindi na rin naiwasan pa ni Jasmine na magtanong. "Leo... manghiram ba sa iyo
NAISIP NI HYACINTH NA SIGURO, oras na rin nga para magkaroon siya ng sariling bahay niya talaga pero naisip niya si Cassie sa dorm. Gusto niyang makabonding pa rin naman ito kahit papaano kung kailan niya gusto.Tinanggap ni Hyacinth ang kasulatan tungkol sa titulo ng bahay. Pero bigla namang may ibinato sa kaniyang susi kalaunan si Rico."Tapos ito naman para may masakyan ka," saad ng lalaki.Susi iyon ng isang sasakyan. Na para bang wala lang halaga ang mga ibinigay ni Rico sa kaniya. Na para bang laruang bahay at kotse lang ang ibinigay sa kaniya ng lalaki.Ngumiti si Hyacinth at tinanggap din naman ang susi ng kotse. "Thanks.""Ngayong divorced ka na kay Leo, kailan mo ba balak bumalik sa amin?" kyuryusong tanong ni Rico bigla. Iyon naman kasi talaga ang rason kung bakit siya pumunta ng syudad. Para maliwanagan sa magiging sagot ni Hyacinth.Medyo naghesitate pa si Hyacinth bago sumagot. "May mga kailangan pa akong dapat na asikasuhin dito. Babalik naman ako kapag ayos na lahat."
NAPACHECK SAGLIT SI HYACINTH sa kaniyang phone. Nakita niyang may mensahe sa kaniya si Rico.Kuya Rico: ['Hya, nakabalik ka na ba?']Agad niyang nireply'an iyon.Hyacinth: ['Opo. Nakabalik na ako.']Kuya Rico: ['Sige. Magmeet up tayo, okay lang?']Hyacinth: ['Oo, Kuya. Ayos lang. Kita na lang tayo sa Golden Roots. Ang tagal ko na ring hindi nakapunta doon, eh.']Kuya Rico: ['Kaya nga. Ikaw pa naman ang mismong founder tapos hindi ka pumapasok. Haha!']MADAMI NA ANG TAO sa Golden Roots. Syempre, puro mga empleyado at mga tao ring nag iinquire tungkol sa pinakamalaking pharmaceutical company sa bansa. Nakapasok si Leo doon dahil ginamit nito ang VIP access. Kailangan niya kasing kumuha ng gamot ni Jasmine.Simula nang makabalik sila sa Manila, tila hindi na maganda ang naging pakiramdam ni Jasmine. Lagi rin itong nakadikit lagi kay Leo kaya walang choice ang lalaki dahil baka ikasama pa iyon lalo ng pakiramdam nito. Minsan sumasama na rin sina Shaina at Carla.Si Shaina ang kumuha ng p
"AT TSAKA... BAKIT HINDI ka agad nakaalis sa yate na iyon? Siguro... may ginawa ka kay Hyacinth, 'no?!" dagdag na pang aakusa pa ni Jasmine.Mabilis siyang nakapag isip ng kwento agad para mabaliktad si Alfred. Planado na niya lahat para magmukhang ang lalaki ang may kasalanan.Agad na umiling si Alfred. "Hindi ko magagawa iyon, Jasmine..." marahan pa ring wika niya sa babae."Oo na. Pero kailangan nating magkampihan, okay? 'Wag mong hahayaan na pumagitna sa atin iyang si Hyacinth."Samantala, si Hyacinth naman ay busy sa pag aayos ng mga gamit niya para makabalik na sila sa Manila. Nang okay na ang lahat, lumabas na siya at hindi sinasadyang magkabanggaan sila ni Jasmine.Halatang hinintay siya ni Jasmine. Hindi naman na nagtakha doon si Hyacinth at magtutuloy tuloy na sana sa paglalakad nang marinig niya ang babae."Hya, mabuti na lang at nakabalik kang safe. Sobrang nag alala ako sa iyo!" sabi ni Jasmine, halata namang peke.Ngumisi si Hyacinth. "Itigil mo na iyang arte mo na iyan,
