Home / Romance / ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ? / CHAPTER 28: Heartbreak Salad

Share

CHAPTER 28: Heartbreak Salad

last update publish date: 2026-05-13 01:22:44
“Ate Sol… seryoso ka ba talaga dito?”

Nasa loob na ngayon ng karinderya si Sol habang kaharap ang kambal sa isang mesa malapit sa counter. Katatapos lang ng lunch hour kaya hindi na ganoon kaabala ang paligid. Nakapatong sa mesa ang dala niyang paper bag na puno ng chocolates at pasalubong para sa lahat.

Samantala, si Brownie paikot ikot sa paanan niya habang kinakagat ang laylayan ng floral dress niya.

“Brownie… behave…” natatawang sabi ni Sol habang sinusubukang hilahin ang bestida niya.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?    CHAPTER 28: Heartbreak Salad

    “Ate Sol… seryoso ka ba talaga dito?” Nasa loob na ngayon ng karinderya si Sol habang kaharap ang kambal sa isang mesa malapit sa counter. Katatapos lang ng lunch hour kaya hindi na ganoon kaabala ang paligid. Nakapatong sa mesa ang dala niyang paper bag na puno ng chocolates at pasalubong para sa lahat. Samantala, si Brownie paikot ikot sa paanan niya habang kinakagat ang laylayan ng floral dress niya. “Brownie… behave…” natatawang sabi ni Sol habang sinusubukang hilahin ang bestida niya. “Hindi mo kami madadaan sa chocolate ha,” taas kilay na sabi ni Bella habang naka cross arms. “Explain yourself first.” “Ano ka ba Bella…” singit ni Anton habang binubuksan na agad ang isang imported chocolate bar. “May pasalubong na nga sa atin oh.” “Prosecutor ako dito ngayon, kaya tumahimik ka.” Napabuntong hininga si Sol saka tumingin isa isa kina Nilo, Gemma, Tim, at Manang Hilda na tila audience sa isang barangay hearing. “Sorry…” Natahimik silang lahat. “Kailangan kong magk

  • ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?   CHAPTER 27: Nangungulilang Kare-Kare

    Pagkauwi ni Cris galing Maynila, deretso siya sa kwarto niya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang bag sa gilid ng kama bago umupo sa gilid nito..Napatingin siya sa suot niyang red string bracelet sa pulso. Yung twinning bracelet nila ni Sol..Matagal niya iyong tinitigan habang bumabalik ang masasayang alaala nila ni Sol. Naalala niya kung gaano kasaya si Sol sa beach nung ipinilit nitong isuot iyon sa kanya habang nagtatago sila sa likod ng souvenir shop. “Huwag mong iwawala ’yan ha… lagi mong isusuot. Meron din ako…” “Ang sweet mo naman…” Napapikit siya sandali saka marahang hinubad iyon mula sa braso niya. Pagkatapos, binuksan niya ang bedside drawer. Kasama ng bracelet, inilagay rin niya doon ang mga folders at calling card na bigay ni Eugene. Marahan niyang isinara ang drawer. At sa unang pagkakataon matapos ang magulong araw na iyon sa Manila, napahiga siya sa kanyang kama at tumitig sa kisame. Pero kahit anong pilit niyang huwag isipin si Sol… Mukha pa rin nito ang laman ng is

  • ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?   CHAPTER 26: Love You Pa Ba Soup No.5

    “Paanong nangyaring natuklasan nila…?” tulirong tanong ni Sol habang ka-video call si Dianne. Nakaupo siya sa gilid ng kama. “Hindi ko pa alam,” sagot ni Dianne. “May nag-iwan daw ng brown envelope na may lamang pictures ninyo ni Eugene at impormasyon tungkol sa’yo. Pero kung sino man ’yon, makakaasa kang aalamin ko. Siguradong may inggit sa’yo ang taong ’yon.” “Sa tono mo Dianne… parang may naiisip ka kung sino?” dugtong agad ni Sol. Napakagat labi si Dianne saka napaisip. “Hmmmm… hindi ko lang sure paano niya nagawa, pero hindi malabo. Kasi marami siyang kilalang elite noon at dati rin siyang nagtrabaho sa hotel ni Eugene…” Napahinto siya. Biglang may parehong pumasok na pangalan sa isip nilang dalawa. “Si Grace…” Halos sabay nilang nasabi. “Besh… siya rin kutob mo?” tanong ni Dianne. Tumango si Sol. “Nakwento sa’kin ni Bella na naging empleyado siya dati sa Hotel D’Lusso. Hindi malayong kilala niya si Eugene.” “Hay naku talaga…” napapamewang na sabi ni Dianne kahit nasa

  • ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?   CHAPTER 25: Menudong Red Flag

    Dahil ayaw ni Sol na nakabuntot na naman sa kanya ang mga bodyguards buong araw dahil hindi siya sinundo ni Eugene, hindi na siya pumasok sa office ng kumpanya nila sa Manila sa araw na iyon. “Dianne… sobra na ’ko nag-aalala, hindi pa rin nagpaparamdam si Cris?” hinaing ni Sol sa kaibigan sa video call habang nasa loob siya ng workout room niya sa mansion sa San Andres. “Girl, kung may alam ako sinabi ko na sana agad…” sagot ni Dianne mula sa video call. “Pero kanina pumunta si Nanay sa karinderya para bumili sana ng ulam… sarado daw.” Huminto si Sol sa treadmill at agad pinunasan ang pawis sa noo. “Sarado…?” “Oo… tapos wala rin daw yung kambal kasi mukhang pumasok na sa school. Mukhang umalis din si Cris.” Napabuntong-hininga si Sol, bumaba sa treadmill at naupo sa yoga mat. Buong araw na siyang balisa at bagot na bagot. Mula umaga hanggang tanghali, wala ni isang message si Cris. Hindi rin niya ma-contact at offline din ito. Una inisip niyang baka lowbat lang, pero habang tum

  • ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?   CHAPTER 24: Tinolang Katotohanan

    “Oh..Bakit parang gulat na gulat kayo… ano ba ’yan…” tanong ni Cris nang mapansin na tila may tinago agad ang tatlo. “Ah wala ’to bossing… naiwan yata ng customer,” agad na sagot ni Gemma. “Ano pala yung hinahanap mo boss?” tanong ni Nilo. “Yung extra blade ng meat grinder natin?” “Ah… sa cabinet sa stock room boss… teka lang po kukunin ko.” “Sige… ikaw na lang din magpalit nun sa grinder.” “No problem po.” Bumalik agad si Cris sa kusina at naghiwa-hiwalay na rin ang tatlo, nagsibalikan sa kani-kanilang gawain. Samantala, tinapon ni Gemma sa basurahan yung brown envelope kasama ang laman nito. As usual, abala ang araw sa karinderya, ngunit kapansin-pansin ang tila katahimikan nila Nilo at Gemma, at tila hindi sila mapagbiro kay Cris sa araw na ’yun. Kinagabihan, nagsasara na si Cris sa karinderya habang sweet silang nagvi-video call ni Sol. “Sige na, magpahinga ka na d’yan babe… I know pagod ka na at gigising ka pa madaling araw para pumunta sa palengke…” “Ikaw naman, ingat

  • ALIN ang MASARAP ... Luto Ko O Ako ?   CHAPTER 23 : Miss Kita Ala Pobre

    “Sol… gising ka pa ba…?” pabulong na tanong ni Cris. Hindi na siya nasagot ni Sol. Napangiti na lang siya habang pinagmamasdan si Sol na tuluyan nang nakatulog sa tabi niya at nakasandal pa rin sa braso niyang nangangawit na. Mahimbing at payapa na nakatulog si Sol sa ilalim ng malamig na hangin sa rooftop katabi ng kanyang minamahal. “Napagod ka siguro sa biyahe…” bulong niya habang marahang inaayos ang buhok ni Sol na tumatama sa mukha nito. Maingat niya itong binuhat. “Ang gaan mo lang…” mahina niyang biro habang dahan-dahang bumababa ng hagdan, iniiwasang magising si Sol. Pagdating sa kwarto, inilapag niya si Sol sa kama, inayos ang pagkakahiga nito at marahang kinumutan. Saglit siyang napatingin dito at hinalikan niya sa noo. Bahagyang gumalaw si Sol. “Dito ka muna matulog… doon na ako sa sala. Goodmornight… babe…” bulong niya bago siya tumalikod, pinatay ang ilaw at lumabas ng kwarto. … “Arf… arf… arf…” “Hmm…” napakunot ang noo ni Sol habang nararamdaman niya na may hum

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status