Matapos nilang bumalik sa Planetarium, nagkanya-kanya ng trabaho ang lahat ng mga tauhan niya ayon sa kanyang inutos. Papasok na sana siya sa kanyang chamber ng biglang lumuhod ang isa sa kanyang mga tauhan sa kanyang harapan dahilan upang huminto siya sa paglalakad.“My Lord, patawad po, ngunit nakatakas po ang dalawang bihag natin.”Hindi man lang niya pinag-aksayahan na tingnan ang tauhan niya na lumuhod sa kanyang harapan. Pinasok niya ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon niya. “Bakit nakatakas?” kalmado niyang tanong ngunit ramdam ng lahat na mga nakapaligid sa kanya ang takot.“M–my Lord, hindi ko po alam kung bakit, ngunit pagbalik ko po sa kanilang kulungan, wala na po sila.”“At nasaan ka?” unti-unting lumiliit ang pasensya niya.Namumutla ang tauhan nag nagbabantay sa bihag. Pautal-utak itong sumagot. “Ka-kasalukuyan po ak-akong may ginagawa noong tumakas sila, m-my Lord.” “Baril,” isang salita lang ang binigkas niya ngunit naintindihan agad iyon ni Levi na kanyang na
"Zariah, why did you do that?" Galit na wika ni Clyde habang hinahabol ang kapatid sa paglalakad. Kasalukuyan sila nasa loob ng DelCas School. Kung dati hiwalay sila ng eskwelahan, ngayon dalawa na sila ang nag-aaral dito. Alam na rin ng lahat na kambal sila na anak ng CEO. Galit siya dahil sinuntok ng kapatid ang kaklase nila."To escape the Class!" Huminto si Zariah sa paglalakad at binalingan siya."Why? What is your problem, huh?" Lumapit siya sa kapatid. Protector siya nito physically and emotionally. Ayaw niyang nakikita na nasasaktan ang kapatid niya. Niyakap niya ito ng bigla na lang umiyak."Tell me my little sister," bulong niya sa kapatid."Kuya I'm sorry, but that is part of the plan. I have no problem, but we need to go out and find mommy," sagot ni Zariah sa pabulong na paraan na sila lang ang nakakarinig. Maraming mga men in black na nagbabantay sa kanila, ngunit alam ni Zariah na may ilan na nagpapanggap lang. Sa tuwing gabi, nakababad siya sa harapan ng laptop upang p
Sumenyas si Clyde sa kambal na siya muna ang tatayo para alamin kung tuluyan ng nakaalis ang mga tauhan. Hindi naman gumalaw si Zariah mula sa kanyang kinaroroonan. Bumangon lang siya ng makita na pinapaypay siya ng kambal. "Tulungan mo akong humanap ng panghukay." Wika ni Clyde at nagmamadaling inikot ang paligid sa paghahanap ng gagamitin."Kuya, ito ang ginagamit nila sa paghuhukay kanina." Tinaas ni Zariah ang spade at shovel para makita ng kuya niya.Mabilis naman na lumapit si Clyde sa kambal at kinuha ang spade. "Halika bilisan natin, baka hindi na makahinga si Mommy. Almost 3 minutes na ang nakalipas." Nagmamadaling wika ni Clyde habang hinuhukay ang pinag libingan sa mommy nila. Hawak naman ni Zariah ang shovel, tinulungan niya ang Kuya niya na magbungkal ng lupa."Bohoho, Kuya I'm really tired na, ngunit hindi pa tayo nangalahati sa paghuhukay. Baka hindi na makahinga si mommy." Binalingan ni Clyde ang kapatid. Kahit nanlalabo na sa pinaghalong pawis at luha ang kanyang mg
Malakas na hinagis ni Clarence ang katawan ng tauhan na pinaghahampas niya sa hukay bago patakbong hinabol ang apat na gustong tumakas sa kanya.“Saan kayo pupunta, huh?” Nanlilisik ang kanyang mga mata na inunahan sa pagtakbo ang apat at hinarangan ang mga ito. Mabilis niyang tinadyakan ang dalawa at pinatid sa paa ang sumunod na dalawa pa. Sabay-sabay ang mga ito na natumba. Tinagurian ang mga ito na malakas sa mga grupo na pinili niya, ngunit parang papel lang ang lakas ng mga ito para sa kanya. Sabay-sabay na lumuhod ang mga ito sa kanyang harapan habang umiiyak. “My Lord, pata—,” Pak “Arrgh!” umigting na naman ang mga panga niya ng marinig ang salitang patawad. Kaya hindi na niya pinatapos pa na kumpletuhin ang pagsasalita nito at agad na niyang binali ang buto sa leeg. Walang puwang sa puso niya ang salitang patawad, lalo na at binigay niya ang buong tiwala niya. Ipinagkatiwala niya sa kamay ng mga ito ang kanyang pamilya dahilan na kahit sarili niya ngayon hindi niya rin kayan