TULUYAN NG PUMASOK SI LEO. Madami na ngang pagkain ang nakahanda para sa kaniya sa hapag. Patuloy lang ang pananalita ni Soledad. Naikwento na rin niyo na mayaman nga si Leo at nagmamay ari ng malaking kompaniya kaya naman nangislap na rin ang mga mata ng ama nito.Nakaupo ang ama nila sa pinakakabisera ng hapag kainan at sa kanan nito ay si Manuel na tila nahihilo. Ang nakakapagtakha kay Manuel sa mga oras na iyon ay tila wala itong matandaan sa nangyari kagabi at masakit din ang katawan nito. Napahilot tuloy siya sa batok. "Pa, parang nabugbog ako ng sobra kagabi... pero alam mo iyon... parang maganda pa rin naman ang pakiramdam ko kasi parang nakasaksi ako ng magandang dilag...""Magandang dilag ka pang nalalaman diyan, ah?" mapanuksong saad ng ama nito. "'Wag kang mag alala. Hahanapan kita ng magandang dilag para mapangasawa mo. At itong mayaman na lalaking ito ngayon..." Sumulyap ito kay Leo. "Sisiguraduhin ko na mapupunta kay Soledad...""Papa naman! Nandito si Leo, ah!" paalala
"'W-WAG..." BULONG NG pagproprotesta ni Hyacinth habang kunot ang kaniyang noo.Unti unting nagmulat ang kaniyang mga mata at ilang saglit na nag adjust iyon. Agad niyang nabungaran ang mukha ni Leo. Nagtakha pa siya pagkakita sa lalaki. Kasi... bakit siya nandito?Parang nablangko bigla ang isip ni Hyacinth dahil sa gulat sa presenya ni Leo. Ang mga mata ng lalaki ay seryoso at tila may kakaibang apoy doon ngayon na tila nagniningas. Ngayong nakikita na ni Leo na gising na gising na si Hyacinth at may bahid ng pagtatakha sa mukha nito, hindi niya maiwasang kabahan.Umuklo ulit si Leo at tinangkang hinalikan si Hyacinth. Ang kaso, bumaling na sa gilid ng babae upang umiwas. "A-Ano ba, Leo?! Anong ginagawa mo dito? Lumayo ka nga!" agad niyang asik sa lalaki."Paano ako lalayo at titigil kung... ganito ka?" malalim at maaligasgas ang boses na sagot nito.Kumunot ang noo ni Hyacinth. Magulo pa ang isip niya sa mga nangyari dahil sa lagnat. Natatandaan niyang trapped sila ni Alfred sa lug
NAPASIMANGOT si Hyacinth sa narinig. "Anong pinagsasabi mo? Pinaglalaruan kita?" tanong niya, halatang hindi makapaniwala.Umigting ang panga ni Leo. "Sino ba kasing may nagsabi sa'yo na magsuot ka ng ganito?""Ganito? Wala namang problema sa suot ko, Leo," sagot ni Hyacinth .Bumaba ang tingin ni
MATAPOS ANG maghapong pagshoshopping nila Hyacinth at Annika, dumiretso na sila sa Nocturne Bar. Talagang plinano na lahat ni Annika.Ang hindi inexpect ni Hyacinth pagkarating sa bar ay ang makita si Leo kasama ang ilang mga kaibigan nito. "Nandito pala ang soon-to-exhusband mo at mga alipores
"BUMALIK KA DITO ngayon din, Hyacinth !"Natawa lang ng mapakla si Hyacinth nang marinig ang nanggagalaiting boses ni Leo. "Hinding hindi na ako babalik sa iyo, Leo--""Shut it! Wala akong pakialam sa sasabihin mo! Bumalik ka na lang dito!""Hindi, Leo. Sa tingin mo, magkakandarapa akong babalik s
"H-HAPPY BIRTHDAY, Leo. 'Yan ang gift ko sa iyo. Nagustuhan mo ba?" Tumingin si Hyacinth kay Leo ng deretso. Samantalang si Leo naman ay tila hindi man lang naapektuhan dahil nakuha pa nitong ngumisi na tila ba malaking katatawanan ang sinabi ni Hyacinth ."Ano? Dahil ba hindi ako nagcelebrate ng







