LOGIN
"Hindi ba at ito naman talaga ang gusto mo? Pwes pagbibigyan kita."
-------Biglang nanlaki ang kanyang mga mata nang lumapit na ito sa kaniya at biglang hinawakan ang dalawa niyang kamay. “Anong ginagawa mo? Huwag! Tumigil ka!” sigaw niya nang pigilan nito ang dalawang niyang kamay gamit ang isang kamay nito at ang isa naman ay ginamit nito para hubaran siya.
“Sa totoo lang ay hindi ko pinangarap na gawin ang bagay na ito sayo.” sabi nito at pagkatapos ay idiniin siya nito sa sofa. Iniharang nito ang magkabila nitong mga binti sa magkabilang panig niya. “Ikaw ang may gusto nito kaya pagbibigyan lang kita at higit sa lahat ay wala kang karapatang umangal. Naiintindihan mo ba?!” tanong nito sa kaniya at hinawakan pa nito ang kanyang magkabilang pisngi gamit ang kamay nito.
Pilit siyang umiling. “A-ayaw ko ng ganitong klaseng paraan… please, pakawalan mo ako Lawrence…” pakiusap niya rito at nag-uumpisa na ulit na mag-init ang sulok ng kanyang mga mata.
“What? E anong klase ang gusto mo huh?” sarkastikong tanong nito sa kaniya.
Tinitigan niya ito at sinalubong ang mga matatalim nitong mga mata bago tuluyang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. “Hindi ganito ang gusto ko… ayoko ng s3x lang, gusto kong gawin iyon kasama ka oo pero may kasamang pagmamahal…” sambit niya habang nakatitig dito.
_________ NAPABUNTONG-HININGA si Asha habang kumakain ng mga oras na iyon. Hindi niya alam pero parang napaka-bigat ng gising niya nang umagang iyon. Bigla-bigla na lang pumasok sa isip niya ang kalagayan niya. Namatay ang nanay niya dahil sa sakit noong sampung taong gulang siya at dahil wala siyang kamag-anak na kilala ay pinatira siya ng dati nitong amo sa bahay nito at tinanggap na parang kamag-anak. Kahit na ang tingin ng ibang tao sa nanay niya ay isang kabit. Sa mansyon na iyon na siya nagkaisip kaya hindi na rin siya tumanggi pa na tumira doon kapalit ng pagtulong niya sa mga gawaing bahay. Idagdag pa na napakabait naman ng lalaking amo niya at pinag-aral pa siya at binihisan. Nag-aaral siya ngayon sa isa sa mga sikat na unibersidad sa bansa at graduating na siya sa kurso niyang Management Accounting. Noong bata pa siya ay palagi niyang naririnig na kinukutya ang nanay niya at maging ang mga batang kalaro niya ay paulit-ulit na sinasabi na ang nanay niya ay isang kabit ngunit palagi ding sinasabi ng nanay niya na huwag niyang pansinin ang mga ganuong klaseng tsismis dahil hindi iyon totoo. “Asha…” dahil sa pagtawag na iyon sa pangalan niya ay bigla siyang nahila sa kanyang pag-iisip. Nang iangat niya ang kanyang ulo ay nakita niya ang boss at padre de pamilya ng mansyon na iyon na nakatayo sa harap niya. “Bakit po?” magalang na tanong niya rito. Bahagya lang naman itong ngumiti sa kaniya. “May sakit kasi ang driver ngayon kaya ipapahatid na lang kita kay Lawrence.” sabi nito sa kaniya. Sandali siyang natigilan nang marinig niya ang pangalan ni Lawrence at hindi niya namalayan na bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso niya. Si Lawrence lang naman ang taong nagpatibok ng puso niya simula noong bata pa siya kaya nga lang ay sukdulan ang galit nito sa kaniya. “Ano nga yung sasabihin niyo sa akin Dad?” biglang may isang tinig na nagmula sa pinto ng kusina. Sa boses pa lang nito ay alam na niya kaagad kung sino iyon kaya awtomatiko niyang ibinaba ang kanyang ulo at hindi naglakas ng loob na salubungin ang mga mata nito. Bumilis din ng wala sa oras ang tibok ng puso niya at sa halip ay nagkunwari na lamang siyang busy pa rin sa kanyang