"Bakit master?" Nag-alalang tanong ni Lesly ng marinig ang pagmumura ni Clarence. Imbes na sagutin ang tanong ni Lesly. Iba ang pumapasok sa isipan ni Clarence kaya niya ito tinanong. "Nakita niyo na ba si Jano?" "Hindi pa master. May iniwan akong mga tauhan doon upang magmanman sa lugar sakaling may barkong parating. Nabalitaan ko kasi mula kay Donya Amanda ang nangyari kay Master Red kaya nagmamadali kaming bumalik rito." "Ano oras ang dating ng barko nila?" tanong niya. "Mamayang mga alas onse ng gabi pa raw ang dating nila, Master. Inutusan lang kami ni Master Red na magmanman doon ng maaga upang makapaghanda kaagad kami. Baka daw sinabi lang na sa gabi darating ang mga iyon ngunit ang totoo sa umaga pala sila aatake." Nagbuga ng hangin si Clarence. Nakapamewang na tinitigan niya si Lesly. "Sino ang nag inform kay Ciara na parating si Jano?" "Mayroon lang daw siyang natanggap na impormasyon, Master. Kaya pinapunta niya kami upang kumpirmahin kung totoo ang impormasyon na kan
“Doctor Cail!” sigaw ni Clarence ng maabutan niya ang Doctor na papasok sa sasakyan nito. Nakita niyang sandali itong tumigil sa pagbukas ng pintuan ng kotse. Malaki ang kanyang mga hakbang na nilapitan ito bago pa ito tumakas sa kanya.“Ano ang kailangan mo?” Halata ang panunuyo ng lalamunan ng Doctor habang nagsasalita. Ramdam niya ang kaba nito.“Alam mo kung ano ang dahilan kung bakit gusto ka namin makausap ng asawa ko.” sagot niya dahilan upang mapatitig sa kanya ang Doctor.“Ikaw ang ama ng dalawang kambal?” tanong nito.“Oo, kaya gusto kong malaman kung ano ang nangyari bakit nagkahiwalay sila? Paano napunta sa akin ang isang anak ko, samantalang ang isa naman nanatili kay Ciara?” naguguluhan niyang tanong. Nakita niyang nagpalinga-linga ang Doctor sa paligid bago binalingan siya.“Hindi na mahalaga na malaman mo. Kung gusto mo ng tahimik na buhay, huwag mo ng alamin.” sagot nito sa kanya dahilan upang umakyat ang dugo sa ulo niya. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito na
“Master,” tawag ni Conrad habang nakaluhod ito sa harapan ni Clarence. Si Brando naman nanatili lang nakatayo sa gilid niya. “Tumayo ka.” utos niya kaya tumalima naman ito at mabilis na tumayo. Sinimulan na niya ang pagtatanong rito. “Conrad, nabanggit mo sa akin noon na inutos ni Mommy na patayin si Ciara. Noong hinatid mo si Ciara sa loob ng Lying-in clinic, nakita mo ba kung sino ang dumukot sa bata?” Sandaling nag-isip si Conrad at umiling-iling ito. “Master, hindi ko na po alam ang nangyari dahil iyak lang ng bata ang narinig ko. Nang balak ko ng pasukin ang silid kung saan si Master Ciara nanganganak, bigla na lang may pumalo na matigas na bagay sa ulo ko kaya ako nawalan ng malay.” paliwanag nito. “Kilala mo ba kung sino pa ang ibang tauhan na inutusan ni Mommy upang patayin si Ciara?” “Kilala ko ang ilan master, ngunit sa dami namin, hindi ko na rin alam kung sino pa ang ibang inutusan ni Madam Leticia.” “Name them.” utos ni Clarence. Nakakuyom na ngayon ang kanyang kam
“Ano ang ibig ninyong sabihin?” sabay na tanong ni Ciara at Clarence. Sandali silang nagkatinginan at muling inilipat ang tingin sa matanda. Tinitigan nito si Ciara. Noong gabing kinuna ang anak mo—" hindi muna nito tinuloy ang pagsasalita. Tila nagbago na ang isip dahil nagpakawala na lang ito ng malalim na buntong hininga at iba ang idinutong, "Ama sa ama, anak—" "Put**ng ina! Bakit hindi mo na lang kami diretsahin?" Galit na sumingit si Clarence sa pagsasalita ng matanda dahilan upang sandali itong tumahimik. Naiinis siya sa paulit-ulit na lumalabas sa bunganga nito gayung hindi naman maarok ng utak niya kung ano ang itinutumbok nito. Sandali siya nitong tinitigan. May biglang umusbong na galit sa mga mata nito habang nakatitig sa kanya. "Pasalamat ka at nandyan si Master William noong gabing tinangay ang anak mo dahil kung hindi baka hanggang kamatayan mong isumpa ang ina mo!" Madiin nitong wika sa kanya. Nagulat silang dalawa dahil sa sinabi nito. Mukhang ito na ang sagot sa