LOGINPagod na pumasok si Sol habang inaalis ang suot nitong heels. "Babe... nandito na ako." Mula sa kusina ay agad sumilip si Cris. "Welcome home." Napangiti si Sol nang makita siya. "Ang bango." Lumapit agad si Cris at marahang kinuha ang laptop bag at shoulder bag nito. "Ako na." "Babe, kaya ko." "Hindi. Relax ka lang." Maingat niyang inilapag ang mga bag ni Sol sa sofa at inalalayan pa itong maupo sa dining chair. "Maghuhugas muna ako ng kamay." "Sige, Babe. Tatapusin ko lang ang pag-aayos ng mesa." Ilang saglit ay bumalik si Sol sa dining table. Nakahain na ang iba't ibang pagkain. May mainit na beef bulalo, fresh garden salad, at bagong saing na kanin. Napatingin doon si Sol. "Ano 'to?" Napangiti si Cris habang inilalapag ang huling kubyertos. "Siya ang bida ngayong gabi." "Remember the dish that won me the International Young Chef Challenge?" Tumango si Sol. "Ah eto pala Ang H.O.M.E." "Hindi mo pa 'yan natitikman. Kaya naisip kong ikaw ang unang ipagluto ko nit
Bago tuluyang lisanin ang Vienna, pumunta si Cris sa isang maliit ngunit prestihiyosong jewelry boutique sa lumang bahagi ng lungsod.Pagpasok pa lamang niya ay agad siyang sinalubong ng isang sales consultant."Good afternoon, sir. How may I help you?"Napangiti si Cris."I'm looking for an engagement ring.""Certainly, sir. Do you have a particular design in mind?"Umiling siya."Not really. I just want something simple... but timeless."Isa-isang inilabas ng consultant ang iba't ibang disenyo ng engagement rings. Tahimik na pinagmasdan ni Cris ang bawat isa hanggang sa huminto ang kanyang tingin sa isang 18-karat rose gold ring. Nasa gitna nito ang isang princess-cut diamond na kumikislap sa ilalim ng ilaw, habang magkabilang gilid ng manipis na band ay napalamutian ng maliliit na blush-pink sapphires na banayad ang kinang. Hindi ito ang pinakamalaki o pinakamamahal na singsing sa boutique, ngunit may kakaibang ganda itong hindi niya maipaliwanag.Parang si Sol.Simple but elegant.
Tatlong linggo na ang lumipas mula nang manalo si Cris sa International Young Chef Challenge.Kasabay ng paglipas ng mga araw ay unti-unti ring nagbago ang takbo ng kanilang komunikasyon.Napansin ni Cris na hindi na kasing sigla ng dati si Sol tuwing magkausap sila. Kung dati ay halos hindi ito maubusan ng kuwento tungkol sa nangyari sa opisina, ngayon ay ilang minuto pa lang ang video call nila ay nagmamadali na itong magpaalam."Babe, may kailangan pa akong tapusin.""Bukas na lang tayo magkuwentuhan, ha?"Sa una ay inisip niyang baka stress lang ito.Pagkatapos ay sinabi niyang baka epekto lang iyon ng problemang kinakaharap ng Prima Sorrento.Hanggang sa halos siya na lang ang laging unang tumatawag. Siya na rin ang laging naghahanap ng tamang oras para makausap ang kasintahan.At kahit ramdam niyang may nagbago, pinili pa rin niya itong unawain. Alam niyang hindi biro ang responsibilidad na pasan ni Sol bilang CEO.Kaya nang dumating ang araw ng kanyang kaarawan, wala siyang iba
Dumating ang medical responders ng Prima Sorrento ilang sandali matapos ang tawag."Give us some space!"Maingat nilang inilipat si Sol sa stretcher."BP is dropping.""Let's move!"Kasabay ng pagtakbo ng mga paramedic palabas ng conference room ay mabilis ding sumunod si Dianne."Kailangan ko siyang samahan!"Isa sa mga security personnel ang humarang sa mga empleyadong nagkakagulo sa hallway."Please give way!"Halos lahat ng staff ay napatingin habang mabilis na isinusugod ang kanilang CEO palabas ng gusali.Mabilis na isinakay ng mga paramedic si Sol sa nakaparadang ambulansiya sa harap ng Prima Sorrento Building.Bago tuluyang maisara ang pinto, sumakay rin si Dianne at umupo sa tabi ni Sol."Ma'am, kamag-anak po ba kayo ng pasyente?" tanong ng isa sa mga paramedic habang ikinakabit ang oxygen mask sa mukha ni Sol.Umiling siya."Hindi... I'm her executive secretary."Tumango ang paramedic."Hold her hand.""At kausapin n'yo siya.""May posibilidad na naririnig pa rin niya kayo."