pagkain. “Gusto kong ihatid mo ngayon si Asha sa paaralan dahil—” hindi pa man natatapos ni Don Lucio ang sinasabi nito ay kaagad na nitong pinutol iyon. “Busy ako.” maikling sabi nito. “Busy ka na naman? Saan ka na naman pupunta? Pwede ba, Lawrence. Tigil-tigilan mo na ang paglalakwatsa mo. palagi ka na lang umaalis at ni hindi mo na nagagawa ang mga dapat mong gawin.” sermon nito bigla sa anak kasunod ng isang mahabang buntong-hininga. Dahil doon ay sumabat na siya sa usapan ng mga ito dahil baka mamaya ay mag-away pa ang mga ito dahil lamang sa kaniya. “Sir hindi na po kailangan. Magcocommute na lang po ako.” Binalingan siya ni Don Lucio at bahagyang umiling. “Hindi hija. Lawrence, ihatid mo siya ngayon din.” matigas na sabi nito sa anak nitong nakatayo sa harap nito. Sa puntong iyon ay tinapunan siya ng matalim na tingin ni Lawrence at kitang-kita niya ang pagtaas ng sulok ng mga labi nito. “Arte-arte ka pa, e alam ko namang ito ang plano mo.” inis na sambit nito na ikinapanlaki ng kanyang mga mata at dali-daling umiling. “Hindi. Hindi ko…” hindi niya magawang ituloy ang kanyang sinasabi dahil pakiramdam niya ay may daan-daang piraso ng karayom ang tumusok sa kanyang dibdib. Palagi itong ganito sa kaniya, kahit na anong kabutihan ang ipakita niya rito ay wala itong silbi dahil nakatatak na sa isip nito na masamang tao siya. Hindi niya na kayang baguhin pa ang tingin nito. “Lawrence!” muling saway ng ama nito ngunit mas naging madilim lang lalo ang mukha nito. “Paano mo naatim na sabihin kay Asha ang mga ganyang bagay?” hindi makapaniwalang tanong nito sa anak ngunit alam niya na walang pakialam si Lawrence kahit na pagalitan ito ng ama. Ilang sandali pa ay nakita niya ang paggalaw ng panga nito ngunit ibinuka din naman ang bibig. “Sumunod ka sa akin.” malamig na sabi nito. Dahil doon kahit na hindi pa man niya natatapos ang kanyang kinakain ay dali-dali na siyang tumayo at inilagay sa sink ang kanyang pinagkainan bago patakbong sumunod sa papalayong si Lawrence dala ang kanyang bag. Wala siyang oras na sinayang dahil natatakot siya na baka magalit na naman ito sa kaniya at iwanan siya nito lalo pa at alam niyang labag na labag sa kalooban nito ang gagawin. Sa kabila ng galit nito sa kaniya, ang simpleng pagkakalapit nila ng ganun ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng kilig. Hindi niya namamalayan na paglabas niya pala ng gate ay inaabangan na siya nito at bigla na lang nitong hinablot ang kanyang braso at bago pa man siya makapag-react ay tumama na ang kanyang likod sa hood ng kotse na nakaparada sa likod niya. “Aray… Lawrence, nasasaktan ako…” mahinang sabi niya rito ngunit nakita niya na puno lang ng pangungutya ang mga mata nito na may kasamang matinding pagkamuhi. “Kung ano man ang binabalak mo ay huwag mo ng ituloy pa dahil hinding-hindi ako magiging katulad ni Daddy na papatol sa babaeng kagaya ng nanay mo!” galit na galit na sambit nito. Hindi siya nakapagsalita nang mga oras na iyon at napatitig lang dito hanggang sa pabagsak siya nitong binitawan. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung bakit ganun na lamang ang tingin din nito sa kaniya katulad ng ibang mga tao. Isa pa, alam niya ang lugar niya kahit na may gusto pa siya rito ay hindi naman ibig sabihin nun na aakitin niya ito dahil imposibleng gawin niya iyon lalo pa at muhing-muhi ito sa kaniya.ALAM ni Candice na kaya nito sinasabi ang mga iyon sa kaniya ay dahil sa gusto siya nitong i-provoke. “May tiwala ako kay Luke.” sabi niya rito.