Pagbalik ni Sol sa kanyang opisina matapos ang check-up sa OB, maingat niyang inilagay sa pinakailalim ng drawer ng kanyang mesa ang maliit na brown envelope na naglalaman ng unang ultrasound photos ng kanilang baby."Next month ko na ipapakilala sa'yo ang baby natin, Babe..." mahina niyang bulong."Birthday surprise ko sa'yo 'to."Hindi niya napigilang mapangiti. Kung manalo pa si Cris sa International Young Chef Challenge, mas magiging espesyal ang selebrasyon nila.Isasara na sana niya ang drawer nang biglang pumasok si Dianne na may bitbit na tablet at makapal na folder."Pwede bang mamaya na muna yang lovelife?"Napatawa si Sol."Hay naku... eto na naman ang Reyna ng mga Marites.""Hindi ako naglo-lovelife rito. Nagtatrabaho ako, 'no.""Talaga ba?" nakangiting tukso ni Dianne. "Eh bakit ganyan ang ngiti mo? Huwag mo 'kong lokohin. Sigurado akong tungkol na naman 'yan kay Chef Boyfriend."Napailing si Sol. "Baliw."Ngunit napansin niyang biglang naging seryoso ang mukha ng kaibiga
Umalingawngaw ang boarding announcement. Napatingin si Sol sa monitor. "Time na." Tumango si Cris, kahit halatang ayaw pa nitong bumitaw. Dahan-dahan silang tumayo. Mahigpit siyang niyakap ni Cris. "Mag-iingat ka." "Ikaw rin." "Huwag kang magpapagod masyado." Napangiti si Sol. "Promise." Marahan siyang hinalikan ni Cris sa noo at sa labi bago siya muling niyakap ng mahigpit. "I love you." "I love you too." Huminga nang malalim si Sol bago hinila ang kanyang maleta at naglakad papunta sa boarding entrance. Ilang hakbang pa lamang ay muli siyang lumingon. Nakatayo pa rin si Cris sa parehong puwesto. Nakangiti. Pero halatang pilit lamang nitong itinatago ang lungkot. Kumaway si Sol. Kumaway rin si Cris. Hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa likod ng security checkpoint. Nanatili pa ring nakatayo si Cris sa kanyang puwesto. "Six months… at uuwi na rin ako, Babe." __________________________ Tatlong buwan ang lumipas... Halos magkasunod na dumating ang mga pagbabagong ma
Nag hahanda na sila umuwi.. Before they left the resort, namili muna sila sa souvenir shop. Habang abala ang lahat sa pamimili ng mga souvenir items, pasimpleng lumapit si Cris kay Sol. Tahimik niyang hinila palabas, pumunta sila sa likod ng shop. “Bakit ba… ano ginagawa natin
“Okay… makinig muna kayo lahat…” Maaga pa lang pero buo na ang presensya ni Cris sa gitna ng karinderya habang tinipon niya sa harap niya ang mga tauhan. Magaan ang galaw niya ngayon, parang walang bakas ng awkward na nangyari kahapon. Saktong pagpasok ni Sol… siya ang huling dumating. “Sorry… l
“Ano ang pangalan mo, miss?”Tanong ng pulis habang nasa loob na sila ng estasyon.“Ann… ako si Sol Pedrino.”Muntik pa niyang masabi ang totoong buong pangalan. “Kayo, sir, ano ang pangalan?”“Ah… Crisanto Domingo po.”Sa tabi, ngumisi nang bahagya si Sol.“Hmm… ang panghi naman ng pangalan,” bu
“Manong, pwede bang huminto muna tayo… nasusuka ako.”Napatingin agad ang driver sa rearview mirror, halatang nag-aalala. “Ma’am, malapit na po tayo sa simbahan, konti na lang...”“Please… hindi ko na kaya,” sabat ni Sol habang pinipikit ang mga mata at pinipilit magmukhang nahihilo.Hindi na ito n