“Sa tingin mo ba talaga ay may kakayahan siya?” bukod doon ay napatawa ito, tawa na hindi nakakaaya sa halip ay nakakagalit ng sobra. Habang nakatingin dito ay napuno ng poot ang kanyang mga mata. Sa itsura nito noong mga oras na iyon ay paano nito nagagawang sabihin iyon? Kung walang kakakayahan si Luke, sa tingin ba nito ay daranasin nitong makulong doon? Sana lang ay naroon si Luke para marinig ang mga salitang iyon dahil paniguradong hindi nito iyon palalampasin kung sakali man at kung may gawin man ito rito, hinding-hindi niya ito pipigilan dahil deserve nito iyon. “Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo ngayon dahil baka nakakalimutan mo na, nasa teritoryo ka nila at kahit na isang pagkakamali mo lang, paniguradong tapos ang buhay mo.” babala niya na totoo naman.Tumawa itong muli. Humawak din ito sa bakal na nakapagitan sa kanilang dalawa at
AKALA niya ay ang mga normal lang na tauhan ni Luke ang mga naiwang kasama nila doon pero hindi niya akalaing naiwan din pala doon ang pinaka pinagkakatiwalaang tuahan ni Luke. naglakad lakad siya sa dalampasigan nang bigla na lang siya nitong lapitan. “Huwag sana kayo masyadong lumayo Miss Candice…” magalang na sabi nito sa kaniya.Sa halip ay hindi niya ito sinagot at nakatitig lang sa dagat. “Nandito ka pala, bakit parang hindi kita nakita nitong mga nakaraa?” tanong niya rito na medyo nagtataka. Araw-araw siya doon, araw araw din silang naglalakad-lakad ni Luke pero kahit anino nito ay hindi niya nakita.“Hindi niyo lang ako siguro ako napansin Miss Candice.” sagot nito sa kaniya.Isang ngiti ang sumilay sa mga labi niya. “Bakit parang napaka pormal mo naman yata sa akin ngayon? Pwede mo naman akong tawagain sa pangalan ko lang katulad noon.” “Mas pipiliin kong tawagin kayong Miss.” walang ekspresyon na sagot nito sa kaniya.Mas naging mapait ang mga ngiti ni Candice. Hindi bilan
HINDI nila namamalayan na isang oras na pala ang mabilis na lumipas. Habang nagkwekwentuhan silang dalawa ay umiinom sila ng wine at ang sabi nito ay hindi naman iyon nakakalasing pero habang tumatagal ay pakiramdam niya ay unti-unti siyang nalalasing. “Tama na… ayoko na…” sabi niya pagkalipas ng ilang sandali.Ngumiti ito sa kaniya at hinaplos ang pisngi niya. “Tama na nga. Namumula na ang mga pisngi mo…” bulong nito sa kaniya.Napatitig lang siya rito. “Pwede mo na bang ibigay sa akin ngayon ang cellphone ko? Gusto ko lang tawagan ang kapatid ko.” “Hindi pwede. Ako na lang ang bahalang magsabi sayo ng mga balitang makukuha ko.” Napasimangot na lang si Candice. Wala siyang magawa laban dito. Ni hindi man lang siya nito bigyan ng pagkakataon na makausap niya ang kapatid niya lalo na at baka nag-aalala na rin ito sa kaniya. Napa buntong hininga na lang siya sa inis niya. Pero kahit na mainis pa siya ay wala naman siyang magagawa.“Halika na nga lang rito.” sabi ni Luke at bigla siyan
MABILIS na napailing si Candice. “Of course not! Kailanman ay hindi ka nawala sa puso at isip ko.” sagot niya rito.“Then, kung ganun naman pala ay hindi mo kailangang isipin ang ibang tao. Ang importante ay ako at ikaw, tayong dalawa. Ang nararamdaman natin para sa isat-isa, naiintindihan mo ba?” Kung iisipin ay parang napakadali lang ng lahat pero para sa kaniya ay isa lang ang ikinakatakot niya, ang maging dahilan na naman ng sakt sa buhay ni Luke. ayaw niyang mangako. Ayaw niyang umasa ito dahil baka hindi niya iyon kayang tuparin na buong buhay niyang pagsisisihan. Hindi siya sumagot. “Fine. hindi kita pipilitin but please… hayaan mo akong tulungan ka okay? Hayaan mo akong samahan ka sa laban mong ito. Sasamahan kitang harapin ang lahat ng ito.” muli siya nitong hinalikan sa kanyang noo. ~~~~~NANG magising si Candice kinabukasan ay medyo wala siya sa mood. Matamlay din siya dahil hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil na rin sa pag-aalala niya sa kapatid niya. Kahit na
SANDALI itong naging tahimik at nakatingin lang sa kaniya. “Ganun mo na ba talaga siya kakilala?” hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya ay may bahid ng pait ang bawat salita nito.Nag-iwas siya ng tingin. “Magkasama na kami noon pa, noong iwan kita at—” bigla siyang napatikom ng kanyang bibig dahil pakiramdam niya ay hindi tama ang nasabi niya. Na napasobra ang mga sinabi niya. “Gusto mo bang balikan siya? Gusto mo bang bumalik sa kaniya?” tanong nito sa kaniya pagkalipas ng ilang sandali.“Hindi ko gustong bumalik sa kaniya, gusto ko lang na iligtas ang kapatid ko.” “Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin na tutulungan kitang iligtas ang kapatid mo? Hindi ko siya pababayaan.” muling sabi nito sa kaniya.“Huwag mo akong paasahin Luke. Alam kong wala kang ibang gustong mangyari kundi ang makaganti sa akin, ang pahirapan ako kaya imposible ang sinasabi mo.” “Candice, maniwala ka sa akin. I am telling you the truth…” Hindi siya sumagot. Alam nito kung anong nararamdaman niya k
PAGKATAPOS nilang mag-usap na tatlo ay lumabas na rina ng dalawa. Naiwan siya sa loob ng silid at tahimik na umupo sa gilid ng kama. Pinagmasdan niya ang mukha ni Candice habang mahimbing na natutulog. Kahit ilang taon na ang umipas simula noong tailuran siya nito ay hindi na niya nagawa pang magmahal ng iba. Wala ng ibang babae pa ang nagpatibok ng puso niya at ngayong alam na niya ang totoo at alam na niya ng dahilan nito kung bakit nito ginawa iyon ay hindi na siya papayag pa na muli itong lumayo at mawala sa tabi niya. Hindi na siya papayag pa. Hinawakan niya ang kamay nito. “Huwag mo na ako ulit iiwan okay?” mahina niyang bulong bago siya yumuko at hinalikan ang noo nito. Wala siyang balak na gisingin ito dahil gusto niyang makapagpahinga ito ngunit huli na ang lahat dahil unti-unti na nitong iminulat ang mga mata. “Nagising ba kita?” tanong niya. Hindi ito sumagot at nakatitig lang sa kaniya ang inaantok pa nitong mga mata. Hinaplos niya ang ulo nito. “Gutom ka na ba? Gusto m
DUMIRETSO KAAGAD si Lawrence sa pangalawang palapag ng club pagdating niya. Wala kasi siyang nakita na kahit anino ni Asha sa baba. Pagpasok pa lang niya doon ay mabilis na ang tibok ng kanyang puso. Isa pa ay binayaran niya ang isa sa mga waiter para lang malaman niya kung nasaan ang boss ng mga i
Hello po, alam kong nag-aabang pa rin kayo sa pagpapatuloy ng story ni Miri at Adam at opo, itutuloy ko pa rin po siya pero po sa ngayon sa isangvstory po muna ako mag-focus. Ang story po ni Sevi Alvaro, ang panganay na anak ni Asha at Lawrence. Baka gusto niyo pong basahin^^ FATED TO BE MINE po a
MATIIM ang mga mata ni Adam na nakatingin sa kaniya naging dahilan para magsunod-sunod ang paglunok niya. “Ka-kailan ka pa nandiyan?” tanong niya rito habang mahigpit na nakahawak sa kanyang cellphone at umaasa na sana ay hindi nito narinig ang naging usapan nila ni Vanessa. Malamig ang mukha nito
KINAUMAGAHAN ay sinubukan ni Miri na hanapin ang kanyang cellphone ngunit kahit na anong hanap ang gawin niya ay hindi niya ito makita. Kahapon ay wala naman siyang ibang pinaglagyan kundi tanging sa bedside table lang naman pero wala ito doon. Halos maikot na niya ng ilang beses ang kanyang silid







